Chapter 10

Heartbreak Recipe
Please Subscribe to read the full chapter

Kinaumagahan, sadyang nagpa-late si Karina ng pasok. After kasi ng na-witness niyang kissing scene the other night, hindi pa rin siya mapakali kung anong mararamdaman niya dito.

 

She keeps on telling herself na dedma, wala akong pakialam, pero curious rin naman siya at the back of her mind.

 

At dahil dito, ayaw niya munang makasama si Winter sa early morning routine nila papunta sa Starbucks sa may kanto. She feels like she needs to distance herself a bit from the idol.

 

Baka kasi masanay siya. O si Winter. O pareho.

 

“You’re late. Why are you late?” Bungad ng singer sa kanya pagpasok niya ng pinto.

 

She made sure to check the time dahil nga baka late siya at sira ang relo niya, pero wala pa namang alas nuwebe ng umaga. “Anong late? Quarter to nine pa lang naman. 9am naman ‘yung pasok ko talaga.”

 

Nakasimangot pa rin si Winter na parang wala ito sa mood, “Eh ‘di ba ano.. Pumupunta tayo sa SB para mag-coffee. Sabi ko diba sayo muna ‘yung credit card para sa susunod na visit natin.”

 

Hindi nakasagot si Karina. Wala naman kasi talagang mali sa ginawa niyang hindi pagpasok nang sobrang aga, pero bakit parang galit si Winter? Bakit parang nagtatampo ito?

 

Lahat ba talaga ng tao sa bahay na ‘to eh matampuhin? At kailangan kambingin?!

 

“Ito na ‘yung card mo..” Binigay na lang niya pabalik ito. “Hindi ko feel mag-coffee eh. Sorry.”

 

Ayaw na lang niyang sabihin na ang panget kasi ng gising niya dahil napanaginipan niya ang make out session ni Winter at ng best friend nitong si Kazuha.

 

Si Kazuha na pababa ng hagdan at sabog ang buhok, pero ang ganda pa rin. “Morning guys. Morning, Winter..” Dumerecho agad ito ng yakap sa singer and Karina had to look away and pretend she was busy preparing for breakfast.

 

Nagbubulungan ‘yung dalawa at hindi mawari ni Karina ang pinag-uusapan nila.

 

Usually, she doesn’t care sa mga pagchichikahan ng mga tao sa bahay ni Winter, but just this once, she wishes she can hear what the two friends are whispering about.

 

“You want coffee? Sa SB?” Karina finally heard Winter ask her friend. “Sige, magpapabili ako kay Jackson. But can we talk after that?” The tension thickened all of a sudden.

 

“Okay, but can we cuddle first? Uuwi na ako tomorrow sa Korea, so I need your lambing muna.” Napapadiin ang paggayat ni Karina ng spring onions dahil sa naririnig niyang kalandian.

 

Alam niyang tinitignan siya ni Winter, but she didn’t dare look back at the singer.

 

Again, just this once, aaminin ni Karina na naiinis siya.

 

And for what reason? Hindi niya alam! Wala siyang alam! Isa siyang bobo.

 

But she’ll pretend it’s because ayaw niyang may nagpi-PDA sa harap niya lalo na’t nagluluto siya. Parang gusto niyang budburan ng isang katerbang asin itong niluluto niyang Chinese Tomatoes and Eggs.

 

Buong umagang nakayupyop si Kazuha kay Winter, and it looks like Winter is just letting her friend do so. Parang napaka comfortable pa nga nila sa isa’t isa.

 

Minabuti na muna niyang tumambay sa backyard by the mini pool at mag-relax dito. Habol-tingin pa si Winter nung papunta siya sa likod.

 

(10:57am) Sungchan: Taguig ako.. Lunch?

 

(10:57am) Sungchan: I promise, hindi na ako magtatanong

muna. I just really wanna see you.

 

And since Karina is getting annoyed sa dalawang kiti-kiti sa living area, pumayag siyang lumabas kasama ni Sungchan. Maaga naman siyang nag-prepare ng lunch para dito sa bahay.

 

(11:02am) Me: Okay. Let’s meet sa TWF

 

Mukhang tapos na ang lambingan show sa sofa at si Winter na lang ang nandon. “Nagluto na ako ng lunch. I’ll go out for a while lang.”

 

Kadalasan naman ay walang problema kina Winter at Giselle na hindi siya all day nandito sa bahay, but she noticed Winter’s frown, “Okay lang ba?” Tanong niya dito to make sure.

 

“Pano ‘pag hindi?”

 

“Bakit naman hindi? May gagawin ba ako this afternoon?” Kung kailan naman ready to go na siya, biglang umeepal ang asungot.

 

“Ano.. Uhm..” Halatang-halata na nag-iisip lang ito ng kung anong maidadahilan. “Magpapaturo akong magluto! Oo. Nasa schedule ko ‘yon. Magpaturong magluto kay Karina..”

 

Pinakita pa nito kay Karina ang notes nito sa phone, na obviously ay kaka-type lang niya. May typos pa:

 

Scehdule for today:

 

1. Cooking lessons with Jimin

 

Hindi na lang pinansin ni Karina ang nakasulat niyang pangalan sa notes ni Winter. “Hindi ka ba nausuhan ng YouTube? Ang daming cooking lessons don! Hindi naman ako chef!”

 

“Eh kahit na!” Parang batang sagot ni Winter. “Para pagbalik ko sa Korea, marunong na ako!”

 

Karina paused. Para pagbalik niya sa Korea… Inuntog niya ang sarili niya sa katotohanan.

 

Ang totoo, kilalang-kilala ni Karina ang sarili niya. And if worse comes to worst, alam niyang capable siyang ma-attach nanaman kay Winter nang hindi sinasadya. Pero kailangan niyang pigilan no matter what.

 

Walang sense kung magiging close pa ulit sila. Babalik si Winter sa Korea, at nandon ang buhay niya. Whatever fantasy that Ning put in her head tungkol sa second chance as “Winter and Karina”, hindi na dapat mangyari.

 

Una pa lang, alam niya na yan.

 

Wala rin naman siyang balak.

 

“Ano? ‘Wag ka nang tumuloy ha! Turuan mo na ako..” Bumalik siya sa wisyo dahil sa pangungulit ni Winter. “Sige na.. ‘Di ka na nga pumasok nang maaga para sa coffee..” Nanumbat pa ito.

 

Hindi na nagprotesta pa si Karina, “Oo na, sige na. Kasali ba ‘yung.. jowa-jowaan mo?” Friend with benefits kamo!

 

“She’s not my girlfriend. Hindi ko siya jowa-jowaan,” Winter cleared defensively.

 

“Ahh, okay. So normal lang sa friends ang mag-kiss. Noted!” Nadala siya ng emosyon. “Joke lang, don’t mind me.”

 

Nakatitig lang si Winter sa kanya, probably wondering kung ano ang pinuputok ng butsi ni Karina. “I told you, she was just drunk.. I don’t like her like that.”

 

Kung mag-explain siya para naman kaming… Ahhh!

 

“‘Di mo need mag-explain.”

 

“You started it. Ikaw naman ang unang nagbanggit eh,” Winter countered.

 

For the first time in Karina’s life, ngayon lang siya natalo sa argument. Char. “Oo na. Kasama ba siya? Tawagin mo na nang matapos na agad ‘to.”

 

“She’s busy. Nag-iimpake na si Kazuha. Uuwi na bukas ‘yon sa Korea.” Karina caught the sadness in Winter’s voice. They must be really close and important to each other.

 

(11:10am) Me: Eow po sorry di ako makakapunta

di ako pinayagan ng client :/ I’ll text you after?

 

(11:13am) Sungchan: Oh okay. Sige

 

Hindi siya sanay na parang ang dry mag-text ni Sungchan. Hindi rin siya sanay na tumatanggi kay sa manliligaw para kay… Winter. Pero ngayon lang kasi nag-request ang client niya, kaya hindi niya matanggihan.

 

“Ano bang gusto mong lutuin?” Tanong niya kay Winter. “Hotdog? Ham? Itlog na walang lasa?”

 

Winter laughed, “Gusto kong mag-bake ng cake, actually.”

 

“Hindi rin naman ako marunong! Akala ko naman prito-prito lang,” Karina complained. “Nanood lang din ako sa YouTube.”

 

“‘Yung cheesecake na ginawa mo for me. ‘Yun na lang. I wanna make a cake for Kazuha too kasi paalis na siya tomorrow, so sort of a farewell cake na rin..”

 

Binabanas nanaman si Karina. “Sana bumili ka na lang ng dedication cake sa Red Ribbon. Papahirapan mo pa ako.” Parang hindi kasi deserve ni Kazuha ang cheesecake ni Karina.

 

“But I also wanna learn from you..” Winter said it so cutely at kinailangan ni Karina na i-activate ang manhid mode niya sa katawan para walang maramdaman.

 

“Taray, learn. Teacher pala.”

 

“Ha?”

 

“Wala! Game na.” Sinuot niya na ‘yung apron. Nakatingin lang sa kanya si Winter at hindi kumikilos. “Bakit nakatayo ka lang diyan? Kumuha ka na rin ng apron mo.”

 

The singer just innocently smiled, “San ba nakalagay? Kuha mo ‘ko.” Umiikot na lang talaga ang mata ni Karina.

 

Kumuha siya dun sa may dulo ng kitchen inabot kay Winter, “Oh. Sabihin mong ako pa magsusuot sayo ha.” The singer grinned at her at mukhang gusto nga nito na suotan siya ni Karina.

 

“Baldado ka ba?!” Pagbubunganga niya.

 

Hinawi niya ang buhok ni Winter at sinuot ang apron sa singer. Para pa niya itong niyakap dahil inabot niya ‘yung tali so she can tie the apron around her torso.

 

Pareho silang nagpipigil ng hininga ni Winter. Ang lapit kasi ng distansya nila sa isa’t isa, at naaamoy nanaman ni Karina ang pabango niya.

 

“Okay na,” she breathed. “Game na, game na.”

 

“O-okay. Anong unang gagawin?” Hindi nila magawang magtinginan. “I’ll get the cream cheese, where’s the cream cheese?” Para silang tanga.

 

“Ako na don. Go get the sugar.”

 

“Yes, chef!” Malokong sigaw ni Winter. Karina had to stifle a smile dahil parang bata ang singer, may pag-salute pang nalalaman. “Got the sugar, chef! Anong next?”

 

Hindi na chineck ni Karina kung tama ba ang kinuha ni Winter. Asukal lang naman kasi ito, at hindi naman siguro magkakamali ang k-pop idol sa pagkuha ng asukal.

 

Karina got the eggs and butter, at inutos niya kay Winter na kumuha ng graham sa pantry. Ang tagal nito bago bumalik. “Winter! Ang tagal mo! Graham lang yan!” Pinuntahan niya na ang singer at baka natatabunan na ito ng graham.

 

“Bakit ka nakatayo lang diyan? May flag ceremony ba bago makakuha ng graham?” She rolled her eyes at the seemingly confused girl.  

 

Kumamot na lang sa ulo si Winter, “Hindi ko makita. Nasan ba ‘yon?”

 

Napailing na lang si Karina at dere-derechong naglakad sa may harap ni Winter, getting the packed graham crackers, “Nasa harap mo lang. Baka kung nagsasalita yan, nag Annyeong na yan.”

 

They got all the ingredients ready.

 

Nag-preheat na rin si Karina ng oven, at hinahayaan niyang si Winter ang maghalo ng mixture ng cheesecake.

 

Ang lamig-lamig dito sa bahay, pero namumuo ang pawis ng k-pop idol sa noo. Labas pa ang dila nito na parang si Coco Martin sa Probinsyano. Natatawa si Karina, “Magpunas ka muna.” Inabutan niya ng tissue si Winter.

 

They realized na marumi ang kamay nito dahil sa paghahalo ng mixture, kaya napabuntong-hininga na lang si Karina at siya ang kumuha ng tissue, wiping Winter’s sweat all over her face.

 

Napapapikit pa si Winter habang pinupunasan siya ni Karina.

 

“Okay na,” Karina faked a cough to compose herself.

 

Winter opened her eyes, “Thank you.” Ito nanaman ang titigan portion nila na walang humpay.

 

Wala sa sarili si Winter na hinawakan ang mukha ni Karina, kaya naman nalagyan ito ng cheesecake batter sa pisngi, “Hala sorry!”

 

At bilang competitive queen si Karina

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
I’m super busy lately sa work and personal matters, but rest assured na hindi ko po ito igo-ghost! Updating soon! 🫶🏻

Comments

You must be logged in to comment
Gungdaengie
43 streak #1
Namiss ko si jopay 😭
tzuyu_once #2
Chapter 30: Author san ka na po:--(( nakakabitinnnnn looking forward sa update nyo. Ganda ng story shuta
Tortillos #3
Chapter 3: YUNG TAWA KO GRABE KAHIT NASA CHAPTER 3 PALANG AKO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
bigboy123
132 streak #4
Chapter 30: Jopay, kamusta ka na? 🥹
loonygirl22 #5
Huhu read this thinking na complete na siya noooooo! (Also ako lang ba Yunjin fan here??? Parang pwede eh — ugh, er for unrequited love good other person talaga ako!)
elevenelevenfine
#6
andito na din ako hehe
imwinter0101
#7
🤍
oldbellar #8
Chapter 30: hala feeling ko tuloy ako si karina na ghinost ni idol winter 😭😭😭
kaiclip #9
Chapter 30: 🥹🥹
fanficethusiast #10
Chapter 30: author balik ka na pls