Chapter 14

Heartbreak Recipe
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi makakuha ng tyempo si Karina para tanungin si Winter kung pwede silang mag-usap.

 

Unang-una, magmumukha siyang tanga kung bigla na lang siyang mag-request na mag-usap sila tungkol sa past, when she made it pretty clear to the singer na trabaho lang ang lahat para sa kanya.

 

Pangalawa, nairita siya sa pinadalang flowers at regalo ni Kazuha kay Winter, acting as if mag-jowa sila.

 

Hindi ba nila alam na… Karina doesn’t get jealous! She can’t be jealous! She’s never been jealous! Ngayon lang! Idol niya kasi si John Lloyd Cruz.

 

Medyo nagsasawa na si Karina sa ganitong set-up nila ni Winter. Hindi na sila magka-igi-igi kahit halos dalawang buwan na ang k-pop idol dito sa Pilipinas. Kaya naman gusto na rin niyang makausap.

 

Tama sila Ning, maybe talking about their feelings will help. Makakatyempo rin siya.

 

“I’m back!” She saw Giselle enter the door from her seat sa sofa. “Hi, Jopay! Missed me?”

 

“Akala ko bukas ka pa babalik?” Ang sabi kasi sa kanya ng manager ni Winter, December 27 pa ang uwi nito.

 

“Si Winter kasi, nag-aalala na ako sa bruhang ‘yon. I don’t know what happened and why she’s so gloomy these days. She has a tour and a reality show to prepare for, yet parang tanga!”

 

Hindi lang masabi ni Karina na siya ang may kasalanan sa pagiging ganito ni Winter. Though her friends said na natural lang naman ang naging reaksyon niya, still, she doesn’t feel good about it.

 

Ngumiti na lang siya, “Nasa room niya. Kumain na rin ng lunch, I cooked for her.”

 

Maagang pumasok si Karina kaninang umaga. Pagdating niya sa bahay, wala si Winter dito, and according to Jackson, pumunta raw ito ng Starbucks sa may kanto.

 

That used to be their thing, tapos ngayon si Winter na lang ang nagpupunta doon.

 

Nauulol na talaga si Karina. Sa pagka-miss kay Winter? Sa sobrang lito sa nararamdaman niya? Sa hindi niya magawang pagtatanong kung pwede silang magkausap?

 

Hindi na rin niya alam.

 

Maybe all of the above.

 

Bakit ba ganito? Ako na nga ‘tong na-ghost at naiwan, ako pa rin ang na-sstress ngayon!

 

But she knows she also messed up…

 

Yunjin calling…

 

“Excuse lang ha,” paumanhin niya kay Giselle. The manager just dismissed her at pinuntahan na si Winter sa kwarto nito.

 

Sinagot niya ang tawag ni Yunjin, “Hi po ate!”

 

Rinig niya agad ang tawa nito sa kabilang linya, “Hey. Wanna grab dinner mamaya? Since sabi mo stressed ka at wala sa mood. Nasa BGC ako later..”

 

“Okay, sige. Libre mo?” Biro niya.

 

“Of course. Ako nagyaya, so ako manlilibre. I’ll see you? Text na lang kung saan.. What time ka pala pwede?”

 

Tinignan niya ang oras, halos alas singko na rin naman. Kanina pa nga siya pwedeng umalis to compensate ‘yung pagpasok niya kahapon, but she chose to stay. May rehearsals din yata si Winter mamayang gabi.

 

“Maya-maya rin. Aalis na ako dito ng around 6pm. Does that work for you?”

 

“It does. Alright, I’ll see you tonight?”

 

“See you, Yunjin. Bye!” Binaba na niya ang call.

 

Nagpalipas na lang muna siya ng oras by watching videos on her phone. And by videos... she meant “fan cams” ni Winter sa mga performances nito. Lately ay nahuhumaling si Karina sa panonood.

 

After a while ay nakita niya na ulit na pababa si Giselle kaya tinago niya kaagad ang phone, kasunod lang nito si Winter na padabog ang lakad.

 

“Giselle, ayoko ng birthday party! What am I, five? I told you, I’m fine. Bakit mo ba pinipilit na stressed ako at kailangan kong mag-unwind? I’m totally fine! Tignan mo, ngigniti ako,” pekeng ngumiti si Winter, labas pa ang ngipin.

 

Natawa si Karina.  

 

Winter briefly looked at her at bumaling na ulit sa manager, “And for sure, wala sila sa New Year’s Eve.. ‘Wag na natin i-hassle ang mga tao.”

 

“We’ll invite lang ‘yung mga pwede. Simpleng handaan lang! Right, Karina?” Tinignan siya nung dalawa. “Let’s order na lang, para hindi na magluto sina Karina. May mga alam ka ba na pwede pag-orderan, Jopay? Can you handle that?”

 

She automatically nodded at them, “Sure. Ano bang gusto ni birthday girl? Spaghetti, shanghai, fruit salad..? Simpleng handaan. Gusto mo ‘yon?” Direkta niyang tanong kay Winter who just blushed.

 

“She likes that. We’ll invite sina Yunjin and Yeji and yung iba mong friends. I’m sure some of the TWF staff will be here as well,” parang nakapag-decide na si Giselle at wala nang pakialam sa say ni Winter.

 

“Fine. Do whatever.”

 

Pinaupo siya ni Giselle sa dining. They proceeded to talk about the Boracay trip. Apparently, booked naman na ni Giselle ang flight nila, pati ‘yung hotel na pagi-stayan ay okay na rin.

 

“You should have asked Karina first kung sure siya. She might not want to come anymore,” biglang sabi ng singer. Karina felt weird hearing her name again from Winter...

 

She pursed her lips at kumunot ang kanyang noo sa narinig, “Sure naman ako. Unless palitan niyo ako, then that’s fine.”

 

Inisip niya kasi, baka kaya nasabi ni Winter ‘yon is because she’d rather have Chenle or Renjun doon sa Boracay. Baka kasi naiilang nga naman si Winter, then hindi naman ipagpipilitan ni Karina ang sarili niya.

 

It upset her a bit, but this is what they’ve really become after nung nangyari. Baka nga wala na rin siyang pag-asang makausap pa si Winter kasi parang tinanggap na lang din nito na hanggang trabaho lang sila.

 

‘Yun naman kasi ang lumabas sa bibig ko...

 

“What’s the problem here? May problema ba tayo?” Palipat-lipat ng tingin si Giselle sa kanilang dalawa.

 

“Wala, Giselle,” response ni Karina. “Baka lang may ibang gustong makasama si Winter, then hayaan natin siyang mamili.”

 

The k-pop idol looked at her, hindi niya mabasa ang tingin ni Winter dahil parang wala naman laman. She then turned to Giselle at pilit na ngumiti, “No, okay na yan.”

 

Parang napagtiyagaan lang ako ah.

 

Hindi na lang nagsalita ulit si Karina. Hinayaan na lang niya na mag-discuss ‘yung dalawa habang siya ay lumilipad lang ang isip, wondering kung magiging okay pa ang lahat between them.

 

In hindsight, she thinks it is for the best nga naman na talagang wala nang mamagitan sa kanila ni Winter. Mas tahimik ang buhay niya, at wala siyang poproblemahin.

 

Ang kaso... Hindi siya pinapatahimik ng utak at puso niya.

 

The guilt from that day is also eating her alive.

 

“Karina, your phone’s ringing,” sumilip si Giselle sa phone niya na parang chismosa. “It says Yunjin. You’re friends?”

 

Hindi na niya nasagot si Giselle dahil inuna na niyang sagutin ang tawag, “Hello?”

 

“I’m on the way na. Let’s go sa Elephant Grounds, I heard their food is good. G ka?” Rinig niya ang ingay sa kabilang linya, so talaga ngang papunta na si Yunjin.

 

Nahihiya naman siyang ma-late kaya tumayo na rin siya kaagad, “Yeah, g lang. I’m going na rin. I’ll see you.”

 

Pagbaba niya ng phone, nakatingin si Giselle sa kanya with a raised eyebrow. Meanwhile, si Winter ay parang interesadong-interesado sa kinakain niyang sandwich na ginawa kanina ni Karina. Hindi niya tuloy makita ang reaksyon nito.

 

She was planning on talking with the singer today, pero olats nanaman siya. Maghapon lang din kasi na nasa kwarto si Winter.

 

She’s starting to lose her will to talk to the singer.

 

“Going already?“ Amused na tanong ni Giselle. “Another date?”

 

Sinamaan niya ng tingin ang manager ni Winter, “Bakit tingin mo lahat ng kinikita ko, dine-date ko? Sakin mo ba pino-project ang frustration mo sa pagkakaron ng depressing love life?”

 

Offended na napanganga si Giselle, “Gosh! Ang daming sinabi! Go na nga! Enjoy your time with Yunjin.”

 

“Bye.”

 

She tried to look at Winter para makapagpaalam dito, but the singer didn’t spare her a glance. Maybe it is what it is nga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“I know that look, Winter.”

 

She sighed exaggeratedly kay Giselle, “Ano nanamang look? Ang expert mo sa mga ‘looks’ ko ha.. I’m literally just eating. Hindi nga ako umiimik.”

 

“No, I’m serious. I know that look. You’re jealous,” tinawanan siya ng kanyang manager. “You’re jealous of Yunjin? And Karina?”

 

She is, actually. Hindi niya alam kung paano naging close ang kaibigan niya kay Karina. “It doesn’t matter, Giselle. ‘Wag na natin pag-usapan, okay? I’m trying to…” Move on?

 

Hindi ko naman kaya.

 

“To?”

 

“To not think about her like that. It’s been over for years, and she doesn’t want anything to do with me, alright? Akala ko kaya pang ibalik, pero hindi na,” Winter said surely.

 

That caught Giselle’s interest, “Damn, what the hell happened nung wala ako? Did you guys fight again?”

 

“We had fun for a day, and that’s it. She made it clear na it’s all about work for her.”

 

Giselle chuckled sarcastically, “You know that’s probably not true, right? She’s probably scared for her life. Don’t we all just want to protect ourselves? From the people who hurt us?”

 

“And maybe she has every reason to. Okay na ‘to, na ganito kami. Natatakot na rin ako for her had we decided to.. give it another try. Protektahan na lang niya sarili niya.”

 

Ito na lang ang mindset ni Winter. With this, mas nababawasan ‘yung sakit. Iniisip na lang niya this is what Karina needs.

 

“Grabe, ang tanga niyo, ‘noh? Especially you!” Binato siya ni Giselle ng lettuce, buti naka-ilag siya. “Bakit kasi hindi kayo mag-usap?! My God! Kids these days! Ang simple-simple ng solusyon, pinapa-komplikado!”

 

Winter isn’t convinced. “Okay na ‘to, Giselle. Hahayaan ko na lang siya,” she said blankly and stubbornly.

 

“Nai-stress ako! Bahala ka. Bagay pa man din sila ni Yunjin, maybe I’ll root for them,” her manager provoked.

 

Nanlalaki ang butas ng ilong ni Winter sa pagpipigil. “Yep, maybe I’ll root for them too.” Kahit siya mismo ay hindi naniwala sa sarili niya. “At least kay Yun, Karina won’t feel the need to protect herself.”

 

Panggap pa, Winter. Kahit in love na in love ka pa rin sa kanya.

 

Ayaw na niyang saktan si Karina.

 

 

 

 

 

 

 

 

“Hi!” Yunjin got up from her seat para yumakap kay Karina, “How are you? Upo ka.”

 

Naalala ni Karina ‘yung nasa Mary Grace sila ni Winter… When the girl pulled a chair for her tapos maya’t maya ang ginagawang pag-aayos sa buhok niya. Tapos hinahawakan rin ang kanyang kamay—

 

Mali! Bawal isipin.

 

“Kanina ka pa dito? Sorry I’m late, medyo traffic! ‘Di makasingit ‘yung angkas,” feel pa niya ay haggard na haggard siya. “Do I look okay? Parang na-haggard ako sa ride.”

 

“No, you look very pretty as always,” the girl complimented.

 

Nahiya naman si Karina, pabiro pa siyang naghawi ng buhok at kumurap-kurap, “Sinong mas maganda? Ako o mama mo?”

 

Malakas na tumawa si Yunjin, parang si Winter lang din kapag natatawa sa jokes ni Karina. “Ikaw. ‘Wag ka na lang maingay kay Mama.”

 

“Hindi ko naman kilala mama mo eh.”

 

“Pakilala kita?”

 

“You have to be my jowa first,” pagsakay niya. Hindi niya inexpect ang biglaang pamumula ng pisngi at tenga ni Yunjin kaya natawa na lang siya, “Joke lang! Alam ko naman hindi ako jowable..”

 

Yunjin shyly smiled, “Bakit naman hindi?”

 

“Tanong mo kay Winter,” she joked, clowning herself again for the nth time. “Ghostable ako, ganern.” She’s comfortable joking like this with Yunjin since alam nga nito ‘yung... past.

 

“Baliw.. Order na tayo?”

 

She let Yunjin order for them dahil kailangan niyang sagutin ang tawag ni Tiffany. She excused herself first at lumabas ng café, “Hello? Ma’am? Buhay ka pa pala.”

 

“Why? Gusto mo na ba akong mawala sa mundo?”

 

“Medyo. Kaso wala nang magbibigay sakin ng electric fan. Pano na lang ako?”

 

She heard Tiffany’s huff, “Tse! Anyways! TWF has a gift for Winter, daanan mo sa office tonight then ikaw na magbigay sa kanya personally, okay? It’s for her birthday. I won’t be able to make it kasi nasa Japan pa ako, but send her my regards!”

 

“Paano kung ayaw ko, Ma’am?”

 

“Sasabihin ko kay Winter na ginagamit mo YouTube account ko para makipag-away sa fans niya,” matapang na sagot ng general manager.

 

Napalunok si Karina, “Sabi kasing ‘wag mo nang patulan!”

 

“They called me ugly! How could I not?! And they kept calling Winter names.”

 

Umusok bigla ang ilong ni Karina, “Sasagutin ko yang mga yan mamaya. Last na, Ma’am. Peram ulit ng account mo, okay?”

 

“No—”

 

“Bye! Sayonara, Naruto.”

 

She dropped the call, bumalik n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
I’m super busy lately sa work and personal matters, but rest assured na hindi ko po ito igo-ghost! Updating soon! 🫶🏻

Comments

You must be logged in to comment
Gungdaengie
52 streak #1
Namiss ko si jopay 😭
tzuyu_once #2
Chapter 30: Author san ka na po:--(( nakakabitinnnnn looking forward sa update nyo. Ganda ng story shuta
Tortillos #3
Chapter 3: YUNG TAWA KO GRABE KAHIT NASA CHAPTER 3 PALANG AKO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
bigboy123
139 streak #4
Chapter 30: Jopay, kamusta ka na? 🥹
loonygirl22 #5
Huhu read this thinking na complete na siya noooooo! (Also ako lang ba Yunjin fan here??? Parang pwede eh — ugh, er for unrequited love good other person talaga ako!)
elevenelevenfine
#6
andito na din ako hehe
imwinter0101
#7
🤍
oldbellar #8
Chapter 30: hala feeling ko tuloy ako si karina na ghinost ni idol winter 😭😭😭
kaiclip #9
Chapter 30: 🥹🥹
fanficethusiast #10
Chapter 30: author balik ka na pls