Chapter 2

Heartbreak Recipe
Please Subscribe to read the full chapter

“Parang hindi naman na dito bibisita yung k-pop idol. Ilang weeks na, wala pa rin,” ang agang rant ni Karina. Marami nanaman siyang oras dumada at slow day ang resto ngayon since it’s Monday.

 

Kapag ganitong wala masyadong customers, nagkakatinginan na lang sila ng mga katrabaho niya. As if silently telling each other na malapit na ang araw ng paghahatol kung sinong matitira at sinong maliligwak.

 

Walang ganang umirap si Ning, “Oo nga eh. Naaamoy ko na ang unemployment, sis. Malapit ko nang i-update ang Facebook ko ng ‘CEO of KarNing’. Parang ang bantot..”

 

Isa pa rin itong pinoproblema ni Karina. Mahina ang orders nila lately sa TOK. Para bang nagkakasabay-sabay ang kamalasan nila ni Ning sa buhay.

 

Baka ganon talaga kapag maganda, may kapalit na bad luck. At least hindi chaka.

 

“May chance pa naman. Feeling ko sooner or later kakain na ‘yon dito. Malaki naman ang chance at masarap naman food dito sa resto..” Nagkatinginan sila ni Ning, “Mej..” Pahabol ni Karina.

 

Sa totoo lang, hindi masyadong masarap ang food nila dito para sa kanya. Mediocre lang, katulad ng head chef nilang nakakabwisit ang mukha—mediocre din.

 

Almost everyday yata silang tinatawagan ng boss para makahingi ng updates kung nag dine na sa TWF yung k-pop idol. Hindi na raw kasi nagbigay pa ng updates ang management nito.

 

And until now, hindi pa rin alam ni Karina at ng mga kasama niya kung sino ba talaga yung singer from Korea. Sobrang secretive ng management.

 

Hindi rin naman nila masisi dahil it’s not something na pinagsasabi at baka nga naman dagsain ng fans bigla.

 

Karina would be lying kung sasabihin niyang hindi siya curious kung sino ito. But then again, hindi dahil may interes siya sa k-pop. Talagang ayaw lang niyang matanggal sa trabaho.

 

Ayaw na niyang mag-overthink kung darating o hindi.  

 

If dumating, eh ‘di maganda. Kung hindi, eh ‘di mag-uumpisa na siyang sakalin ang sarili niya nang paulit-ulit at sisihin si Lucas sa lahat ng kamalasan niya sa buhay.

 

“Kamusta si Sungchan? Busy sa work, ‘noh? Hindi ka nasusundo lately eh,” maintrigang tanong ni Ning. Ilang araw na kasing nag-iinarte si Karina dahil sobrang busy ng manliligaw sa trabaho.

 

“Hindi nga ako tine-text. Si Lucas kasi eh,” buryong sagot ni Karina.

 

Nagtaka si Ning, “Anong ginawa ni Lucas?”

 

“Wala. Gusto ko lang siyang sisihin,” nagpigil sila ni Ning ng tawa nang biglang lumabas si Lucas galing sa kitchen. May maliit na piece ng lettuce ito sa ulo.

 

Naramdaman ni Karina ang pag-vibrate ng kanyang phone sa bulsa.

 

Si Minju.

 

Nag-excuse siya saglit kay Ning at pumasok sa employees’ area para sagutin ang tawag, “Minju? Anong meron?”

 

“Nasa work ka?”

 

“Wala, nasa Pluto. Charot,” minsan natatawa siya sa sarili niyang jokes. “Oo teh nasa work ako. Wala naman ginagawa, walang customers. Anong meron? Wala ka ba sa duty? Dami mong time.”

 

Nag-request bigla ang kaibigan niya ng video call. Nawi-wirduhan na talaga si Karina sa biglaang pagtawag nito kaya sinagot niya kaagad.

 

Bumungad sa camera si Minju na naka-nurse uniform at katabi nito ang Papa ni Karina na hindi maipinta ang ngiti, “Hi, anak! Nabagsakan ng baso paa ko, kaya tumawag ako kay Minju kanina. Pinasundo niya ako sa bahay.”

 

Parang na- si Karina sa nangyayari at narinig.

 

Tumitig lang siya sa phone screen niya for a few seconds bago siya nag-hysterical, “Ano?! Anong nangyari sayo?!”  

 

“Sabi kasi sayo ‘wag mo nang tawagan..” Rinig niyang bulong ng magaling niyang ama sa magaling niyang kaibigan. Talagang nagsabwatan pa.

 

“Magagalit sakin yan, Tito..”

 

“Nandito ako, FYI lang ha! Pa! Bakit hindi mo sinabi? Okay ka na ba? Pupunta ako diyan, nandito naman si Johnny,” lumabas na kaagad si Karina ng employee room.

 

Rinig pa niya ang pag-angal ng tatay niya at pagsasabi ni Minju na siya na ang bahala dito, but Karina was not having it. Binaba niya na ang phone at nagbihis sa banyo.

 

“Hoy, san ka pupunta? Feeling boss yan? Pwedeng umalis anytime?” Sigaw ni Ning sa kanya from the bar area.

 

Medyo hindi magkanda-ugaga si Karina kaya mabilis lang ang sagot niya, “Nasa St. Luke’s si Papa. Nandiyan naman si Johnny boy, balik ako later. Paalam na lang ako kay Sister Tiff through text.”

 

Bago pa man makasagot si Ning ay dumerecho na siya papalabas ng restaurant.

 

May nakasalubong siyang dalawang babaeng naka shades at isang lalakeng matangkad. Lahat sila ay naka face mask, naka-cap pa nga ‘yung isa. Masyado silang sosyal para maging holdaper.

 

Naamoy pa niya ang pabango nung isang babaeng maliit na naka-cap.

 

Ang bango, amoy artista, wari ni Karina sa sarili.

 

Hindi niya na inintindi ang kanyang thoughts at agad na siyang tumawag ng taxi papunta sa malapit na ospital kung san nagtatrabaho si Minju. Dahil kung aasa siya sa grab at angkas, baka abutin siya ng pasko.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Do you know her?” Giselle asked Winter.

 

Halos mabali kasi ang leeg nito sa paghabol ng tingin sa babaeng kakalabas lang ng restaurant. Mukhang nagmamadali kasi kaya hindi niya naaninagan mismo ‘yung mukha. Though para kasing pamilyar sa kanya ang awra nung girl.

 

Winter just shook her head, “No, no. Let’s look for a table, since walang nag-aassist.”

 

She noticed na wala masyadong tao sa resto. In fact, sila lang ang customers. Nagtaka tuloy siya, is their food not good enough para tauhin?

 

Someone finally approached them from the entrance, “Good afternoon. Table for how many?” Maluwang na maluwang ang ngiti nung lalake sa kanila. Winter thinks he looks nice and polite.

 

“Table for two, bro. For the ladies,” Jackson answered for them. Ang tikas ng tayo nito. Pansin ni Winter ang pagtitig nung babae from the bar area sa kanyang bodyguard, kaya medyo natatawa siya.

 

Women, even men, always check out her personal bodyguard. And she can’t blame them because Jackson is very easy on the eyes. Marami talagang nagkakagusto at napagkakamalan itong idol.

 

“Jack, don’t be silly, you can join us. You haven’t eaten as well,” Giselle nicely offered. Tinignan ito yung server, “Table for three, please. And can we get ice cold water?”

 

Init na init silang tatlo.

 

And as much as Winter wants to remove her jacket, cap, and face mask, hindi niya magawa dahil baka ma-recognize sila. She doesn’t think she’s that popular, pero safety measures na rin, sabi ni Giselle sa kanya.

 

They even avoided going out sa main exit ng NAIA earlier para maka-iwas sa media at ibang fans. Ito rin ang utos ng management.

 

Winter felt bad, pero if she’s being honest, gusto lang din kasi talaga niyang maging “lowkey” lang ang stay dito sa Pilipinas. In fact, walang may alam aside from her team na dito siya titira for a year.

 

“What do you wanna eat? I’ll order a lot, since we need to try out their food,” Giselle was browsing through the menu.

 

“Just order kahit ano. Kung anong feel mo.”

 

Winter almost forgot na isa nga pala itong restaurant sa mga pagpipilian to be part of their team. She looked around the place and pretty decent naman ang itsura nito.

 

The staff, however, ay parang mga wala sa sarili.

 

Pansin ni Winter na ‘yung babae sa bar, tulala pa rin kay Jackson at parang tutulo pa ang laway. Even yung lalakeng humarap sa kanila kanina sa may entrance, kay Jackson rin nakatingin.

 

The girl behind the cashier’s booth is clipping her nails, meanwhile the other girl near her is staring into nothingness at nakanganga.

 

“Bakit nga isa ‘to sa choices?” Tanong ni Winter sa manager.

 

“Oh, you know. The company can’t afford ‘yung masyadong high end na restos. Cost cutting daw, kaya ‘yung mga not-so-popular restos ‘yung ginawang choices.”

 

That makes sense, Winter thinks. Ayaw rin naman niya ng sobrang magarbo dahil hindi naman siya ganoon kaarte sa pagkain. If she were to choose, mas gusto nga niya ‘yung small time food businesses lang.

 

“Miss Winter, do you feel unsafe here?” Jackson asked her. Napansin nito ang pagmamasid ni Winter sa paligid kaya naman he’s gone extra attentive.

 

Winter offered him a smile. Nag-alis na siya ng mask dahil hindi niya na kaya ang init. “I’m okay, Jack. Gutom lang.”

 

Her bodyguard looked confused for a second, “What’s.. gu..tom lang?” He said it in such a funny way kaya napalakas ang tawa ni Winter which gained attention from the staff.

 

Kita niya ang paglalakihan ng mga mata ng mga ito at pagtitinginan na parang may kahulugan. They probably realized who I am, sinuot na ulit niya ang face mask habang wala pa silang pagkain.  

 

“It means I’m hungry,” sagot niya sa bodyguard.

 

Nakalimutan nitong hindi nga pala nakaka-intindi ng tagalog si Jackson. He’s also more comfortable in speaking English rather than Korean kaya they always talk in English.

 

Giselle called for the waiter and placed their orders.

 

Winter noticed na parang mas naging mindful and aware na ang staff sa mga kilos nila. Hindi na nagki-clip ng nails ‘yung nasa cashier, hindi na rin nakatitig ‘yung barista kay Jackson.

 

In fact, they look... tensed. Para silang constipated.

 

And Winter hates having special treatments and getting “VIP” attention to her, so she wishes na sana maging natural lang sa kilos itong mga staff kahit pa kay Winter nakadepende kung mapipili itong resto nila or not.

 

Maybe it’s a big deal for them na mapili? Or maybe not. Baka na-pressure ng boss.

 

They settled down after nilang maka-order. Maraming mga tinatawagan si Giselle sa management, updating the team sa kanilang whereabouts.

 

“Can you relax, Giselle? Don’t answer their calls. Mamaya na kapag nakauwi na tayo dun sa house,” pagalit ni Winter sa manager niya. Kita niya kasing exhausted na ito. Galing pa silang flight.

 

Giselle could only sigh, “You’re right. You know what? I’ll turn off my phone. There,” pinatay nito ang cellphone at halos ibalibag sa loob ng bag.

 

She then looked at Winter who was looking at her proudly, “Parang ikaw pa manager ko ah,” natawa na lang sila both sa sinabi ni Giselle. Even Jackson laughed kahit alam nilang hindi naman nito naintindihan and sinabi.

 

“Anyways, why don’t you invite Chaewon? Ang dami nung food, maybe she’s around the area. I don’t know,” Giselle suggested.

 

And it made Winter think why not?

 

“I’ll call her. Hindi pa niya alam na nandito ako, actually. I haven’t messaged her yet. She’ll flip if she finds out at hindi ako nagpasundo sa kanya.”

 

Winter knows how busy Chaewon is at ayaw na niyang magpa-istorbo pa sa kapatid. She doesn’t have to experience it to know na mahirap ang maging isang law student.

 

She dialed her sister’s number, and it rang immediately. It took five rings before sumagot si Chaewon, “Baby sis, what’s up? Himala, ikaw unang tumawag,” pagbibiro nito.

 

“Join me for lunch,” Winter simply answered.

 

“Ay, sige. May pa-private jet ka ba sa akin papunta sa Korea? Shuta ka, parang ang daling makipag-lunch sayo ha! Are you mocking my inability to travel whenever I want?”

 

She rolled her eyes sa napakahabang litanya ng kapatid, “Nandito na ako sa Pinas. Nasan ka? Ipapasundo kita kay Jackson if you’re around the area lang. Or are you in Quezon City?”

 

Jackson heard his name kaya napatingin ito kay Winter, “Are you in danger Miss Winter?”

 

Giselle chuckled in front of them, “No, Jackson, your Miss Winter is fine. You need to relax, okay? Chill a bit.”

 

“Arasseo.”

 

“Nasa Taguig ako,” Winter focused on her phone call with her sister again. Naghi-hysterical ito sa kabilang linya at hinihintay lang ni Winter matapos ang isang round nanaman na litanya ng kapatid.

 

“Are you done? So pupunta ka ba?”

 

She heard Chaewon’s annoyed sigh, “Fine. I’ll book a grab na lang, ‘wag mo na akong ipasundo. Malapit lang naman. I’ll see you,” she hung up the phone.

 

Nagulat si Winter when suddenly, binigyan sila ng complimentary bread and butter, and even drinks na hindi naman nila inorder. The staff couldn’t have been any more obvious na nahalata na nila kung sino siya.

 

Dumating na rin agad ang ilan sa mga inorder ni Giselle.

 

“Well, I guess kilala na nila kung sino ka,” Winter’s manager said. “Not complaining, at least mabilis ang food. Plus points pa rin. We’ll take note of that.”

 

Jackson, like the most gentleman he is, pinaglagay nito ng pagkain si Winter at Giselle sa kanilang plates.

 

At bago pa man makasubo ang dalawa, a tall guy approached them at their table. He’s wearing a chef’s uniform. Napansin ni Winter ang maliit na piece of lettuce nito sa ulo kaya patago siyang tumawa.

 

“Good afternoon, ladies. How are you liking the food so far?” He’s too smiley for Winter’s liking.

 

And Giselle probably thinks the same dahil napansin ni Winter na napataas ang kilay ng manager niya.

 

“We haven’t even started eating yet,” she deadpanned.

 

The guy didn’t budge at nakangiti pa rin ito, “We’re pleased to have you here at The Wild Flour. I’m Lucas, by the way. I’m the head chef.”

 

“And I’m gutom lang,” Jackson replied. Winter almost choked on her bread. “Let us eat, dude. Or I’ll pun—”

 

“Jackson,” pagalit ni Winter sa bodyguard. Tumingala ito sa head chef at pekeng ngumiti, “I’m sure we’ll enjoy the food if you’d let us eat first, ‘no?”

 

“Lucas! Umayos ka lang bakla!” Pabulong na sigaw nung barista. Awkward na ngumiti ang babae kina Winter, “Sorry, he’s a bit pabo,” Winter couldn’t help but laugh out loud.

 

“Go eat eat! Annyeong!”

 

God, the staff here is chaotic.  

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Naaninagan agad ni Karina si Minju sa may entrance ng St. Lukes. May kasamang short-haired na babae ang kaibigan niya, at mukhang nagpapaalam sila sa isa’t isa. Hindi namumukhaan ni Karina kung sino ito.

 

Nakaalis na ‘yung girl nang malapitan ni Karina si Minju. “Nasan si Papa?” Walang preno niyang tanong sa kaibigang nurse. “Tsaka sino ‘yun? Jowa mo?  Nakakaharot ka pa sa lagay na yan?”

 

Kita ni Karina ang pamumula ni Minju.

 

“Gagita, friend ko lang ‘yun. She had to leave dahil may emergency lunch daw,” gustong mag-comment ni Karina at sabihing hindi naman niya tinanong, pero nag-aalala siya masyado sa papa niya.

 

“Nandon na si Tito sa room ni Doc. Tinitignan lang ‘yung nabagsakan sa foot niya. It’s nothing serious, I promise,” they both started walking papunta sa mga upuan along the hallway.

 

“Sure ba?”

 

“Oo naman. Hindi mo naman na need pumunta dito, umalis ka pa tuloy sa work,” pansin ni Minju ang pag-aalala ng kaibigan. “You okay? Ang tensed ng shoulders mo,” minasahe nito nang bahagya ang balikat ni Karina. “Relax.”

 

Tama si Minju, tensed nga siya at parang wala sa sarili lately. Kaya rin siya nag-alala nang matindi nang tumawag ang papa niya kanina ay dahil parang against ang universe sa kanya nitong mga nakaraang araw.

 

Ni-remind niya ang sarili na magpa-pray over kay Sungchan at sa parents nitong mas madasalin pa kaysa sa Santo Papa.

 

Sumandal siya sa balikat ni Minju at nagbuntong-hininga, “Dami kasing hanash. Soon to be unemployed ako kasi magle-lay off ng employees ‘yung resto. Leche kasing pandemic yan eh.”

 

Hindi niya naman masisi ang TWF dahil gets niya naman ang decision nilang mag-lay off ng employees. Even sila Ning ay ganito ang iniisip. Siguro ang sisisihin na lang niya ay si Lucas ulit.

 

Tama, si Lucas.

 

At ‘yung k-pop idol na ghoster.

 

“You’ll be fine, teh. Ano ka ba. For sure makakahanap ka kaagad if that happens. Tsaka may KarNing naman, diba? Sarap kaya ng food niyo,” na-relax naman agad si Karina sa paghaplos ni Minju sa kanyang braso.

 

“Hina nga ng orders eh.”

 

“Hanap kita ng clients dito sa hospital. Ask ko rin ‘yung friend ko from law school baka may classmates siyang gustong umorder..”

 

Napa-angat si Karina ng ulo at tinignan ang kaibigan niya, “At paano ka naman nagkaroon ng friend from law school?”

 

“Bawal ba?!” Pansin nanaman niya ang pamumula nito. “Kamusta pala si Sungchan? Di ko yata nakikita lately na kasama mo.”

 

Napatingin si Karina sa kanyang phone to check kung nag-reply ang manliligaw sa kanya. Tinext niya kasi ito on the way sa hospital para mag-update ng nangyari sa papa niya.

 

Lately ay napakadalang ng communication nila.

 

Ayaw naman niyang mag-inarte dun sa lalake dahil hindi naman sila. But at the same time, medyo naiinis si Karina na hindi man lang gumawa ito ng oras para makapag-text sa kanya.

 

Inisip na lang niya na sobrang busy talaga nito sa work.

 

Walang nakitang message si Karina from Sungchan, pero maraming missed calls from Ning.

 

Anong meron?

 

Tatawagan na sana ni Karina ang business partner pabalik pero biglang labas naman ng papa niya sa room ng doctor. Nakahinga siya nang maluwag nang mapansin na okay naman ang lagay nito.

 

“Oh, anak! Bakit ka nandito? May trabaho ka ah?” Sinimangutan lang siya ni Karina. “I’m fine, anak. Go back to work. Susunduin ako ng uncle mo.”

 

Niyakap siya ni Karina at hindi napigilan nitong magpagalit, “Pa, bakit ka naman ba kasi nabagsakan ng baso? Anong kashungahan ‘yun?!”

 

Tumayo na rin si Minju from her seat, patawa-tawa ito habang pinapanood ang eksena ng mag ama. “I’ll go back sa duty, Karina. Tito, one call away lang ako ulit kapag nabagsakan ka naman ng plato,” nag-high five pa silang dalawa.

 

Gustong mainis ni Karina at pagsabihan si Minju na ‘wag kunsintihin pa ang tatay niya pero thankful din naman siya sa kaibigan dahil maaasahan ito, lalo na’t nurse pa.

 

“Tinext ko si uncle, sabi ko ako na maghahatid sayo pauwi,” mariing sabi ni Karina. Hindi na nakaangal pa ang magaling niyang ama dahil naka strict-daughter-mode si Karina.

 

Tahimik silang bumyahe pauwi.

 

“Pa, okay ka lang ba talaga? Next time, antayin mo na lang akong makauwi. Ako na lang ang maghuhugas ng plates. Kailangan mo pang magpahinga,” pagalit ni ni Karina.

 

“Oo na po. Sorry I made you worry..” They smiled at each other. Medyo nawala-wala na ang pag-aalala niya sa papa niya. Ang dami rin kasi nitong jokes on the way home.

 

Umalis din kaagad si Karina sa kanila para bumalik sa trabaho matapos ihatid ang tatay niya. Bigla niyang naalala ‘yung napakaraming missed calls from Ning.

 

She dialed her friend’s number at mabilis naman itong sumagot, as if nakatitig sa screen at inaantay ang tawag niya.

 

“Hoy bruha ka nasan ka na?!” Parang galing marathon ang boses nito.

 

“Pabalik na. OA naman! Anong ganap?”

 

“Kumain na dito ‘yung k-pop idol! Shuta!”

 

And at that moment, para nanamang na- si Karina sa kinakaupuan. Kumurap-kurap siya na parang tanga at hindi agad makasagot.

 

Hindi siya makapaniwalang kung kailan wala siya, tsaka naman naisipang kumain nung not-so-ghoster na idol sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
I’m super busy lately sa work and personal matters, but rest assured na hindi ko po ito igo-ghost! Updating soon! 🫶🏻

Comments

You must be logged in to comment
Gungdaengie
43 streak #1
Namiss ko si jopay 😭
tzuyu_once #2
Chapter 30: Author san ka na po:--(( nakakabitinnnnn looking forward sa update nyo. Ganda ng story shuta
Tortillos #3
Chapter 3: YUNG TAWA KO GRABE KAHIT NASA CHAPTER 3 PALANG AKO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
bigboy123
131 streak #4
Chapter 30: Jopay, kamusta ka na? 🥹
loonygirl22 #5
Huhu read this thinking na complete na siya noooooo! (Also ako lang ba Yunjin fan here??? Parang pwede eh — ugh, er for unrequited love good other person talaga ako!)
elevenelevenfine
#6
andito na din ako hehe
imwinter0101
#7
🤍
oldbellar #8
Chapter 30: hala feeling ko tuloy ako si karina na ghinost ni idol winter 😭😭😭
kaiclip #9
Chapter 30: 🥹🥹
fanficethusiast #10
Chapter 30: author balik ka na pls