Chapter 4

Heartbreak Recipe
Please Subscribe to read the full chapter

Nakaka-ilang araw pa lang ni Karina dito sa tinatawag niyang “hell hole”, feeling niya sampung taon na siya dito dahil sa stress at inis kay Winter.

 

Bawat kilos kasi ni Karina, parang lagi siyang pinagmamasdan ng k-pop idol. Lagi rin itong nakikisilip sa pagluluto niya, which is something na ayaw na ayaw ni Karina.

 

“What are we cooking for lunch, Miss Karina?” Narinig nanaman niya ang nakakabwisit na boses nito pagbaba ng hagdan. “Parang gusto ko ng adobo and rice. Make it healthy.. Please?”

 

Umayos muna siya ng postura at pilit na ngumiti bago harapin ang artista, “Masusunod po, madam,” pabirong nag-bow pa siya dito with matching hand gestures.

 

Hindi pa rin umaalis si Winter sa harap niya kaya umirap na lang si Karina, “Hindi ako makakapagluto kung nandiyan ka. Naaasiwa ako, Min—” She sighed, “I mean Winter.”

 

Kita niya ang pagngiti nito.

 

“Babantayan kita, baka kasi wala nanaman lasa ‘yung iluto mo para sakin,” sagot nito. May point. “O baka alatan mo nanaman nang sobra. Grabe ka..”

 

“Bakit, nagsisisi ka na ba na na-hire mo ‘ko dito?” Nakangising tanong ni Karina. “Hindi pa naman too late na palitan ako. Nandiyan naman si Lucas. Okay din naman si Chenle as a chef.”

 

Umiling ito na parang bata, “Ayoko. Gusto ko ikaw.”

 

And Karina swears, she felt something sa kalamnan at kaloob-looban niya. Sinabi niya sa sarili na galit at inis lang ito at wala nang iba pa.

 

She remained unfazed at nagkibit-balikat lang bago buksan ang kalan at kunin ang mga ingredients, “Okay then, pagtiisan mo ‘yung mga sine-serve kong food sayo.”

 

“Isusumbong kita kay Tiffany ‘pag hindi nanaman masarap,” Winter pouted.

 

Suminghal lang si Karina pabalik, “Kahit magsumbong ka pa sa nanay at tatay mo. Samahan pa kita.”

 

Hindi nag-react si Winter sa sinabi niya kaya naman napatingin si Karina dito. Nakita niyang nawala ‘yung smugness sa mukha ng k-pop idol at napalitan ng empty expression.

 

Muling tinaas ni Winter ang tingin kay Karina at ngumiti lang, “I’ll be in the living room.”

 

Okay? Anong nangyari?

 

Habang nagluluto, napapatingin-tingin siya kay Winter na nanonood ng movie ni Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. One More Chance yata ang title nito. Focused lang ang k-pop idol sa panonood at halos hindi gumalaw sa kinakaupuan.

 

Hindi mawala sa isip niya ‘yung naging reaction ni Winter kanina, pero minabuti na lang niya na hindi ito isipin dahil ayaw niyang maka-feel ng kahit anong bagay—guilt man o pag-aalala—para dito.

 

She heard Giselle na pababa ng hagdan. Binati siya nito sa kitchen at dumerecho sa tabi ni Winter, “Hey hey. May shoot tayo today ha. Mag-start ‘yung shoot sa HQ, then we’ll go around Manila. Something like a-day-in-your-life type of video.”

 

Nakikinig lang naman si Karina sa usapan nung dalawa. Hindi rin naman niya mapigilan na hindi makinig dahil hindi naman siya bingengot.

 

Habang pinapanood niyang kumulo ang niluluto niyang adobo, nakatanggap siya ng text galing kay Ning.

 

(11:25am) Ning: Teh

 

(11:26am) Me: Ano

 

(11:26am) Ning: Teh

 

(11:27am) Me: Ano

 

(11:27am) Ning: Teh

 

(11:28am) Me: Ano nga yon

 

(11:28am) Ning: Pengeng benteh

 

(11:29am) Ning: Emi hahaha dumadami customers

simula mag-post si Winter kahapon sa IG story niya.

Fernes, effective si idol.

 

Natutuwa naman si Karina at mukhang walang maliligwak sa kanila ng mga katrabaho niya. Ayaw man niyang aminin, pero totoo nga na effective ‘yung pagpo-promote ni Winter sa TWF.

 

Napatingin nanaman siya sa direksyon nito sa may sofa. Winter was already looking at her at inirapan lang siya ni Karina. Narinig niya ang malakas na tawa nito, “Sungit naman! Kawawa na eyeballs mo kakaikot!”

 

Sa totoo lang, hindi pa rin mag-sink in kay Karina na nagkita na ulit sila ni Minjeong. Para bang sa isang iglap, ‘yung taong nagbigay ng sakit at hinagpis sa kanya seven years ago ay kaharap na niya ulit.

 

Hindi lang kaharap, pinagluluto pa niya.

 

Mas nabibwisit pa siya dahil parang wala lang ang lahat ng nangyari kay Winter kung maka-asta ito. Though minsan napapansin niya ‘yung mga tingin nito na may halong regret…

 

Ayaw na niyang mag-bother pa na i-overthink ‘yung mga ganong bagay.

 

“Luto na ‘yung food! Kain na!”

 

Si Giselle ang unang lumapit sa kitchen. Karina greeted her, “Morning, Miss Gemmalyn,” pabiro niyang sabi. “Charot. Kain ka na, Miss Giselle. I cooked adobo and brown rice. Masarap yan, one of the best sellers sa KarNing.”

 

“Drop the ‘Miss’, Karina. Let’s all address each other casually since matagal-tagal tayong magkakasama,” sagot nito pag-upo. “Alright? And thanks for the food.”

 

“Okay sige. Kain ka na, baby girl.”

 

Tawang-tawa nanaman si Giselle sa kanya. She likes it kapag kahit ito ay tumatawa sa pagsusungit niya kay Winter minsan. It makes Karina wonder kung kilala ba siya ni Giselle.

 

Or kung katulad niya, wala rin pinagsabihan si Winter at kinalimutan na lang ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa.

 

“Why are you calling her ‘baby girl’?” Karina didn’t even notice na lumapit na rin pala ang asungot sa kanila. “What about me? Anong nickname for me?”

 

Napaka-epal talaga nitong bruha na ‘to.

 

“Baby chanak,” she deadpanned. “Kumain na kayo. I’ll go back na lang before dinner time since may shoot ka rin yata today, so I don’t think I’m needed here buong araw.”

 

“Hindi ka ba kakain? Sabay ka na,” offer ni Winter sa kanya. It wasn’t sarcastic o kaya naman ay mapang-asar. “Pwede ka rin sumama sa shoot. What if magutom ako bigla?”

 

Umuusok nanaman ang ilong ni Karina kay Winter. Nagtitimpi lang siya sa pananabunot dito. Kung makapagsalita, akala mo naman si Karina lang talaga ang option niya para makakain.

 

“Ipagpe-prepare na lang kita ng food mo. Para madala mo sa shoot,” namula si Winter sa sinabi niya. Bakit? Masyado bang soft? Masyado bang.. sweet? Napatingin siya kay Giselle. “For you as well, syempre.”

 

Bumalik siya sa kitchen counter at naghanap ng pwedeng container para mapaglagyan ng food para dun sa dalawa. She decided to make a chicken sandwich and Caesar salad on the side.

 

Wala namang problema kay Karina ang tasks niya dito sa bahay. In fact, way less hard ito sa ginagawa niya sa TWF. At kung hindi si Winter ang boss, she’d even say na ito ang dream job niya.

 

Malaki ang pay.

 

Hindi straining ang work.

 

Maganda ang kitchen at punong-puno ang pantry. Tapos may kasama pang artista! Nakakabwisit na artista nga lang.

 

Naririnig nanaman niya ang mga dini-discuss nung dalawa habang kumakain.

 

Apparently, uuwi daw dito sa pinas ‘yung Kazuha, kung sino man ‘yon. Though napansin ni Karina na parang ka-close ito ni Winter with the way na i-describe niya ‘yung girl. May get-together rin daw sa weekend.

 

Other than that, puro details lang about sa schedule ang pinag-uusapan nila.

 

Naku-curious tuloy si Karina kung gaano nga ba talaga kasikat si Winter para maging sobrang hectic ng schedule nila at para mag-disguise when going out sa public.

 

She refuses na i-search ang name nito sa social media. Ayaw na niyang mag delve deep pa about Winter. Okay na siya na she knew her as Minjeong.. Minjeong who broke her heart.

 

Bob Ong, tumabi ka.

 

“So, Karina.. Who’s your favorite k-pop group? Or artist?” Giselle started a small talk. “I feel like you’re someone na fan ng BLACKPINK. Or Red Velvet,” dagdag pa nito.

 

Wala siyang alam sa pinagsasasabi ni Giselle at ayaw niyang magpanggap na meron. “I don’t like k-pop, actually,” tinignan niya si Winter, “I’d say no offense, pero gusto ko talagang ma-offend ka.”

 

Sinimangutan siya nito, “Bakit ayaw mo ng k-pop?” The idol herself asked Karina. “May mali ba samin? Kulang ba kami sa talent? Hindi ba kami pasok sa standards mo?” Pambibwisit nito.

 

Muntik nang sabihin ni Karina na It’s not really k-pop; it’s you.

 

“Bad memories lang,” she settled in saying.

 

Naging awkward bigla ang atmosphere sa kanilang paligid so Karina cut the tension, “Anyways, I’m done with your food. Aalis na rin ako. Sa labas na lang ako kakain,” ngumiti siya kay Giselle who smiled back at her.

 

Hinihintay niyang pumayag si Winter sa pagpapaalam niyang umalis. After all, siya pa rin naman ang boss at walang magagawa si Karina sa demoralizing fact na ‘yon.

 

“Alright, sige. May masasakyan ka ba? Do you want me to ask Jackson na ipag-drive ka?”

 

Karina sighed, at talagang pinakita niya kay Winter ang malalim na buntong-hininga niya, “Hindi naman kailangan, Winter. I’m okay. May susundo sakin,” she overly shared.

 

Niyaya kasi siya ni Sungchan kagabi na mag-lunch sila ngayong araw. At dahil kulang nga ang landi time nila lately, syempre pumayag siya.

 

“Ohh, may boyfriend ka?” Giselle asked all of a sudden. “Wouldn’t be surprised though, since you’re really pretty and charming. Funny ka rin.”

 

If Karina didn’t know any better, she’d think na gusto siyang jowa-in ni Giselle. Charot.  

 

Halos hindi kumurap si Winter at mukhang inaabangan nito ang isasagot niya.

 

Karina just shook her head, medyo namula pa siya sa biglaang compliment ni Giselle sa kanya. “Uhh, wala pa. We’re not yet official.”

 

“‘Yun ba ‘yung sumundo sayo dun sa studio?” Tanong ni Winter. Kapansin-pansin ‘yung parang pagkawalang-gana sa tono nito. “Kaya pala ang OA kung makaakbay sayo.”

 

“He’s not OA,” pagtatanggol ni Karina sa manliligaw.

 

“OA siya sa paningin ko.”

 

“Well, wala namang nagtanong kung anong tingin mo.”

 

“Nyenyenye.”

 

Binagsak ni Giselle ang utensils niya, “Guys! My God, para kayong bitter exes na nagbabangayan,” napalunok silang dalawa ni Winter sa sinabi nito. “Karina, go ahead. And Winter, bilisan mo na, male-late tayo.”

 

“Okay, Giselle.”

 

“Bye, Gemma.”

 

She didn’t spare Winter a glance bago umalis. Naiinis lang kasi siya sa mukha nito. Inayos pa man din niya ang pagluluto ng adobo…

 

Patay ka sakin sa dinner.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“You’re quiet.”

 

Hindi rin alam ni Winter kung bakit nawala siya sa mood simula nung umalis si Karina. Dahil na lang siguro sa pag-mention nito dun sa manliligaw at ng lunch date nila.

 

Kahit tuloy dito sa sasakyan, nadala niya ‘yung pagiging wala sa sarili. Alam niyang hindi okay, but she couldn’t help feeling that way. Ayaw na lang niyang isipin kung bakit.

 

“Giselle, what are the reasons kung bakit hindi pa rin official ang dalawang tao na nagliligawan? Uso pa ba ‘yon? I thought kayo na agad kapag nagde-date kayo nung person na ‘yon,” she wondered. “Asking for a.. friend.”

 

Her manager could only laugh sa pagiging in-denial niya, “I don’t know, Win. Ask yourself. Didn’t you date her before?”

 

Actually... Hindi siya sure.

 

Maraming unfinished business sa kanila ni Karina.

 

 

Summer of 2014

 

(8:36am) Jimin: Good morning, Minjeong ❤️ Tuloy ba

tayo mamaya? Excited na akong makita ka hehe

 

Kakagising lang ni Minjeong, ang ganda na kaagad ng bungad sa kanya ng umaga dahil sa text ni Jimin. It has been like that since makilala niya ang magandang babae—always looking forward siya sa every day.

 

Araw-araw kasi silang magkausap sa text at kapag bago matulog, naka-phone call sila.

 

It was one of the most unexpected and cliché things that has ever happened to her. Who would have known na makikilala niya si Jimin sa dinamirami ng tao sa paskuhan? Maybe it’s fate…

 

At tingin naman niya, pareho nilang gusto ang isa’t-isa. Although wala pang official na nagiging pag-amin from either of them.

 

(8:50am) Me: Good morning, Jimin. Gusto na rin

kitang makita. Hindi ko matali yung shoes ko eh.

 

(8:51am) Jimin: 🤨 Yun lang yung reason?

 

Hindi mapigilan ni Minjeong na hindi matawa sa pagiging playful nito. Sa totoo lang, si Jimin ang main reason kung bakit lagi siyang masaya lately.

 

Nitong mga nakaraang buwan kasi ay mas pine-presssure siya ng Daddy niya sa pagpa-practice dahil finally, mukhang may chance siya na makapag-audition sa isang agency.

 

Hindi pa rin naman totally sure at kung tutuusin, lumiliit na ang chance niya, pero may kakilala kasi sa SoKor ang Korean niyang ama na affiliated sa isang entertainment company.

 

She hasn’t told anyone yet about it dahil ayaw niyang ma-jinx. Si Yunjin lang ang may alam and maybe, i-oopen niya kay Jimin mamaya. Excited na siya.

 

“Mommy, lalabas lang po ako. May i-meet akong friend sa may UST,” pagpapaalam niya. “I’ll be back home din po before dinner.”

 

“Oh sige. Pero magpaalam ka muna sa appa mo, Minjeong.”

 

Minsan naiinis siya sa nanay niya. Lagi na lang kasi itong dumedepende lang sa sinasabi ng tatay niya. May pagka-bossy kasi ito.

 

Thankfully ay pinayagan naman siya. Sinabi lang na mag-ingat dahil malayo ang UST dito sa bahay nila sa Alabang. But since 18 naman na si Minjeong, medyo binigyan na siya ng freedom ng magulang.

 

Isa pa, sinabi na lang niya kunwari na mag-eexplore siya sa UST. Dun kasi niya balak mag-aral ng college in case na hindi matuloy ang pagte-training niya bilang idol sa South Korea. Nakapasa kasi siya sa USTET.

 

(11:01am) Me: Malapit na ako sa UST. Where

tayo mag-meet?

 

Medyo kinakabahan si Minjeong. Ngayon lang ulit kasi sila magkikita ni Jimin matapos ang paskuhan. Ayaw niyang maging awkward.

 

(11:05am) Jimin: Walking ako papunta sa main building.

Nandito ako sa may lover’s lane. Dito tayo kita?

 

(11:06am) Me: Okay.. See you ☺️

 

Binilisan niya na ang paglalakad dahil gustong-gusto niya nang makita si Jimin.

 

And when she finally saw the girl’s familiar back, parang malalagutan ng hininga si Minjeong.

 

Naka-white sleeveless blouse ito at simpleng blue jeans, pero ang ganda-ganda pa rin niya. Weirdly enough, likod pa lang ni Jimin, nanghihina na ang mga tuhod ni Minjeong.

 

Lalo pa nung humarap ito at magtama ang paningin nilang dalawa.

 

“Minjeong!” Jimin went straight to her at katulad sa mga napapanood ni Minjeong na k-dramas, parang tumigil ang paligid niya at si Jimin lang ang tao sa mundo.

 

Naramdaman niya ang mahigpit na yakap nito, “Hi.. It’s really good to see you again..” Bulong nito. “Okay lang ba na niyayakap kita ngayon?”

 

She finally moved her hands at niyakap rin si Jimin pabalik, “Oo naman..” She smiled habang magkayakap silang dalawa.

 

Hindi na mabilang ni Minjeong kung ilang segundo na sila magkayakap ni Karina bago sila maghiwalay.

 

“Sorry, napatagal,” nahihiyang sabi ni Jimin sa kanya. “I’ve been wanting to do that since mag-start tayong mag-usap. Sana hindi ako mabaho.”

 

She laughed quietly.

 

One thing about Jimin na napansin ni Minjeong—prangka ito at sinasabi ang nararamdaman. Kapag may gusto itong sabihin, sasabihin niya without hesitating. And she means it. Hindi siya bull na tao.

 

“Ako rin naman..”

 

“Talaga?”

 

Their eyes met again at nagulat siya nang biglang haplusin ni Jimin ang pisngi niya, “Ang ganda mo talaga..” Bigla namang nanlaki ang mga mata nito at ni-retract ang kamay, “Ay, carried away lang si bading. Sorry.”

 

Pagtalikod ni Jimin, kinuha agad niya ang kamay nito at sabay silang naglakad, “Lunch date tayo,” she said bravely. “Kung okay lang sayo.”

 

Kita niya ang masayang ngiti nito, “Lunch date it is.”

 

They ended up eating sa Mang Tootz. The whole time ay nakikinig lang siya kay Jimin sa mga kwento nitong nakakatawa tungkol sa Papa niya. Pansin ni Minjeong na wala itong nababanggit masyado about her mother.

 

“Uhm, ‘yung mom mo san siya nagwo-work?”

 

Malumanay na ngumiti si Jimin sa kanya, “She lives in Korea, actually. Bumalik siya don dati pa para mag-work pero sabi niya babalik siya next year dito. She promised me.”

 

Tumango lang si Minjeong, “Ahh.. And you mentioned na kaming dalawa lang ‘yung tumatawag sayo ng Jimin, diba?” She changed the mood into a lighter one.

 

Jimin smiled broadly, “Oo. Mas sanay na rin ako na tinatawag mo ‘kong Jimin kaysa Karina. Parang ang weird coming from you nung English name ko. I like that you’re different from anybody else.”

 

Nag-init ang tenga ni Minjeong sa sinabi nito. Pangiti-ngiti na lang siya habang kumakain ng banana rhuma.

 

“Ikaw, tell me about your family.. Uhm, about your dreams, I guess..” Naramdaman niya ang mga daliri ni Karina sa taas ng kamay niya. Almost as if unconsciously nitong nilalaro ang mga daliri ni Minjeong.

 

“Wag kang tatawa ha, pero pangarap kong maging ano.. k-pop idol,” she admitted. It’s always nerve-wracking para sa kanya ang aminin ito sa iba dahil feeling niya mababaw at hindi makatotohanan.

 

“Bakit naman ako tatawa? Kung ‘yun ‘yung gusto mo eh.. Tsaka kung keri mo naman, why not?”

 

Nakwento niya kay Jimin ang pagiging supportive ng parents niya sa dream niya. Dahil ito rin naman ang gusto ng kanyang Dad for her.

 

She also opened up about the small possibility of the audition pero almost 90% sure si Minjeong na hindi siya papasa. If she’s being honest, nile-let go na lang niya ‘yung idea. She’s settling sa idea na mag-aral na lang sa UST.

 

Hindi rin naman masama kung ito ang mangyayari dahil at least, makakasama niya si Karina dito…

 

“It’s good na sinusuportahan ka ng parents mo.”

 

“They can be overbearing sometimes, especially si Appa. Minsan nga iniisip ko, gusto ko pa ba ‘to or gusto ko na lang siya because of my parents..”

 

Karina smiled genuinely at her at pinagsiklop ang mga kamay nila, “Hindi ka na rin naman malulugi if mag-stay ka dito sa UST. We’ll have lunch dates and dinner dates together all the time.”

 

“Weh? Talaga ba?”

 

“Oo naman. I’ll take care of you, Minjeong.”

 

 

 

“It wasn’t official. We— Uhm, we were young. Ano ngang tawag don? Puppy love? Yep. Let’s not talk about it,” humarap na lang siya sa bintana ng kotse. She knew well enough that it wasn’t just like that para sa kanya.

 

Maloko man at mapang-asar siya kapag kaharap si Karina, but Winter still feels sad kapag naaalala niya ‘yung nakaraan nilang dalawa. It was all rainbows and butterflies…

 

Until it wasn’t.

 

Hindi niya nga sigurado kung magiging okay pa sila ni Karina after ng ginawa niyang pang-iiwan dito nang biglaan, pero willing siyang sumubok. Isang taon naman ang ilalagi niya dito sa Pilipinas.

 

“Eh ikaw naman ang nag-open. Obviously, bothered ka dun sa manliligaw niya,” patuloy ni Giselle.

 

“Winter, don’t do anything stupid, okay? Karina seems nice, other than the fact that she basically hates you,” natawa ito. “But don’t be too overly obsessed over gaining her forgiveness because it might not happen. Baka masayang lang ang oras at efforts mo.”

 

Natahimik na lang si Winter, but Giselle continued, “She looks like someone who knows her worth at hindi mabilis mapaamo,” prangkang sabi pa ang manager niya.

 

Winter chuckled, “I know. Kaya nga iniinis ko na lang din minsan, if that’s the only way that I can get a reaction out of her,” defeated niyang sabi.

 

Kaya naman kinuha na lang niya ang phone niya para i-text si Jimin.

 

Nagbangayan pa sila kahapon dahil inutos ni Winter na i-unblock siya nito. Sabi niya sa kanyang “private chef”, it’s not so “professional” that Jimin has her blocked kung nagtatrabaho siya para kay Winter.

 

(11:45am) Me: Nasaan ka na?

 

(11:47am) Jimin: ?????

 

(11:47am) Me: Kasama mo na ba si kuyang OA

 

(11:49am) Jimin: None of your business.

Stop texting if hindi about sa work.

 

(11:50am) Me: Okay. Gusto ko ng masarap

na dessert tonight. Hehe

 

(11:51am) Jimin: Share mo lang?

 

(11:51am) Me: Yes. Do you like na nag-uupdate

ako sayo? 😘

 

Giselle probably noticed her giggles kaya tinignan siya nito, “Binibwisit mo nanaman si Jopay. Stop doing that! ‘Pag yan umalis satin, you’ll settle with Lucas.”

 

“Hindi na nga po.”

 

Jimin didn’t reply to her last message anymore kaya nag-open na lang si Winter ng lysn app niya para makipag-interact sa fans.

 

The weather is nice today in Manila 🥰

 

Have you eaten?

 

I have a schedule, so I ate early. I had the best adobo ever!

 

Fighting today, Winterbelles!

 

Pumunta siya sa Instagram app after mag-send ng message sa bubble.

 

Tinignan niya ang Instagram account ni Karina. Hiningi niya kasi ito kay Tiffany at kunwaring ita-tag sa story kaya agad namang binigay sa kanya ang username.

 

May latest post siya from days ago. Naalala ni Winter na same night ito when she ordered food from KarNing.

 

@krnenrqz

 

Reunited with Chan Chan! Ang swerte niya na may kasama siyang maganda during food trip 🙄 Ka-miss si Mang Tootz!

 

📍 Mang Tootz Foodhouse ❤️

 

She scoffed to herself, “Okay, fine, may kirot.”

 

She closed the app at umidlip na lang muna dahil mahaba-haba ang byahe nila papunta sa HQ at Manila para mag-shoot. She needs to stay focused katulad ng sinabi ni Giselle at ‘wag magpaapekto sa thoughts about kay Jimin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Ang shala naman nitong resto. Kala ko sa paresan lang tayo. Sumahod ka noh?”

 

Nung niyaya kasi siya ni Sunchan na mag-lunch, akala niya sa usual lang sila kakain. Dun sa place na puro lutong-bahay ang sine-serve near TWF.

 

Hindi niya ine-expect na dadalhin siya ng manliligaw sa sosyal na restaurant around Makati. Nagmukha tuloy siyang dugyot dahil naka jeans at plain shirt lang siya.

 

“Wala lang. Tsaka I need to talk to you about something,” nanigas ang katawan ni Karina. Para kasing alam na niya kung ano ang gustong pag-usapan nito…

 

Ready na ba siya?

 

“Order ka muna. It’s nothing to be nervous about,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
I’m super busy lately sa work and personal matters, but rest assured na hindi ko po ito igo-ghost! Updating soon! 🫶🏻

Comments

You must be logged in to comment
JiminJeongXXXXX
#1
Miss you pooooo
LacusClyne1124
#2
Miss u tooor huhuhu
iilwueee
36 streak #3
Chapter 30: grabe huhu gulantang ako sa happenings, great read po! somehow between the story, inisip ko talaga na what if si yunjin and karina talaga. kawawa naman ang bebe.
ccelineeeee_
#4
Chapter 30: miss u tor
wishwishwish #5
otor, miss na kita :((
LacusClyne1124
#6
Chapter 30: Toooor???
Gungdaengie
#7
Namiss ko si jopay 😭
tzuyu_once #8
Chapter 30: Author san ka na po:--(( nakakabitinnnnn looking forward sa update nyo. Ganda ng story shuta
Tortillos #9
Chapter 3: YUNG TAWA KO GRABE KAHIT NASA CHAPTER 3 PALANG AKO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
bigboy123
194 streak #10
Chapter 30: Jopay, kamusta ka na? 🥹