| Dos 2

Yellow Hues
Please Subscribe to read the full chapter

Two weeks after the ganaps with Karina sa condo, hindi na namin siya naka-interact ni Ning. Pagkatapos niya kasing i-balik sa akin ang hoodie at shorts ko ay hindi ko na ulit siya nakausap. No big deal. We all have our personal lives to focus on. 


 

Paminsan ay nakikita raw siya ni Ning sa may Dapitan.  Minsan naman ay sa school canteen. Isang beses nga raw ay nakita niya si Karina na pumaparty rin sa Xylo. Ang dami talaga nilang time.


 

Anyway, baka ganon lang talaga ang takbo ng buhay. May mga taong dadaan sa buhay natin para magbigay ng lessons and life learnings tapos bigla na lang silang maglalaho. Not that disappointed ako or what. Random realization lang naman and in general naman ang thoughts ko.  


 

Kung may lesson man akong nakuha kay Karina bukod sa ‘wag magpakalasing at manghimasok sa condo unit ng iba, ito ay ang ‘wag magpahiram ng hoodie sa hindi kakilala. Matanong niyo kung bakit? 


 

Ganito kasi…


 

Naglalakad ako sa Lover’s Lane kasama ang classmate kong si Ryujin, 2 weeks ago nung biglang tinawag ako ni Karina para i-abot ang mga damit ko na nakalagay sa isang paper bag. 


 

Inabot niya lang naman yung paper bag at nagpasalamat sa akin bago umalis kaagad dahil nagmamadali raw siya. Hahabol yata sa isang class niya. Hindi ko sure. 


 

Bumalik kami ni Ryujin sa classroom at dahil nga malamig, isusuot ko sana ang hoodie ko pero hep! Ang black hoodie ko bakit naging brown na medyo pink? 


 

Natawa naman si Ryujin at tinanong kung saang swimming pool ng zonrox daw ba binabad ang hoodie ko. Hay! Nakakasama ka na ng loob, Karina. Hinayaan ko na lang dahil mukha namang design yung mantsa ng zonrox sa hoodie ko.  Oo! Ipipilit ko na lang. Pampagaan ba ng loob. 


 

Ang paborito kong hoodie… Ang sakit.





 

Nandito kami ngayon ni Ryujin sa isang cafe sa labas ng univ. Hinahapit namin ang  first three chapters ng business plan proposal namin nang biglang may naglapag ng iced americano sa table namin. 


 

“Wrong table po yata, Kuya?” Pagtatanong ni Ryu. Sumang-ayon naman ako dahil hindi naman kami umorder ng coffee. Nilalantakan lang namin ang cake at pasta dito. 


 

“May nagpapaabot po for Ms. Winter daw po.” Sabi ni kuyang server. 


 

I looked at kuya and blinked a few times dahil hindi pa rin napoprocess ng utak ko na may nagpapa-abot ng coffee sa akin. Agad naman akong itinulak ni Ryujin at inasar.


 

“Kupo. Grabe ka na, Winter!” Malakas niyang sigaw kaya tinakpan ko agad ang bibig niya. Ang ingay kaya! Nakakahiya sa ibang mga estudyante rito sa loob na nag aaral. Kumawala naman si Ryu. “Kanino raw po galing, Kuya?” Ryu asked. 


 

I facepalmed myself dahil sa kahihiyan. 


 

“Ay, umalis na po eh. Sabi lang compensation daw po yan sa nasira mong hoodie. “ Sagot ni Kuya.


 

Ah si Karina…


 

“Sige, Kuya. Thank you po.” I answered. Tumango lang naman si Kuya at umalis na.


 

“Ay. Akala ko naman may secret admirer ka na.” Bulong ni Ryu sa akin. 


 

“Baliw.” Tinignan ko lang siya nang masama bago uminom ng kape na bigay ni Karina. Paano kaya ako makakapag thank you sa kanya eh ni-hindi ko nga siya nakakasalubong man lang. Tyaka ko na nga iisipin. Kailangan ko na muna tapusin ang paper namin ni Ryujin.


 

After an hour, we decided to call it a day. Si Ryujin kasi magdadrive pa pauwi kaya minabuti na naming ipagpabukas ang paper. Chapter 3 na lang naman ang kailangan kaya madali na lang yon. 6:30 pm na rin naman. Baka maipit pa siya sa traffic. 


 

Habang palabas kami sa cafe ay biglang may nagnotif na message sa phone ko. 


 

It’s Ate…


 

Ate Taeyeon: Minjeong! Uwi ka sa Saturday. May shooting si bunso, hindi ko masasamahan ‘cause may business meeting kami ni Dad sa US.

 

Me: Where’s her manager?

 

Ate Taeyeon: We fired her, ‘di ba? 


 

Oo nga pala. Sinesante ni Ate ang manager ni Haerin (Newjeans) dahil paulit-ulit nitong nakaligtaang sunduin si bunso after ng taping. Hindi lang yan, nalaman din ni Ate na drunk driving lagi ang ex-manager ni Haerin. I think deserve mawalan ng trabaho.


 

Ang busy naman ng buhay ng bunso namin. Singer and Actress si bunso. Si Ate naman ay ang Chief Operating Officer (COO) ng Entertainment company namin. Dad is the CEO of course. While Mom is the Head of Design. So, basically inclined ang family business namin sa Entertainment.


 

Anong ambag ko? 


 

Haha. Syempre wala… pa…


 

Kidding aside, I’m in line for the position of Chief Financial Officer ng company. That’s why I took up Business Ad. Major in Financial Management. The current CFO kasi is my Lolo and he badly wants to retire na. Nakaka pressure ka naman, Lo. 


 

Although nung bata a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
nikijeong
new story !!
heavy blue: https://www.asianfanfics.com/story/view/1522518

twtr acc: @nikijeongie

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
538 streak #1
Kaka-miss po. 😔
fanficethusiast #2
Chapter 25: Hello kailan ka pp babalik :( mga taga uste talaga ghoster JK HAHAHA
yhielswift013
#3
Balik ka na po :(
_wintuhhh
#4
balik ka na beh hindi na me galit ☹️
jastiemey #5
Chapter 25: missyou😔
ryujinie__
691 streak #6
imy
kimmynjeongg
#7
Chapter 25: balik ka na po uwu
shipper_jmj #8
Chapter 25: Jennie naman eh, kakasimula pa lang ng relationship nila inofferan mo naman agad. Hays. Hahahahahahahahaha! Kayanin niyo yan Minjeong if ever.
Phoebe_chan
#9
Lf thomasian frenny, NAG HANAP BWICT HAHAHHAAHAH
rain_yyxy
#10
Chapter 1: WHAHAHAAHHAHAHAA im about to start this story tapos naalala ko may exam ako sa income tax🥲