Nine

Too Much to Ask
Please Subscribe to read the full chapter

I'm currently attending my last subject for today. Imbes na makinig sa discussion ay iba ang pinagkakaabalahan ko. Nakapangalumbaba ako habang pinaglalaruan ang pen sa kamay. Swerte ko nalang at hindi ako nahuhuli ng prof na hindi nakikinig.

Sumulyap ako sa bintana at pinagmasdan ang mahinang paggalaw ng mga ulap. Ang peaceful lang tingnan, salungat ng nararamdaman ko.

Andaming bumabagabag sa akin. Puro tungkol kay Karina. 

Tama ba na umasa ako? Is it time for me to make a move? 

I'm thinking... 

Normal pa rin ba sa magkaibigan ang galaw namin? I mean, normal lang naman ang pagiging touchy niya at times diba? Part pa rin naman yun ng scope ng friendship. 

I'm trying so hard to convince myself na wala lang ang mga napapansin ko. Na normal lang ang paminsan-minsan niyang paghaplos sa kamay ko sa tuwing kaming dalawa lang. Na wala ng iba pang pahiwatig ang mga ngiti niya tuwing magkakasalubong ang mga tingin namin.

But deep inside, something is telling me otherwise.

Ang hirap ipagsawalang bahala ang lahat ng galaw niya. 

Somehow, it's giving me a little hope. Na baka meron akong pag-asa sa kaniya, na parehas kami ng nararamdaman para sa isa't-isa. I mean, it could be possible right? Sa napapansin ko kasi, masyado siyang touchy sa akin compared sa iba pa naming mga kaibigan. Not that I'm complaining. I like it very much to be honest. But still, it kept me wondering. Sure I've seen her hug Giselle, Ryujin, and Ningning but I don't think I've ever seen her hold hands with any of them the way she does with me. Or maybe she did. Siguro we've been so distant towards each other before na ang dami kong namiss-out. It's justifiable kasi every time I see her treating our friends nicely dati, napapalayo lang ako ng tingin. I hated the feeling I get every time. Sa huli, hindi ako napapakali. Hindi ako nakakatulog dahil nadadagdagan lang ang sama ng loob ko sa tuwing iniisip ko na ibang-iba ang trato niya sa akin. 

And that's another one to think about. Our relationship was questionable. Did she ever consider me as her friend dati? Di kasi porket nasa iisang circle kami ay magkaibigan na talaga, diba? May times na nag-uusap nga kami pero puro away naman o di kaya sagutan. Pero kapag naman may nagtatanong kung magkaibigan kami, sinasagot naman niya ng oo. 

Ngayon iba na. Sobrang malapit na kami sa isa't-isa to the point na ino-overthink ko na lahat. 

But what if ako lang ang naglalagay ng malisya? Pa'no kung wala lang pala sa kaniya 'to? 

Bumabawi lang kaya siya?

Siguro nga gusto niya lang bumawi sa lahat ng pagtataray niya sa akin. Siguro gusto niya rin iparamdam sa akin kung paano niya tratuhin ang iba. Pero kasi, she can just look at me minus the suggestive smile though. I feel like she's flirting me with her playful smirk. It's not my fault na umaasa ako. 

Kung matapang lang ako, dineretso ko na siya agad. Nga lang, duwag ako pagdating sa kaniya. 

Kung tanungin ko kaya ang opinyon ng tatlo dito? O kahit si Giselle nalang. Panigurado kasing andami-dami niyang alam. Sina Ning at Ryujin, parehas lang din sila ng opinyon base na rin sa dati naming pag-uusap. Actually, isa sila sa dahilan kung bakit nadadagdagan ang pag-asa ko kay Karina. 

On a second thought, bakit ko ba ito pinrobroblema? I mentally shook my head. 

Nagbabalak ka na ba, Winter?

Sa sobrang pag-iisip ko di ko namalayan na nagsiuwian na pala ang tao sa room maliban sa akin at sa kay Minju. She snapped her fingers at my face.

" Ayos ka lang? Mukhang problemado ka na naman. Tsk. Tsk."

Umayos ako ng upo at dahan-dahang nililigpit ang mga gamit.

" Wala, marami lang akong iniisip. "
Nagkibit-balikat siya. Siguro alam niya naman kung ano ang iniisip ko. 

" Si Karina noh? " Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy siya. " Ba't kasi di ka pa umamin para matapos na ang kalbaryo mo?" Why is everyone encouraging me to confess? Sign na ba ito? Kapag tinanong ko si Giselle at iyan din ang isasagot niya siguro nga mag-iipon na ako ng tapang para umamin.

Nagpaalam na kami sa isa't-isa. Papunta na ako ng parking nang makatanggap ako ng text. Dali-dali kong binuksan hoping that it was from Karina pero mali.

From Lia:
Hello, Winter.

Oh. Si Lia pala. It wasn't the first time that she texted me kaya nasa contacts ko na siya. I seldom reply to her texts. Siguro nangungumusta lang ulit. 

To Lia:
Hi.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang pasulyap-sulyap minsan sa telepono.

From Lia:
Gosh, I very much feel your enthusiasm. 

Hindi pa ako nakaka-reply nang nag send ulit siya ng message.

From Lia:
You're really living up to your name. Lol. 

I was about to reply to her nang mapansin kong may mga taong naghihintay sa tapat ng sasakyan ko. Medyo nagulat pa ako nang konti. 

" You're so busy with your phone na di mo kami napansin agad." Giselle spoke. My sight shifted to the girl beside her. Napansin kong nasa hawak ko ang tingin niya, may pagtataka sa mga mata nito. Agad ko namang sinilid sa bulsa ang hawak ko. I'm not sure, pero pakiramdam ko naiirita siya every time nahuhuli niya akong nakatitig sa phone. 

" Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila pero na kay Karina ang tingin. 

" Naghihintay, obvious ba?" Napabaling ang tingin ko kay Ningning. Sinimangutan ko siya. She stuck her tongue out.

" Bakit?" Bumalik ang tingin ko kay Karina. Napakunot ako ng noo. Bakit parang bumalik yung pagiging mataray niya? 

" They wanted to hang out at your house." She's crossing her arms. 

" Yeah, wala akong kasama sa bahay ngayon. I'm so lonely. " Giselle said dramatically. 

" Me too! " Nagpataas ng kamay si Ningning.

" Eh si Ryujin? "

" She's busy with her date." Si Karina ang sumagot. She blew her hair. "Anyway, why don't we go now? Kanina pa kami rito naghihintay, ang tagal mo. "

Tinalikuran niya ako at lumapit na sa pinto ng kotse ko.

Naririnig ko ang mga pigil na hagikhik ni Ningning. I felt a tap on my shoulder. Lumingon ako. Giselle's grinning weirdly at me. Ano na namang ginawa ko? 

" Not my fault. You didn't text me. " Mahinang sambit ko. I don't know if she heard it. 

Mabilis naman na pumunta sina Ningning at Giselle sa isa pang kotse na nakaparada katabi lang ng kotse ko. Naiwan kami ni Karina na nakatayo.

I'm looking at her intently. Sinusubukan kong basahin ang laman ng isipan niya. Meanwhile, she's still crossing her hands while gazing sharply at me. 

" Hey! Stop the staring game and move. You have all the time to do that later." Tarantang napasunod ako agad nang marinig ko ang kantiyaw ni Giselle.

Ano ba kasing ginawa ko? 


" Pakantahin mo naman ako, Bestie!" 

" I'm arou--- oh later, Ning! "

Andito kami ngayon sa sala. Kanina, pagkarating na pagkarating namin, agad na nagkasundo ang dalawa na magkakantahan daw kami. 

Nakaupo lang ako at pinagmamasdan si Karina na nakatingin lang sa kanila. We already talked inside the car kanina. She said sorry sa naging asal niya. Now, I felt relieved. Maybe it's just her time of the month. 

Natatawa na siya sa kung anong nangyayari. Sa tuwing naririnig ko ang tawa niya, nahahawa rin ako.

" You want to join them?" Lumingon siya sa akin pagkarinig niya ng tanong ko. 

" Maybe later," she shrugged. " How about you?"

" Yeah, later din. " She protruded her lips. 

" I wanna hear you sing again..." I chuckled. Really huh? 

" Hello friends, I'm here!!"

Napatingin kaming lahat sa kung sino ang dumating. Nakipag-fist bump sa aming lahat si Ryujin. Mukhang tuwang-tuwa siya ngayon. 

" Done with your date already? Ang aga! " Kinantyawan namin siya. Apparently, di raw sila natuloy kasi nagka-emergency bigla. Kinuwento niya pa ang ibang detalye sa amin. Habang nagsasalita si Ryujin, nararamdaman kong kanina pa nagvvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito from my pocket. 

From Lia:
You didn't reply again. So cold.

I clicked my tongue. Ano na naman kayang pakulo nito? Akmang rereply-an ko na sana nang marinig kong tinawag ni Giselle ang pangalan ko. 

" Calling the attention of Miss Winter Kim! What's so interesting about your phone that you cannot keep your eyes away from it? " Lahat sila ay nakatingin na sa akin. 

" Kanina may tini-text ka rin sino yan? " Ningning butted in.

My vision shifted to Ryujin. Nagkatinginan kami at bigla siyang napangisi. Kumuha siya ng throw pillow at binato sa akin.

"Hoy ikaw! May hindi ka sinasabi sa amin!" Tiningnan niya ang tatlong kaibigan na parang naghahanap ng kakampi. "Guys, may sinesekreto itong si Winter sa atin, I think kailangan niyang gulpihin."

Tiningnan ko ang mga kasama namin. They're all focused sa sinasabi ni Ryujin. 

"Ano na naman ang trip mo? " Magkasalubong ang mga kilay kong nakatitig sa kaniya.

" Anong lakad mo nung nakaraan? " She's looking at me smugly. 

" Bakit?" 

" Nakipag-date ka noh? " 

Pinagsasabi niya? Nanatiling lito ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
IceWolf23 #1
Chapter 11: finally!! confessionism
potatomj
#2
Chapter 1: magbabalik ka pa ba?
potatomj
#3
Chapter 1: i love this story so much
ryujinie__
684 streak #4
Chapter 1: Rereading 🤍
jimin_jeong_ #5
Chapter 14: Waaa ang ganda ganda!!! Thank you author for writing this. Grabe na talaga mga bading ngayon, may pa-away pang nalalaman eh cuddle lang din pala ang ending haha.
jimin_jeong_ #6
Chapter 12: Huyy ang sakit naman neto sobrang panget kaya sa feeling ng nale-left out :((( siguro nga masyado pang bata and immature si Rina that time. Though both of them are at fault kasi hindi nila pinagusapan agad.
jimin_jeong_ #7
Chapter 11: EATING MY PILLOW ATM AJAHEJEURR GANYANG CONFESSION ANG GUSTO KO!!
jimin_jeong_ #8
Chapter 9: WINTER AKO NALANG FLS
jimin_jeong_ #9
Chapter 6: OMG THE WHOOO

2Kim stan ako ihh pero tyl hindi si wonyoung pinsan ni yujin HAHAHSHSH pereng eme nemen te se jeno
jimin_jeong_ #10
Chapter 5: WTB BFF PREMIUM HUHUHU