Five

Too Much to Ask
Please Subscribe to read the full chapter

"Still drunk?" Namutawi ang boses ni Karina. Ilang minuto rin kaming nanatiling tahimik lang kanina. 

I shook my head. 

Unti-unti niyang binitawan ang kamay ko. 

"I think you need to wash up and change clothes muna. You smell like alcohol." Her tone is sweet. Feeling ko tuloy para akong baby na kinakausap niya. Nangingiti ako sa naiisip. 

"Okay." Mahinang sabi ko. 

" Why did you drink with Minju tonight pala? May pasok bukas." 

I was caught off guard by her question.

"Uhm-- May problema kasi siya." Maingat kong sabi. 

I looked away.

" Tsaka nagseselos ako. " I whispered so that she wouldn't hear. 

" What is it?" She asked curiously siguro narinig niya nang slight yung bulong ko. 

"Wala." I shook my head aggressively.
She remained looking at me with suspicious eyes. 

"Nga pala, nakauwi rin ba si Minju?" It took her a while to answer. 

" Yeah, someone fetched her. " She shrugged. 

" Ikaw, pa'no mo ako nasundo?" I asked curiously. 

" Oh that-- you called me instead of Ryujin." Nanlalaki ang mga mata ko. Nakakahiya. " Tinulungan din ako ni Manong na dalhin ka dito."

"Ahh naghihintay pa ba siya sa baba?"

" Hmm. " She nodded. 

" Uuwi ka na?" Tinatantya ko lang ang ekspresyon niya. 

" Mamaya pag matutulog ka na. " She smiled kaya napangiti rin ako. Nakakahawa masyado. 

Sinubukan kong bumangon. Inangat ko ang katawan ko pero napahiga lang ako ulit. Medyo nahilo ako ng kaunti.

" Uh, help?" Natatawa siya dahil sa sinabi ko. I smiled shyly at her. 

She extends her arms.

I reached for it. 

I forced myself to get up.

"Ayan inom pa." She teased me while giggling.

Sinimangutan ko siya. She pinched my cheek tsaka tinawanan lang ulit. 

It tugs my heart sa tuwing maririnig ko ang tawa niya. Parang imposible pa rin sa akin ang lahat. 

She guided me hanggang banyo.

"Be careful. I'll wait till you're done." Sabi niya sa mababang boses. Hindi ko alam kung bakit may iba akong naramdaman. Siguro dahil sa kaming dalawa lang at sobrang tahimik ng paligid at malalim na rin ang gabi kaya iba ang epekto ng boses niya sa sistema ko. 

Sinubukan kong waksiin nalang ang kung anumang ideya na pumapasok sa utak ko.

" Pwede ka namang umuwi na." Labas sa ilong kong sabi. Ang totoo, gusto ko pa siyang makasama nang matagal. Gusto ko pang maranasan ang pakiramdam na malapit kami sa isa't-isa. I yearned for it for so long.

She looked at me with a smirk plastered on her face. 

"No, Winter. I have to make sure that you will be sleeping soundly before I leave." She pushed me lightly inside my bathroom. Hindi na ako umangal at binilisan ko nalang ang ginagawa ko kahit na medyo nahihilo. 


Nasa bahay ulit kami nila Karina ngayon. Sabado, kaya as usual manonood na naman kami ng kung anong palabas. Sina Karina, Giselle at Ning nasa kusina pa rin at naghahanda na naman ng kung anong makakakain namin. Samantala, dalawa kami ni Ryujin ang nauna na dito sa movie room at pumipili ng pwedeng panoorin. 

After that night na naglasing ako with Minju, I can really say that my relationship with Karina has improved. Nginingitian niya na ako ngayon. Nagiging clingy na rin siya sa akin.

Medyo mataray pa rin naman minsan, iniirapan pa rin ako pero di na kagaya ng dati. Tinatawan ko nalang kapag ganon siya sa akin.

"Ano ba yan parang ang boring naman ng mga movies dito wala akong mapili. Ikaw nga dito Win, yung horror nalang. "

" Tss wag ka nga, alam mong ayaw ni Karina ng horror films eh. " Agad akong nagreklamo sa kanya.

"Naks, parang dati lang gustong gusto mo i-suggest na horror yung panoorin natin para inisin siya, ngayon kung makatanggi ka-" i cut her off.

" Malamang di kami okay noon. Bati na kami ngayon at ayaw kong bigyan na naman siya ng rason para mainis sa akin." 

She looked at me teasingly.

" Congrats! Sa wakas noh after ilang years bati na kayo, like completely. " Binato niya ako ng throw pillow. 

Tanda ko pa ang mga reaksyon nila nung nakita nila ang biglaang pagyakap sa akin ni Karina sa likod. 

"Luh!" Tanging nasambit ni Ryujin habang nanlalaki ang mga mata.

Sakto namang umiinom si Ning ng tubig kaya pagkakita niya sa'min ay nabulunan siya. Nagkalat ang tubig sa sahig mula sa bunganga niya. Tinulungan naman siya agad ni Ryujin. 

Si Giselle naman ay naniningkit ang matang nakatingin sa amin.

At ako?

Siyempre nagulat din. Para akong estatwa na di humihinga. 

Vulnerable pa naman ako pagdating sa kaniya.

Naninibago pa rin ako sa biglang pag-aayos namin. Masyado akong nasanay na mataray siya na ngayong pinapakita niya yung sweetness niya, bigla-biglang natitigilan ako. 

"What is this behavior?" Tanong ni Giselle sa amin.

Teka ano bang isasagot dapat sa tanong na 'yan?

"Bakit may pagyakap ka nang nalalaman Rina? 'Yan ba ang last wish ni Winter at papatayin mo na siya mamaya? " 

naeeskandalong tanong ni Ningning sa amin after niyang makabawi. 

Naramdaman ko ang unti-unting pagkalas ng braso ni Karina mula sa katawan ko at hinarap niya ang mga kaibigan namin. 

Tiningnan ko siya. Nakangiti lang siya sa kanila.

"Bati na kami ni Winter.." bumaling siya sa akin. "Right Winter?"

Hindi ako nakasagot agad kaya she nudged me.

Para akong si flash sa bilis ng pagtango ko. 

"Wehhh? Paano?" Nagtataka pa rin si Ryujin na nakatingin sa amin.

Karina shrugged beside me.

"We talked already. We said sorry to each other so..."

" We need kwento! " Dinuro-duro kami ni Ning na parang may malaki kaming kasalanan sa kanya. 

At di nila kami tinantanan hanggang sa di namin naikwento kung anong nangyari. 

" Mami-miss ko mga sagutan ninyo. Like legit." Nakapangalumbabang sabi ni Ningning.

Tumango-tango lang si Ryujin sa gilid.

" Although we find it sudden and weird, still congrats! We're genuinely happy for you. " Giselle smiled at us.

Bigla namang umingay ang buong sulok ng bahay nang sabay-sabay silang magpalakpakan tatlo. 

 

"Pero ayaw mo ba non, kapag horror yung papanoorin natin kakapit si Karina sa'yo tas makakapag hokage moves ka na yieee. "

Gusto kong sapakin si Ryujin ngayon. 

" Ano ka ba, ayaw kong i-take advantage ang pagkakaibigan namin. Basta okay na kami, kontento na ako ron. "

" Di ako naniniwala. Walang taong nakokontento, Winter. "
she shrugged at me.

Bumukas naman ang pintuan at pumasok sina Ning at Giselle na may dalang snacks at ilang soda at alcohol in can. 

Ilang sandali pang nanatili ang mga mata ko sa pinto, ini-expect na papasok din si Karina. 

"Expecting for Karina?" Giselle raised her eyebrow on me. " She's still in the kitchen, you may go if you want. Samahan mo siya." 

The three of them teased me. Hindi ko pa kino-confirm kay Giselle na may something nga ako kay Karina pero alam kong may alam na si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
IceWolf23 #1
Chapter 11: finally!! confessionism
potatomj
#2
Chapter 1: magbabalik ka pa ba?
potatomj
#3
Chapter 1: i love this story so much
ryujinie__
684 streak #4
Chapter 1: Rereading 🤍
jimin_jeong_ #5
Chapter 14: Waaa ang ganda ganda!!! Thank you author for writing this. Grabe na talaga mga bading ngayon, may pa-away pang nalalaman eh cuddle lang din pala ang ending haha.
jimin_jeong_ #6
Chapter 12: Huyy ang sakit naman neto sobrang panget kaya sa feeling ng nale-left out :((( siguro nga masyado pang bata and immature si Rina that time. Though both of them are at fault kasi hindi nila pinagusapan agad.
jimin_jeong_ #7
Chapter 11: EATING MY PILLOW ATM AJAHEJEURR GANYANG CONFESSION ANG GUSTO KO!!
jimin_jeong_ #8
Chapter 9: WINTER AKO NALANG FLS
jimin_jeong_ #9
Chapter 6: OMG THE WHOOO

2Kim stan ako ihh pero tyl hindi si wonyoung pinsan ni yujin HAHAHSHSH pereng eme nemen te se jeno
jimin_jeong_ #10
Chapter 5: WTB BFF PREMIUM HUHUHU