Fourteen

Too Much to Ask
Please Subscribe to read the full chapter


Late akong bumangon kinaumagahan. Nagising lang ako dahil sa natanggap na good morning text galing kay Karina. 

Kagabi, para akong tuko na nakakapit sa kanya like seriously, I couldn't get enough of her warmth. Ayokong mawalay sa kanya bigla. Ganun pala yun. Ibang klaseng pakiramdam ang epekto sa akin sa tuwing iniisip ko na pwedeng-puwede ko na siyang hagkan kailan ko man gusto. 
Gusto ko nga sanang sunggaban ang suggestion ni Tita na mag sleep over kaya lang ay may hiya pa namang natitira sa akin. 

Mabilis akong nagtype ng reply. 
Bumangon ako at nag-inat ng katawan. Pupungas-pungas pa akong naglakad patungong banyo.

Excited akong muling makita ang girlfriend ko. Para akong baliw na bumungisngis mag-isa. Minsan nginingitian ko pa ang mga bagay na madadapuan ng tingin ko. Crazy right? 

 


Nakapangalumbaba kong pinapanood si Karina na kumakain ng cinnamon rolls sa tabi ko. My body is slightly facing towards her direction. Napangiti ako nang makita ko ang pamumula ng tenga niya. Nahihiya siguro 'to. 

Kasi naman, nakaantabay ang tatlo naming kaibigan sa harapan na halatang inoobserbahan ang bawat kilos namin. Kanina pa sila todo bato sa mga tanong nila. 

Tumigil sa pagnguya si Karina at humarap siya sa akin. Gumagalaw ang mga mata niya na parang may gusto siyang iparating. Hindi ko na-gets kaya tinaasan ko siya ng kilay. 

Wala naman siyang sinabi bagkus ay bumalik lamang siya sa pagkain. I noticed the crumbs of bread on the conrner of her lips kaya automatic na gumalaw ako at inilapat ang kamay sa parte kung saan may dumi. She froze on her seat when she felt my thumb on it. 

Narinig namin ang magkakasunod na ubo sa harapan namin.

" Ang awkward palang tingnan shet."

" Para tayong nakakaistorbo."

Nilingon ko ang nagtutulakang sina Ryujin at Ningning. Para silang mga ewan na namumula. Si Giselle naman sa gilid ay nanatiling nakatingin sa amin. She's amusingly looking at us... especially at Karina na namumula na ang buong mukha ngayon. 

" Not gonna lie, this is oddly satisfying to watch. Rina being conscious like this is new to our eyes." Halos tumatawa na siyang binabanggit ang mga salita. Lumipat sa akin ang tingin niya. "Though medyo awkward din coz you know, di kami sanay na maglandian kayo live. It was fun watching you act stupid and dumb towards each other pero sa huli, nakakastress na kayo sa bangs."

" Sa true lang, pati kami nadadamay na sa pag-ooverthink eh." Segunda ni Ningning. 

" Nadamay na rin namin pati si Lia."

My eyes got fixated on Ryujin nang banggitin niya iyon. Anong kinalaman ni Lia? Nagtatanong ang mga mata kong nakatingin sa kanya. 
Uminom muna siya ng soda bago nagsalita.

" Kinuntsaba kasi namin siya. Idea ni Giselle." 

Actually, she messaged me na gusto niyang mag-apologize sa akin at kay Karina sa ginawa niya. Di niya daw ini-expect na may walk-out na magaganap. Di niya rin nabanggit na plano pala yun nila Giselle. She said she wanted to apologize personally pero I assured her naman na okay na ang lahat. 

Napunta doon ang takbo ng usapan namin. Mahina na lamang akong napaaray nang maramdaman ko ang kurot sa hita ko. Natatawa kong nilingon si Karina. Nahihiya na talaga siguro siya. 

Giselle cleared .

" So... What's your status? Kayo na?"

Lumaki ang ngisi ko when Karina protruded her lips. Inusog ko ang upuan ko papalapit. Her hand is just resting on my thigh. Hinawakan ko iyon at inangat sa lamesa para makita ng lahat.

I heard the silent murmurs of Ryujin and Ningning. Kanina pa silang ganyan. 

" Yes, kami na." I proudly said.

" Ay talaga? Di ka na nanligaw?" Tinawanan ni Ningning si Ryujin." Talo ka pa ni Winter, Ryu." At naghampasan na naman sila. 

" Grabe talaga, kung iisipin ko parang ang imposible na may gusto ka rin dito kay Winter nung high school, beshie. I mean, ang harsh mo kaya sa kanya." Dagdag pa niyang sabi. 

" Right? Napaka-confusing mo back then pero naisip ko, masyado kang iritable sa mga girls around Winter. It was sus."  Giselle added. 

I smiled at their sentiments. Nakatingin lang din si Karina sa kanila pero sobrang pula na ng tenga niya. 

" Ako rin. Madalas kong mapansin yung tinginan ninyo, kala niyo ha. Ang obvious niyo sa part na yun." Sabat naman ni Ryujin. Ibinida na naman niya ang pagiging observant niya kuno. 

" Away-away pa."

" May sinasabi ka Ning?"

I stuck my out at Ning nang hamunin siya ni Karina. Ayan tikman mo ang kamalditahan niya. 

" So your mommy knows?" Nakatingin lamang si Giselle sa magkahawak naming kamay. 

" Yeah, she's actually very supportive. "

" Not surprising. She's fond of Winter ever since. Sayang di namin siya naabutan. "

Maaga kasing umalis na naman si Tita para asikasuhin na naman ang mga bagay-bagay.

Malakas na pumalakpak si Ryujin para kunin ang atensyon namin. 

" Inom tayo mamaya!"

" Ay gusto ko yan! Doon tayo sa amin." Tinuro kami ni Ningning. " Sagot ni Winter at Karina." 

" Wow, desisyon ka?" 

Hindi na nila pinansin ang pagpalag ko. 

 

" Woah, andami!" Bulalas ni Giselle nang makita ang bag na dala namin ni Ryujin na puno ng vodka at beer. As if naman na may mauubos siyang isang bote. 

Luminga ako para hanapin si Karina. Binitawan ko ang bag at nagpaalam na hahanapin lang ang jowa ko. Bago ako makaalis ay nakatikim pa ako ng pangangantyaw galing sa kanila. 

" Hi, Missy." Bati ko kay Karina nang makita ko siya sa may labas ng bahay na busy sa pag-iihaw ng barbeque. 

Her face lit up nang makita niya ako. 

" Hello..." 

Bumaba ang tingin ko sa mga iniihaw niya. " Wow, mukhang masarap ah." 

" Hindi mo pa nga natitikman."

" Sus, lahat naman ng niluluto mo masarap eh." 

" Yung mga niluluto ko lang?"

Nagulat ako sa tanong niya. Maging siya ata'y na-caught off guard din. Saan galing iyon?

Nagkaroon ng pause sa gitna namin. Unti-unting kumawala ang tawa sa akin nang nag-register ang sinabi niya. My eyes caught the reddening of her ears. 

" Siyempre yung tiga luto rin. Masarap."

" Gosh, shut up Winter."

" You asked, so I answered."

Pabiro niyang pinaypayan ang usok papunta sa akin. 

" Stop teasing me."

" Ayoko nga." Ang cute kapag siya naman ng nahihiya ngayon.

" Ayaw mong tumigil?"

" Ayaw."

" Really...?" Akala ko mapipikon siya pero hindi. Her lips curled upward. Yung mga mata niya, parang may binabalak.

" let's see mamaya." Napawi ang ngisi sa labi ko at napalitan ng kaba. What does she mean?

Natahimik nalang ako sa gilid habang tinititigan ang mukha niya. 

" What are you staring at? Kanina ka pa."

" Bakit? Nako-conscious ka?" Hindi siya nagsalita.  "Nahihiya ka ba sa kanila?"

" Medyo. Have you heard what they've been saying kanina? Ako yung inaasar nila."

" Don't worry, ako rin."

Pinunasan ko ang pawis na namumuo sa noo niya. She scrunched her nose. 

" I smell like barbeque."

" Paamoy nga."

Natatawa niya akong tinulak papalayo.

" Really? Anong nakain mo at masyado kang nagiging bold ngayon?" I smiled suggestively. Inirapan niya lang ako. 

Inagaw ko sa kanya ang hawak na tong " Ako na muna diyan. Pahinga ka muna." 

Pinagbigyan niya na rin naman ako sa gusto ko. Saglit siyang nagpaalam para pumunta ng kusina. Sinusundan ko lang ng tingin ang likod niya. 

"Oh, asan ang tingin Winter? Baka masunog yung barbeque ha, Ayokong magka-cancer." Muntik ko nang mapalo si Ningning nang umakbay siya sa akin.

" Kabute ka ba? Bigla ka na lang sumusulpot."

 

Maingay kaming naglapag ng pagkain sa mini table sa sala. Tumatalon-talon pa kaming lahat na parang may imaginary trampoline bago nag settle at umupo sa U-shaped na sofa. Katabi ko si Karina sa  sulok, sa tabi niya naman ay si Ryujin sumunod ay si Giselle at Ningning. 

" Nood tayo ng movie!" Aya ni Ning. " Anong gusto niyong panoorin?"

" Human Centipede! Human Centipede!" 

" Ew, Ryu! Kilabutan ka nga. Baka masuka lang tayong lahat diyan." Agarang pag-alma ni Giselle. 

" Edi horror nalang. Tagal ko nang di nakakapanood ng favorite genre ko."

Kumuha ako ng isang chip at binato sa ulo niya.

" Luh Winter. Nagsasayang ka ng pagkain, masama yan. Pagsabihan mo yan Karina."

" Ayaw ni Karina ng horror, shunga ka." 

" Anime na lang. Yung Naruto Shippuden." We all grunted in unison sa suggestion ni Ning. Really? 

" Actually, okay lang naman kung horror film."

Nagdiwang si Ryujin sa sinabi ni Karina.

" Baka naman mamaya, yayakap ka lang kay Winter the whole duration ng movie."

Di nga nagkakamali si Giselle sa sinabi niya kasi si Karina, nakatago lang sa likod ko. Si Ryujin naman ay minsan nakikilingkis din sa jowa ko. Sarap sapakin. Anlakas lakas mag-suggest ng horror tas ngayon halos hindi na siya nanonood. Nahagip naman ng tingin ko ang maya't-mayang paghahampasan nina Giselle at Ningning. Puro sila tilian. At siyempre, di ko rin naman maiwasang magulat sa ibang scenes na nakakatakot talaga.

" That was intense!" Sabi ni Ryujin sabay tungga sa smirnoff. Nakakadalawang bote na siya mula pa kanina. Actually, nags-start na siyang mamula. Hawak hawak niya ang cellphone niya at parang may ka-text. 

" Mukhang mapapaos ako tomorrow." Si Ningning naman ay sumubo ng chicken wings. Tumutunog pa ang paglasa niya sa sauce. Nakapatong ang ulo ni Giselle sa kanya na patikim-tikim lang sa baso. 

Si Karina naman, jusko...

kanina niya pa dinadapo ang kamay niya sa hita ko. Hinahagod niya ito pataas at pababa. Also, her suggestive smiles couldn't escape me. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kaya nagpatuloy lamang ako sa pagtingin-tingin sa paligid to cast away certain thoughts. 

" Open your mouth, Winter." Bulong niya sa tenga ko. Sobrang lapit. 

I opened my mouth hesitantly. Sinubuan niya ako ng barbeque. 

May tumulong sauce sa labi ko and she immediately wiped it using her thumb habang malagkit na nakatitig dito. 

Malakas na tumikhim ang mga kasamahan namin.  

" Warrafuq!" Malutong na mura mula kay Ning ang narinig namin. " Alright. Masasanay din ako." 

" Ayoko na! So sweet. Feeling ko ako yung matutunaw. Dito ka nga Selle. " Segunda ni Ryujin. 

Hindi ko na pinansin ang panggugulo nila. Masyado nang okupado ang utak ko sa ibang bagay. Sa kamay ni Karina, sa mga mata niya, sa mga labi niya. Ito na ba yung banta niya kanina sa pang-aasar ko? 

" Sinong ka-text mo Ryu?"

" Who else, Ning? She's probably drunk texting Yeji."

" Hoy Selle, yung phone ko!"

" Ay sorry na-send."

" Anong minessage niyo?"

" Chill ka lang. Promise, hindi ito makakasama sa reputasyon mo."

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
IceWolf23 #1
Chapter 11: finally!! confessionism
potatomj
#2
Chapter 1: magbabalik ka pa ba?
potatomj
#3
Chapter 1: i love this story so much
ryujinie__
685 streak #4
Chapter 1: Rereading 🤍
jimin_jeong_ #5
Chapter 14: Waaa ang ganda ganda!!! Thank you author for writing this. Grabe na talaga mga bading ngayon, may pa-away pang nalalaman eh cuddle lang din pala ang ending haha.
jimin_jeong_ #6
Chapter 12: Huyy ang sakit naman neto sobrang panget kaya sa feeling ng nale-left out :((( siguro nga masyado pang bata and immature si Rina that time. Though both of them are at fault kasi hindi nila pinagusapan agad.
jimin_jeong_ #7
Chapter 11: EATING MY PILLOW ATM AJAHEJEURR GANYANG CONFESSION ANG GUSTO KO!!
jimin_jeong_ #8
Chapter 9: WINTER AKO NALANG FLS
jimin_jeong_ #9
Chapter 6: OMG THE WHOOO

2Kim stan ako ihh pero tyl hindi si wonyoung pinsan ni yujin HAHAHSHSH pereng eme nemen te se jeno
jimin_jeong_ #10
Chapter 5: WTB BFF PREMIUM HUHUHU