Eleven

Too Much to Ask
Please Subscribe to read the full chapter

Nagmadali akong naglakad para sundan ang direksyon kung saan ko huling nakita si Karina. I was almost sprinting just to catch up on her but then hindi ako sigurado kung saan siya particularly. Malapit na ako sa mismong exit ng mall nang makasalubong ko sina Ryujin at Ningning.

" Asan si Karina?" I asked them aggressively.

Umiling si Ryujin. " Hindi namin naabutan, nakita nalang namin na sumakay siya ng taxi."

" She's probably going home. Susundan mo ba? " Tumango ako kay ni Ningning. Hindi na sila nang-usisa pa at kaagad na akong pinakawalan.

Mabilis na sumakay ako sa sasakyan ni Giselle. I can feel the adrenaline rushing through my veins. Even while driving, hindi mapakali ang utak ko. Paulit-ulit kong iniisip kung anong maaaring dahilan ng pag-alis niya. Okay pa naman kami kanina. Although I sensed her being uncomfortable, in-assure pa naman niya ako na ayos lang siya. 

I hit the steering wheel out of frustration. I shouldn't have listened to her at dapat nag-insist na ako na samahan siya. I knew it. Hindi dapat ako nagpakampante sa ngiti niya. I should have paid more attention to her. 

She probably felt left out. Siguro sobrang nainip na siya. Sumagi rin sa utak ko si Lia. I knew then na inaasar niya ako the way siya kumilos. Palibhasa kasi alam niya ang sekreto ko na medyo hindi na tago.

Naapektuhan ba si Karina? Did it trigger her? Pero last night, akala ko okay siya kay Lia. Inaasar niya pa nga ako sa kaniya, so what now?

What was that reaction Karina? Was it because of that? Nagseselos ka ba? 

You really should think of a good excuse now, coz I won't let you get away easily. 

Huminga ako nang malalim sa naiisip. Could it be that she's finally jealous? Now that I think of it, that wasn't the first time that she walked out without a word. Kahit nung highschool pa lang, ilang beses na niya akong winalk-outan.  Kinikilabutan ako sa tuwing naiisip ko na dati pa lang iba na ang reaksyon niya sa tuwing may nakakasama akong iba. 

We really should talk. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik ngayon. I have to know how she feels. 

I stepped on the breaks fast nang makarating na ako sa bahay nila. I immediately hopped off the car at kaagad na kinausap si manong guard na papasukin ako.

Once I stepped inside, kaagad akong nagmadali papuntang hagdan. I don't know, I just have this feeling na baka she's inside her room. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay nakarinig ako ng ingay ng takong na nagmumula sa taas. Agad akong natigilan. Biglang dumoble ang kaba na nararamdaman ko nang makita kung sino ang humahakbang pababa. 

" Winter?" 

Pababa ngayon sa hagdan ang mommy ni Karina. Nang makita ako ay mas binilisan niya pa ang galaw niya. Nakakunot ang noo at parang nagtataka kung bakit ako nandito. 

, what a wrong timing! 

 " Winter dear, what brings you here? " Patuloy lang na tumutunog ang takong ng sapatos niya habang bumababa siya. Ewan ko pero mas lalo lamang akong kinabahan sa naririnig. 

Nang nasa harapan ko na siya ay hinalikan niya ako sa pisngi saka hinagkan.

" T-tita. Kararating niyo lang po?" Maingat ako sa aking tono, medyo nanginginig pa nga. 

" Yes hija, " tumigil siya sa pagsasalita at tiningnan ako nang maigi. " Are you here for Rina?" Napalunok ako. Pakiramdam ko tuloy guilty ako sa kasalanang di ko alam. " Did you two fight again? " Sinubukan kong buksan ang bibig para magsalita pero walang boses na lumalabas. " The last time I called her on the phone, she said na nagkaayos na kayo." 

Anong sasabihin ko? 

Di ako sigurado sa kung anong nangyari kaya wala akong masasagot.

Did we fight? I'm not sure.

Napayuko ako at napakagat ng labi. 

I can't just say na nagwalk-out si Karina, right? Her mom would just dig up some more details. I'm not ready for that. I have to talk to Karina first.

" When she arrived here, hindi niya ako napansin at nagmamadali pa siyang pumunta ng kwarto niya. She looked upset, I don't know why. Pinuntahan ko pa siya at nag-usap lang kami saglit... " Nag-angat ako ng tingin. There's a glint of worry in her eyes. " I assumed that perhaps it's something related to you kasi nakikita ko lang siyang ganyan kapag may hindi kayo pagkakaunawaan dati. I mean, I'm aware sa kung paano ka tratuhin ni Rina. " Tita is looking at me tenderly in the eyes. She smiled curtly.

Naalala ko na naman kung paano ako sobrang asikasuhin ni tita sa tuwing napapabisita kami dito at timing na wala siyang business abroad. Alam niyang puro pang-iirap ang ginagawa sa akin ng anak niya kaya minsan siya na mismo ang nang-aalo. 

I suddenly feel sorry. Pakiramdam ko kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit gano'n ang naging akto ni Karina kanina. 

I can feel the corners of my eyes warming up.

" Tita, sorry po..." I swallowed the lump in my throat. " Kasalanan ko po kung bakit siya inis na naman." Kita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya. I can definitely see her resemblance with her daughter. They are both intimidating kapag seryoso ang tingin. 

" What did you do pala, hija?" She raised her eyebrow, urging me to speak.

Should I tell her?

Yes, I probably should.

" Kasi po, we made a deal to play the game she wanted kanina p-pero hindi kami nakapaglaro kaagad kasi i-iba pa po yung ginawa ko... "

Now that I'm telling this, bakit parang ang childish pakinggan? Pero that wasn't just what particularly happened. Hindi ko na isasali ang iba pang detalye. 

" She probably felt annoyed that I made her wait long. " Nagbaba ako ng tingin. Hindi na ako makatingin nang diretso. 

" Really?! Just because of that? Goodness! You always fight over small things. "  Tita exhaled at parang di siya makapaniwala. 

Pero it wasn't just that...

" Okay, I'm sorry. Rina probably felt emotional because of that. " Awkward siyang tumawa. " I don't know why my daughter always gets easily worked up pagdating sa'yo. " She's now looking at me with a puzzled look. 

Tita grabbed my hand and dragged me up  hanggang sa nasa tapat na kami ng pintuan ng kwarto ni Karina.

Kumatok siya rito. 

" Rina, Winter is here. She wants to talk to you." Walang sumasagot.

Patuloy lamang sa pagkatok si Tita sa pintuan.

" Rina, open the door. Stop being stubborn!" Nakarinig kami ng kalabog mula sa loob. 

" I wanna rest, let her go home! " Rinig kong sigaw niya. Naramdaman ko ang mas lalong paghigpit ng hawak ni tita sa akin. Naiistress siguro siya sa katigasan ng ulo ng anak niya. 

" Rina, Winter came all the way here to fix whatever your problem is, come on open this now! " 

Nanatili lang akong nakatitig sa pintuan. Para akong bata na hawak hawak ng mommy ni Karina. Mas lalong lumalakas ang pintig ng puso ko dahil sa katahimikan na lumilipas. Di pa rin kasi bumubukas ang pinto. 

Galit ba siya talaga? I seriously need her to answer kung bakit ganiyan ang inirereact niya.

Nahigit ko ang aking hininga nang makita ko ang paggalaw ng door handle. Bumukas ito at kaagad na tumambad sa paningin ko si Karina na matatalim ang tingin sa akin. 

" Go inside, Winter. " Utos ng mommy ni Karina na kaagad na inalmahan ng anak niya.

" Mommy no..." Mariin pa rin ang titig niya sa akin. Eto na naman, bumabalik na naman ang pagiging dragona niya.

Nagulat nalang ako nang bigla akong itulak ni tita papasok ng kwarto. Automatic ang paghawak ko sa baywang ni Karina para balansehin ang katawan ko. Siya naman ay napahawak sa balikat ko.

Narinig namin ang malakas na pagsara ng pinto. Nanatili lang kaming nakatitig sa isa't-isa, both surprised. 
" You two should talk. Walang lalabas hangga't hindi kayo nag-uusap. " Narinig namin ang tunog ng takong na papalayo.

Kaagad na bumitaw sa akin si Karina habang ako naman ay nanatili pa rin ang mga kamay sa kanya. She held both my hands at pinilit na inalis mula sa kaniyang baywang. She also stepped away immediately at padabog na umupo sa kama niya—her arms crossed. 

I'm just looking at her intently. I'm basically weighing all these reactions she is showing. 

I can feel the thick air between us. Suddenly, all the questions I had rehearsed awhile ago flew out of the window. 

" What are you doing here?" Tanong niya sa gitna ng mahabang katahimikan. 

I mustered all the courage to talk. 

" Bakit ka umali

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
IceWolf23 #1
Chapter 11: finally!! confessionism
potatomj
#2
Chapter 1: magbabalik ka pa ba?
potatomj
#3
Chapter 1: i love this story so much
ryujinie__
684 streak #4
Chapter 1: Rereading 🤍
jimin_jeong_ #5
Chapter 14: Waaa ang ganda ganda!!! Thank you author for writing this. Grabe na talaga mga bading ngayon, may pa-away pang nalalaman eh cuddle lang din pala ang ending haha.
jimin_jeong_ #6
Chapter 12: Huyy ang sakit naman neto sobrang panget kaya sa feeling ng nale-left out :((( siguro nga masyado pang bata and immature si Rina that time. Though both of them are at fault kasi hindi nila pinagusapan agad.
jimin_jeong_ #7
Chapter 11: EATING MY PILLOW ATM AJAHEJEURR GANYANG CONFESSION ANG GUSTO KO!!
jimin_jeong_ #8
Chapter 9: WINTER AKO NALANG FLS
jimin_jeong_ #9
Chapter 6: OMG THE WHOOO

2Kim stan ako ihh pero tyl hindi si wonyoung pinsan ni yujin HAHAHSHSH pereng eme nemen te se jeno
jimin_jeong_ #10
Chapter 5: WTB BFF PREMIUM HUHUHU