Six

Too Much to Ask
Please Subscribe to read the full chapter

" Do I look good in this dress, Winter?" Karina asked. She twirls around showing me the 360 degree view of her body. 

We're both inside her room. Nakaupo lang ako sa kama niya. Pinapatingnan niya sa'kin kung okay ba yung mga dress niya. 

"Bagay na bagay!" I gave her thumbs up with my teeth showing for a wide smile. 

She rolled her eyes.

"Yung totoo kasi!" 

" You don't believe me?" I feigned an offended look. She just hissed. 

She's wearing a dress na medyo ano uhm, medyo.. kita ang cleavage pero hindi masyado.. like konti lang, I mean hindi naman medyo kita... Like...ah basta.

Kitang kita ko ang collar bones niya. May pa-slit din sa kanang hita. 

She honestly looks so good. She looks dreamy. Napapatulala nalang ako sa tuwing tinitingnan ko siyang ganito kaayos. 

Kung di ko lang alam na para kay Jeno yung paghahanda niya ay baka abot hanggang langit ang ngiti ko. Pero I have to act cool. Kailangan kong ipakita sa kaniya na 100% yung support ko sa kanila ng long time crush niya. 

She looked at me briefly and shrugged. Tumalikod siya sa akin at humarap sa salamin. She's looking for something sa drawer niya. Probably some accessories.

I noticed that she's holding a necklace. She's trying to put it on but I can see that she's struggling. 

Hindi na ako nag-atubiling tumayo at lumapit para pumwesto sa likod niya. Medyo nagulat pa siya sa biglaang pagtayo ko. 

"Let me." I whispered.

Inangat ko ang kamay ko para kunin ang kuwintas na nakapalibot na sa batok niya. Our fingers brushed for a moment, para akong nakuryente sa isang segundong nagdugtong ang mga daliri namin. Nakita kong bahagya pang nanginig ang kamay niya bago niya ito ibaba. Nagkatinginan kami sa salamin. 

Naramdaman niya rin kaya? 

Tumikhim siya at parehas kaming nag-iwas ng tingin.

Medyo nanginginig rin ang mga kamay ko na inaayos ang lock ng kuwintas niya.

"Thanks..." She muttered silently after I was done putting on the necklace. I smiled at her through our reflection in the mirror.

"You're welcome." 

Bago pa kami makagalaw sa pwesto namin, sabay kaming napatingin sa pintuan niya nang marinig namin ang biglaan nitong pagbukas. 

It was Giselle who suddenly barged in.

Nakatingin lang kami ni Karina sa kanya na parehong gulat habang si Giselle naman ay unti-unting napataas ang kilay. Her eyes wandered around me and Karina. 

"Hi, Winter!" Nag smirk pa siya sa akin. I only nod at her.

She then looked at Karina from head to toe.

"Ohhh, you look smokin' hot girl. I love your look." Siningkitan niya ito ng mata. "You're putting a lot of effort sa pag-aayos mo. I smell something special ngayon." She gave me a side eye.

Nabaling ang tingin ko across the room. I suddenly feel suffocated.

Oo nga, masyado siyang ma-effort sa pagpapaganda para kay Jeno. Di ko maiwasang isipin na baka magiging espesyal nga ang araw na ito para sa kanila.

Nilunok ko ang bara sa lalamunan ko. 

"Anyway... I just hope that you don't rush, Rina. "

" Of course, Selle. "

Di ko na naman mapigilang mag-isip ng kung ano-ano. 

Kailangan ko na nga sigurong masanay sa ganito. Hindi malabong mangyari na baka sa susunod, kahit saan kami magpunta, kasa-kasama na ni Karina si Jeno. 

At kailangan ko na rin pigilan kung ano man itong nararamdaman ko. It's useless. Gusto kong sumaya para sa kaniya na walang halong pait na nararamdaman. I want to be completely happy for her. 

My thoughts got interrupted when Rina's phone vibrated sa table niya. Napatingin kami lahat do'n.

She picked it up and read whatever text there is. 

"Is that Jeno?" Tanong ni Giselle.

"Yeah, he's almost here." Her eyes lingered on me shortly then she proceeded to finalize her look. Giselle helped her.

"Take care, Rina. Enjoy your date." Bilin ni Giselle.

Nasa gate na kami. The sun has already set. Jeno's car was parked in front. Bumukas ang pinto at lumabas siya.

Okay... For the first time aaminin ko. Gwapo nga naman talaga si Jeno. I can't blame Karina. 

Nagkatinginan sila.

I swallowed bitterly. I gritted my teeth. The jealousy is crumbling in. I hate to admit... Bagay sila. Bagay na bagay sila.

This is the reality I was bound to face. Sa huli, mananatili lang ako sa gilid—nakatingin sa kanila. Sa huli, si Jeno pa rin ang kahahantungan ni Karina. 

Tanggap ko naman dati pa pero hindi ko alam kung bakit parang may parte sa akin na gustong magwala dahil sa nasasaksihan ko ngayon. Sabi ko dati kontento na ako na pansinin niya araw-araw kaya dapat tiisin ko na kung ano man ang nakikita ko pero ang sakit pala talaga. 

Tumingin si Karina sa direksyon ko. I automatically smiled at her widely. 

Yes, Karina. You look good together. Enjoy your date. Everyone's rooting for you both kaya magpakasaya kayo.

"Take care of our friend, Jeno." Giselle spoke beside me. The guy flashed his smile to us.

"Of course. You don't have to remind me, Giselle." He looked at me. He nodded. Tinanguan ko rin siya. 

I smiled bitterly... Ngayon pa lang alam ko nang magiging masaya si Karina sa kaniya. 

He touched Karina's waist gently and guided her to his car. Nanatili ang tingin ko roon. Yeah, the things that he's privileged to do. 

Before Rina hopped in, she looked at me. There's something in her eyes. She looked like she wanted to say something.

What is it, Rina?

I stepped my right foot, curious of what she's about to say. 

In the end she just tilted her head and smiled at me.

Nararamdaman ko ang pag iinit ng sulok ng mga mata ko. Nagsimula na ring magbara ang lalamunan ko.

Get over it, Winter. Kailangan mong sanayin ang sarili mo. Karina's bound to end up

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
IceWolf23 #1
Chapter 11: finally!! confessionism
potatomj
#2
Chapter 1: magbabalik ka pa ba?
potatomj
#3
Chapter 1: i love this story so much
ryujinie__
685 streak #4
Chapter 1: Rereading 🤍
jimin_jeong_ #5
Chapter 14: Waaa ang ganda ganda!!! Thank you author for writing this. Grabe na talaga mga bading ngayon, may pa-away pang nalalaman eh cuddle lang din pala ang ending haha.
jimin_jeong_ #6
Chapter 12: Huyy ang sakit naman neto sobrang panget kaya sa feeling ng nale-left out :((( siguro nga masyado pang bata and immature si Rina that time. Though both of them are at fault kasi hindi nila pinagusapan agad.
jimin_jeong_ #7
Chapter 11: EATING MY PILLOW ATM AJAHEJEURR GANYANG CONFESSION ANG GUSTO KO!!
jimin_jeong_ #8
Chapter 9: WINTER AKO NALANG FLS
jimin_jeong_ #9
Chapter 6: OMG THE WHOOO

2Kim stan ako ihh pero tyl hindi si wonyoung pinsan ni yujin HAHAHSHSH pereng eme nemen te se jeno
jimin_jeong_ #10
Chapter 5: WTB BFF PREMIUM HUHUHU