Seven

Too Much to Ask
Please Subscribe to read the full chapter

Inhale... Exhale... Inhale... Exhale...

Nakaupo ako ngayon sa bleachers at nagpapahinga. May practice kami ng volleyball. I'm literally sweating buckets, ramdam na ramdam ko ang pamamasa ng jersey na suot ko. Nanatili lang akong nakayuko at magkahawak ang mga kamay.

Ramdam kong may tumabi sa akin at tinatapik ang balikat ko.

"Win, tingnan mo yung nasa kabilang bleachers kanina ko pa yan napapansin na tingin nang tingin dito sa pwesto mo. Ganda!" Parang bubuyog na bumubulong si Ryujin sa tenga ko. Nanatili akong nakayuko at hindi siya pinapansin dahil sa sobrang pagod ko.

" Mukhang type ka ata. Grabe, ibang klase talaga ang kamandag mo. I love seeing beautiful gays. So pleasing in the eyes. " Humalakhak pa siya sa tenga ko. Agad akong lumayo sa kaniya.

" Kung gusto mo ikaw nalang. " Challenge ko sa kaniya. 

"Meh, I wish. Pero obvious naman na ikaw ang type kaya go na sa kabaklaan mo." Nakitawa na rin ako. 

Sinubukan kong sulyapan ang nasa harapang bleachers namin, hinahanap ko ang tinutukoy niya. My eyes locked with a cute pair of eyes. Hmm maganda nga. She's not familiar though. Napapagitnaan siya ng dalawa pang babae. Probably her friends. 

I flashed a smile to her. Medyo nagulat pa siya. Sa huli, she also smiled at me.

"Lapitan mo, make a move." Yeah, later. Nakakahiyang lapitan ko siya na ganitong pawis na pawis ako. 

Tumayo ako at dumiretso sa shower room. I need to freshen up. 

Rinig na rinig pa rin ang palo ng bola at mga sigawan ng ibang players sa court. Iilan lang kaming nagpapahinga. Anyway, patapos na rin naman ang practice namin. 

Tapos na akong mag-shower at magbihis. Nag-shorts lang ako at t-shirt. Inaayos ko ngayon ang gamit ko sa locker nang mapansin kong may tao sa likod ko.

Lumingon ako kaagad at nagulat pa ako sa kung sinong nakita ko. It was the pretty girl a while ago.

"Hi!" She looks hyper and friendly. She's all smiles kaya napangiti rin ako kaagad. Inilahad niya ang kaniyang kamay. "I'm Lia."

Kinamayan ko siya "Winter."

She looked amazed upon hearing my name.

" Your name's cool. I like it. Suits you well. " Nginitian ko lang siya. I'm really not good at conversations. Masyado akong awkward. 

" By the way, you look super cool inside the court. I can't take my eyes off you kanina."

I acted shy. Napahimas ako sa batok ko. I'm used to the compliments I receive, but it's a different story when pretty girls say it.

" Thanks, I guess? " Tanging nasabi ko na lang. She giggled, nawawala ang mga mata niya. 

" I think this is the first time I've seen you. You came from another school?" Tanong ko out of curiosity. 

" Uh-huh. I'm friends with some of your teammates so... " She shrugged her shoulders. I just smiled. 

" You really look too cute, Winter... You caught my attention right away the moment I stepped inside." Oh, she's too straightforward. 

" Anyway, It would be nice to have your name saved in my contacts.  So if you don't mind, can I ask for your number?" She's flashing her perfect set of teeth on me.

" Sure, pero I'll have to get yours too. "  I also used my charms. She giggled. 

We exchanged numbers.

Sabay na kaming naglakad pabalik ng court. I'm too immersed in our conversation na di ko napansin agad kung sino-sino ang naghihintay sa bleachers kasama ni Ryujin. Natigilan ako. 

Agad na dumako ang paningin ko sa babaeng supladang nakapandekwatro at magkakrus ang mga brasong nakaupo. Nakatingin siya sa direksyon namin. Blangko lang ang ekspresyon ng mukha niya.

Hindi ko maintindihan ang reaksyon ng sistema ko pagkakita ko sa kaniya. Bigla-biglang bumibilis ang tibok ng puso ko at para pa akong nininerbyos. Ilang beses akong napapalunok. At minsan, parang may gumagalaw na insekto sa tiyan ko na di ko maipaliwanag. 

"Hey Winter..." Napabalik ako sa ulirat nang tawagin ako ni Lia.

"Huh? I-Im sorry... what is it again?" Di ako mapakali. Medyo nanginginig pa ang mga kamay ko.

" You're really cute." Tumawa siya at tinapik niya pa ang kanang pisngi ko.
" I asked you if you're free on Sunday. I'm planning to have lunch with you sana." Wala sa sarili akong napatango nalang.

"Yeah, yeah. Sure Lia." I awkwardly smiled.

She then bid her goodbye and gracefully walked towards her friends.

Pinilit ko naman ang sarili ko na humakbang patungo sa mga kaibigan ko.

" Sino yung bagong girlaloo mo Winter at hindi mo pinakilala sa amin?" Di ako makasabay sa pang-aasar ni Ningning dahil distracted na ako sa iba't-ibang nararamdaman ko.

"Ano, nakuha mo ba ang number niya? Ganda noh? Share your ways naman." Pabiro kong sinapak si Ryujin. I tried my best to overcome all the foreign feelings that are creeping in. 

" Got a date on Sunday." Pagmamayabang ko. I faked my laugh.

" Congrats to that... Pakilala mo kami next time." Sabat ni Giselle. 

" So, kabilang ba siya sa crush list mo? Dami mo nang crush ah."

" Ning, you're making it sound like I'm a huge flirt. " Depensa ko sa sarili. 

" Ay hindi ba? Obvious naman eh tsaka lahat ata ng crush mo nakakausap mo. Share your manifesting mantra naman diyan. Gagamitin ko rin don sa crush ko, baka lang mag-work. "

Patago kong sinulyapan si Karina na nasa gilid lang at hindi umiimik. 

Eh kay Karina kaya. Anong manifesting mantra ang tatalab para kausapin niya ako?

Pinagmasdan ko siya. Hindi na naman niya ako pinapansin. Wala siyang pakialam sa mga ganap ko sa buhay. She's just staring ahead. Nakakunot ang noo. Susundan ko sana ang line of vision niya nang magtama ang mga mata namin.

I instantly felt the wobbling of my knees. Parang may nagkakarambola rin sa loob ng dibdib ko sa sobrang lakas ng pagtibok. 

Tanga ka, Winter! Iirapan ka na naman niyan!

Bakit pakiramdam ko nakagawa ako ng kasalanan? Para na niyang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko ngayon.

Damn those eyes! 

Sa huli nag-iwas siya ng tingin at iniling-iling pa ang ulo.

Para akong tinakasan ng dugo sa katawan. What does she mean by that? She looks disappointed. What did I do? 


"Winter... Oh gosh, I can't believe I'm seeing you so

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
IceWolf23 #1
Chapter 11: finally!! confessionism
potatomj
#2
Chapter 1: magbabalik ka pa ba?
potatomj
#3
Chapter 1: i love this story so much
ryujinie__
684 streak #4
Chapter 1: Rereading 🤍
jimin_jeong_ #5
Chapter 14: Waaa ang ganda ganda!!! Thank you author for writing this. Grabe na talaga mga bading ngayon, may pa-away pang nalalaman eh cuddle lang din pala ang ending haha.
jimin_jeong_ #6
Chapter 12: Huyy ang sakit naman neto sobrang panget kaya sa feeling ng nale-left out :((( siguro nga masyado pang bata and immature si Rina that time. Though both of them are at fault kasi hindi nila pinagusapan agad.
jimin_jeong_ #7
Chapter 11: EATING MY PILLOW ATM AJAHEJEURR GANYANG CONFESSION ANG GUSTO KO!!
jimin_jeong_ #8
Chapter 9: WINTER AKO NALANG FLS
jimin_jeong_ #9
Chapter 6: OMG THE WHOOO

2Kim stan ako ihh pero tyl hindi si wonyoung pinsan ni yujin HAHAHSHSH pereng eme nemen te se jeno
jimin_jeong_ #10
Chapter 5: WTB BFF PREMIUM HUHUHU