Four

Too Much to Ask
Please Subscribe to read the full chapter

Dalawang araw na mula nung nagkasagutan na naman kami ni Karina.

Dalawang araw na rin akong di nagpapakita maski kina Ning. Iniiwasan ko ring magkasalubong ang landas namin sa campus. 

Anyway, magkakalayo naman ang mga buildings namin kaya di na rin ako nahirapan. Kaya ngayon ang bruha na Ningning di na napigilan at pinuntahan na ako sa bahay. Dinala niya rin si Ryujin pati ata si Giselle sana kaso sinamahan niya raw si Karina.

Okay... 

Kanina niya pa ako inoobserbahan habang kinakagatan ang apple sa kamay niya.

May pa liit-liit pa siya ng mata as if sinusuri ako.

Si Ryujin naman nasa gilid lang at busy sa cellphone. 

"Itigil mo yan Ning, ang weird mo." 

She looks so offended sa sinabi ko. Nanlalaki ang mga mata niya na tinuturo ako.

"Excuse me, sa ating dalawa ikaw ang mas weird."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. 

"Pinagsasasabi mo na naman?" 

Lumapit siya sa akin bago nagsalita. 

"Hah! Akala mo ba nakalimutan ko na ang eksena niyong dalawa ni Karina nung isang araw? Actually, pareho kayong weird. Parehas sus."

Umangat ang ulo ni Ryujin at nagtatakang tumingin sa akin.

" Anong eksena ninyo? Away na naman ba? Kaya ka di nagpapakita sa amin?"

Inirapan ko silang dalawa at di na nagsalita.

" Oo! Away na parang may halong something! "

Tiningnan ko si Ning nang masama. Kung ano-ano na namang lumalabas sa bunganga nito.

Ryujin shifted on her seat and became more attentive.

"Ang daya ba't di mo ni-kwento yan agad, invested pa naman ako sa away nilang dalawa." Sinulyapan niya ako at tinaas-baba ang kilay.

" Eh kung di mo inuna paglalandi, na- witness mo sana tsaka narinig word per word yung rebuttals nila."

Nagpatuloy lang sila sa pagtatalo tungkol dito. Sumasakit lang ang ulo ko kasi naaalala ko na naman. Masama pa rin ang loob ko hanggang ngayon. 

Lumapit pa lalo si Ning at pumwesto sa harapan ko. She grabbed my face at nag-eye to eye kami. Seryoso ang mga mata niya na tinitingnan ako. 

" Winter, may gusto ka bang aminin sa amin? " Agad kong tinampal ang kamay niya.

" Pwede ba Ning, 'wag mo na ako idamay sa kabaliwan mo. " Dismissive kong sagot. 

" Hindi Winter eh, alam mo bang di ko ginawa yung assignment ko kagabi kasi instead, ini-analyze kong mabuti yung exchange of words niyo? Nagreminisce na rin ako ng previous away niyo and kagabi lang, nagkaroon ako ng conclusion sa root cause ng problema niyo sa isa't-isa."

" Alam mo Ning, matagal na rin akong may conclusion diyan eh, dati pa 'tong sus si Winter sa paningin ko. " Sumingit pa si Ryujin sa usapan. 

Pa'no ko ba ito matatakasan? Ang kulit lang nila. 

"Omg share mo naman sa'kin yan bestie." 

Tumayo na ako para sana tumakas kaya lang hinila ako ni Ryujin paupo. Tumayo na naman ulit ako at hinila na naman ulit. Buwiset. 

"Tatakasan mo pa kami ha.. igapos mo siya Ning! Maghanap ka ng tali."

Hineadlock ako ni Ryujin. 

"Aray! Ano ba Ryujin, pakawalan niyo muna ako." Nag s-struggle akong makawala mula sa kanya. 

"Wag Ryu! Wait.. wala namang tali dito."

Nilapitan ako ni Ning na nakapamewang. 

"Saan nakalagay tali niyo, Win?" 

" Baliw ba kayo? Pakawalan niyo ako, bitaw Ryujin. "

" Nah uh, sagutin mo muna tanong namin. "

God, may balak ata silang patayin ako. I'm still wiggling my way out pero di talaga ako makawala. Wala na akong nagawa kundi pumayag nalang sa gusto nilang mangyari.

Mag-isa akong nakaupo sa couch ngayon samantalang ang dalawa ay nakatayo sa harapan ko. Nakamasid lang ako sa kanila. May pasingkit-singkit na mata pa silang nalalaman. Eh kung tusukin ko kaya 'yang mga mata niyo? Daming alam eh. 

I sighed. 

What now?

"I'll say my observations first." Ryujin interrupted after a long moment of silence. Uminom din siya ng tubig bago nagsalita ulit. 

" Ikaw Winter..." Humakbang siya papalapit pero sobrang bagal naman. 

"Alam mo bang madalas kitang nakikita na nakatitig kay Rina nang matagal? Tapos minsan pataas-baba pa yung tingin mo, you're obviously checking her out. Tapos minsan ang intense mo pang tumitig."

"Bakit mo alam? Tinititigan mo rin ako?" I butted in.

Tumawa naman si Ning sa gilid. 

"Shunga ka observant kaya ako."

tss

".. so as I was saying, madalas nga kita makitang nakatitig sa kanya. Akala ko nung una normal lang kasi baka nagtataka ka lang at bakit parang ayaw ka niyang ka-close pero recently, kagaya ng sabi ni Ning, iba na rin yung laman ng mga away niyo. Diba Ning? "

Nag apir pa sila sa harapan ko.

" Korek ka dyan bestie. "

" Tanda ko pa kung pa'no ka laging naiinis kapag nababanggit si Jeno... "

I instantly rolled my eyes at the mention of his name. 

"See, see? Look at what I'm saying. Nainis ka pagkabanggit ko ng pangalan niya. Hindi ko rin makalimutan yung sinabi mo na ang pangit-pangit niya. So to sum it all up, the bottom line, in other words, in conclusion..."

May pa drum rolls pa silang sound effect.

"... may gusto ka kay Karina! "

Nag apir silang muli ni Ningning sa harapan ko.

Napababa ako ng tingin. Feeling ko namumula na yung pisngi ko. Nakakahiyang malaman nila na may gusto ako sa kaibigan namin.

" So ano Winter...totoo ba?"

"T-ttotoo na ano? " My eyes are still on the floor. 

" Totoo yung conclusion namin ni detective Ryujin. "

I gulped. I'm contemplating if I should tell them.

Sa huli, napatango na lang ako.

Ningning squealed at pumalakpak naman si Ryujin. 

"Ang galing natin, apir!" At nag apir na naman sila for the nth time. 

"P-pero wag niyong sabihin sa kaniya o kahit kay Giselle." Tiningnan ko sila. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Tamang desisyon ba ang pag-amin ko? 

"Ay Winter beshiewap, isa rin yang si Giselle na nag-popolice. May alam din yun for sure pero sige di namin i-coconfirm sa kaniya."

Obvious ba ako? Ramdam din kaya ni Karina?

" Pero alam ninyo, may nararamdam din akong kakaiba kay Karina eh, parang... parang kagaya lang ulit kay Winter."

Nanatili akong nakatingin lang sa kanila. 

" Well, alam naman ni Karina yung preference mo from the start, Win. Ang vocal mo rin magsabi kung sino yung mga babaeng crush mo nung bata pa tayo, ang chick magnet mo pa nung highschool. So sa ngayon posibleng lahat ng babaeng madidikit sa'yo ay binibigyan niya ng malisya at yan pa madalas ang pinagsisimulan ng away niyo. Inaakusahan ka niyang lumalandi kasi may nakakasabay kang mga girlaloo. And that's suspicious don't you think? "

She looked at me and Ryujin expectantly. 

So, saan sila patungo dito? 

" Luh, alam mo bang yan din ang napapansin ko Ning? Parehas pa silang nagnanakaw ng tingin sa isa't-isa." This time, it's Ryujin who grabbed my face at tiningnan ako diretso sa mata.

" Maniwala ka sa akin, Win. Observant ako, remember? "

Blangko lang ang utak ko, walang pumapasok na information.. loading... Buffering... 

Sinasabi ba nila na posibleng may gusto si Karina sa akin? Eh imposible naman ata kasi unang-una badtrip yun sa akin. Diba pag gusto mo ang isang tao, you'll treat them more kindly? Diyan pa lang bagsak na. 

Ilang saglit ay binitawan ako ni Ryujin dahil parang may na-realize din siya.

"Kaya lang, masyado ring obvious si Karina sa pagkakagusto niya kay Jeno. Ilang years niya ring crush yun. Tapos ngayon manliligaw na nga."

Nagkatinginan kaming tatlo. At sa huli, sabay na napabuntong-hininga.

"Basta Winter hindi kami titigil sa pagsisiyasat ng mga impormasyong makakatulong sa paglutas ng problema ninyo." 

" Naks! Lalim ng Filipino vocab mo Ryu isa pa ngang apir dyan. "

Napatawa nalang ako sa trip nila. I admit, medyo nabawasan ang nakadagan na problema ko ngayon. Di naman siguro nila ako ilalaglag? But I know I have to brace myself for more possible teasing from them.

"Bukas ah, sabay ka na sa amin sa caf. Don't you ever dare hide from us." Sinamaan pa ako ng tingin ni Ningning.

" Oo na sige. " Yun na lang ang tanging nasambit ko. Bahala na bukas. Haharapin ko na naman ang dragona. 

" Tonight, magdadasal talaga ako kay Lord na sana magbati na kayo. "

" Ay ako rin Ning. Mag-aalay ako ng ritwal. " At tuloy-tuloy na ang discussion nila tungkol dito. 

At kinabukasan nga nagpakita na ako sa kanilang lahat. Ni-text ako ni Ning na nasa cafeteria sila.
Nauna silang tatlo don nila Giselle at Karina. 

Hindi ko alam kung bakit tinubuan ako bigla ng hiya habang papalapit sa pwesto nila. Lalong-lalo na sa isa diyan. Dapat inis pa rin ako eh pero ewan at bigla nalang naglaho. 

" You're MIA for days, where have you been, Winter?" Tanong agad ni Giselle pagkaupo ko. Si Ningni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
IceWolf23 #1
Chapter 11: finally!! confessionism
potatomj
#2
Chapter 1: magbabalik ka pa ba?
potatomj
#3
Chapter 1: i love this story so much
ryujinie__
685 streak #4
Chapter 1: Rereading 🤍
jimin_jeong_ #5
Chapter 14: Waaa ang ganda ganda!!! Thank you author for writing this. Grabe na talaga mga bading ngayon, may pa-away pang nalalaman eh cuddle lang din pala ang ending haha.
jimin_jeong_ #6
Chapter 12: Huyy ang sakit naman neto sobrang panget kaya sa feeling ng nale-left out :((( siguro nga masyado pang bata and immature si Rina that time. Though both of them are at fault kasi hindi nila pinagusapan agad.
jimin_jeong_ #7
Chapter 11: EATING MY PILLOW ATM AJAHEJEURR GANYANG CONFESSION ANG GUSTO KO!!
jimin_jeong_ #8
Chapter 9: WINTER AKO NALANG FLS
jimin_jeong_ #9
Chapter 6: OMG THE WHOOO

2Kim stan ako ihh pero tyl hindi si wonyoung pinsan ni yujin HAHAHSHSH pereng eme nemen te se jeno
jimin_jeong_ #10
Chapter 5: WTB BFF PREMIUM HUHUHU