Two

Too Much to Ask
Please Subscribe to read the full chapter

"Welcome back Winter!! How's the concrete jungle?"

Natawa ako sa tanong ni Giselle.

Malapit na ang pasukan ngayon kaya bumalik na rin ako galing New York. I spent my vacation there for almost two months since andon naman naka-base ang parents ko at relatives namin. 

Nasa sala kami ng bahay namin. 

"Where's our pasalubong? Di pwedeng wala ah? Teka, nakakaintindi ka pa rin naman ng tagalog diba?"

" Ang OA mo Ning, nagbakasyon lang naman ako don. "

"Win, yung jacket ko baka naman hehe." Singit pa ni Ryujin. 

Binuksan ko naman yung isang bag na dala ko tsaka inabot sa kanila. 

"Pili lang kayo diyan."

"Eh yung isang bag, para kanino?"

"Hm, I bet that's for Rina." Giselle eyed me curiously. 

" Ay oo nga naman, why did we even ask? May favoritism yan si Winter. Pampa-good shot ba yan? Baka di na siya ma high blood pagkakita sa'yo."

" what are you talking about, Ryu? "

Di na nila ako pinansin at nanghalungkat na sila ng gamit.

Silang tatlo lang ang nandito sa bahay ngayon, di kasama si Karina.

Di kami close ni Karina. Ewan pero ang init ng dugo niya sa akin. Silang tatlo pinapansin niya pero pag ako para lang hangin. Gusto ko siyang kausapin pero pag kinausap ko naman iniirapan lang ako tsaka tatalikuran. Ang sama ng ugali.

"Is she coming here?"

"We're not sure. She's probably out with Jeno today."

Oh..

Huminto si Ningning sa paghalungkat ng gamit at tiningnan ako. 

"You remember Jeno, Win? Yung crush ni Rina nung highschool. He's been courting her recently. Nakalimutan naming i-chika sa'yo."

Tumango lang ako. 

Of course, I remember him.

Sinabihan ko yun na pangit habang kinikwento ni Karina sa amin.

Akala ko sa isip ko lang nasabi pero nagulat nalang ako nang makatanggap na ako ng death glares. 

"He's not ugly, you just don't have a taste. Mind you, he's a campus crush." After non sa tuwing magkaka eye contact kami puro irap ang natatanggap ko mula sa kanya.

Kaya kapag may kitaan kami, as much as possible sa gilid lang ako ni Ning o ni Ryujin, ayoko masyado magkalapit kami kasi baka mamaya bigla akong kurutin.

Nasa gilid lang ako ng couch nagpho-phone habang si Ning na katabi ko ang likot likot. Di ko nalang pinansin at patuloy na nag scroll sa messages kahit wala naman talaga akong ite-text. 

"Jeno is so freaking handsome, if he ever asks me out I would answer yes in a heart beat." 

Ang ingay naman puro nalang Jeno. 

Nye nye yes in a heart beat daw, ang landi talaga di man lang magpapakipot?

Dumidikit na yung braso ng katabi ko sa sobrang galaw. Naaamoy ko na ang pabango niya. Gusto kong pagsabihan si Ning kaya nag angat ako ng tingin.


Natigilan ako. Hindi ang mukha ni Ningning ang sumalubong sa paningin ko! 

Nakatingin na si Karina sa akin. Unti unti akong lumunok.. nakakatakot naman to... Wala naman akong ginagawang masama pero kung makatingin para akong inaakusahan.

Excuse me, ikaw kaya yung galaw nang galaw diyan. Nananahimik ako dito eh. 


Magkadikit pa rin ang mga braso namin. Her eyes landed on my phone for a moment then back to my eyes again. Ilang saglit pa ay inirapan niya ako tsaka umusog papalapit kay Giselle.

Now, what's wrong with her? 


Nasa gym kami ng school ni Ryujin, nagppractice ng volleyball. Umupo kami sa bleachers at umiinom ng gatorade. Nakatutok ngayon sa phone niya si Ryujin at nakikipagtext sa kung sino man. Napansin ko naman na bigla siyang napangiti.

"Ang sweet ni Rina, may pa advance greetings."

Agad akong napabaling sa kanya, muntik pang mabulunan.

Di nga?? Si Karina, sweet? Imposible.

Ah nakalimutan ko, sweet nga pala siya sa lahat maliban sa akin. 

Visible ata ang duda sa mukha ko kaya pinakita ni Ryujin yung text ni Karina.

Karina:
Advance Happy birthday Ryujin, anong gusto mong gift from me?

May kasunod pang text 

Karina:
Take care kung nasaan ka man, ily 😘

Gusto kong magsabi ng masasamang words! 

Ang daya niya. Nakasasama siya ng loob. Sumikip ang dibdib ko sa tatlong letra at sa kasunod na emoji nito. Gusto niya ba akong inggitin? Ganito rin siya kina Ning at Giselle. Masyado rin siyang vocal maglambing pero sa akin, wala. Puro sama ng loob lang natatanggap ko.

Gusto ko rin masabihan niya ng ily at makatanggap ng 😘 sa text niya pero imposible ata. Isang beses niya pa lang ako ni-text, masyado pang pormal tas di na nasundan.

"Oh busangot ka na bigla diyan, Win."

Dinerekta ko nalang ang paningin ko sa bola na nasa paanan ko at inikot-ikot gamit ang paa.

"Malay mo pala sa birthday mo, i-greet ka non."

"Imposible, puputi pa ang uwak tsaka ako i-ggreet non baka nga awayin lang ako."

Ilang birthdays ko na ang nagdaan pero puro happy new year lang ang naririnig ko mula sa kanya. 

"Uy ano ka ba, mabait kaya si Karina pero minsan nahihiwagaan ako sa trato niya sa'yo. Wala ka namang ginagawang masama sa kanya pero halos mag super saiyan na pag nakita ka." Napatingin si Ryujin sa malayo na parang ang lalim ng iniisip.

"Pero minsan nahuhuli ko rin siyang nakatingin sa'yo nang matagal tsaka ansama rin ng tingin kapag kasama mo si Minju. Naalala mo nung kinuha ka ni Minju mula sa amin sa cafeteria?  Ang awkward naming tatlo nila Selle nun, grabe siya kung makatingin. Ramdam namin yung dark aura." 

Di ako makasagot sa sinabi niya. Ano bang dapat sabihin ko? 

Naalala ko na naman tuloy kung pa'no nila plinanong paglapitin kami ni Karina.

Nasa may bench ako. Kaharap ko si Karina na nakaupo rin. Gusto ko siyang kausapin pero nai-intimidate ako sa kanya. Pa'no ba naman kasi, para siyang estatwa na hindi nagsasalita tapos ang stiff niya pa.

Kanina, pinagplanuhan ng tatlo nina Selle, Ning at Ryujin kung pa'no ko siya kakausapin. 

Weird daw kasi na di kami nagpapansinan eh simula bata magkakaibigan na kami.

Tina-try ko naman siyang kausapin actually pero napapangunahan ako ng kaba. Ewan, di ko rin alam kung bakit ko nafi-feel iyon e si Karina lang naman iyan.

Siguro kasi minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin nang seryoso. Nakaka-conscious bigla. Kaya in the end, tikom lang ang bibig ko kapag magkasama kaming dalawa kahit ang totoo gustong- gusto ko siyang kausapin. 

Isa pa, nai-intimidate ako sa ganda niya. Gabi-gabi nalang, bago ako matulog, biglang lumilitaw ang mu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
IceWolf23 #1
Chapter 11: finally!! confessionism
potatomj
#2
Chapter 1: magbabalik ka pa ba?
potatomj
#3
Chapter 1: i love this story so much
ryujinie__
676 streak #4
Chapter 1: Rereading 🤍
jimin_jeong_ #5
Chapter 14: Waaa ang ganda ganda!!! Thank you author for writing this. Grabe na talaga mga bading ngayon, may pa-away pang nalalaman eh cuddle lang din pala ang ending haha.
jimin_jeong_ #6
Chapter 12: Huyy ang sakit naman neto sobrang panget kaya sa feeling ng nale-left out :((( siguro nga masyado pang bata and immature si Rina that time. Though both of them are at fault kasi hindi nila pinagusapan agad.
jimin_jeong_ #7
Chapter 11: EATING MY PILLOW ATM AJAHEJEURR GANYANG CONFESSION ANG GUSTO KO!!
jimin_jeong_ #8
Chapter 9: WINTER AKO NALANG FLS
jimin_jeong_ #9
Chapter 6: OMG THE WHOOO

2Kim stan ako ihh pero tyl hindi si wonyoung pinsan ni yujin HAHAHSHSH pereng eme nemen te se jeno
jimin_jeong_ #10
Chapter 5: WTB BFF PREMIUM HUHUHU