Ten

Too Much to Ask
Please Subscribe to read the full chapter

" Winter Kim, wake up Winter Kim! Tanghali na!"

Napabalikwas ako sa kama nang maramdaman kong may humihila ng paa ko. Nahihirapan din akong imulat kaagad ang mga mata dahil sa sobrang liwanag na nagmumula sa bintana.

" Bijj wake up already. Gosh, tanghali na tulog ka pa rin!" I forcefully opened my left eye. Bumungad agad sa paningin ko ang naninindak na mga mata ni Giselle. Ibinagsak kong muli ang katawan sa kama at hinilot-hilot pa ang sentido.

"... Sige ha, prepare ka na diyan on the way na kami." Naririnig ko ang pamilyar na boses ni Ningning sa isang sulok, may kausap yata. I'm still massaging my temple. Sumasakit ito gawa na rin siguro ng late kong pagtulog kagabi. 

I heard footsteps approaching me hanggang sa naramdaman ko na naman na may humihila ng binti ko. "Ano ba!" I gripped the sheets of my bed.

" Bumangon ka na Winter, kanina pa kami nag-sstruggle na gisingin ka! " 

" Kakaladkarin ka namin hanggang kalsada sige ka! " Sinubukan kong isipa-sipa ang mga paa ko at narinig ko naman ang sunod-sunod nilang reklamo. Mabilis akong umupo nang nabitawan nila ang binti ko. 

" Anong trip niyo at andito na naman kayo? Sa susunod papalitan ko na talaga ang passcode ng pintuan namin." 

Pareho lang nila akong inismiran. " We're going shopping today," Giselle answered.

Kaagad na umalma si Ning. " Nope nope. Groceries. Wala na kaming stocks sa bahay. Wala tayong lulutuin." 

" Well, also that! " 

I butted in. " Eh ba't kailangan ko pang sumama? "

" Sige wag kang sumama, di kita pakakainin." Sinimangutan ko si Ning sa sinabi niya. 

Kinalabit naman siya ni Giselle at pabulong silang nag-usap. They were immersed in their topic na hindi na nila napansin ang unti-unti kong pagtayo para kumuha ng damit at pumunta ng banyo to do my morning rituals. 

I stared absentmindedly at the mirror. Memories of last night flashed in my mind. 

Napahilamos ako ng mukha. Last night... I was so ready to confess to Karina. I was so ready to risk it all. Andon na eh. I gained all the courage na.

I remember how her eyes looked with so much curiosity and anticipation sa sinabi kong may nagugustuhan ako. I opened my mouth and was about to correct the pronoun I used and let out the words I had kept ng ilang taon nang tumunog bigla ang phone niya. 

She received a text from her mom daw. The mood shifted automatically. At that moment, nawala na lang bigla ang tapang na naramdamdaman ko. Biglang di ko na siya kayang matingnan sa mga mata niya. Kaya I insisted na ihatid ko na siya pauwi kasi nga di ko na kinakaya ang kaba ko. She actually wanted to stay pa nung una pero sa huli, nakumbinsi ko rin siyang umuwi. 

Gusto kong magpalamon sa lupa sa mga sandaling iyon. Hindi ko alam na nakakapanghina pala kapag nag-fail yung confession na gagawin mo na sana. Plus, naghalo rin yung disappointment para sa sarili. Para akong nanlalata. Pakiramdam ko ngayon, para lang akong nanaginip kagabi. Parang hindi totoo na muntikan ko nang masabi sa kaniya ang matagal ko nang nararamdaman. 

Nung nagpaalam siya, agad akong nanlumo.

Sayang...

Maybe it's a sign? Baka di pa ito ang tamang panahon. Baka kakailangan ko pa ng mas maraming oras. Pero kailan ba dapat? 

Tapos eto pa, antanga tanga ko! Narealize ko lang, pa'no kung iba ang isipan niya sa sinabi ko? What if, akalain niya na ibang tao ang tinutukoy ko? Ilang beses ko na ata namura ang sarili ko mula kagabi pa lang. Ba't kasi di ko pa dineretso. Hayyst. 

Sa huli, napapabuntong-hininga na lang ako sa sobrang panghihinayang. 

 

Sumakay na kami sa kotse ni Giselle. Dumiretso ako sa backseat samantalang nasa front seat naman si Ningning. Sabi nila sunod na susunduin daw namin ay si Karina. Kanina pa daw nila ito tinatawagan pero nagri-ring lang ang telepono at hindi sumasagot.

Napapansin ko ang sulyap ng mga mata nila sa rear mirror sa tuwing nababanggit ang pangalan niya. Iniirapan ko naman sila sa tuwing nahuhuli ko. 

Hindi na siguro mapakali si Ningning at nilingon na ako sa likod.

"Kamusta kahapon, okay ka pa? "

Blangko ko siyang tiningnan. 

" Ang supportive friend ni Karina sa inyo ni Lia." Tumawa siya na mala angry bird. Parang nang-aasar. 

" Tumahimik ka, isa ka pang nanggagatong sa asar niya kahapon eh. " 

" Eh kasi nga gusto naming tingnan kung magseselos siya, pero kabaliktaran pa yung nangyari toinkss. "

Tahimik lamang si Giselle na nagd-drive at hindi na nakikisali. 

" Kaya ka ba napuyat dahil sa kaiisip mo sa nangyari kahapon?"

Secret. 

Bumalik siya sa pagkakaupo nang maayos.

" Don't let it discourage you, Winter. Baka she's just faking it. Tsaka huwag na huwag kang magpapadistract kay Lia now that she's back. "

"  Wala na namang malisya na sa amin." I pouted my lips. " Ang ewan ni Ryujin, kung ano-anong sinasabi kasi." Di ko maiwasang magtunog na nagtatampo. 

" Ba't kasi di mo sinabi kaagad na nagkita kayo, ayan tuloy. " 

Nanatili na lamang sa daan ang tingin ko. 

 

" Hi manang, where's Rina po? " Bungad ni Giselle nang mapagbuksan kami ng pinto ng kasambahay nila Karina. 

" Ay naku ma'am, tulog pa po." The two reacted shockingly. Agad kaming nagpaalam na pupuntahan si Karina. 

" Really that girl. For Pete's sake it's already 11 am, Natutulog pa rin! " Bulong-bulong ni Giselle. She marched up the stairs para puntahan si Karina sa kwarto niya. Sumunod lang kami ni Ningning.

" Grabe, pareho kayong puyat ah porket walang pasok. " Bulong pa niya sa akin. Hindi na ako nag-react. 

Nadatnan namin si Karina na mahimbing na natutulog pa rin. Tiningnan ko nang maigi ang mukha niya. Ang ganda. Di halatang late natulog kagabi samantalang ako medyo sabog pa yata.

Nakapamewang lamang si Giselle habang tinitingnan siya. Nabaling naman ang tingin niya sa akin kalaunan. 

" Wake your girl up, Winter. " Hamon niya sa akin. My eyes widened with what she said. Jusko pwedeng hinay-hinay lang? Nasa harapan niya lang si Karina baka biglang magising at marinig siya.

Humagikhik si Ningning sa tabi ko. " Ang duwag mo, pa'no kayo uusad niyan?" Tinulak niya ako. 

I swallowed hard. It's okay Winter. Gigisingin mo lang naman. 

Umupo ako sa kama niya. Pinagmamasdan ko lang ang munting pagtaas-baba ng katawan niya dahil sa paghinga. Her hair was scattered on the pillow. I can feel my heart pumping inside my chest. Alam kong pinapanood na ako ng dalawa sa likod kaya hindi ko na dapat patagalin. Mahina kong tinapik ang pisngi ni Karina. 

" Rina..." Mahina kong bulong. " Wake up, Rina." I repeated these words hanggang sa unti-unting kumunot ang noo niya. Her eyelids are also moving. Ipinikit niya nang mariin ang mga mata at nag-stretch pa ng slight ang katawan. She's making cute noises now.

Napakagat ako ng labi. This is not the first time I've seen this sight. Dati pa lang sa mga sleepovers namin, nauuna na akong magising para masdan ang paggising niya sa umaga.

I'm gently caressing her cheek. Naririnig ko ang mahihinang bulungan sa likod ko.

Unti-unting nagdilat ng mga mata si Karina. She stared blankly at me for a long time before she blinked her eyes twice. My lips curled sideways. I mouthed good morning to her. Her lips twitched.

" You're here..." She said in awe. Maya-maya pa'y para siyang natigilan at nagulat nalang ako nang agad siyang magtaklubong ng kumot. 

Giselle cleared . Umangat ang ulo ni Karina para sulyapan kung sino man ang nasa likod. She sat up straight eventually habang inaayos ang buhok. " You're here too, what's up? " Nagpasalit- salit ang mga mata niya sa likod. She's avoiding my gaze. 

 " You might want to get up now and get changed. May pupuntahan tayo. Pakibilisan lang, thanks." Tanging sagot ni Giselle, medyo na se-sense ko ang pagiging stressed niya mula pa kanina dahil masyado na kaming natatagalan. 

Tumayo ako. I extended my arms upang tulungan si Karina na bumangon. She yawned first before she reached for my arms. She brushed her hair again, the strap on her shoulder fell. I wasn't thinking straight nang maagap ko itong inayos. My hands just automatically functioned. She cleared before muttering thanks silently at mabilis na kumaripas sa banyo. 

 

" Okay, next na susunduin is si Ryujin... Speaking of- kanina pa siya tawag nang tawag." 

We're inside the car again. Medyo natagalan pa kami nang konti kasi kumain pa kami ni Karina sa kanila. Sabay kasing tumunog ang mga tiyan namin dahil sa gutom. Tabi kami ngayon sa backseat. There's just a small gap between us. Kanina ko pa sinusulyapan ang kamay niyang nasa tabi ko lang. The urge to hold it is too strong pero hindi pa ako sinasaniban ng lakas ng loob ngayon. I'm just biting my nails to ease what I feel. 

Giselle beeped the horn sa harap ng bahay nila Ryujin. Agad namang lumabas ang kaibigan namin. Dumiretso siya sa likod sa side ni Karina at kita ko ang gulat niya sa kung sinong nabungaran niya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
IceWolf23 #1
Chapter 11: finally!! confessionism
potatomj
#2
Chapter 1: magbabalik ka pa ba?
potatomj
#3
Chapter 1: i love this story so much
ryujinie__
685 streak #4
Chapter 1: Rereading 🤍
jimin_jeong_ #5
Chapter 14: Waaa ang ganda ganda!!! Thank you author for writing this. Grabe na talaga mga bading ngayon, may pa-away pang nalalaman eh cuddle lang din pala ang ending haha.
jimin_jeong_ #6
Chapter 12: Huyy ang sakit naman neto sobrang panget kaya sa feeling ng nale-left out :((( siguro nga masyado pang bata and immature si Rina that time. Though both of them are at fault kasi hindi nila pinagusapan agad.
jimin_jeong_ #7
Chapter 11: EATING MY PILLOW ATM AJAHEJEURR GANYANG CONFESSION ANG GUSTO KO!!
jimin_jeong_ #8
Chapter 9: WINTER AKO NALANG FLS
jimin_jeong_ #9
Chapter 6: OMG THE WHOOO

2Kim stan ako ihh pero tyl hindi si wonyoung pinsan ni yujin HAHAHSHSH pereng eme nemen te se jeno
jimin_jeong_ #10
Chapter 5: WTB BFF PREMIUM HUHUHU