Eight

Too Much to Ask
Please Subscribe to read the full chapter

Ilang minuto na ang lumipas at nanatili  pa rin kaming tahimik sa loob ng sasakyan. Pasulyap-sulyap lang ako sa kasama ko. She's staring at the window and observing the passing vehicles. Mukhang malalim din ang iniisip niya.

Di ko na mabilang kung ilang beses na akong palingon-lingon sa kaniyang puwesto. Malakas ang kabog ng dibdib ko. I'm tapping the steering wheel para ibsan ang kaba. 

I want to start a conversation, but I find it difficult to even open my mouth and utter a word. 

Nakarating din kami sa bahay nang walang imikan. Bumaba ako agad at dumiretso sa side niya upang buksan ang pinto. Our eyes met. Mabagal siyang bumaba. 

She heaved a sigh before she spoke. 

" Sorry, alam kong napipilitan ka lang. I shouldn't have fo--" Di ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya. 

" Rina, hindi ako napipilitan. I'm just a little surprised, alright? It's okay. " I tried to assure her with my tone. 

Nanatili pa rin siyang nakatayo— unmoving. The atmosphere is starting to get awkward kaya nilakasan ko na naman ulit ang loob ko na hawakan ang kamay niya. Hinatak ko siya papasok ng bahay. She's just letting me drag her inside. Wala akong reklamong natatanggap mula sa kaniya and her, being submissive like this sends crazy effects on my system. 

Naninibigo ako sa kanya ngayon kasi she looks hesistant. She's normally not like this. 

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at hindi ko na namalayan na dumiretso na pala ang mga paa ko papasok sa kwarto. I cleared my throat as soon as I realized it. Nilingon ko siya. 

" Uh ano... Okay lang ba na dito sa kwarto or... Mas komportable ka sa living room?" I asked her with a low voice. 

She bit her bottom lip, napatingin ako roon.

" Your room's fine. " Tanging sagot niya lang. I internally shrugged.

Kinuha ko ang bag niya at inilagay sa upuan. She proceeded to sit on the bed. Nakatuko ang dalawang kamay niya sa likod.

To be honest, I'm feeling tensed. Hindi ko alam kung anong agenda niya ngayon. Nanatiling nakapako sa kaniyang pwesto ang tingin ko. 

" Gutom ka ba? I can cook for you." I asked carefully. 

She shook her head.

" How about drinks, inuuhaw ka ba?" I added. 

" I'm fine, Winter. " Her lips curled for a small smile. 

Hindi ako mapakali. Naghanap ako ng mga bagay na pwedeng makapag distract sa akin. Nakita ko naman sa sulok ang gitara ko kaya kinuha ko ito at umupo sa maliit na couch kaharap niya. Sinulyapan ko siya ulit. 

Kinuha niya ang isang unan at ipinatong sa hita niya. Pumangalumbaba siya rito, she's gazing at me. 

Napababa ako agad ng tingin. 

Why is she looking at me like that? I think di kakayanin ng puso ko. 

"Can you sing for me, Winter? " I got chills when I heard her deep voice. 

" O-of course... " 

Whatever you wish, Karina. 

" What do you want me to sing for you? " 

" Anything. " Nagkibit-balikat siya. Napatingin ako sa mukha niya. Ang ganda niyang pagmasdan. Di nakakasawa. She even looks more attractive like this. Her right hand on the side of her face. Di ko maiwasang mangiti. She's staring so deep. Kung di ko lang alam na may iba siyang nagugustuhan aakalain kong may pagnanasa siya sa akin.

Sige, asa pa Winter. Feed your delusional mind more. 

I started to strum my guitar.  

Kakantahan ko si Karina. 

Ang hirap pigilan ng ngiti ko.

The air is getting comfortable between us. Unti-unti ay kumakalma na ang pakiramdam ko. I cleared my throat before I started singing. 

 

Would you dance, if i asked you to dance? 

Would you run, and never look back?

Would you cry, if you saw me cryin'? 

Would you save my soul tonight?

 

I looked straight into her eyes. Somehow, I feel like these are the words I lowkey wanted to ask her. 

 

Would you tremble, if I touched your lips? 

Would you laugh? 

Oh please, tell me this

Now, would you die for the one you loved? 

Hold me in your arms tonight. 

 

I'm amused sa itsura niya. Pumupungay na ang mga matang nakatitig pabalik sa akin. There's a small smile in her lips. 

 

I can be your hero baby

I can kiss away the pain

I will stand by you forever 

You can take my breath away

 

I stopped strumming. Nanatili lang kaming nakatitig sa isa't-isa. Parehas na may ngiti sa mga labi. I swear I can see sparks in her eyes, nakakapanghina. 

If she continues to be like this... baka lunukin ko lang ang mga sinabi ko.

Kung patuloy mo akong tititigan nang ganyan Karina, baka di ko mapigilan ang sarili ko at makipagkompetensiya kay Jeno.

"You really have such a nice voice, Winter." Her voice sounds soft and sleepy. 

I huffed--trying to mask what I really feel. 

"Kung di mo lang ako ini-snob noon baka araw-araw kang may pa-free concert sa akin." Pagmamayabang ko.

She removed her hand from her face at binato niya ako ng unan. She's giggling. 

" Hey hey ayan ka na naman... Dati verbally ka lang nanakit ngayon namimisikal ka na. " Kumuha lang siya ulit ng dalawa pang unan at pinagbabato sa akin. Sinasangga ko ang isang braso ko habang ang kabila ay pinanghawak ko sa gitara. 

" Nakakainis ka kasi." Tumatawa pa rin siya. 

"Ano na namang ginawa ko?" Nahahawa na rin ako sa tawa niya. 

" Wala, nakakainis ka lang. " She hit me one more time bago siya tumigil. 

We fell into a comfortable silence again. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya while she's looking seriously to her side. 

Hindi ko maiwasang maisip.

How can a person be this beautiful? Kahit side profile ang ganda-ganda pa rin. My eyes are just shifting from her head down her jaw. Maya-maya pa ay napadpad pa sa ibaba ang mga mata ko. I'm gazing at her exposed neck. I don't know why I find her so y like this.

And then the realization struck me like lightning. Napaiwas ako ng tingin. Oo nga pala. How can I forget that she's going out on dates with Jeno now? Staring at her like this should be illegal. 

I suddenly wanna ask her how their date went yesterday.

I cleared my throat. 

I strummed my guitar. 

"Rina..." Agad naman siyang napabaling sa akin. Bumabalik na naman ang kaba ko. 

" Uhm--" . Why couldn't I find the right words to ask right now? Anyway... 

"How was your date pala with Jeno?" I tried my best to sound okay. I looked down. Ewan ko at parang di ko siya kayang tingnan nang diretso.

Perhaps, I'm afraid to see her reaction. Ayokong makita ang masaya niyang mukha kapag kinukwento niya na ang ganap nila ni Jeno.

I continued strumming just quietly. Kumakalabog ang dibdib ko. Now, I regret asking that question. Ako lang ata ang naghahanap ng ikasasakit ko.

Ilang segundo ang lumipas pero wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. I slowly look at her. Nakatingin pa rin siya sa akin. I got rattled a bit. Nanginig ang kamay ko. What is she thinking kaya? 

"A-are you okay, Rina?" 

She's just staring blankly. Wala pa rin akong nakuhang tugon mula sa kanya. Napayuko nalang muli ako. 

Alright, to be honest, I'm feeling bothered. The silence between us brings so much memories to me. Parang dati lang na di kami nagkikibuan, parang dati na kinakabahan ako sa tuwing kaming dalawa lang.

" I said no." 

Biglang napahinto ang mga daliri ko nang marinig ko ang mababang boses niya na nagsalita. Napaangat ako ng tingin. She's looking straight into my eyes. Parang tinitingnan niya ang reaksyon ko. 

I cannot comprehend the words she just said.

My mind went completely blank. We just stared into each other. Ilang sandali ay nag-iwas siya ng tingin. I noticed her deep sigh.

" I dumped Jeno, Winter." 

Huh?

She did what?

Unti-unting nanuot ang sinabi niya sa sistema ko. I feel like my heart's going to explode out of my ribcage sa sobrang bilis ng pagtibok nito. 

I tried opening my mouth but no word is coming out. I sighed heavily. I tried to compose myself pero nahihirapan akong kumalma. 

Okay lang kaya siya? Is she feeling sad? Kaya ba siya nandito because she's seeking for comfort? Pero she was the one who dumped Jeno though? It means it's her choice. Hindi ko maintindihan. But I'm hopeful. Sana totoo ang sinabi niya. 

"Aren't you crushing on him for so long? I don't understand why you dumped him just suddenly." And I don't understand why my voice sounds kinda happy too. 

Damn, Winter. Huwag ka masyadong pahalata. 

But I can't help it.

What happened to the years of wanting Jeno? Todo effort pa siya kahapon para sa date nila tapos ngayon sasabihin niyang binasted niya? This is so hard to believe.

And by the way, does being happy about it make me an evil person? Because honestly, natutuwa ako. Masama bang matuwa na binasted niya yung crush niya? Gustong kumawala ng ngiti sa labi ko pero pinipigilan ko lang. 

Nagkibit-balikat siya.

" Honestly... I don't understand either." Nanatili lang akong nakatut

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
IceWolf23 #1
Chapter 11: finally!! confessionism
potatomj
#2
Chapter 1: magbabalik ka pa ba?
potatomj
#3
Chapter 1: i love this story so much
ryujinie__
685 streak #4
Chapter 1: Rereading 🤍
jimin_jeong_ #5
Chapter 14: Waaa ang ganda ganda!!! Thank you author for writing this. Grabe na talaga mga bading ngayon, may pa-away pang nalalaman eh cuddle lang din pala ang ending haha.
jimin_jeong_ #6
Chapter 12: Huyy ang sakit naman neto sobrang panget kaya sa feeling ng nale-left out :((( siguro nga masyado pang bata and immature si Rina that time. Though both of them are at fault kasi hindi nila pinagusapan agad.
jimin_jeong_ #7
Chapter 11: EATING MY PILLOW ATM AJAHEJEURR GANYANG CONFESSION ANG GUSTO KO!!
jimin_jeong_ #8
Chapter 9: WINTER AKO NALANG FLS
jimin_jeong_ #9
Chapter 6: OMG THE WHOOO

2Kim stan ako ihh pero tyl hindi si wonyoung pinsan ni yujin HAHAHSHSH pereng eme nemen te se jeno
jimin_jeong_ #10
Chapter 5: WTB BFF PREMIUM HUHUHU