Sakay na!

GRAB ME
Please Subscribe to read the full chapter

Maliit ang mundo, ang maraming bagay ang maaring dumating, may mga bagay na hindi mo inaasahan, may mga bagay na maaring mawala, at may mga bagay na bigla nalang din darating para baguhin ang buhay mo. 

Napabalikwas si Irene sa pagkakaupo niya sa kaniyang office nung marinig niya ang boses ng kaibigan ng kapatid niyang si Yeri. "ANONG SABI MO?!" nilapag ni Irene ang baso ng kaniyang tsaa bago sinara ang laptop niya. Napahawak siya sa sintido niya bago pilit na pinakalma ang sarili niya. 

"Habang nagskaskate po kami nabundol si Yerim ng isang rushing tesla. Naghahanap po kasi ng family member, hindi ko po macontact yung yaya ni Yerim." napabuntong hininga si Irene bago agad na lumabas ng opisina niya. Hindi niya alam kung ano ba ang una niyang gustong gawin, balatan ng buhay ang pasaway niyang kapatid, pero kung iisipin niya wala rin namang kasalanan ito at ang tanging dapat lang sisihin ay ang driver na hindi ata alam ang existence ng break sa mga sasakyan. "Sabi po ni Yerim wag ko sabihin sa inyo pero kayo po kasi nasa speed dial ng cellphone niya eh." parati nalang talagang sakit ng ulo ang dala ni Yerim sa kaniya pero bilang isang ate obligasyon ni Irene na puntahan ang kapatid niya. Sinenyasan ni Irene ang secretary niya. 

"Book me a flight to Seoul asap, cancel my meetings for now. I need to attend on something." agad na tumango ang secretary niya at bumalik sa mesa nito. Napabuntong hininga si Irene at naglakad papunta sa elevator. "Stay ka muna diyan siguro? I'll be there in less than four hours. Thank you Nayeon." binaba ni Irene ang tawag at pinasok ang kamay sa bulsa ng slacks niya. Kung hindi may ginawang kalokohan si Yerim sa school ay naaksidente naman ito. Napailing nalang si Irene bago sumakay sa loob ng sasakyan niya.  "Bae Yerim di ko na alam gagawin ko sayo." mahinang bulong ni Irene bago siya nagdrive papunta sa bahay niya. Kailangan niya mag impake ng gamit at maghanda pabalik sa Seoul. 

Agad na nagtext si Irene kay Seulgi. 

Love: Hi! I'm flying back to Seoul in a bit, can you pick me up? My menace sister got into an accident kasi. 

Kinuha rin agad ni Irene ang isang maleta niya at isang backpack niya bago siya nagsimulang mag empake. Napatingin si Irene sa phone niya at napailing nung hindi parin nagreply si Seulgi. 

Love: Love are you busy? 

Napairap nalang si Irene saka umupo sa may sofa ng penthouse niya, tahimik siyang nakatingin sa phone niya habang inaantay ang text ng secretary niya. Ilang buwan narin nakakaramdam si Irene ng pagbabago sa mga ganap nila ng girlfriend niya. Ilang minuto siyang nakatulala bago nakareceive ng text mula sa secretary niya. Kasama ang flight details niya. 

Wala namang ibang nagawa si Irene kundi umirap at pumunta nalang sa airport. 

-

Alam ni Wendy na nakakapagod ang nature ng trabaho niya, pero hindi niya lubos akalain na maari palang dumoble ang bigat at hirap ng trabaho niya kung dalawang hospitals ang pinapatakbo ng pamilya nila. "I told you I'm heading back na nga diba?" iritang sabi ni Wendy habang nakaupo sa may lounge ng airline niya. Kinukulit siya ng mama niya na kitain muna ang isang business woman na sinet up sa kaniya for a date. "The hospital needs me ma, dating can wait. Hindi ako nagmamadali at hindi ako interested as of now, ano bang mahirap intindihin duon? Bakit hindi si ate ang iset up mo ma." bumuntong hininga ang bunso sa pamilya ng mga Son bago kinuha ang cup ng kape niya. Umirap siya nang marinig ang pag rumble ng kaniyang ina sa kabilang linya. "Ma, gusto ko mag focus sa trabaho ngayon, yan ang gusto kong gawin. Alam niyo naman na kung bakit diba? Please lang just let me. I'll be boarding in less than an hour can't I have the peace I need muna?" wala nang ibang naramdaman si Wendy kung hindi inis at pagod, three days siyang nasa Canada para sa isang convention sa hospital nila. 

"Wendy anak... just try." malalim na buntong hininga, napatingin nalang si Wendy sa relo niya, ilang minuto nalang magbubukas na ang mga gates at possible na pwede na siyang mag board. Hindi sumagot si Wendy at natahimik ang linya. Ano ba ang pwedeng sabihin ni Wendy para matigil na ang mama niya. 

"I'll be boarding na, I'll call you nalang if there's any problem ma. Bye." agad na binaba ni Wendy ang tawag bago agad na tumayo, binitbit niya ang coat niya at ang phone niya bago naglakad palabas ng lounge. Tahimik at payapang naglalakad si Wendy nung biglang may bumangga sa kaniya. Napahinto si Wendy para damputin ang airpods niya, pero yung bumangga sa kaniya patuloy lang na naglakad na para bang walang nangyari. "Sorry I guess?" mahinang bulong ng doctor bago pumunta sa boarding gate, sa wakas makakabalik na rin si Wendy sa Seoul. Pansamantalang siyang malalayo sa mama niya. 

Pagkaupo ni Wendy sa upuan, ang tanging hiniling niya nalang ay makapagpahinga muna paguwi. Pero agad niyang naalala na kailangan niya munang makipagswap sa pinsan niyang si Moonbyul kaya napailing nalang siya. Nakatingin lang si Wendy sa may bintana habang nakikinig sa tugtugin mula sa spotify playlist niya. Ang mga iniisip niya ay parang lumilipad rin, maraming bagay na bumabagabag, maraming siyang tanong, pero hindi malaman ni Wendy ang sagot sa mga ito. 

Masaya ba si Wendy sa buhay niya? Hindi niya rin sure? Hindi niya rin alam kung kelan niya ba nasabi sa sarili niya na masaya siya. Hindi niya rin naman masabing naging masaya siya after niya sa med school, after niya pumasa ng board. Napangiwi nalang si Wendy saka itinuon ang attention sa bintana ng eroplano. Kelan kaya magkakaplot twist ang buhay ni Wendy?

Ilang oras ang lumipas, sa wakas nakabalik na si Wendy sa kaniyang tahanan, nasa Seoul na siya ulit. Simula nung lumipat ang parents niya sa Canada at nagpaiwan siya dito ay nakaramdam na ng pagkakampante at kapayapaan si Wendy. Nakatayo si Wendy habang inaantay ang sasakyan niya. Pagkatapos niya mailagay ang maliit niyang bag sa shotgun seat ay umupo narin siya agad. Ngayon naramdaman ni Wendy ang pagod niya sa biyahe. Sandali siyang napasandal at napapikit, nilalasap ni Wendy ang katahimikan at laking gulat niya ng biglang bumukas ang pinto ng sasakyan niya. Nakataas ang kilay ng babae na nagbukas sa pinto ng sasakyan niya. "So wala kang balak na tulungan akong isakay yung bagahe ko sa trunk ng sasakyan mo?" pinagmasdan ni Wendy ang mukha nung babaeng parang handa siyang kainin ngayon ng buhay, napailing si Wendy ng maisip niya kung gaano kaamo at kaganda ang mata ng nasa harap niya. Napalunok ang doctor at magsasalita na sana siya pero sinara ni Irene ang pinto ng sasakyan saka isinampa ang maleta niya sa trunk ni Wendy. 

Sobrang clueless parin si Wendy sa kinikilos nung babae sa harap niya, napailing siya at inantay na pumasok ulit ang babae. "Miss I think..." hindi natapos ni Wendy ang sasabihin niya nung marinig niya ang palatik nung babae sa likod, nakataas ang kilay neto at nakacross ang arms niya. Napalunok na naman si Wendy, hindi niya alam kung sa takot ba o dahil nakaramdam siya ng ibang pakiramdam lalo na nung magtama ang mga mata nila sa may rearview mirror ng sasakyan nila.

"Ano

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts! Follow me on Twitter @bunnybae2129

Comments

You must be logged in to comment
selkwi #1
Chapter 22: may chance po ba na may isa pang special chapter? tapos matutupad na yung wish ni Hyunji na magkaroon ng baby brother? hahaha.
SEEKER_
#2
Chapter 22: Grabe sobrang picture perfect ng pamilyang ito. May chance ba na magkaron ng baby boy WR?

Oh to have a financial freedom, a beautiful and understanding wife and a cute child.
LockLoyalist
#3
Chapter 22: Aww I love this family T____T
baejoonism #4
Chapter 22: So inlove with their family huhu ang cute cute naman ng baby hyunji na yan 🥹 what if sundan chz hahahaha thank you otor sa another special chapter 🫶
saintloost
#5
Chapter 22: ANG CUTE NI HYUNJI. Hope all may Mommy Joohyun and Mommy Seungwan. (Kailan kaya Magkaka Seungwan Jr. ? 😏)
SEEKER_
#6
Chapter 21: Ang cute naman nitong update. Alam mo yung parang gusto mo tuloy mag anak pero naalala mong mahirap nga pala buhay ngayon tapos accla ka pa tapos wala kang awoj NYAHAHAHAHAHA pighati.
juhyuneeeee
89 streak #7
Chapter 21: maraming salamat authornim sa napaka gandang special chapter 😭🥹🫶🏻
LockLoyalist
#8
Chapter 21: Ang cuuute T___T thank you sa special chapter :D
baejoonism #9
Chapter 21: 🥹 sobrang wholesome and cute ng fam nila.. thank you authornim for the special chapter 🫶
mklarisse_ #10
Chapter 21: beautiful chap 🥹🥹🥹🥹 what a great surprise am so happy for them