Awkward

A DAY WITH SEULGI KANG

Irene

"Tsk. You're unbelievable, Irene!. Ba't mo hinayaang gawin niya sayo yan?." 

Nakapangalumbaba lang akong naglalakad habang hawak ni Seulgi ang bewang ko. Di naman ako napilay para alalayan niya akong maglakad. Pero kahit ganon pa man, di ko ma-explain yung pakiramdam habang ginagawa niya sakin ang bagay na to. Lalo pa ngayong galit at para siyang naiinis dahil sa itsura ko. Nagawa niya pang paunahin sila Joy, sa kamalas-malasang di man lang sila nagdalawang isip na iwan kami. Masyadong awkward ang sitwasyon lalo pa't kami lang dalawa ngayon ang naglalakad patungong clinic. Sa tagal na panahon naming magkasamang dalawa ay ngayon lang ako naiilang ng ganto sakanya. Dahil na din siguro sa ginawa niyang pagtanggol sakin kanina.

"Gustuhin ko mang patulan siya ay di ko magawa. Bigla ba naman akong itulak at sabunutan. Nagawa niya pa akong sampalin. Masyadong masakit. Hardcore ang kingina." Masyadong mabilis ang pangyayari. Kanina lang ay naglalakad pa kami ni Joy para umorder ng pagkain tapos ngayon naman ay papuntang clinic na. Masyadong makitid ang utak ng babaeng yon. Parang natapunan lang ng juice ang damit niya ay di man lang niya magawang tanggapin ang sorry ko. 

"Akala ko ba ay matapang ka? Wag mo na ulit hayaang maulit ulit sayo to. Naiintindihan mo?." Seryoso siya masyado at nagawa niya pa akong titigan sa mata. Iba-ibang siya sa Seulgi na nakilala ko dati. Matagal kaming nagtitigan at ako ang unang umiwas..masyado akong naiilang. Damn!

"I-it's fine, Seul. It's my fault anyways." Nauutal na sagot ko at tinuon ang tingin sa daan. Napasinghal siya sa naging sagot ko at naramdaman ko pa ang pag-iling niya.

"Kung gano ka katigas paamining ikaw ang may kasalanan sa ting dalawa ay ganon mo din kabilis amining ikaw ang nag-umpisa sa inyong dalawa?." Di ko mapigilang di matawa sa reklamo niya. Di ko na siya sinagot at tuloy lang sa pagpasok dito sa clinic. Naabutan pa namin si Nurse Choi kaya naman agad namin siyang binati. 

Gulat pa siyang napatingin sa kasama ko kaya nasisiguro kong di niya inaasahang magkasama kami ngayon ni Seulgi. Di na baguhan ang Nurse na to dito para di malaman ang totoong relasyon namin ni Seulgi sa isa't-isa. Sa tagal na din naming nag-aaway ay para bang halos araw-araw kami kung dalhin dito. Kung hindi si Seulgi ay ako.

"What happened to you, Miss Bae?." Nag-aalalang tanong niya at pinasadahan niya pa ako ng tingin. 

Di ko din alam kung bakit pa ako dinala ni Seulgi dito. Kailangan ko ng bagong damit at hindi gamot. 

"Allow me to take care of her, Nurse Choi." Dahil sa sinabi niyang yon ay agad akong napalingon sakanya. Di ko magawang intindihin ang kabutihang pinapakita niya sakin ngayon. Masyadong nakakapanibago. 

Nag-aalinlangan pa ang Nurse kung papayagan niya ba itong iwan ako..pero dahil mukhang alam niyang magmamatigas ito ay wala na siyang magawa kundi ang iwan kami matapos tumango. 

"Upo." 

"What?." 

"You're not deaf." Kung gaano kahaba ang pasensya ko ay ganon din kaikli ang pasensya niya. Umupo ako sa isa sa mga kama at pinagmasdan lang siya sakanyang ginagawa. 

"Seulgi. Di naman ako nasugatan. Anong gagawin mo sa alcohol na yan?." Agad na reklamo ko nong makita ko siyang kumuha ng bulak para lagyan ito ng alcohol. Mukha pang di siya marunong mang gamot. 

"Pipigain ko sa bibig mo." Walang emosyong sagot niya kaya naman, kinuha ko ang unan sa tabi ko at binato iyon sakanya pero agad niya din naman itong naiwasan. "Tsk. Sa tingin ko ay kailangan ng mag-empake ng babaeng yon at simulang maghanap ng bagong mapapasukan." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. 

Naglakad siya palapit sakin bitbit ang bulak na nilagyan niya ng alcohol. Pinagmasdan ko siyang umupo sa harap ko at nagulat pa ako sa biglaang paghawak niya sa binti ko na para bang may kuryenteng dumaloy sa pagitan namin. Tinabingi niya ng kunti ang binti ko at don ko lang nakita ang kaunting sugat na dumudugo pa. 

Panong di ko man lang naramdaman to kanina?

Dahil sa biglaang pagpahid niya sa bulak na nilagyan niya ng alcohol kanina ay di ko mapigilang mapasigaw dahil sa magkahalong sakit at hapdi.

...

Wendy

Matapos kong ihatid si Joy sa bahay nila ay muli akong nagmaneho pabalik sa school. Saktong namang pagdating ko ay siya rin palang pagdating nila Lisa at Byul.

Nong makita nila ako ay agad kaming nagbatian. Napansin siguro nilang mag-isa lang ako kaya naman agad na nagtanong si Lisa sakin.

"Asan si Seulgi?." At dahil don ay napangiti ako sa isiping nagpresenta siyang siya na ang magdala kay Irene sa clinic. 

"You're creeping me out!." Binatukan ko si Byul dahil sa naging reaksyon niya don sa ngiti ko. 

"Andon sa clinic kasama si Irene." Kalmang sagot ko kaya naman nagkatinginan sila.

"Nagpatayan na naman ba?." Natawa ako sa tanong na yon ni Lisa. 

"Baliw, hindi. Tinulungan siyang dalhin ni Seulgi sa clinic dahil May naganap na away kanina sa pagitan ni Irene at nong bagong transferee. That newbie is a ." Hanggang ngayon di ko pa rin mapigilang di mainis kapag naalala ko ang nangyari kanina lalo pa't nakakaawa ang itsura ni Irene. Di ko din maintindihan kung bakit di niya magawang kalbuhin yung babaeng yon eh sa mukha't ugali niya palang ay di malabong kayang niyang gawin yon. 

Pero kahit ganon pa man. Yieee di ko mapigilang di kiligin sa pagsingit ni Seulgi kanina don sa eksena. Para siyang knight in shining armor ni Irene. Kung di lang sana sila magkaaway ay iisipin ko talagang gusto nila ang isa't-isa. Tapos gosh! tulala lang si Irene habang pinapanuod na makipag-away si Seulgi don sa baguhan kanina na animo'y ang layo na ng narating ng imahinasyon niya!

"Wendy!." 

"Ay puta!-- Byul ano ba!." Sinuntok ko siya sa balikat dahil nagulat ako sa sigaw niyang yon.

"Kanina ka pa namin kinakausap. Para kang timang na nakangiti diyan." Di ko man lang namalayang kinakausap pala nila ako. Earth to Wendy!

"Ano ba kasi yon?." 

"Ang sabi ko, di malabong di sila magbangayan kaya tara na..puntahan natin sila." Ha! Moment nilang dalawa yon tapos sisingit sila? Mga timawa!

Kaya naman, agad ko silang pinigilan bago pa man sila makahakbang.

"Just leave them, guys. Baka nagmo-moment na yung dalawang yon don." Di ko mapigilang di kiligin sa naiisip ko pero ang kilig na yon ay agad ding nilipad dahil sa biglaang pagkaladkad sakin ng dalawa!

...

Andito na kami ngayon sa tapat ng clinic. Natatakpan ng kurtina ang glass window at sirado pa ang pinto kaya di namin magawang tingnan kung anong nangyayari sa loob o kung nasa loob pa ba ang dalawa. 

"Buksan mo na." Pabulong na utos ni Lisa sakin. Nagtutulakan pa kami kung sinong magbubukas ng pinto dahil alam namin ang ugali ni Seulgi. Kapag andon siya sa loob at sarado ang pinto, ayaw niya ng istorbo. 

"Ba't ako? Sabi ko naman sa inyong hintayin nalang natin makalabas yung dalawa!." Pabulong na sigaw ko sakanila kahit pa, gusto ko ring malaman kung anong ginagawa nila sa loob. Walang malisya! -,-

"Ako na nga!." Hinawi kami ni Byul kaya naman nagngitian kami ni Lisa. Ngunit bago pa man niya magawang buksan ang pinto ay agad siyang natigilan at muli kaming nagkatinginan.

"! Seulgi dahan dahan lang!." Literal na lumaki ang aming mga mata dahil sa sigaw na yon ni Irene galing sa loob. Holy ! Isa itong basbas galing sa langit!

Dali-dali kaming tumakbo palapit sa nakasarang pinto at sabay-sabay na tinapat ang aming tenga doon. 

"Wag kang malikot dahil di ko magawa ng maayos!." Muli kaming nagkatinginan at di makapaniwala sa narinig. Napatakip pa ako ng bibig dahil deym! 

"Dahan-dahan lang kasi. Wag mong.. idiin." Narinig naming sagot ni Irene sakanya na hinihingal pa.

OMG! Nakakabilib! dito pa talaga nila naisipang magmutiply! Pero teka, di naman nakakapagmultipy si Seulgi ah. Walang siyang similya!

"Wag kang malikot kung ayaw mong ipasok ko to sa bibig mo." Utos naman ni Seulgi sakanya. Maya-maya pa ay biglang silang tumahimik. 

"Take off your shirt." Muling lumaki ang aming mata dahil sa sinabing yon ni Seulgi. Masyadong malinaw ang boses nila dito kaya rinig na rinig namin ang usapan nila. Nakita ko pa ang pagngisi ni Byul. 

Di na nasundan yon kaya di namin malaman kung tapos na ba sila o.. 

Biglang bumukas ang pinto at..

"Anong ginagawa niyo dito?." 

Dahan-dahan kaming napataas ng tingin kay Seulgi na ngayo'y nakayukong nakatingin samin. Andon naman si Irene sa likod niya at parehong nagtataka't naghihintay sa isasagot namin. 

...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ushay023 #1
Chapter 13: Ndi ko alam pero, tawang tawa ako dto, cute lng 😍
kang_ddeul
#2
Chapter 13: awww, sorry na raw sunmi babes~ 🥺 huhu pero lumalayag na ang seulrene 😭✊
Sseul_25
#3
Chapter 4: it's funny to be honest