His sudden appearance

A DAY WITH SEULGI KANG

Seulgi

"Yow!." Agad kong sinalo ang bola na binato sakin ni Moonbyul. Andito kami ngayon sa court ng school at kasalukuyang naglalaro ng basketball.. pampalipas oras. Walang klase sa first subject namin dahil absent daw yung lecturer kaya naman ganon nalang kami kasaya nong malamang wala din siyang iniwang activity para samin.

Nakaupo akong hawak ang bola habang pinapanood sila Lisa at yung iba pa naming kasama na patuloy parin sa paglalaro nong maramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.

"Anyare diyan sa mukha mo?." tanong niya kaya naman lumingon ako sakanya. Worried yung ekspresyon ng mukha niya na akala mo'y ang samang tingnan ng mukha ko.

"Bakit? Nag-iba ba ang itsura?." Pilosopong sagot ko kaya naman mabilis pa sa alas kwatro ang pag-iba nang ekspresyon sa mukha niya. Binatukan niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Para kasing mas mabigat pa yung problema mo kesa sa problema ng presidente sa Pinas." Gague, nandamay pa.

"Nakakabadtrip lang yung ginawa sakin ni Irene kanina. Tsk!." Naramdaman ko ang muling paglingon niya at kunot ang noong tumitig sa'kin. Naghihintay na ikwento ko ang nangyari kanina.

Flashback...

Sarap na sarap ako saking pagkakatulog nong bigla kong maramdaman ang paghila ng dalawang kamay sa magkabilang binti ko paibaba sa kama dahilan para sumalampak ang katawan ko sa sahig.

Napadaing ako sa sakit dahil sa lakas ng impact na dinulot non.

"k!!." Sa lakas ng pagkakasigaw ko ay di malabong magliparan ang mga ibong namamahinga sa punong malapit sa kwarto ko. I know that's way too exaggerated but that's how it actually work!

Sinamaan ko ng tingin si Irene na noo'y magkakrus ang brasong nakatingin sakin. Yung ekspresyon ng mukha niya ay para bang pinagsisisihan niyang ginawa yon pero makikita pa rin kung gaano niyang pinipigilan ang sariling matawa dahil sa kanyang ginawa. Nakakainis talaga!

"Well goodmorning to you too. Bumangon ka na diyan at dumiretso sa banyo. May pasok pa tayo." Sinabi niya yon ng hindi man lang nag-abalang tulungan ako. Umupo siya sa dulong bahagi ng kama ko na para bang wala siyang ginawang masama.

"You know you can just shake my body off saying 'Putangina Seulgi bumangon ka na diyan dahil malalate na tayo!' hindi yung bigla mo nalang akong hihilahin pababa dahil kingina! Ang sakit nong ginawa mo!." Sagot kong hindi man lang nag-abalang huminto para huminga. Dahil sa inis ay may pagdiin sa bawat salitang binibitawan ko.

"I know. But where's the Jam?." Sagot niya habang nakatingin pa sa kuko niya dahilan para magmukha siyang mayordoma.

" you and your Jam." Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sahig at dumiretso sa closet para ihanda ang mga damit na gagamitin ko. Tangina ang sakit parin talaga.

"Bilisan mo na diyan kung ayaw mong kaladkarin kita papasok sa banyo." Di ko maintindihan kung anong pinaglalaban nitong unanong to. Masyadong mapang-asar.

"You savage freak!." Kinuha ko ang mabigat na kumot at binato yon sakanya dahilan para mapadapa siya saking kama. Sa bigat non ang di imposibleng dalhin buong katawan niya. Dali-dali akong pumasok sa banyo bago pa man siya makabangon kaya naman..

"Seulgi!!!."

End of flashback.

"Pfft BWAHAHAHAHA! Alam mo, ang kyut niyo." Komento ni Moonbyul matapos makinig sa kwento ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil di ko makita kung anong kyut don.

Maya-maya pa ay bigla siyang bumuntong hininga at ibinaling ang tingin sa mga naglalaro naming kasamahan. "Pero alam mo pre, di naman ganon kahirap pakisamahan si Irene eh. Ba't di mo subukan?." Tumitig pa ako sakanya para lang ikompirma kung seryoso ba siya ngunit namangha ako sa pagiging seryoso niya.

Sa tagal kong nakasama si Byul ay ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso. Dahil sa pagiging loko-loko ay para bang magdadalawang isip ka kung nagsasabi ba siya ng totoo.

"Ewan, di naman ako interesado." Sagot ko nalang sakanya.

"Di ka interesado o ayaw mo lang talagang matalo?." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang yon. Alam kong maraming ibig sabihin ang salitang yon. Pero di ko makuha kung alin man sa mga iyon ang gusto niyang ipahiwatig.

"Try making up with her. Dahil kapag dumating man yung oras na ikaw yung talo, mas mahihirapan ka na sa mga oras na yon. Di ka mabubulunan kapag nilunok mo yang pride mo. Ang hirap kasi sa inyo nagpapatigasan ng ulo." Di ko magawang magsalita dahil di ko man aminin ay alam kong may point siya.

But still! Ayokong makipagbati sa babaeng yon not unless siya yung unang lalapit sakin para makipagbati. Oh,diba? Moonbyul has a point.

...

Irene

Tanginang equations to, di ko makuha kuha! Napasabunot ako saking buhok dahil sumasakit na ang ulo kong intindihin ang letcheng subject na to.

Andito ako ngayon sa Batibot nitong school at mag-isang nakaupo habang sinusubukang mag-aral.

"H-hi." Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na yon at nakita ko si..di ko matandaan yung pangalan. Basta..yon na yon.

Nakita niya siguro ang pagtataka saking mukha kaya naman ngumiti siya sakin at di man lang nagtanong kung pwede ba siyang maupo sa tabi ko't bigla nalang siyang umusod palapit sakin. Dahil sa ginawa niyang yon ay medyo naging uncomfortable ako sa upuan ko.

 

Gusto kong umalis pero magmumukha akong bastos kapag ginawa ko yon.

"Ikaw si Irene diba?." Tumango ako para sagutin ang tanong niya. Dahil sa pagtango kong yon ay bigla nalang lumapad ang pagkakangiti niya kaya malaswa tingnan. Di joke.

"Great! I'm Bogum. Nice to meet you." Ang weird ng pangalan niya. Ngayon ko lang siya nakita sa school na to kaya di ako sure kung matagal na ba siya dito. Nilahad niya ang kamay niya sakin para makipagkamay.

Pinasadahan ko lang yon ng tingin at di nag-abalang tanggapin. "Nice meeting you too, Bogum."

"Kanina pa kasi kita napapansin. Don't get me wrong.. I ain't a stalker haha." Awkward akong napangiti sakanya. Yung ngiting mapapansin mong hilaw. "I see you've got a little problem with that one? Maybe I can help?." Pagtutukoy niya sa librong binabasa ko.

"Ah no, it's fine. Thank you nalang." Agad na pagtanggi ko pero he keep on insisting! Di ba siya marunong makiramdam? Naiilang ako sa ginagawa niyang paglapit sakin at mas lalo lang akong nailang dahil sa pamimilit niya. Napahinga ako ng malalim at wala ng ibang magawa kundi ang tumango nalang kaya ganon nalang kalaki ang pagkakangiti niya.

...

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ushay023 #1
Chapter 13: Ndi ko alam pero, tawang tawa ako dto, cute lng 😍
kang_ddeul
#2
Chapter 13: awww, sorry na raw sunmi babes~ 🥺 huhu pero lumalayag na ang seulrene 😭✊
Sseul_25
#3
Chapter 4: it's funny to be honest