D-day

A DAY WITH SEULGI KANG

Irene

Monday. Andito ako ngayon sa tapat nang gate kasama syempre sina Rubyjane, Joy at Solar. Hinihintay kasi nila yung mga jowa nilang parehong babaero. Gusto ko sanang mauna nalang sa room kaso pinilit nila akong sumama sakanila kaya wala na akong magawa kundi pati ang maghintay. 

"Kamusta na nga pala si Seul, Irene?." Sa pag-aantay ay di mapigilan ni Joy ang magtanong. Aware sila sa kung anong kahibangan ang ginagawa namin ni Seulgi sa isa't-isa..pero di ko maintindihan kung bakit sakin pa siya nagtanong eh alam naman niyang wala akong pake don. 

"Humihinga pa naman kahit papano." buryong saad ko habang magkakrus ang braso. Alam ko kung anong tinutukoy niya. Yung nangyari nong friday syempre. Sinong di magtatanong about don, diba? 

Napailing silang tatlo sa naging sagot ko. Si Rubyjane naman ay di mapigilang matawa, sabi nakakaawa daw tingnan si Seulgi non. Sinong baliw ang maniniwalang naaawa siya eh kung ganitong tawa siya nang tawa? Tsk. 

"Yang mga jowa niyo masyadong pabida. Kayo ba naman ang pag-antayin." Seryosong saad ko habang diretsong nakatingin sa apat na unggoy na paparating dito sa kinaroroonan namin. Nagtatawanan pa sila habang yung isa ay halatang naiinis na. Sa lakas nang boses nila ay di malabong magtinginan ang mga studyante sa direksyon nila. Akalain mo nga naman.. kung sino pa yung maliit ay siya pa yung may pinakamalakas na boses. 

"Sinusubuan mo ba nang MEGA phone yang si Wendy, Joy?." tanong ko pero palo lang sa balikat ang natanggap ko. 

Muli akong napatingin sa unahan dahilan para mapako kay Seulgi ang paningin ko. Halatang naiinis na siya sa pang-aasar nang mga kaibigan niya  pero di parin ito tumitigil na pagtawanan siya. 

Nang makalapit sila samin..syempre kanya-kanyang lapit sila. Kung anong kacornyhan ang ginagawa..well, araw-araw naman ganito ang eksena namin. 

"Irene, bigyan mo daw nang halik sa noo si Seulgi para gumanda mood niya." Napatingin ako kay Moonbyul dahil sa sinabi niyang yon. Napairap naman si Seulgi dahil don..halatang di bumenta sakanya. 

"No thanks. Baka lalong pumanget ang mood ko dahil lang sa isang halik." 

"Ohh kulang ata yung isang halik. Edi--." Natigil si Wendy dahil tinapunan ko siya ng masamang tingin na sa sama non ay nagtago siya sa likod nang jowa niya. Ang lakas talaga ng bunganga ket kelan. 

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?." Taas na kilay na tanong ko kay Seulgi dahil sa walang ekspresyong tingin niya sakin . 

Kumunot saglit ang noo niyang may benda tsaka muling tumingin sakin.

"I just realized how unlucky my life is para tumira sa iisang bubong kasama ka." Seryosong saad niya dahilan para matawa ako. Sarkastiko.

"Ha! At sa tingin mo ba ay iniisip mong iniisip ko kung gaano ako kaswerte para tumira kasama ka!?." 

"Ha! at sino sa tingin mo ang dahilan kung bakit naparusahan tayong pareho?." 

Patuloy lang kami sa pagbabangayan habang yung iba naming kasamahan ay pabalik-balik lang din ang tingin saming dalawa. 

"Ha! Kasalanan mo din naman kung bakit ka may ganyan!." Turo ko sa bendang nasa noo niya. 

"Haa! At ako pa talaga ang sinisisi mo diyan sa katangahan mo!?." Susugurin na niya sana ako pero agad na pumagitna samin si Manoban para awatin kami. 

"Hep Hep. That's enough. Baka mamaya sa ospital na ang patutunguhan niyan." Nagpabalik-balik ang tingin niya saming dalawa habang ako at si Seulgi naman ay nagpapalitan ng masamang tingin. 

"Dude hands off. Hokage ka masyado." Gusto kong matawa dahil sa biglaang pag-alis ni Manoban sa kamay niyang lumanding sa dibdib ni Seulgi nang di niya namamalayan. Muling nangibabaw ang bungisngisan sa dalawa pa niyang kaibigan nong makatanggap ng sapak si Manoban kay Jennie. Pero mas nangingibabaw pa din yung kay Wendy. 

"Tara na." Aya ni Solar kaya naman, nagsipagsunuran na kami sa kanya. 

Tiningnan ko pa si Seulgi at inambaan siya at ganon din naman ang ginawa niya sakin. Tumigil lang kaming nong pumagitna samin ang nakangiting si Wendy at inakbayan kaming pareho.

...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ushay023 #1
Chapter 13: Ndi ko alam pero, tawang tawa ako dto, cute lng 😍
kang_ddeul
#2
Chapter 13: awww, sorry na raw sunmi babes~ 🥺 huhu pero lumalayag na ang seulrene 😭✊
Sseul_25
#3
Chapter 4: it's funny to be honest