Chapter 13

A DAY WITH SEULGI KANG

Irene

Ilang linggo na ang lumipas matapos ang date na yon..o kung matatawag bang date yon. Whatever. Yon yung unang pagkakataon kung saan nag-enjoy talaga akong makasama si Seulgi. Nag-aya pa siyang pumuntang amusement park dahilan para umabot na naman sa bangayan. Alam niyang takot akong sumakay sa mga rides but then she still forced me kaya wala na akong magawa kundi ang pumayag.

Matapos ang masayang araw na yon ay para bang nagbago ang lahat. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay iniiwasan niya ako. Lately kasi umuuwi siyang late galing school. Kapag naman tinatanong ko siya kung kumain na ba ay di niya ako magawang tingnan sa mata habang sinasabi niyang tapos na't dire-diretso lang  siya sakanyang kwarto.

She hangouts with Sunmi quite often now. At naiinis ako sa isiping di man lang niya ako kayang pansinin samantalang yung babaeng yon ay para bang araw-araw sila kung magsama. At aaminin kong nagseselos ako. Dahil sa ilang araw na nag-daan ay nahuhulog na ako ng tuluyan. Siguro nga ay gusto ko na siya dati pa..sadyang in denial lang talaga. Masyadong nakakapanibago kapag naiinis akong di siya makasama at di makita kahit pa nasa iisang bahay lang naman kami.

Andito ako ngayon sa isang cafè kasama ang mga kaibigan ko. Andito rin ang mga jowa nila kaya masyado akong na-oout of place..pero dahil naglalayag ang isip ko ay wala na akong pake kung ano man ang mga pinag-uusapan nila.

"Nasan si Seulgi?." dahil sa tanong na yon ni Jennie ay agad akong napalingon sa kanila kaya naman, apat na kami ngayong naghihintay sa isasagot ng mga kaibigan niya.

"Oo nga. Napapansin ko kasing di na kayo magkakasama lately. Nag-away na kayo?." Komento naman ni Solar kaya agad na napailing si Wendy.

"Psh. Di na kami bata para mag-away no".

"Sinabi niya saking susunod daw siya satin dito." Aaminin kong sumaya talaga ako sa sinabing yon ni Byul.

I stood up from my seat and excuse myself dahilan para bigyan nila ako ng nagtatakang tingin.

"San ka pupunta?." tanong sakin ni Joy dahilan para balingan ko siya ng tingin.

"CR lang ako." Hindi sa nagdadrama. Eh sa talaga namang sa CR ang punta ko. Psh.

Di ko na hinintay pang sumagot ang isa sakanila at dumiretso na sa comfort room. Pero bago pa man ako makarating don ay nakita ko si Seulgi na nagmamadaling maglakad patungo sa lugar kung nasaan kami. Agad akong napangiti dahil totoong natuwa akong makita siya at makakasama namin ngayon. Pero ang ngiting yon ay agad na nawala dahil bago pa man siya makapasok ay agad siyang natigil at nilingon ang babaeng humawak sa balikat niya.

Napakunot ang aking noo dahil matapos ang kanilang mag-uling pag-uusap ay nagtungo sila sa lugar kung saan kunti lang ang tao. Kaya imbis na mag-cr ay lumabas ako sa cafè na yon..buti nalang at di ako nakita ng mga kasama ko dahil paniguradong tatanungin na naman nila ako.

Nagtago ako sa puno di kalayuan sa kanila. Di ko din alam kung ba't ko ginagawa ang bagay na to. Para akong timang na nakikinig sa pinag-uusapan nila. Tsk!

"Spill." Seryosong utos ni Seulgi sakanya.

"I want to get straight to the point." Mamaya pa'y saad ni Sunmi bago huminga ng malalim. Narinig ko pang bumuntong hininga din si Seulgi..sa sobrang talino nitong kumag na to ay para bang alam na niya kung anong sasabihin ni Sunmi sakanya. " I just want to say this to you before I leave. I know I rejected you before, Kang. But I just want to ask you this.. do you still love me?." Dahil sa huling tanong na yon ay kumabog bigla ang dibdib ko. Kinakabahan sa magiging sagot ni Seulgi sakanya. Kung ano man yon ay di pa ako handang masaktan ngunit gustuhin ko mang umalis sa lugar na to ay para bang napako ako sa kinatatayuan ko.

"I do." Di ko na napigilan ang pangingilid ng luha ko matapos sabihin ni Seulgi ang linyang yon. Right. Sino ba naman ako para magustuhan niya? Ako lang naman yung kaaway niyang sinasaktan siya physically..pero mas masakit ata kung masaktan ka emotionally. Pinahid ko ang luha ko bago umikot at dali-daling naglakad palayo sa lugar na yon.

..

Seulgi

"I do." Seryosong sagot ko at tumitig pa sa mga mata niya dahilan para makita ko kung pano siya natuwa sa sinabi kong yon. "I do love you..but not like how I used to loved you." Dagdag ko dahilan para ang tuwang yon sakanyang mga mata at napalitan ng pagtataka.

Alam kong sinabi ko na to sainyo at sasabihin ko ulit ngayon. Wala na akong nararamdaman pa sakanya at sadyang kaibigan nalang ang turing ko sakanya. Di ko din alam kung ba't pinagpapasalamat ko pa sakanyang ni-reject niya ako noon..pero siguro dahil yon yung daan para makita ko ang taong para sakin.

"Y-you don't mean to say that, right?." Nauutal na sagot niya dahilan para muli akong magpahinga ng malalim. Ayokong nakikita siyang nasasaktan lalo pa't ako ang dahilan pero ayoko man ay kailangan ko pa ding gawin dahil ayoko din namang umasa siya sakin.

"Listen, kung ano man yung nararamdaman ko sayo noon ay di ko na naramdaman yon ngayon.  Ayaw ko mang saktan ka but I need to. I love everything about you, mimi.. you deserve someone better and that's not me."

"Then be that someone for me!."

"I can't!."

"Why!?." Natigilan ako sa tanong niyang yon. Napapalunok akong nag-iwas ng tingin bago siya sagutin.

"Because I already love someone..and it's not you."

Binalik ko ang tingin ko sakanya dahil matapos ko sabihin ang linyang yon ay natahimik siya bigla. Don ko lang nalamang titig na titig siya sakin at makikita sakanyang mata ang mga luhang nagbabadyang kumawala.

"It's I-Irene, right?." Matapos sabihin ang tanong na yon ay kasabay din ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Sinubukan kong lapitan siya pero humakbang lang siya palayo sakin dahilan para matigilan ako. ! "Right. What a stupid question. Bakit nga ba tinanong ko pa kung alam ko namang siya ang mahal mo. Siya palagi ang bukambibig mo sa tuwing magkasama tayo. Kaya ka nagmamadaling umuwi dahil siya ang gusto mong makasama at hindi a-ako." Tumitig siya sa mga mata ko at sadyang di na matigil ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata. Nasasaktan akong makita siyang ganto pero alam kong mas nasasaktan siya at ako ang dahilan.

"Ako yung nandito pero iba ang hanap mo."

"I'm sorry. Please stop crying."

"Because I'm hurting! What do you expect me to do, Seulgi!?. I was a fool to believe that you also love me the way I love you..but I was wrong." Damn, I'm sorry! "Tell me, ginagawa mo lang ba sakin to dahil gusto mong masaktan ako dahil sa ginawa ko sayo noon? Because if that exactly how it is then.. please stop dahil nasasaktan na ako."

"Pakiusap. Wag mo ng pahirapan pa ang sarili mo. I hate seeing those damn tears..I'm sorry. I really do." Humihikbi lang siya habang sinasabi ko sakanya yon. "Ihahatid na kita sainyo." Lalapit na sana ako sakanya para alalayan siya pero pinigilan niya lang ako.

"No. I want you answer me." Huminga ako ng malalim bago siya sagutin.

"No. I'm not doing this for vengeance. I love her and I'm willing to risk everything for her. I don't hate you.. pinagpapasalamat ko pa ngang ginawa mo yon dahil natagpuan ko na ang taong para sakin. And I'm sorry. Let's go. Ihahatid na kita." Di na niya nagawa pang tumanggi dahil patuloy lang siya sa pag-iyak. Inalalayan ko siya patungong kotse at sinimulan ng magdrive papunta sa kanila.

..



 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ushay023 #1
Chapter 13: Ndi ko alam pero, tawang tawa ako dto, cute lng 😍
kang_ddeul
#2
Chapter 13: awww, sorry na raw sunmi babes~ 🥺 huhu pero lumalayag na ang seulrene 😭✊
Sseul_25
#3
Chapter 4: it's funny to be honest