Worried?

A DAY WITH SEULGI KANG

Seulgi

Pagkatapos  naming maglaro ng basket ay agad kaming umalis para makapagshower habang di pa nagsisimula ang susunod na klase. 

Magkasunod-sunod kaming naglalakad ngayon dito sa maliit na pathway ng school ilang dipa lang ang layo mula sa batibot at school field. Ito lang kasi ang pwede naming daanan since masyadong mainit kapag sa field kami dumaan. Pinangungunahan ni Byul, kasunod niya ay ako, sa likod ko ay si Lisa at nakasunod naman sakanya sa Wendy. Puro takot sa sinag ng araw kaya naman nagsilinyahan kami dito sa maliit na daanan para masilungan. 

Blangko ang isip ko habang naglalakad. Di ko din alam kung bakit ako nagkakaganito..kanina pa ako nakatulala at aware ako don. Di ko din alam kung anong dahilan..siguro ay trip ko lang, may magawa lang. Tsk. Ba't ba?

Dahil sa pagiging sabaw ay di ko namalayang bigla palang huminto si Byul kaya naman napasubsob ako sa likuran niya dahilan para masubsob din sakin si Lisa at ganon din naman si Wendy sakanya. 

Domino effect amputa.

"Tangina Byul!." Mura ko sakanya habang hipo ang noong tumama sa buto ng likod niya. Narinig ko pa ang pagdaing ng dalawa saking likuran habang hawak din nila ang kanilang sariling noo. 

"Teka, hindi ba't si Irene yon?." Pag-iiba niya sa usapan at di man lang pinansin ang ginawa niya samin. At dahil sa sinabi niyang yon ay napatingin ako sa lugar kung saan siya nakatingin.

Pinanliitan ko ito ng mata para makumpirma kung si Irene nga ba ang tinutukoy niya. Di nga siya nagkakamali..dahil dito palang ay dinig na dinig ko na ang mala-ambulansya niyang tawa. 

"Teka, sino yang kasama niya?." Nagpanting ang aking tenga dahil sa sinabing yon ni Lisa. Dumako ang aking mata sa isang mala-hatdog niyang kasama. 

Di siya pamilyar sakin at wala akong pake don. 

Pinagkrus ko ang aking braso at napailing-iling habang taas ang isang gilid ng labing nakatingin sakanila. 

Akalain mo nga naman, napakainosenteng tingnan kapag iba ang kasama pero kapag ako ay para bang gusto niya ng patayan. Nagawang niya pang tumawa na parang bang bumenta talaga sakanya ang kung ano mang kacornyhan ang sinasabi sakanya nong kasama niya. 

"Hala, bat sila magkasama?." Nangingibabaw ang tanong na yon ni Wendy kaya naman, sabay kaming tatlong napalingon sakanya.

"Kilala mo yung kasama niya, Wends?." Naghintay kami sa isasagot ni Wendy sa tanong na yon ni Lisa sakanya. 

Tingnan niya kami isa-isa at mababasa sakanyang mukha ang pag-aalala. Maya-maya pa ay nawala ang ganong ekspresyon sakanyang mukha at sinabing.. "hindi."  

Sabay-sabay kaming napabuga ng isang malalim na hininga dahil aaminin kong kinabahan ako sa magiging sagot niya. Sa ekspresyon palang ng mukha niya ay parang bang may past issue yung kasamang lalaki ni Irene. 

Dahil sa inis ay pinitik ko ang noo ni Wendy dahilan para mapadaing siya sa sakit. Si Lisa at Byul naman ay napailing nalang dahil sa kakulitan nitong maliit naming kasama.

Pinasadahan ko si Irene ng isang mabilis na tingin at muli kaming nagtuloy sa paglalakad.

....

Fastforward...

Pagkarating sa bahay ay agad kong sinalampak ang aking katawan sa malambot kong kama. Walang masyadong nangyare sa araw na to pero di ko maintindihan kung bakit ganon nalang kapagod ang aking katawan. 

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata para makapagpahinga pero di yon natuloy dahil may biglang tumawag. Nag-e-expect akong si Mama ang tumawag kaya naman di na ako nag-abalang tingnan ang I.D caller at agad itong sinagot. 

"Mom?." 

"Seul!!." Nagulat ako sa biglaang sigaw na yon mula sa kabilang linya kaya agad kong tiningnan kung sino ang tumawag. Ganon nalang kalaki ang pagkakangiti ko nong malaman kung sino ito.

...

Irene

Matapos ang mahabang araw sa skwela ay nagpaalam na ako kina Joy para umuwi. Papasok na sana ako sa kotse nong may biglang humawak sa braso ko dahilan para magulat ako.

Inis ko itong nilingon pero agad ding napangiti nong malaman ko sino ito.

"Uuwi ka na?." Napairap ako sa tanong niyang yon. Alam kong nakita niyang papasok na ako sa kotse para umuwi tapos magtatanong pa kung uuwi na ba ako. Nakakabwenas din-,-

Pero ganon pa man ay binigyan ko nalang siya ng pilit na ngiti bago sagutin.

"I was about to." 

"Perhaps, a cup of coffee bago ka umuwi would be fine?." Kanina pa ako naiinis sa pagiging conyo kung magsalita tong lalaki to pero di ko nalang inintindi dahil..ayoko lang intindihin. Ganon lang yon kasimple.

"I'm afraid I can't meet with your request. May gagawin pa kasi ako eh. Kaya kung pwede..bawi nalang ako sayo next time?." Pangungumbinsi ko at sinusubukan pang ibahin ang boses na para bang pagod na pagod para lang di na niya ako kulitin kagaya nong kanina. He's not a bad guy to be honest. He's a bit dodgy at first pero masaya naman siyang kasama. I just don't find him interesting. Alam kong after sa gantong stage ay proceed siya sa next stage which is..the courting stage. Di ako feelingera sadyang ganon lang talaga yung pinapakita niya sakin. Kaya naman, ngayon palang ay pinapakita ko na sakanyang di ako interesado para aware siyang rejected na siya agad.

"Oh, it's okay. I heard sa Sunday daw magbubukas yung bagong cafè don sa tapat ng park. I was thinking if--." 

"Yeah sure." Di pa siya tapos sa pagsasalita ay inunahan ko na siya. Alam ko kung anong gusto niyang sabihin kaya pinutol ko na siya bilang pagtatapos sa usapan. 

"So uhm.. see you around?." He's acting all timid while rubbing the back of his neck. Di ko alam kung nagpapakyut ba siya o sadyang nahihiya lang talaga siya. 

"Yeah. See yah!." Matapos sabihin yon ay agad na akong sumakay sa kotse. 

Minadali ko ang driver sa pagmamaneho dahil alas syete na pala.. medyo natagalan ako sa pag-uwi dahil may tinapos pa kami nina Jennie. Napapaisip ako kung kumain na ba si Seulgi. Knowing her, di siya marunong magluto..well pwede naman siyang mag-order nalang not unless di siya mahilig sa ganon. Di naman sa nag-aalala akong baka gutom na siya. Baka kasi magwala kapag di nakalamon.

...

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ushay023 #1
Chapter 13: Ndi ko alam pero, tawang tawa ako dto, cute lng 😍
kang_ddeul
#2
Chapter 13: awww, sorry na raw sunmi babes~ 🥺 huhu pero lumalayag na ang seulrene 😭✊
Sseul_25
#3
Chapter 4: it's funny to be honest