Date

A DAY WITH SEULGI KANG

Irene

Linggo ngayon at andito ako sa sala para magbasa. Alas otso na ng umaga at hanggang ngayon ay di parin bumababa si Seulgi sakanyang kwarto. Nagtataka tuloy ako kung anong oras na siya natulog kagabi eh mas maaga pa siyang pumasok sakanyang kwarto kesa sakin.

Sa kalagitnaan ng aking pagbabasa ay biglang may nagdoorbell sa labas. Dejavu amputek.

Tumayo ako para pagbuksan ang kung sino mang tao sa labas. Nakangiti siya pero ang ngiting iyon ay biglang nawala nong makita niya kung sino ang nagbukas ng pinto na para bang di ako ang inaasahan niyang magbukas non. Pinasadahan ko ng tingin ang babae ito saking harapan. Matangkad, maputi at parang modelo kung pumustura.

Kumunot ang aking noo habang nakatingin na ngayon sa kanyang mata.

"Who are you/ who are you?." Magkasabay na tanong namin. Di ko akalaing ako pa talaga ang tinanong niya kung sino ako samantalang siya tong pumunta sa bahay ko.

Pero kahit ganon pa man ay sinagot ko nalang siya.

"Irene. My name's Irene." Pagpapakilala ko. "And you are?." pag-uulit na tanong ko sakanya. Nakita ko pa kung paanong kumunot ang kanyang noo na animoy naguguluhan.

"I'm Sunmi Lee." Pagpapakilala niya. Di pamilyar sakin ang pangalan niya at mas lalong di pamilyar sakin ang itsura niya. Sumilip pa siya saking likuran na para bang may hinahanap sa loob. "I can't be mistaken, right?. Dito ba nakatira si Seulgi? Her Mom and Dad told me kasi na dito daw siya nagsstay." Conyo magsalita si Bogum. Pero mas conyo ata kung magsalita tong babaeng to. May arte pa sa tono ng pananalita niya kaya don palang ay alam kong di ko na siya magugustuhan.

Pinagkrus ko ang aking braso bago ko siya sagutin.

"Yes, she's living here with me. What's the real deal between you two?." Di naman sa nangingialam. Di naman siguro masamang malaman kung bakit niya kilala si Seulgi.

"We're bestfriends." Sagot niya habang nakangiti pa. Gusto kong mahiya dahil bestfriend lang naman pala. Jusko Irene! "And soon to be girlfriends." dugtong niya dahilan para di ako makapagsalita. Mas lalo pang lumawak ang pagkakangiti niya na ang dating sakin ay parang bang nang-aasar kahit di naman. Masyadong madrama kung sasabihin kong naramdaman ko ang pagkirot saking dibdib nong sabihin niya ang linyang yon pero sadyang yon talaga ang naramdaman ko.

"Aren't you going to let me in? masyadong mainit na dito eh. Tsaka I wanna see her na.. If you're not blind enough to notice." Ha! sinusubukan ata ako netong babaeng to. Kaya ko siyang sabunutan kong kinakailangan. Aaminin ko mang matangkad siya kesa sakin ay di malabong maabot ko ang buhok niya kapag gagawa siya ng dahilan para gawin ko sakanya yon.

"Unfortunately, she's still asleep. Bumalik ka nalang dito sa susunod na araw." Di ko na siya hinintay pang sumagot at diretso siyang pinagsarhan ng pintuan. Wala akong pakialam kong nababastusan siya sa ganong kilos ko kung ganong bastos din siya sa harap ko.

Muli akong umupo sa sofa kasabay non ang pagbuntong hininga. Ilang minuto lang ang lumipas nong mapatingin ako sa hagdan dahil bumaba na doon si Seulgi. Basa ang kanyang buhok kaya nasisiguro kong katatapos niya lang maligo.

"Buti naman at nagising na ang Cinderella ng pinas." Dahil sa sinabi kong yon ay don niya lang ako napansin. Napatingin siya sakin kasabay non ang pag-iling habang tumatawa pa.

"Sleeping beauty yon. Baliw." Sleeping beauty pala yon? Whatever! Atleast parehas silang nasa Disney. Tsk!

Di ko nalang siya pinansin kaya naman dumiretso na siya sa kusina para kumain. Maya-maya pa ay biglang tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko ito sa center table.

Literal na lumaki ang aking mata matapos kong mabasa ang mensahe na galing kay Bogum. ! Ngayon nga pala namin planong lumabas!

"Pfft you look awful." Dahil sa biglaang komento na yon ni Seulgi ay binalingan ko siya ng tingin. "Kanina pa kita tinitingnan kaya nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon mo. May nangyari ba?."

Di na ako nag-abalang sumagot pa at agad na tumayo't nagtatakbo papuntang kwarto para magbihis.

....

Seulgi

Napatigil ako sa pagsubo dahil sa biglaang paglaki ng mga mata niya matapos mabasa ang mensaheng natanggap niya. Muntik pa akong mabilaukan dahil sa nakakatawa niyang itsura. Hanep!

"Pfft you look awful." Natatawang  komento ko dahilan para balingan niya ako ng tingin. "Kanina pa kita tinitingnan kaya nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon mo. May nangyari ba?." tanong ko pero di man lang ako sinagot.

Agad siyang tumayo at nagtatakbo patungong hagdan habang pinagmamasdan ko lang siya't hinihintay na matisod siya. Kidding.

Napapailing akong nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.

Ilang segundo lang lumipas nong muli siyang bumalik. This time, iba na ang suot niya habang nagmamadaling nagtungo sakin. Nagulat pa ako dahil bigla niya akong hinawakan sa balikat at tumingin ng diretso saking mata dahilan para matigil ako saking pagkain. Kumunot ang noo ko dahil di ko maintindihan ang kinikilos niya ngayon. Seriously? What's wrong with this lady??

"Give me a lift." Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang yon. "Please?."

"Where are you heading to?." tanong ko atsaka muling sumubo habang naghihintay sa kanyang isasagot.

"Park." May pag-aalinlangan pa sa tono ng pananalita niya habang nakatingin parin sakin. Binitawan ko ang kutsara't tinidor at humarap sakanya. Pinagkrus ko ang aking braso habang seryosong nakatitig sakanya.

"At ano namang gagawin mo sa Park?."

Dahil sa tanong kong yon ay para siyang nanlumo.

"Alangan namang mag-swimming-- aray!." Pinitik ko ang kanyang noo bago pa man niya matapos ang pamimilosopo dahilan para tingnan niya ako ng masama habang hipo ang kanyang noo.

"Wag mo'kong sagutin ng pabalang."

"Fine!. May usapan kasi kami ni Bogum na magkikita ngayon."

Napataas ang isa kong kilay. Gusto kong matawa.

"Sa park? first time ba makipag-date ng lalaking yon? Ni hindi ka man lang kayang dalhin sa--." Di ko na magawang tapusin ang sasabihin ko dahil sa sama ng tingin niya sakin. I sigh bago uminom ng tubig at tumayo.

..

Habang nasa byahe ay naninibago ako sa pagiging tahimik nitong kasama ko. Usually kasi gagawa siya ng lusot para mauwi sa bangayan naming dalawa.

"Seriously, Irene. Bakit sa park?." Alam kong walang saysay ang tanong kong yon. Eh sa ang tahimik eh. Di ako sanay.

"Anong bang problema sa park, Seulgi? Eh sa gusto niya daw don since may bagong bukas na cafè..gusto niya daw itry."

"Bakit 'gusto niya'? Hindi ba dapat 'gusto mo'?." Pagdiin ko habang pinasadahan pa siya ng tingin.

"Look, this is not a date..okay!? Pumayag lang akong makipagkita sakanya because I owe him something!." Bakit kailangan sumigaw?

"Like what?."

"Tinulungan niya ako sa mga assignments ko." Gusto kong matawa dahil ang lame ng excuse niya. Para-paraan din ang mokong. If I know gusto lang niyang pumorma sayo!

At dahil parang di ko nagustuhan ang isiping yon.. let's ruin your date.

Niliko ko ang sasakyan opposite sa daan kung saan patungo ang park. Dahil sa ginawa kong yon ay muli akong nasigawan.

"Seulgi! What are you doing?." Seryoso ba talaga siyang makipag-date sa lalaking yon?

"Lumiko?." Kunwaring inosenteng sagot ko dahilan para maramdaman ko ang masamang tingin niya sakin. "You also owe me for answering your assignment. At gusto kong ilibre mo'ko." Mabilis ko siyang nilingon habang nakangiti. Napamaang siya sa sinabi kong yon at muling nagsalita.

"Not now. Sa susunod nalang." I secretly frown. Ibang klase! Ambilis niyang pumayag don sa lalaking yon samantalang nagawa niyang ipagpaliban muna ako.

Dahil sa inis ay di ko na magawang makipagtalo pa sakanya. Muli akong lumiko para dalhin siya sa park kung saan naghihintay ang hatdog niyang date.

Muling tumahimik sa loob ng kotse at ngunit muli itong nabasag nong May biglang tumawag kaya agad ko itong sinagot.

Di pa man ako nakakapagsalita ay naunahan na akong sa kabilang linya.

"Seul!." Si Sunmi.

"Oh? Napatawag ka?-- ano ba, Irene! Wag kang malikot!." Pabulong na sigaw ko sakanya pero inirapan niya lang ako. Baliw.

"Can we meet please? I mean, right now."

"Sure."

"Alright. Can't wait to see you! Bye!." Siya ang unang nagbaba ng linya matapos siyang magpaalam.

Narinig kong bumuntong hininga si Irene kaya binalingan ko ito ng tingin.

"Fine." Muling kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang yon. Tiningnan niya ako bago magsalita ulit. "San mo gustong pumunta?."

Unti-unti akong napangiti dahilan para mag-iwas siya ng tingin sakin.

...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ushay023 #1
Chapter 13: Ndi ko alam pero, tawang tawa ako dto, cute lng 😍
kang_ddeul
#2
Chapter 13: awww, sorry na raw sunmi babes~ 🥺 huhu pero lumalayag na ang seulrene 😭✊
Sseul_25
#3
Chapter 4: it's funny to be honest