Outraged

A DAY WITH SEULGI KANG

Seulgi

Alas onse na ng magising ako. Dumiretso agad ako sa kusina pagkatapos kong maligo dahil sumasakit na ang sikmura ko sa gutom. 

Agad akong napatigil dahil sa linis ng kusina..pati yung mesa ay wala man lang pagkain ni isa. Napatingin ako sa kitchen counter at mga prutas lang meron don. Gusto kong magwala dahil nagugutom na ako! Di man lang ako tinirhan ng pagkain ni Irene. Tsk! 

I want heavy meals kaya di papasa sakin ang cereals at gatas lang. Ayoko din namang mag-order nalang dahil mapili ako pagdating sa pagkain. Damn, Nevermind! Mamaya sakin yung babaeng yon.

Lumabas na ako sa kusina at dumiretso sa sala para kunin ang susi ng kotse kong nakapatong sa center table. Dali-dali akong lumabas at  nagsimulang magmaneho. 

....

"Baby!." Pagkapasok ko palang sa bahay ay agad na akong sinalubong ni Mama ng isang mahigpit na yakap. 

"Namiss nyoko, Ma?." Tanong ko at agad naman siyang tumango. "Kung di niyo sana ako hinayang tumira kasama si Irene ed--aray!." Sinapian ata ng masamang espiritu tong nanay ko. Demonrene.

Hinipo ko ang parteng binatukan niya at nakangusong tumingin sakanya. 

"Siya nga pala..kamusta na kayong dalawa?." Pag-iiba niya sa usapan kasabay non ang pag-upo niya sa sofa dito sa sala.

"Ayos naman. Malapit ng magpatayan." Sinadya kong hinaan ang huling tatlong salita para di niya marinig. Ngunit sa kamalas-malasang narinig niya pa talaga. Sinamaan niya ako ng tingin kaya naman iniba ko nalang ang usapan. "I'm famished, Mom. Namiss ko ang luto mo." Pangungumbinsi ko kaya naman ngumiti siya at lumapit sakin.

"Really? Anong gusto mong kainin kung ganon?."

"Anything would do, Mom. Lahat naman ng pagkain ay kinakain ko kapag ikaw ang nagluto." Which is true. Alam kong sinabi ko na sa inyong mapili ako sa pagkain pero kapag si Mama ang nagluto ay di ko magawang tanggihan dahil ang sarap naman talagang magluto. 

....

Pagkatapos kong kumain nakipagkwentuhan pa muna ako kay Mama bago bumalik sa bahay namin ni Irene. Alas dose na at kailangan ko ng maghanda para pumasok. 

Pagdating ko sa SMU ay agad akong sinalubong ni Wendy.

"Asan yung dalawa?." Agad na tanong ko matapos makipagbatian sakanya.

"Paparating pa lang." Tumango nalang ako sa sagot niya at magsisimula na sanang maglakad papuntang room pero agad ding natigilan dahil sa malakas na sigaw na nagmumula sa dulong parte nitong hallway kung nasaan kami.

"Baby Seul!!!." Sabay kaming napalingon ni Wendy sa parteng yon. 

Di ko mapigilan ang bumuga ng isang malalim na hininga nong makita ko si Yeri na paparating sa kinaroroonan namin. Naka spread ang magkabilang braso habang tumatakbo patungo sakin. 

Isa si Yeri sa mga estudyanteng kabilang sa unibersidad na ito. May pagkaflirty pagdating sakin. She's four years younger than me kaya naiinis ako kapag magsisimula siyang dumikit sakin na para bang ayaw na niya akong bitawan. Masyado siyang showy kaya nong mga nakaraan lang ay tinanong niya ako kung pwede ba daw akong maging girlfriend niya. Totoong nakaka-stress sa pempem ang batang to.

"Baby Seul, I missed youu." Sinabi niya yan ng may halong pagpapakyut. Kumapit pa siya sa braso ko at muling dumikit dito. 

Dahil sa inis ay sinubukan kong tanggalin ang braso niyang nakapulupot sa braso ko.

"Ano ba, Yeri! wag ka ngang dumikit!." Sinubukan ko pang alisin ang kamay niyang nakahawak pa din sa braso ko pero sadyang mahigpit ang kapit niya dito.

"Err, ang sungit mo talaga. But that's fine! Yan naman ang gusto ko sayo eh." Sagot niya na animoy kinikilig. Muli akong bumuntong hininga sa kawalan ng pasensya.

"Child abuse yan, Seul." Dinig kong bulong ni Wendy pero dahil sa lakas ng boses niya ay di na ako magtatakang marinig yon ni Yeri. 

Sinamaan ko siya ng tingin at maya-maya pa'y may tumawag na naman sakin. Si Nayeon, girlfriend ni Jeongyeon. Isa din siya sa mga kaklase ko.

"Seul." Kumunot ang noo ko sa naging kilos niya. Hinihingal na para bang ang layo ng tinakbo papunta dito. Hinawakan niya ako sa isang braso habang hinihingal pa rin.

"Woah chill, kuneho. Kailangan mo ba ng cpr--aray!." Siniko ko sa tagiliran si Wendy dahilan para tumahimik siya. 

Bumuga si Nayeon ng isang malalalim na hininga tsaka nagsalita.

"Si Irene."

....

"! Look what you did!." Naabutan namin ang nagkukumpulang mga estudyante dito sa cafeteria. Pabilog pa ang pwesto nila kaya nasisiguro kong may gulong nagaganap dito. 

"Anong nangyayari dito?." Tanong ni Wendy sa isa sa mga nakikichismis na estudyante. 

"Di ako sure pero narinig kong nag-away daw si Irene at yung bagong transferee--". Di ko na tinapos ang sasabihin niya at naglakad ako patungo sa mga mga estudyanteng nagkukumpulan doon. 

Hinawi ko pa ang mga estudyanteng nakaharang sa daraanan ko para makarating sa kinaroroonan ni Irene. 

Di ko maipaliwanag ang galit na umusbong saking dibdib nong makita ko kung gaano kagulo ang buhok ni Irene kaya nasisiguro kong sinabunutan siya. Nakaupo siya sa sahig at basa pa ang ilan sa mga parte ng uniporme niya. Nakita ko pa kung pano siyang tinulungang tumayo ni Joy at para bang naiiyak siya sa itsura ng kaibigan. 

Dahil sa magkahalong inis at galit ay naglakad ako patungo sa kinaroroonan niya. Kuyom ang kamao at handang suntukin kung sino man sumubok na humarang.

"Move." Hinawi ko pa ang babaeng nakatayo paharap kay Irene dahilan para muntik siyang matumba. Umupo ako sa harap niya at pinag-aralan ang mukha niya. Kumunot ang noo ko sa namumula niyang pisngi. "Anong nangyari sayo?." 

"Who do you think you are to interfere with my business!?." Di na ako nagawang sagutin ni Irene dahil sa sigaw na yon na nanggagaling saking likuran. Tumayo ako at nilingon siya.

"She's my business. Therefore I have the right to interfere." Blangkong ekspresyong saad kong pagtutukoy kay Irene dahilan para magbulungan ang mga estudyanteng nanonood saamin . Di ko ito pinansin at galit na tumingin sa babaeng kaaway ni Irene. "Now let me ask you.. anong ginawa mo sakanya?." I tried myself to stay calm as much as I can dahil iniiwasan kong masaktan ang babaeng ito sa harapan ko. 

Napasinghal siya sa tanong kong iyon at pinagkrus pa niya ang kanyang braso. Sa pagkakaalam ko ay baguhan lang ang babaeng ito kaya nasisiguro kong di niya ako kilala.

"She's a stupid ! tatanga-tanga siya kaya naman nabangga niya ako. Look at my dress, it looks like a complete mess!." Maarteng saad niya't may paturo pa sa damit niya. Totoong natapunan nga ito ng kung ano pero di ko mapigilang mapasinghap dahil sa inis. 

"That's your reason? What a pity." Pinagkrus ko ang aking braso at seryosong tumingin sakanya. 

"What!?." Mahihimigan pa rin ang arte sa tono ng pananalita ng babaeng to. Bagay na nasisiguro kong natural na sakanya.

"Masyadong mababaw ang rason mo para lang gawin sakanya kung ano man yung ginawa mo. That's what you called the act of immaturity." 

"Do you even know how much this cost!?." 

"That line's already way too common. Pero sige, name your price. I can buy you a dozen of those." Pagmamayabang ko dahilan para mas lalo siyang mainis. Ayaw niya non? Isa lang ang hinihingi niya tapos onse ang balik.  Tsk.

"You're hot. Pero masyado kang mayabang. Argh!." 

"Well thank you." 

She scoff at pinagkrus ang kanyang braso.

"Because I said you're hot?." 

"No. Because you said I'm a smug." Pagpapakatotoo ko. Narinig ko pang nagtawanan ang mga nanonood.

"Seulgi, that's enough. Ayos lang ako." Lumingon ako kay Irene na ngayo'y nakatayo na habang tinutulungan siya ni Joy na ayusin ang kanyang itsura. Tumitig siya saking mata na para bang sa ganong paraan niya ako kinakausap..sinasabing ayos lang siya. Pero kahit ganon pa man ay naiinis pa rin ako sa ginawa nitong babae sakanya. Mas lalo pa akong nainis dahil di man lang nabawasan ang pamumula ng pisngi niya. Bwisit!

"Apologize." Seryosong saad ko habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata. Nakita ko pa kung paano lumaki ang kanyang mata dahil sa gulat..di niya siguro inaasahang sabihin ko yon habang nakatitig ng diretso sakanyang mukha. 

"Seulgi." Di ko tiningnan si Joy Nong sambitin niya ang pangalan ko at nanatiling nakatitig kay Irene na makikita sa mukha ang pagkadismaya.

"Yes! That's right. Apologize to me!." Sabat naman nong babae.

"But I already did! Ilang beses na akong nagsorry pero ito lang ginawa niya sakin!." Makikita ang inis sa kanyang mukha habang sinasabi sakin ang linyang yon.

Narinig ko pa ang pagrereklamo ng babaeng kaaway niya kaya ito naman ang binalingan ko ng tingin.

"Apologize." Pag-uulit na utos ko sakanya. Ayoko ng patagalin pa to dahil sa tuwing nakikita ko ang itsura ni Irene ay para bang gusto kong sampalin ang babaeng to sa harap ko.

Di siya makapaniwala sa sinabi kong yon at muling pinagkrus ang kanyang mga braso.

"Why would I? Siya tong tatanga-tanga kaya nangyari sakanya yan. She deserved it anyway!." ! Agad akong sumugod sakanya at hinawakan ang neck line ng damit niya. Sinusubukan niya talaga ako at unti-unti lang nauubos ang pasensya ko. 

"Mind you. Both of you are stupid." Nagulat siya sa sunod kong ginawa. Nilapit ko ang tenga niya sa bibig ko. "Listen, siguraduhin mong wala akong makikitang kahit isang galos sa kahit saang parte ng katawan ng babaeng inapi mo. Because if I did...better prepare yourself to leave." Seryosong saad ko at patulak siyang binitawan. Kahit di niya aminin ay halatang kinabahan siya sa banta kong yon. 

Tinalikuran ko siya at muling naglakad palapit kay Irene para dalhin sa clinic.

"Ha! Sino ka ba para takutin ako!?." 

Nakangisi akong nilingon siya.

"You really are a newbie." 

Di ko na hinintay pang sumagot siya at dinala na si Irene sa clinic kasama sina Joy at Wendy.

...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ushay023 #1
Chapter 13: Ndi ko alam pero, tawang tawa ako dto, cute lng 😍
kang_ddeul
#2
Chapter 13: awww, sorry na raw sunmi babes~ 🥺 huhu pero lumalayag na ang seulrene 😭✊
Sseul_25
#3
Chapter 4: it's funny to be honest