Confused

A DAY WITH SEULGI KANG

Irene

Sabado at andito ako ngayon sa sala't nanonood ng TV. Masyadong boring at wala akong maisip na pwedeng gawin. Gustuhin ko mang umuwi muna samin dahil namimiss ko na sina Mama at Papa pero di ko magawa. Alam kong sasabunin lang nila ako ng tanong tungkol don sa nangyari nong nakaraan. Kung di lang sana pinarating ni Seulgi sakanila ay di na sana ako namomroblema kung paano iyon ipaliwanag sakanila.

Di ko pa din makakalimutan ang nangyari matapos naming lumabas ni Seulgi don sa clinic nong makita namin ang tatlo sa mga kaibigan niya. At sa tuwing maalala ko yon ay di ko mapigilang di mamula sa kahihiyan.

Flashback..

"Take off your shirt." Di ko magawang kumilos agad dahil sa utos na yon ni Seulgi sakin. Nagulat pa ako sa biglaang paghubad niya sa hoodie jacket niya, tumaas pa ang pang-ilalim niyang damit dahilan para makita ko ang tiyan niya. Napapalunok akong nag-iwas ng tingin at maya-maya pa'y inabot niya sakin ang hoodie jacket niya. Di ko magawang tanggapin yon agad pero bago pa man siya mawalan ng pasensya ay walang pag-aalinlangan ko itong tinanggap.

"San ka pupunta?." Maglalakad palang sana ako palayo sakanya ay agad ding natigil dahil sa biglaang pagtanong niya. Nilingon ko siya bago sagutin.

"Magbibihis." Sagot ko't kumunot ang noo niya. Bumuntong hininga siya't umupo sa isa sa mga kama.

"Come back here. Dito ka na maghubad." Di ko maintindihan ang aking nararamdaman nong sabihin niya sakin yon. Alam kong natural lang iyon sakanya pero di ko pa din maiwasang di mamula.

"Diyan mismo sa harap mo?." Di makapaniwalang tanong ko't tinuro pa ang pwesto sa harapan niya. Totoong naguguluhan ako sa ikinikilos niya ngayon. Kung pangkaraniwang araw lang sana to saming dalawa ay paniguradong nagbabangayan na naman kami.

Tumingin siya sakin bago niya ako sagutin.

"San pa ba sa tingin mo? Pinilit mo pa nga akong paghubarin sa mismong harap mo. Wag kang mag-aalala dahil paniguradong wala ka namang dapat taguan."

Dahil sa sinabi niyang yon ay mas lalong namula ang aking pisngi. Dinampot ko ang alcohol na ginamit niya sakin kanina at binato iyon sakanya. Tumatawa lang siyang umiwas kaya hinayaan ko nalang siya.

Tumalikod ako sakanya't sinimulang hubarin ang damit ko. Naiilang ako dahil ramdam kong nakatitig siya sakin habang ginagawa ko iyon.

"Di ko akalaing may kurba ka pala." Sa tono ng pananalita niya ay totoong seryoso siya. Dali-dali kong sinuot ang jacket niya at inayos ang buhok ko.

Nang matapos ako ay nauna siyang tumayo at naglakad palabas. Nong mabuksan niya ang pinto ay nakita namin ang tatlong niyang kaibigan na sa posisyon palang nila ay para bang kanina pa sila nakikinig samin.

"Anong ginagawa niyo dito?." Tanong ni Seulgi sa mga ito't napakunot naman ang noo ko habang naghihintay ng sagot.

Nakakaloko ang ngitian ng tatlo kaya nasisiguro kong iba ang naiisip ng mga ito. Maya-maya pa'y nagtayuan sila habang nakangisi pa rin.

"Sus kayo ah! Kunwari pa kayong mag-kaaway tapos gumagawa na pala ng milagro kapag nagsosolo!." Literal na lumaki ang mata ko sa sinabing yon ni Wendy. Naramdaman ko pang muling namula ang pisngi ko sa sinabi niyang yon. At dahil don ay nagkatinginan pa muna kami ni Seulgi bago muling ibalik ang tingin sa tatlo niyang kaibigan.

Binatukan niya isa-isa ang mga ito at pinaliwanag niyang mali sila ng pagkakaintindi.

Eh talaga namang mali sila dahil walang naman kaming ginagawang masama ni Seulgi. Kakaiba din mag-isip.

Hanggang sa makaalis kami sa clinic ay di parin sila tumitigil sa pang-aasar samin dahilan para di na mawala ang pamumula ng pisngi ko.

End of flashback..

Napatigil ako sa pagsubo ng chips habang pinagmamasdan si Seulgi na nagmamadaling bumaba sa hagdan suot ang puting damit at shorts na para bang may importante siyang lakad.

"San ka pupunta?." Di ko na mapigilan ang magtanong kaya nagtanong na ako. Bago pa man siya makalabas ay nilingon niya muna ako para sagutin.

"I have to go somewhere. I'll be back before dinner. Don't forget to eat your lunch!." Agad na sagot niya't nagmamadaling umalis. Naguguluhan ako sa ikinikilos niyang yon. Pero kahit ganon pa man..di ko mapigilang di mapangiti dahil sa huli nyang sinabi.

..

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ushay023 #1
Chapter 13: Ndi ko alam pero, tawang tawa ako dto, cute lng 😍
kang_ddeul
#2
Chapter 13: awww, sorry na raw sunmi babes~ 🥺 huhu pero lumalayag na ang seulrene 😭✊
Sseul_25
#3
Chapter 4: it's funny to be honest