Unending banters

A DAY WITH SEULGI KANG

Irene

So, eto yung storya. We're both 18. Simula pa man noon di na kami magkasundo. Ewan, naiinis ako sa pagmumukha niya..di naman siya panget, may itsura nga siya actually. Malakas din yung appeal niya, lahat din ng girls sa school namin tinatablan ng charms niya. I mean..well I'm not included. Parang halos araw-araw kaming nag-aaway kahit sa konting bagay. Di ko din alam kung ba't ganto yung relasyon namin sa isa't-isa where in fact, both of our parents where friends..they were inseparable every now and then. Kaya minsan napapagalitan din nila kami kapag nakarating sakanila yung balitang nagkakarambola kami. We  hurt each other not just verbally. May mga oras nga na minsan umaabot na sa pisikal yung sakitan namin. Just like this..

Scene 1: Chocolate cake

Aside from those almost perfect appearance of hers..clumsy din siya. Binigyan kami nang lecturer namin nang 5 minutes break. Inaya kung kumain sina Jennie, Joy at Solar but they refused kesyo tamad daw silang maglakad papuntang cafeteria eh ang lapit lang naman non. Diba? napaka unacceptable ng reasons nila. Kaya ayon, di naman ako yung tipong namimilit eh kaya tiniis ko nalang maglakad mag-isa don. Malayo palang ay natatanaw ko na ang loob nang cafeteria. Buti nalang at kunti lang yung students kasi section lang ata namin ang may nagmagandang loob na bigyan kami nang break..kaya di ko na kailangang maghintay nang matagal bago matanggap yung order ko.

Napangiti ako sa isiping yon kaya naman, dali-dali ako naglakad papasok sa cafeteria. Ihahakbang ko palang sana yung mga Paa ko papasok ay bigla akong natigil dahil sa bagay na lumanding sa maganda kong mukha. Dumausdos pa yon pababa kaya nag-iwan yon nang dumi sa uniporme ko. Chocolate cake..

"Yah!!." Napasigaw ako dahil sa sobrang inis. Halos malaglag pa nong isang studyante yung tray ng pagkain niya dahil sa gulat. Pero wala akong pake.

Dahil sa galit ay agad kong nilibot ang paningin sa buong cafeteria para hanapin kung sino man ang gumawa non. Halos sambitin ko lahat ng santo sa pagmamakaawang nagkamali akong siya ang gumawa non pero napalitan yon nang inis nong makita ko kung gaano niyang pinipigilan ang sariling matawa. Napakuyom ang kamao ko at walang pag-aalinlangang naglakad papunta sa kinaroroonan niya.

"Tangina, Seulgi look what you've done to me!." 

"It wasn't my fault, Irene. It was HIS fault. Pano ba naman kasi, hinaharang-harang yung paa niya sa daan."  Pagdidiin niya habang nakaturo sa lalaking kanina pa nakayuko. Base on his expression, naniniwala ako sa sinabi netong hambog na kaharap ko. But it still doesn't change the mere fact na siya parin ang naging dahilan kung ba't napunta sakin yung chocolate cake na yon. 

"Follow me." Utos ko sakanya. I need to get change dahil feel ko ang dugyot ko na. 

Napalingon ako sa likod ko nong di ko maramdaman ang pagsunod niya. "Ano pang tinitingin-tingin mo diyan? I said follow me!." 

"What?." Amputjxnsosknxnskmmxcsjdks.

"Bungol?..ang sabi ko sumunod ka sakin! " ang sakit niya talaga sa litid everyday. Nakakabwisit!

Di ko na siya hinintay na sumagot at tumuloy nalang sa paglalakad papuntang comfort rooms.

...

"Hubad." Utos ko nong makapasok kami sa loob ng cr habang magkakrus ang brasong nakatingin ng diretso sakanya. 

Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko at mababasa sa mga mata niya ang pagtataka. Maya-maya pa ay muling sumilay ang pilyong ngiti sakanyang mapupulang labi. 

Nagulat ako sa biglaang pagtulak niya nang mahina sakin dahilan para mapasandal ako sa pader ng cr kung nasan kami. Nilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng ulo ko't nilapit ang mukha niya sa mukha ko na sa sobrang lapit ay isang galaw lang ay magkakalapat na ang aming mga labi. 

"Di mo naman sinabi agad na ito pala ang gusto mo. Edi sana matagal ko nang nasakop yang labi mo." Tumaas pa ang gilid ng labi niya matapos sabihin ang linyang yon. Balahibo naman ang tumaas sakin. Kung sa ibang babae niya lang to ginawa ay paniguradong mamatay na sa kilig..pero iba ang naging reaksyon non sa katawan ko. Di ko ma-explain. 

Literal na lumaki ang dalawang mata ko dahil bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Dahil sa agarang pagreak nang katawan ko ay inuntog ko ang sariling noo sa noo niya. Halos mapamura ako sa sarili kong ginawa dahil puta..ang sakit legit!. Napadaing naman siya sa sakit habang hawak ang noo niya't galit na tumingin sakin.

"What the hell!?." 

"Wag mo'kong minamanyak, Seulgi. Di tayo talo." 

Napasinghal siya sa sinabi kong yon.

"At ako pa talaga ang nangmamanyak ah eh ikaw tong nang-utos saking maghubad!." Tsa! Di ko akalaing iba pala ang dating sakanya non. 

"Maghubad ka dahil ako ang susuot sa uniporme mo dahil wala akong dalang extra. At ikaw ang dahilan kung ba't to namantsahan!." Giit ko habang turo ang uniform kong kanina pa tumigas dahil sa chocolate. 

"At anong gusto mo? Maglakad lakad ako sa buong school nang naka-bra lang? Fashion show? Runway? Hello? Nag-iisip ka ba!?." 

"Problema mo na yan! Akin na yang uniform mo." Agad akong lumapit sakanya't pinilit siyang paghubadin kaya todo iwas naman siya. Para kaming mga baliw dito sa comfort room na pilit nag-aagawan ng damit. Nagpatuloy kami sa ganoong sitwasyon hanggang sa biglang bumukas ang pintuan ng CR at saktong natisod si Seulgi kaya naman nawalan siya ng balanse't napahiga kasabay ako. 

Half nang katawan niya ay nasa loob ng cr habang yung half naman ay nasa labas. Gets niyo? Habang ako naman ang nakapatong sa ibabaw niya. Pareho kaming gulat na nakatingin sa isa't- isa kaya di namin magawang kumilos agad hanggang sa...

"Anong klaseng drama to!? You two! Follow me to my office, NOW!!." 

Dahil sa sigaw na yon nang dean ay bigla akong tinulak ni Seulgi paalis sakanya kaya napadaing ako sa sakit nang pwet ko. Putangina talaga! 

.end of scene 1.

At dahil  sa nangyaring yon ay napatawag na naman ulit kami nang Dean. At sa kamas-malasang nakarating pa talaga iyon sa mga magulang namin. 

At di lang yon.. eto isa pa..

Scene 2: Gasa 

Kung di ko pa namention sainyo kanina, well..imemention ko na sainyo ngayon. Ganon lang yon kasimple. I'm a baseball player. I started playing base when I was in elementary kaya medyo magaling na ako ngayon..di naman sa pagmamayabang pero parang ganon na nga. So ayon na nga. Syempre Friday yon.. P.E time kaya free kaming maglaro base on our designated sports. Naglalaro ako ng base together with Jennie. Maayos naman yung takbo ng laro hanggang sa dumaan si Seulgi sa mismong lugar kung saan kami naglalaro. Ang laki pa nang pagkakangiti nang loko kaya naman, di ko namalayang namali yung direksyon sa pagkakapalo ko nang bola at sakto namang tumama ito sakanya. Swear! Di ko sinasadya yon! 

Kaya ayon, dinala siya sa clinic. Sinigaw-sigawan pa ako kasi ang tanga ko daw. 

"Tangina, Irene. Sa lakas ba naman ng pagkakapalo mo..sinong di mahihilo!?." 

"Homerun nga eh." Bulong ko pero di 
ko inaasahang maririnig niya pa pala yon. 

"Ha! Homerun!? Eh kung ikaw kaya i homerun ko!?." Halos pumiyok siya sa kakasigaw sakin.

"Look, I'm sorry. Di ko sinasadya okay?." 

...

At dahil don sa nangyari sakanya..syempre nakarating ulit sa parehong magulang namin. Halos magdamag akong sinermonan ni Mama. 

Pero alam niyo kung anong mas nakakainis?

"You'll be living with Seulgi starting on monday. At wala ka nang magagawa kundi ang sumunod." 

...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ushay023 #1
Chapter 13: Ndi ko alam pero, tawang tawa ako dto, cute lng 😍
kang_ddeul
#2
Chapter 13: awww, sorry na raw sunmi babes~ 🥺 huhu pero lumalayag na ang seulrene 😭✊
Sseul_25
#3
Chapter 4: it's funny to be honest