Mystified

A DAY WITH SEULGI KANG

Irene

Pagkatapos naming kumain ay dumeretso na kami sa aming kwarto. 
Di pa naman ako inaantok kaya napag-isipan kong mag-aral muna. 

Naalala kong may di pa pala ako nasagutan. Isa yon sa mga assignments na binigay samin ng biology teacher namin at di ko nagawang sagutan lahat dahil nawala sa isip ko. Ayokong mastress dahil lang dito. May 50 items quiz pa kami bukas sa subject na to at kailangan kong mag-aral kaya naman, may naisip ako.

Suot ang malapad kong ngiti habang naglalakad hawak ang biology notebook at ballpen ko patungo sa kwarto ni Seulgi. Kumatok ako pero di ko na hinintay pang sumagot siya at agad na pumihit papasok sa kwarto niya.

Nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair niya't seryosong nagbabasa habang may suot na specs dahilan para mapatitig ako sakanya. 

"Kumatok ka pa." I snapped back nong bigla siyang magsalita at tumingin sakin. "What do you want?." Dahil sa tanong niya ay noon ko lang naalala ang sadya ko sakanya. 

Nakangiti akong naglakad patungo sakanya at nilahad ang notebook at ballpen sakanya dahilan para magtaka siya. Nagpabalik-balik ang tingin niya sakin at sa gamit na inabot ko sakanya.

"Susunugin ko ba?." Kunwareng inosenteng tanong niya kaya binatukan ko siya gamit ang notebook na dala ko. "Aray! Anong bang problema mo?." 

"Sagutan mo tong assignment ko sa biology. It's all about Anatomy.. you're smart enough to answer all of those." Hindi naman sa inuuto ko siya. Totoong matalino si Seulgi, hindi lang sa larangan ng sports. Her academic performances were quite impressive kaya ganon nalang siya kung hangaan ng mga students sa school. Mainly, girls. Sadyang slow lang siya minsan.

Nagulat pa ako saglit sa naging kilos niya. Di man lang siya tumanggi at agad na sinimulang sagutan ang assignment ko kaya naman, napangiti ako. 

Tahimik akong naglakad patungo sa kama niya at naupo. Tiningnan ko pa kung gaano siya kaseryoso sa pagsagot. Sa dami ng pinagdaanan namin simula pagkabata ni minsan ay di pa namin nagawa ang bagay na to. I mean, yung magkasama na walang bangayan na nagaganap. Totoong maganda siya..di ko na kailangang i-describe yon isa-isa dahil parang lahat sakanya ay perpekto na. Yung pagiging mapang-asar niya lang talaga ang bawas point sakanya. Pero ayoko mang aminin ay di malabong magkagusto ako sakanya. 

Ilang minuto pa ang lumipas nong bigla siyang magsalita.

"Irene." Tinawag niya ang pangalan ko ng di man lang tumitingin sakin at patuloy pa rin siya sa pagsusulat.

"Hmm?." Mahinahong sagot ko at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Nasabi ko na ba sayo?." Kumunot ang noo ko kasabay non ang pagkabog ng dibdib ko kahit pa man, di niya pa nasasabi ang gusto niyang sabihin. Nagulat pa ako sa biglaang paglingon niya pero agad din namang nakarecover. Kalma ang mababasa sa mukha niya..bagay na ngayon ko lang nakita sakanya. Di siya nakatanggap ng sagot mula sakin kaya naman, nagsalita siya ulit. "Na nakakakita ako ng mga di pangkaraniwang tao na di mo nakikita?." Seryosong saad niya kaya naman tumaas bigla ang mga balahibo ko. Nagsisimula na naman amputa!

Hinintay ko siyang tumawa at sabihing nagbibiro lang siya  pero nanatiling seryoso ang kaniyang mukha. Di ko magawang magsalita dahil alam niyang takot ako kapag ganitong bagay na ang pinag-uusapan. Bigla siyang tumayo bitbit ang notebook at ballpen ko at binalik sakin.

"Tapos na. Bumalik ka na sa kwarto mo dahil inaantok na ako." Base sa tono ng boses niya ay inaantok na nga siya. Pero dahil nangibabaw sakin ang takot ay di ko tinanggap ang gamit ko mula sakanyang kamay at sa halip ay kinuha ko ang kumot niya't binalot ito sa katawan ko. Nakabaluktot ako sa kama niya kaya naman amoy na amoy ko ang pamilyar na pabango niya. Citrus scent. Damn it, Irene!

"Tsk, scared cat." Komento niya't naramdaman ko pa ang paglapit niya sakin. Sinubukan niya pang alisin ang kumot niyang nakabalot sakin pero di ko siya hinayaang magtagumpay kaya mas humigpit pa ang pagkakahawak ko dito habang pikit pa din ang mga mata. "Ano ba, Irene! Matutulog na ako!." Di ko siya sinagot kaya naman, ilang segundo lang ang lumipas ay narinig ko na ang kawalan niya ng pasensya sa pamamagitan ng isang malalim na buntong hininga. 

"Fine! Dito ka at don ako sa kwarto mo matutulog." Rinig kong sambit niya kaya inalis ko ang pagkakatakip ng kumot saking mukha at pinigilan siyang umalis.

"No! Wag mo'kong iwan dito at malilintikan ka sakin!." I gritted my teeth just to convince her but she just scoffed at my remarks.

"Ha! So you want me to sleep beside you? Alam mong di ako makakatulog kapag may katabi kaya umalis ka na diyan bago ko pa gawin yung ginawa mo sakin kaninang umaga!." 

"Then sleep at the couch! Malaki naman yan eh, kasya sayo. Sobra pa nga." Pagmamakaawa ko dahil ayoko talagang bumalik sa kwarto! Kasalanan niya to!

"Ba't ako ang mag-a-adjust eh kwarto ko to! Ikaw ang matulog diyan dahil ayokong sumakit ang likod ko !." 

"Edi samahan mo'ko sa kwarto ko. Ako ang matutulog sa kama at ikaw naman sa couch." 

Dahil sa sinabi kong yon ay inis niyang kinuha ang specs niya at napapisil sa bridge ng kanyang ilong.

"And now you're trying to outsmart me. Get off your on my bed bago pa kita kaladkarin palabas!."

"No!." Pagmamatigas ko at muli bumalik sa pagkakabaluktot. Lumapit siya sakin at buong pwersang pinaalis sa kama niya pero sadyang ubos na ata yung energy niya. Di man lang kayang pantayan ang lakas ko.

"Irene, I said get out!."

"No!."

"Goddamnit!." 

....

Nakangiti ako habang pikit ang matang nakahiga sa malambot niyang kama. Narinig ko pa ang pagrereklamo niya dahil nakahiga na siya ngayon sa couch. 

Magdusa ka!

...

Seulgi

Maaga akong nagising dahil sa sakit ng likod ko dulot ng pagkakahiga ko sa lintek na couch na to. Napatingin ako sa wallclock at alas 6 pa lang ng umaga. Buti nalang at mamayang ala una pa ang klase namin dahil thursday ngayon. Si Irene naman ay may klase ngayong umaga..sa pagkakaalam ko.. biology yung first sub. nila ngayon. Every thursday ay magkaiba ang sched. namin and speaking of Irene..

Napatingin ako sa kunehong sarap na sarap ang pagkakatulog sa sarili kong kama. Naka spread pa ang parehong kamay at Paa kaya nasakop na niya halos kalahating parte ng kama ko. 

Naglakad ako patungo sakanya at pinagmasdan ang mukha niya. Masyadong inosente para mapaniwala kang isa siyang demonyeta. 

Maya-maya pa ay tinulak ko siya gamit ang isa kong paa dahilan para mahulog siya sa kama. Kasunod non ang malakas na tunog na dulot ng pagkakasalampak niya sa sahig. 

Agad akong tumalon sa sarili kong kama at ninamnam ang lambot non. Nakakamiss!

"Seulgi, Putangina!." Napadaing siya sa sakit at akmang sasapakin ako pero agad ding natigilan dahil sa sinabi ko.

"Lagpas alas otso na. May quiz pa kayo diba?." Literal na lumaki ang mata niya at nagmamadaling lumabas sa kwarto ko. 

Napangiti akong napapailing at muling pinikit ang mata ko. Tsk tsk tsk. Disadvantage sa pagiging tamad tumingin sa oras. Alas 6 palang..tanga talaga.

...

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ushay023 #1
Chapter 13: Ndi ko alam pero, tawang tawa ako dto, cute lng 😍
kang_ddeul
#2
Chapter 13: awww, sorry na raw sunmi babes~ 🥺 huhu pero lumalayag na ang seulrene 😭✊
Sseul_25
#3
Chapter 4: it's funny to be honest