Jealous?

A DAY WITH SEULGI KANG

Seulgi

Nakatanggap ako ng tawag mula kay Sunmi para sabihin saking magpapasundo siya sa airport dahil kararating niya lang galing Amerika. Di ko inaasahan ang bagay na to kaya naman di ko na magawang magbihis at dali-daling lumabas ng kwarto. Nakita ko pa si Irene na natigil sa pagkain at tumingin sakin. 

Kinuha ko ang susi ng kotse sa center table at nagmamadaling lumabas. Pero bago ko pa man iyon magawa ay bigla siyang nagsalita dahilan para huminto ako.

"San ka pupunta?." Nilingon ko siya para sagutin.

"I have to go somewhere. I'll be back before dinner. Don't forget to eat your lunch!." Paalala ko atsaka pumihit paalis. 

Kanina pa pala naghihintay si Sunmi don kaya di ko mapigilan ang pagalitan siya. Kung bakit kailangang ako pa ang magsundo sakanya kung pwedeng namang yung driver nalang nila. 

Nagmamadali akong magmaneho at ilang minuto lang ay nagkarating na ako. Paglabas ko sa kotse ay agad kong narinig ang boses niyang tumawag sa pangalan ko.

"Seulgi!!." Nakangiti siyang tumakbo patungo sakin at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap. Ngumiti ako dahil ilang taon na din simula nong huli kaming magkita. 

"I missed you." Matamis na saad niya kaya napangiti pa ako. Totoong namiss ko din siya. She's my bestfriend way back in elementary. Siya ang babaeng una kong nagustuhan. Sa murang edad ay naranasan kong magkagusto at masaktan. Yon yung panahong nagtapat ako sakanya bago pa man sila makaalis papuntang Amerika. Guess, I got rejected. Kahit ganon pa man ay di nagbago ang turingan namin sa isa't-isa. Glad to say, wala na akong nararamdaman ngayon sakanya.. all of those romantic feelings I felt towards her vanished at sadyang kaibigan nalang ang turing ko sakanya..at alam kong may dahilan ang lahat ng yon.

"I'm hungry. Kumain muna tayo bago mo'ko ihatid sa bahay." Sadyang di na mawala ang pagiging malambing sa tono ng pananalita niya sa tuwing ako ang kausap niya. She's 3 years older than me pero para siyang bata kung kumilos sa harap ko. 

Ngumiti ako bago tumango atsaka siya tinulungan sa mga gamit niya. 

Habang nasa byahe ay di na siya mahinto sa pagkwento tungkol sa buhay niya sa Amerika. She's being extra clingy today pero di ko nalang yon inintindi dahil alam kong namiss niya lang ako.

Dinala ko siya sa mall at habang naglalakad ay patuloy pa rin siya sa pagkapit sa braso ko na para bang takot siyang mawala sa lugar na to. 

Pumasok kami sa isa sa mga kainan dito at habang naghihintay sa order ay muli kaming nagkwentuhan.

"I can still remember how you stuttered while trying to voice out your feelings towards me. Ang kyut mo non habang namumula pa ang chubby mong pisngi!." Naramdaman kung uminit ang mukha ko dahil sa ala-alang yon. Hanggang ngayon ay nahihiya pa din ako sa kahihiyang ginawa ko noon. Tumawa pa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"It's all in the past now. Wag na nating pag-usapan pa yon dahil naalala ko lang kung pano mo ko binasted non." 
Nakangusong saad ko at maya-maya pa'y dumating na ang order namin at nagsimula na kaming kumain.

"I shouldn't have done that, right?." Natigil ako sa pagkain at tumingin sakanya. Nakangiti siyang tumingin sakin pero makikita pa rin ang pagiging seryoso niya. 

"Nah. We're too young back then.. also, okay na sakin yung nakapagconfess ako bago kayo umalis. Atleast alam kong rejected ako." Tumawa pa ako para kumbinsihin siyang seryoso ako. 

"Yeah right. Pero you've changed a lot, Seul. You're such a hottie now and I'm pretty sure there are too many girls who's trying to hit up on you. Ah, I'm so jealous! Should I claim you na?." Napailing nalang ako dahil sa biro niyang yon. 

Matapos naming kumain ay nag-aya siyang magsine muna kaya naman hinayaan ko nalang siyang gawin ang gusto niyang gawin.

...

Irene

Napatingin ako sa orasan at pasado alas syete na ng gabi pero di parin umuwi si Seulgi. Sabing before dinner siya babalik eh anong oras na. Di ko tuloy di mapigilang di mag-alala dahil bukod sa di pa siya umuwi ay di ko din alam kung san siya nagpunta. Kaya naman, naisipan kong tawagan ang daddy niya. 

"Hello, Irene?." Narinig kong sagot ng daddy niya sa kabilang linya matapos sagutin ang tawag ko. 

"Tito, I just want to ask if..nandiyan ba si Seulgi sa inyo?." 

Narinig ko pang magtanong ang mommy niya kung sino ba daw yung tumawag kay tito pero di ko na yon pinansin at naghihintay sa kanyang isasagot.

"She's not here, iha. May nangyari ba?." Mahihimigan ang pag-aalala sa tono ng boses niya kaya agad akong umiling-iling na para bang makikita niya yon. 

"Ah, nothing happened tito. Sinabi niya kasi saking may pupuntahan daw siya. Kanina pa kasi umalis at hanggang ngayon ay di pa umuwi kaya akala ko ay nandiyan siya sainyo." 

"Di ba tumawag sayo?." Bumuntong hininga ako sa tanong niyang yon. Kung tinawagan ako ng anak niya ay di na sana ako tatawag sakanya. Masyadong obvious ang sagot para don. Like father like daughter. 

"Hindi po. Hihintayin ko nalang pong makabalik siya. Thanks tito. bye." Binaba ko na ang linya bago pa man siya magtanong ulit. 

..

Aakyat na sana ako sa kwarto pero muling natigilan dahil sa tunog ng kotse mula sa labas. Alangan namang dito sa loob?

Dali-dali akong naglakad sa patungo sa bintana para silipin kong si Seulgi na ba yon. Nakita ko siyang lumabas sa kotse niya kaya di ko mapigilang di mangiti. Di ko din alam kung bakit. 

Pinagkrus ko ang aking braso at hinintay siyang makapasok sa loob. Alangan namang sa labas?

"Ba't ngayon ka lang?." Salubong na tanong ko sakanya't nagulat naman siya.

"Bat gising ka pa?." Imbis na sagutin ang tanong ko ay tinanong niya ako. Great! Nagtungo siya sa sala at naupo sa sofa.

"San ka galing?." Pabalik na tanong ko sakanya kaya lumingon siya sakin. 

"Kumain ka na?." Gusto kong mainis dahil ni isa sa mga tanong namin ay di man lang nasagutan. 

Huminga ako ng malalim at sinamaan siya ng tingin.

"Seulgi just-- answer my questions first! Hindi yung tinatanong kita tapos tatanungin mo din ako! Di ako nakikipaglaro sayo!." Nakakainis! para bang ang lahat ay laro lang sakanya. 

"I fetch a friend of mine at the airport.  Nagmall pa muna kami bago ko siya hinatid sa bahay nila. I was about to go home pero pinastay pa muna nila ako para makipagkwentuhan kaya ngayon lang ako nakauwi." Dire-diretsong sagot niya at saka tumingin sakin. "Now it's your turn to answer my questions." 

"I was...waiting for you." 

"I'm sorry kung pinaghintay kita. Kumain ka na ba?." And there. I felt like I got hypnotized by her stares. Mababasa sa kanyang mata ang pag-aalala habang naghihintay sa isasagot ko.

"Mm. Kumain na ako." Para bang nakahinga siya ng maluwag sa naging sagot ko. Tumango siya bago tumayo para umakyat sa kwarto. Di ko na siya pinigilan at napatitig nalang sa kanyang likuran. 

Gusto ko pa sanang magtanong tungkol don sa kaibigan na sinasabi niya pero pinagpaliban ko na muna dahil makikita sa kanyang mukha ang pagod. 

Muli akong napabuntong hininga at naupo sa sofa. Di pa man naman ako inaantok kaya napag-isipan kong magbasa muna. Habang tumatakbo ang oras ay para bang wala akong maintindihan ni isa sa mga binabasa ko. Lumilipad ang aking isipan dahilan para di ako makapag focus. Maraming tanong na naglalaro sa aking isipan na gusto kong masagutan pero sadyang di ko alam kung pano. Dahil sa inis ay tinapon ko ang libro at tumayo. 

Aakyat na sana ako sa kwarto pero may nagdoor bell dahilan para mahinto ako. 

At sino naman ang pupunta dito sa mga oras na to? 

Naglakad ako patungo sa pinto at pinagbuksan ang kung sino mang tao sa labas. 

Bumungad sakin ang nahihiyang mukha ni Bogum kaya naman nagulat ako. 

"U-uhm. Nadistorbo ba kita?." Distorbo atang matatawag kapag gabi-gabing ka na kung pumunta dito. 

Sinubukan kong ngumiti at pinatuloy siya sa loob. Pinaupo ko siya at naupo ako di kalayuan sakanya.

"What are you doing here in this late, hour Gum?." Gum? Di ba masyadong pangit pakinggan? Argh! Whatever.

"Uh, I came here to check you up. Narinig ko kasi yung nangyari sayo last thursday. Are you okay now?." Try seeking something believable. 

"Yeah. Di naman ako gaanong nasaktan para pumunta ka pa dito para lang siguraduhin saking ayos lang ako. Ha ha." Sagot ko at sarkastikong tumawa. 

Naiilang siyang nangiti at hinipo pa ang likod ng leeg niya. Bagay na nasisiguro kong natural na sa kilos niya sa tuwing nahihiya siya. 

"Hahaha yeah right."  Napataas ang dalawa kong kilay sa naging sagot niya. Wala namang nakakatawa don sa sinabi ko. 

"Irene, you're too loud. Sino ba yang kausap mo?." Sabay kaming napatingin sa balcony ng hagdan nong magsalita si Seulgi. Halatang nadistorbo siya sa kanyang pagkakatulog. "Oh, may bisita ka pala.   Akala ko ay nababaliw ka na't nagsasalitang mag-isa." 

Literal na napaikot ang dalawa kong mata dahil sa bilis ng pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Nagsisimula na naman siyang mang-asar. 

"Ah pasensya ka na kung distorbo ata namin ang pagtulog mo." Napatingin ako kay Bogum dahil sa biglaang pagtayo niya habang nakatingin kay Seulgi. " I guess, I need to go now." 

"Char, goodboy yan?." Napatawa ako ng palihim dahil sa birong yon ni Seulgi. Minsan talaga nakakatawa ang ganyang ugali niya. "Kidding. Whatever." Muli siyang tumalikod para iwan ulit kami. 

Muling umupo si Bogum at tumingin sakin.

"Can I-- can I take you somewhere?." 

Sasagot na sana ako pero bigla nalang bumalik si Seulgi at siya ang sumagot.

"No! I mean.. you can't take her somewhere this late. Mind you. You can't have her without my permission." Di ako makapaniwala sa narinig kong yon mula sakanya. Kumabog bigla ang dibdib ko dahil sa tuwa. Kaya naman di ko maitago ang ngiti saking labi. Ako naman ang binalingan niya ng tingin at seryoso siyang dumuro sakin. "And you lady, bawal kang lumabas. Naiintindihan mo?." Di ko na siya nagawang sagutin dahil bigla nalang siyang umikot at dali-daling naglakad patungo sa kwarto niya. 

Tiningnan ko si Bogum na noo'y di makapagsalita habang ang tingin ay nakapako parin sa lugar kung nasan si Seulgi kanina.

"Well, no means no." Dahil sa sinabi kong yon ay lumingon siya sakin. Makikita sa mukha niya ang pagkadismaya.

"Ba't nga pala magkasama kayo?." 

"Our parents bought this house for us..well, enable for us to make out." 

"What?."

"What?." Pag-uulit ko sa tanong niya. Napatampal ako saking noo dahil noon ko lang narealize ang sinabi ko. Nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi kong yon. "I-I mean, make up! Yeah..make up. Alam mo naman, di kami magkasundo kaya..yeah." 

Nag-aalinlangan pa siyang tumango kaya nginitian ko nalang siya.

Napakagat ako saking pang-ibabang labi dahil sa kahihiyan.

...

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ushay023 #1
Chapter 13: Ndi ko alam pero, tawang tawa ako dto, cute lng 😍
kang_ddeul
#2
Chapter 13: awww, sorry na raw sunmi babes~ 🥺 huhu pero lumalayag na ang seulrene 😭✊
Sseul_25
#3
Chapter 4: it's funny to be honest