Punishment

A DAY WITH SEULGI KANG

Irene

"The ultimate aim of physics is to find a unified set of laws governing matter, motion, and energy at small microscopic subatomic distances, at the human blah blah blah...This ambitious goal has been realized to a notable extent blah blah blah.."

Hayss boring..

Nagpatuloy ang lecture pero parang wala akong maintindihan kahit isa. Aside sa boring yung topic, mas lalo pa itong naging boring dahil sa paraan nang pagtuturo nang lecturer sa harapan. Masyadong mahinhin yung boses dahilan para karamihan samin ay antok na antok sa pakikinig. Yung iba naman ay kunwaring busy sa pagsusulat, may ilan pa ngang di takot matulog sa kalagitnaan ng klase. Sa paglilibot nang mata ko sa buong classroom ay tumigil ang paningin ko kay Seulgi. Seryoso siyang nakatingin sa labas nang bintana habang kagat-kagat ang kanyang ballpen. Naramdaman niya sigurong may mga matang nakamasid sakanya kaya naman, lumingon siya't nagtagpo ang aming mga mata.

Agad ko siyang inirapan at muling binalik ang atensiyon sa harapan. Maya-maya pa ay naramdaman kong may kung anong bagay na tumama sa likod nang ulo ko. Di siya masakit pero ramdam kong sinadya talaga yon. Sa paglingon ko ay agad na tumama sa noo ko ang isang crampled paper.. isang buong papel pa talaga.

Sinamaan ko nang tingin si Seulgi pero inosenteng lang siyang ngumiti sakin na para bang walang krimeng ginawa. Kinuha ko ang papel at binasa ang nakasulat don.

' Maggot!'

Tsk! Napakaisip bata.

Syempre di din ako nagpatalo. Irene never loses in any games.

Kumuha ako nang isang pirasong papel at nagsimulang magsulat.

' Rotten Kid!'

Binato ko ito sakanya at..sapol! Tumama sa mismong mukha niya kaya ganon nalang kasama ang tingin niya sakin. Nginitian ko siya nang pagkatamis-tamis at muling binalik ang atensiyon sa harapan. Nang maramdaman kong tatapunan na niya naman ako ay agad ko siyang nilingon at iniwasan ang lumilipad na papel papunta sakin.

Nakita ko kung gaanong ang singkit niyang mata ay biglang lumaki't napatakip pa siya nang bibig. Agad akong lumingon sa direksyon na tinitingnan niya. I grin nong makita kong pinulot nang matabang lecturer ang papel na lumanding sa mismong paanan niya.

"Loser?." Medyo napalakas yung pagkakabasa niya kaya nangibabaw ang tawanan nang students dito sa room. Dzuh, ang bababaw nang kaligayahan nila.

"Silent!." Galit na utos niya kaya naman tumahimik bigla ang buong classroom na sa sobrang tahimik ay hugong nalang nang aircon ang maririnig.

Galit na tumingin samin ang lecturer. Kumikibot-kibot ang labi na para bang gusto na niyang murahin kung sino man ang bumato non papunta sakanya. Puta, gusto kong matawa sa isiping si Seulgi ang nagsulat non.

"Seulgi wrote that one, Miss." Pag-aamin ko at pinasadahan nang tingin si Seulgi sa likuran. Nagulat siya sa ginawa kong yon kaya kinindatan ko siya habang nakangiti at muling binalik ang paningin sa lecturer na umuusok na ang ilong habang galit na nakatingin kay Seulgi.

"T-that was m-meant for Irene, Miss. I just play along with her nasty games. She started it all." Literal na lumaki ang mata ko sa kasinungalingang yon. At ako pa talaga ang nagsimula!?

Paulit-ulit akong umiling habang nakatingin sa lecturer na sakin na din nakatingin. Sinasabing, di totoo yung sinasabi ni Seulgi whichn is..di naman talaga totoo!

"And both of you were secretly throwing crampled papers in the middle of my class!?." Galit na sigaw niya.

"Seulgi started it all, Miss."

"Anong ako?? Tahimik lang akong nakikinig dito tapos bigla mo nalang akong inirapan!." Sagot niya't dinuro pa ako.

"So what? That's not the point here, Miss Kang. Yung crampled papers ang pinag-uusapan at hindi yan." Magkakrus na brasong saad ko habang nilalabanan ang tingin niya.

"Eh kung di mo'ko inirapan edi san--." Natigil siya sa pagsasalita dahil biglang sumigaw ang lecturer para awatin kami.

"Enough!!." Huminga siya nang malalim at binigyan kami ng isang matalim na tingin. "Kayong dalawa, to the school field. NOW!!." Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niyang yon. Kapag sa school field kasi kami papupuntahin ay pinaparusahan kami. 50 laps. !

...

"Kasalanan mo to lahat!."

Andito na kami ngayon sa field at nagsimula nang tumakbo. Di ako sanay sa mga ganito kaya mabilis lang akong mapagod. Wala pa naman akong dalang extra. Tangina talaga! Kung kelan may mangyayaring di inaasahan ay tsaka ko pa di magawang paghandaan.

"Kung di ka lang sana isip bata ay di mangyayari ang lahat nang to! Pwede ba! Kahit isang araw lang patahimikin mo yung buhay ko!."

"Edi ilibing mo yang sarili mo para yung isang araw ay maging panghabang buhay!."

Dahil sa sinabi niyang yon ay pinulot ko ang empty plastic bottle at binato yon sakanya. Tumama yon sa likod ng ulo niya kaya napayuko siya kasabay non ang paghinto niya.

"Irene!!." Galit na sambit niya sa pangalan ko't pinulot ang bote na binato ko sakanya kanina kaya naman agad akong tumakbo nang mabilis palayo sakanya.

..





 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ushay023 #1
Chapter 13: Ndi ko alam pero, tawang tawa ako dto, cute lng 😍
kang_ddeul
#2
Chapter 13: awww, sorry na raw sunmi babes~ 🥺 huhu pero lumalayag na ang seulrene 😭✊
Sseul_25
#3
Chapter 4: it's funny to be honest