Nine

The Girl Next Door

 

"Girl yung sunblock nalagay mo na sa bag"- Ningning

 

"Oh Yassss! Hindi pwedeng wala yun. Sayang ang maganda kong balat kung masusunog lang noh! " Pagmamayabang pa ni Giselle habang dinadampi ang kamay nya sa makinis nyang katawan. May lumipad tuloy na bra sa mukha nya dahil sa kanyang hirit. 

 

"Nakakasuka...Tumigil ka nga!" Ningning. 

 

"Inggit ka lang hahaha" At nilapitan pa nga nya ang kanyang kaibigan sabay kuha sa kamay nito at pinahipo ang tila mamahalin nyang balat dito. 

 

"Yuckkkk!!! Kadiri ka talaga" Patalon talon pa na lumayo si Ningning sa kanya habang nandidiri sa ikinilos nito. Samantalang si Giselle naman ay walang sawa sa kakatawa dahil sa reaksyon ng dalaga.


Naghahanda sila ng kanilang mga dadalhin para sa Birthday celebration ni Taeyeon na gaganapin sa isang beach resort. Naisip din kasi nito na maganda ding pagkakataon yun para makasama nila si Winter at Karina sa iisang lugar katulad na lamang ng dati nilang ginagawa. Pero sa pagkakataong ito ay kasama din nila sila Giselle at Ningning 

 

 

"Giselle!!! pasuyo naman ako ng perfume dun sa room ko oh nakalagay yun sa mini table ko malapit sa bed, nakalimutan ko ilagay sa bag!!! Thanks!" Sigaw naman ni Karina mula sa CR nila. 


Hindi naman na nag reklamo pa si Giselle at dumeretsyo na sya sa kwarto ng dalaga at agad ding nakita ang perfume na sinabi nito. Pagkakuha nya nun hindi nya napansin na may ballpen palang katabi yung perfume ni Karina kaya naman nahulog ito at gumulong sa ilalim ng kama. Wala naman ng magawa si Giselle kundi kunin yung ballpen kaya  sumilip na sya sa ilalim para hanapin iyon at nakita nya naman ito agad sa tabi ng isang box. Napakunot sya roon ngunit hindi na sya nag abala pa na tingnan ang kahon dahil una sa lahat hindi naman sa kanya iyon. Inisip nalang din nya na baka mga iilang lumang gamit o di na ginagamit ni Karina ang naroon. 

 

Pagkatapos nilang maprepare ang mga kailangan nilang dalhin lumabas na silang tatlo mula sa kanilang unit. At nag buzz naman si Karina sa pinto ni Winter na kaagad namang bumukas.

 


"Good Morning!!...." Isang matamis na ngiti ang kanyang pinakawalan. "Nahanda mo na ba lahat ng dadalhin mo?"

 

"Good Morning din!....Ah oo nahanda ko na...saglit lang kukunin ko lang" nakangiti ding sagot ni Winter. Lalakad na sana sya para kunin yung bag nya na nakalagay sa couch na tanaw mula sa kanyang pintuan ng maunahan sya ni Karina. 

 

"Ako na ang magdadala nito" isang ngiti uli ang ibinigay nya. At saka nya kinuha ang beach hat ni Winter na nakapaibabaw sa bag nito at pinatong sa kanyang ulo.  "It really suits you" dagdag pa nya bago tuluyang lumabas ng unit ni Winter. Simple namang napangiti ang isang dalaga sa narinig nya at napahawak pa sa kanyang nag iinit na mukha. 

Sabay sabay na silang bumaba na apat at nakita na nga ang van na kanilang sasakyan papuntang beach resort.

 

"Good Morning Girls!! " Kaway ni Taeyeon habang nakababa ang car window sa kanyang pwesto, nakaupo sya sa passenger's seat na katabi naman ng driver's seat.


Binati din naman sya nila Karina at isa isa na nga silang pumasok sa van ni Baekhyun,  na sya namang mag dadrive sa kanilang pupuntahan. 

 

 

"Dahan dahan lang" Paalala ni Karina kay Winter at saka nya ipinatong ang kanyang kamay sa ulo ng dalaga upang hindi ito mauntog sa pagpasok sa sasakyan. 


Nagkatinginan naman si Baekhyun at Taeyeon sa kanilang nasaksihan at saka ngumiti sa isa't isa. 
Nasa may bintana ang pwesto ni Winter at katabi naman nya doon si Karina samantalang nasa likuran naman nila sila Giselle at Ningning.


Masaya silang nag kukwentuhan sa loob ng van hanggang sa unti unti na nga silang makaramdam ng antok dahil sa layo ng kanilang byahe. 

 

Nakatulog na si Giselle at Ningning. Ganun rin si Winter. Si Taeyeon naman patuloy na kinakausap si Baekhyun upang hindi rin ito antukin. 

Unti unting bumabagsak ang ulo ni Winter kaya naman napatingin si Karina sa kanya at mas umisod pa ito sa tabi ng dalaga upang alalayan ng dahan dahan ang ulo nito bago nya ito ipinatong sa kanyang balikat. Napatingin naman si Taeyeon sa raer view mirror at napansin ang ginawa ni Karina. Naramdaman ng dalaga na may parang nakatingin sa kanya kaya naman napatingin din sya sa salamin at dun nya nakita ang nanunuod na mga mata ni Taeyeon. Lumingon na ang nakakatanda sa kanya at binigyan ito ng isang magandang ngiti at thumbs up na nag pangiti din sa dalaga. 

 

Mga ilang sandali pa, napansin ni Karina na dumadausdos na naman ang ulo ni Winter mula sa kanyang balikat kaya naman isinadal narin nya ang kanyang ulo dito upang hindi na ito gumalaw pa na pwedeng ikagising ng dalaga. 

 

Makalipas ang dalawang oras nilang byahe, nakarating narin silang anim sa beach resort. Nagising narin si Giselle at Ningning, habang si Winter naman ay nananatiling tulog sa balikat ni Karina. 


Kinilig naman ang dalawa ng makita ang itsura ng kaibigan nila at ang taong gusto nito. 


"Ang sweet" Walang boses na sambit ni Ningning kay Giselle. 

Tinanggal na ni Karina ang ulo nya mula sa pagakakapatong nito sa ulo ni Winter upang gisingin narin ito subalit dahan dahan namang napamulat ng mata si Winter. 

 

"Nandito na tayo sis" Nakangiting sabi ni Taeyeon. 
Kinusot pa nya ang kanyang mata hanggang sa mamalayan nyang may sinasandalan pala sya. Napakurap sya dahil kilala nya kung sino ito. Inangat nya ang kanyang ulo at saka lumingon sa kanyang katabi. 

 

"Hala sorry... Nakatulog pala ako sa balikat mo"


"Ayos lang.....actually pinatong ko talaga yung ulo mo para hindi ka din mahirapan" Simpleng ngumiti si Karina sa kanya. 

 

"Panigurado nangalay ka...masakit ba yung balikat mo? " Pag aalala naman ni Winter. 


Umiling naman si Karina sa tanong nya habang nakangiti. 

 

"Ahem!" Pakunwaring ubo ni Taeyeon upang maagaw ang attention ng dalawa. "Maganda siguro kung bababa na muna tayong lahat ano? At dalhin na din ang mga gamit natin sa loob" Dugtong pa nya ng nakangiti. 

Napakamot naman saglit sa ulo si Karina at simpleng ngumiti. Pagkatapos ay bumaba narin sila bitbit ang kanilang mga gamit. 

 

"Girls ito yung room key nyong apat huh. Wag nyong iwawala yan" Abot ni Taeyeon sa apat na dalaga at kinuha naman ito ni Giselle. 

 

"Noted Ate" Giselle. 

 

"Okay Good... Sige na magpalit na kayo ng susuotin nyo at pupunta na din kami ni Baekhyun sa room namin at magpapalit na din kami ng pang swimming."

Sumang ayon naman ang apat sa sinabi ng nakakatandang babae kaya dumeretsyo na sila sa kanilang kwarto. 


Makalipas ang ilang minuto natapos na ang apat sa pagpalit ng kanilang suot. 

 

"Hayyy ang saya ko ngayon!... Buti nalang at makakapahinga muna ako sa stress ko sa office hahaha" Ningning. 

 

"Naku pareho tayo...Kaya thank you talaga sa ate mo Winter at sinama kami dito." Giselle. 

 

"Naku wala yun. Saka hindi narin kayo iba sa kanya" Ngiti ni Winter na may kasama pang kindat. 

 

"Yun oh!.. Saya!" Giselle. 


Nag usap lang sila saglit pagkatapos ay hinanda na nila ang mga dadalhin nila sa beach. 


"Giselle palagyan naman ako ng sunblock sa likod oh" Pakiusap ni Ningning. Hindi nya kasi ito abot. 

 

"Ayan kasi!! Susuot suot ng one piece na kita ang likod tapos di naman pala kayang lagyan ng sunblock." Pagrereklamo naman ng isang dalaga. 

 

"Alam mo ang dami mo ng sinabi parang magpapapahid lang ako sa likod eh... Kay Winter na nga..." Humina ng humina ang boses nya hanggang sa wala ng lumabas dito ng makita nyang nakatingin ng deretsyo sa kanya si Karina. "Dali na kasi Giselle wag ka ng mag inarte dyan!!" At pinilit na nga nyang ilagay yung sunblock sa kamay ni Giselle. 

 

"Oo na eto na!"

Sa kabilang banda naman halatang hirap din si Winter na lagayan ng sunblock ang kanyang likod. Naka two piece sya ngunit dinoblehan nya ng shorts ang kanyang pang ibaba tulad din ng ginawa ng tatlo nyang kasama. 

 

"You need help?" Mahinahong tanong naman ni Karina sa kanya.

Tumango naman si Winter "Pwedeng patulong? Gusto ko kasing malagyan din ng sunblock yung likod ko bago ko sana patungan ng see through" Tila parang nahihiya nyang paliwanag. 

 

Ngumiti naman si Karina at saka lumapit sa kanya. Pinilit nyang hindi tumingin sa magandang katawan ng dalaga upang hindi sya ma distract at hindi din  mabastusan si Winter sa kanya. 

 

Inabot naman na ni Winter ang sunblock ng makalapit na si Karina sa pwesto nya. 

 

"Maglalagay na ako ah" Pagpapaalam pa nya na ikinatango naman ng dalaga. 

 

"Papanuorin pa ba natin sila o lalabas na muna tayo? " Bulong ni Ningning. 

 

"Tumalikod nalang tayo. Pag lumabas tayo baka bigla silang maging awkward sa isa't isa" Suggest naman ni Giselle at pareho na nga silang tumalikod sa dalawa. Medyo malayo naman ito sa kanila kaya hindi din rinig ang kanilang bulungan. 

 

Dahan dahan ng ipinahid ni Karina ang mga kamay nya na may sunblock sa makinis na likod ni Winter. Sinimulan nya ito sa may bandang balikat ng dalaga hanggang sa ibaba ng kanyang pang itaas. 

 

"Okay na ba yan? " Bulong ni Karina sa kanang tainga ni Winter na kanya namang ikinagulat ng bahagya .

"Ahmmm pwede bang hanggang sa waist?" Mahinang sagot naman ni Winter. Hindi nya alam kung bakit nya nasabi iyon, dahil kung sa tutuusin ay abot naman na ng kamay nya ang bahaging binanggit nya. 

Napakurap si Karina ng dalawang beses at napalunok pa ng isang malalim na lunok sa isinagot nito sa kanya. 

 

"O-okay" Biglang utal nyang tugon. 

Binaba na nya ang kanyang mga kamay sa bandang bewang ni Winter upang lagyan din ng sunblock. Dahan dahan nya itong iginalaw na tila ba parang ayaw na nyang tapusin ang paglalagay ng sunblock sa katawan ng dalaga, subalit hindi nya pwedeng gawin iyon. Hanggat maaari kasi ayaw nyang maramdaman ni Winter na nababastos sya kaya naman tinapos na nya ng tuluyan ang paglagay ng sunblock.

 

"Thank You" Nilingon sya ng dalaga na may kasama pang ngiti at sinuot na nga ang kanyang see through na pandoble.


Agad namang nag excuse si Karina upang pumunta sa CR.  At doon ay nakahinga na sya ng maluwag. Aaminin nya na natemp syang i-back hug si Winter at halikan ang magandang likod nito kanina subalit kailangan nyang pigilan ang kanyang sarili. 

 

 

-------
Sinimulan na nilang anim na maligo sa dagat. Walang humpay na tawanan ang naganap doon at mga hindi maikakailang sweetness ni Karina kay Winter. Tulad nalang ng pag alalay nya dito sa bandang malalim na parte ng dagat kung saan ay hindi na abot ni Winter ang lupa at dahil matangkad si Karina, sya na mismo ang umalalay dito. Mahigpit nyang hinawakan ang kamay ni Winter upang hindi ito madala ng alon. Subalit hindi iyon naging sapat. May pagkakataon na nahihila si Winter kaya naman umakbay na sya kay Karina. Hindi naman na iyon binigyan pa ni Karina ng ibang kahulugan.

 

"Hoy!!! Ang daya nyong dalawa! Ang layo nyo na!!! Gusto ko din dyan!! " Sigaw naman ni Taeyeon na nakababad ang katawan sa hanggang bewang lang na tubig. 

 

"Dali dito Ate" Tatawa tawa pang imbita ng nakakabata nyang kapatid sa kanya. 

Hinila naman ni Taeyeon si Baekhyun sa bandang malalim upang makalapit sa dalawa. Ngunit agad syang binulungan ng nito.

 

"Hayaan na muna natin silang gumawa ng sarili nilang moments"
At doon ay parang natauhan bigla si Taeyeon. Isa din kasi yun sa mga gusto nya sanang mangyari upang mas magkaron pa ng pagkakataon si Karina na alagaan at pasayahin pa ang kanyang kapatid. 

 

"Oh bakit ayaw mo ng pumunta dito Ate!?"

"Baka mapagod kasi si Baekhyun kaya dito nalang muna kami."

 

"My God girl!! Mukhang boto ata si Ate Taeyeon kay Karina" Mahinang sabi ni Ningning sa katabi nyang si Giselle. Hindi naman iyon rinig nila Taeyeon dahil mas nasa mababaw silang bahagi ng dagat. 


"Edi maganda! Malaki ang pag asa ng manok natin" Tumawa sya at saka nakipag apir kay Ningning. 

 

"Hindi ka ba nangangalay dyan?  Ihahatid na kita sa mas mababaw" Tanong ni Karina ng mapansin nyang parang nahihirapan na si Winter sa pag akbay sa kanya. 


"Hindi...okay lang ako dito...ewan ko ba kung bakit gusto ko sa parte na to. Eh hindi ko naman na abot dito." Pagtataka nya na ikinatawa nalang din nya saglit. 


Napangiti naman doon si Karina pero hindi iyon nakita ng kanyang katabi. Hindi man maalala ni Winter na iyon ang paburito nyang parte ng dagat, masaya parin si Karina dahil sa tingin nya ay may nararamdaman parin si Winter mula sa kanyang nakaraan dahilan kaya nagagawa parin nya ang mga ilan sa gusto at nakasanayan na nyang gawin mula pa noon. Naalala pa ni Karina nung tanungin nya dati si Winter kung bakit gustong gusto nito sa malalim na parte ng dagat at ang isinagot naman sa kanya ng dalaga ay dahil sa parteng iyon ay nasosolo nya si Karina. 

 

 

"Oh okay ka lang? " Tanong uli ni Karina ng kamuntikan ng makabitaw sa kanya si Winter dahil sa alon. 

"Yes yes" Natatawa nyang sagot habang pinupunsan ang mukha nya na nabuhusan ng alon. 


Dahil sa pag aalala ni Karina naisip nya na bakit hindi nya uli gawin ang ginagawa nya dati upang maprotektahan si Winter sa alon at hindi ito makabitaw sa kanya. 


Tatanungin na nya sana ang dalaga ng bigla uli silang hampasin ng isang alon. Kaya naman wala ng salita salita, inilagay na ni Karina ang kanyang kamay sa kabilang bahagi ng bewang ni Winter at saka nya ito iniangat. 

 

"Hahawakan nalang kita dito...okay lang ba?"


Hindi naman na tumanggi pa si Winter sa naisip nyang paraan.

 

-----
Tanghalian na at excited na silang anim na kumain ng sabay sabay. Maraming nakahain na sea foods sa kanilang hapagkainan at ilang mga karne rin at kanin.


Handa na sila para sa kanilang boodle fight!!

 

"Let's eat!!!!!" Panimula ni Taeyeon at inumpisahan na nga nilang kumain. 

 

******************************************************

Natuwa ako sa comments kaya napa update uli ako 😄 thank you sa pag support. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Foreverwithyou12
Sorry guys ang tagal kong hindi nag paramdam!
Madami lang nangyare and unfortunately I forgot my password. Buti nalang after ilang tries, na open ko na uli.
Sorry sa mga nag hintay ng matagal. At thank you naman sa patuloy na nag susupport sa story na 'to. Susubukan ko ulit mag update. ☺️

Comments

You must be logged in to comment
Maatt_booii #1
Nasa haitus ba to?? Hehehe waiting na lang kay otor lung kailan mag uupdate
HelloMango
#2
Chapter 13: Hi po writernim, sana healthy po kayo will wait sa update mo anytime fighting
jmj1117 #3
Chapter 13: Hello author-nim, wag ka na tampo please. Update ka na ulit hihihi

Kidding aside. Ganda ng story. Patiently waiting for the next update. Fighting!
Miinjeongiee #4
Chapter 13: Hello po authornim, ang ganda po naman ng story nyo! Sana po maka update ulit po kayo! Sobrang ganda kasi! Nakaka kilig pa 🤧
ohyeah12 #5
Chapter 12: Ang cute ng banter ni Giselle and Ningning haha careful baka kayo magkatuluyan yiiieeeee hahahahah
lovebreaks #6
Chapter 12: Ano kaya yung “kasalanan” ni Karina kay Lucas at galit na galit siya?? Hayy

Possessive naman ni boi Lucas, hoy walang sayo Nicole HAHAHAHHA charot salamt sa update 💖
wenrene22
#7
Chapter 12: awwww mabuti naman at naintindihan nila Giselle at Ningning ang sitwasyon ni Karina sa pinagdadaanan nya at tama ang hula ko na dati nang magkarelasyon sila Karina at Winter doon palang sa ice cream na alam na ni Karina kung anong favorite flavor ni Winter and about naman kay Lucas ano naman reason nya bakit ang laki ng galit nya kay Karina? Thank you author-nim na enjoy ko naman ang update mo as always. : )
lovebreaks #8
Chapter 11: Uh oh 😦
Giselle and ningning about to know karina and winter’s past cant wait
lovebreaks #9
Chapter 11: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1471442/11'>Eleven</a></span>
OMG i love this long updates authorrr keep it up chos hhahahha
wenrene22
#10
Chapter 11: oh my, oh my ano na kaya yung nakita nila dun sa box at bakit sa kauna-unahan naging serious ang tono ni Giselle? 😱 acccckkkk gusto ko nang malaman 😭. Thank you author-nim andito lang ako ule mag aabang kung ano na ang mangyayari in the next chapter. mwahhhh~ 😙