Two
The Girl Next Door
"Bangon na Karinaaaaaaa!! " Dinaganan ng bahagya ni Giselle ang kaibigan nya kaya naman naalimpungatan ito.
"Aray aray!! " Sigaw ni Giselle. Naitulak kasi sya ni Karina ng di sinasadya dahilan ng pagkahulog nito sa kama.
"Ay bwiset na yan! Ikaw na nga yung gustong tumulong, tapos itutulak ka lang?" inis nyang bulong sa kanyang sarili. Huminga na lang sya ng malalim at saka tumayo habang hinihimas ang kanyang puwetan.
"so-sorry...nabigla lang ako" Bagong gising na boses ni Karina habang pilit na binubuksan ang mga naantok pa nyang mga mata.
Ngumiti naman ng peke si Giselle then crosses her arms " Okay fine!... Ginising na kita kasi mag aalas sais na...kaya Bumangon kana dyan!"
Napabalikwas si Karina at kumaripas sa lababo ng marinig nya iyon upang maghilamos at mag toothbrush pagkatapos ay mabilis din syang nagpalit ng kanyang pang jogging.
Tuwing alas sais kasi ng umaga laging nag jojogging si Winter at hanggang tingin lamang noon si Karina sa malayo dahil kasama pa ni Winter ang Ate Taeyeon nya nung mga araw na yun.
Napuyat pa nga si Karina kagabi dahil sa kakapractice kung paano i-aapproach ng maganda si Winter at nag handa rin sya ng sandwich na kakainin nila kung sakaling mag succeed ang mga plano nya.
Nakaayos na sya lahat lahat at ganun din ang dalawa nyang kaibigan. Lumabas na sila sa kanilang pintuan at nakitang nasa baba na si Winter.
Magmamadali na sana silang bumaba ng mapahinto naman si Karina
"Oh bakit ka huminto? Tara na ng maabutan pa natin yung love at first sight mo" Giselle.
Ngumuso si Karina sa baba at doon nakita nila Giselle at Ningning ang isang lalaking kausap pala ni Winter.
Mukhang close sila nito dahil sobra ang kanilang pagtatawanan at pag hampas hampas ng mahina ni Winter sa lalaking kausap nya.
"Jusko naman! Malay mo kaibigan nya lang yan! Selos ka kaagad dyan eh" Ningning.
"Fiance nya yan" Malungkot at walang ganang bigkas ni Karina. Agad namang Napalingon sa kanya ang dalawa nyang kaibigan na gulat na gulat.
"Fiance!? Paano mo naman nalaman na Fiance nya yan!? Don't tell me stalker ka ni Winter!? My God Karina!" Inis na tanong ni Giselle habang nakapamewang pa.
Napakurap naman si Karina dahil hindi sya aware na nasabi nya pala iyon
"Stalker!!? Ako???... Hindi ah!... A---anoo kasi.... I mean...baka fiance nya.. Kasi ano... Ahmm ti-tingnan nyo nga kung gaano sila ka close oh!" Sabay turo nya doon sa dalawang nasa baba.
"Anak ka ng!! Mababaliw ako sayo! Nag conclude ka na bigla. Nagtatawanan lang, finace na agad!?" Ningning
"Alam mo ang mabuti nyan, bumaba na tayo at ayain na si Winter mag jog. Sayang naman yung pag papractice mo kagabi at yang sandwiches na ginawa mo" Hinila na ni Giselle si Karina at Ningning upang bumaba na ng hagdanan.
Maingay silang bumaba para makuha ang attention nila Winter at ng kausap nyang lalaki. Yun ay plano ni Ningning. At Hindi naman sila nabigo dahil napansin agad sila nila Winter.
"Oh Hi! " Masayang bumati at nag wave si Winter ng makita nya si Karina.
Nag wave back naman ito sa kanya at tipid na ngumiti pagkatapos ay napakamot na lang sya sa kanyang ulo dahil sa hiyang kanyang nadarama.
"Hello Winter!! " Masigla namang bati nila Giselle at Ningning ng makalapit na sa kanilang pwesto.
Napakunot si Winter ng noo pero nakangiti ito na may halong pagtataka.
"You know me? "
"Ah Oo naman paano ikaw ang bukambibig ni ---" Agad na tinakpan ni Karina ang bibig ni Ningning. At kinurot ito ng pasimple sa tagiliran dahilan upang mapa aray sya ng mahina.
"Ang ibig nyang sabihin...nabanggit kasi sa amin ng may ari na Winter ang pangalan mo....You know kasi...ahhmmm... kami at yung may ari...ganito " Pinagdikit ni Giselle ang dalawa nyang daliri "Close" Kindat pa nya at saka peke na tumawa.
"Ahh I see" Ngumiti ng malawak si Winter at saka bumaling sa lalaking kausap nya kanina.
"By the way Lucas, sila nga pala yung mga nakatira sa katabi kong room"
Tumingin naman si Lucas sa tatlo at ng makita nya si Karina napangiti sya ng sarcastic dito.
"Hi I'm Lucas" Inabot nya ang kamay nya kay Giselle at hinawakan din naman ito ng dalaga
"Hello I'm Giselle"
"I'm Ningning" inabot din nya ang kamay ng lalaki
Huminto naman saglit si Lucas sa harapan ni Karina. At saka hinawi pataas ang kanyang buhok
"You know what?... You look familiar" Malokong ngumiti si Lucas na ikinalunok naman bigla ni Karina.
"Magkakilala kayo?" Anya ni Winter.
Habang sila Giselle naman ay pabalik balik ang tingin sa dalawa.
"Hindi/Yes" Karina and Lucas
Napayuko na lang si Karina ng marinig ang sagot ni Lucas.
"I mean... Hindi yung talagang magkakilala. I just saw her at the coffee shop 2 days ago i think. Maybe she did not noticed me" Pa cool pa syang tumawa na ikinataas naman ng kilay ni Ningning.
"Ahhh. Yun pala yun" Giselle.
Agad na nakahinga ng maluwag si Karina sa sinabing iyon ni Lucas. Akala nya kasi ay may sasabihin pa itong iba.
"Anyways mag jojogging ba kayo?" Tanong ni Lucas kina Karina.
"Ah oo, hindi ba halata sa suot namin? " Sarcastic na sagot naman ni Ningning. Hindi nya kasi gusto ang presensya na binibigay ni Lucas sa kanila.
Napatawa na lang ng kaunti si Lucas at saka bumaling ng tingin kay Winter.
"Sige na mauna na ako. Mag jojog ka rin diba? Dumaan lang talaga ako dito para kumustahin ka"
"Okay. Mag iingat ka" Ngumiti si Winter at saka saglit na yumakap kay Lucas.
Naglakihan naman ang mga mata ni Giselle at Ningning sa kanilang na witness habang si Karina naman ay tumingin na lang sa malayo.
Nag paalam na din si Lucas sa kanila at naiwan na nga si Winter kasama nilang tatlo.
"Kaano ano mo yun? " Walang pag aalinlangang tanong agad ni Ningning. Kaya Siniko sya ni Karina " Bakit wala namang masama sa tanong ko ah." sagot pa nya sa kaibigan at saka itinaas ang isang sulok ng kanyang labi.
Napatawa nalang tuloy si Winter sa kanilang kinilos bago sya umimik.
"Hmmm paano ko ba sasabihin...ahmm...si Lucas...hhmmm....he's my...friend"
"Oh come on!...Di nga?... Alam mo mapagkakatiwalaan mo naman kami eh. Mababait kaya kami. Kaya sabihin mo na" Ngising ngisi naman ni Giselle.
"Haha ang cute mo.. Hmmm sige na nga...sasabihin ko na..."
Nakatingin lang ang tatlo sa kanya. Si Giselle at Ningning ay halatang excited na nag aabang sa kanyang sagot samantalang si Karina naman ay may malungkot lang na mga tingin at ngiti na para bang alam na nya ang isasagot nito sa kanila.
"Lucas is actually my...Fiance"
*********************************************************
To be Continued!
thank you for reading and for your comments ^_^
By the way I'm planning to just make it short so hopefully matapos ko kaagad ito haha
Comments