Ten

The Girl Next Door

 

Dahan dahang bumangon si Winter mula sa queen size bed upang hindi magising ang katabi nyang si Karina. Malawak naman ang kama subalit baka maantala ang pagpapahinga ng isang dalaga kaya naman nag iingat sya sa kanyang pag kilos. 

Dalawang queen size bed ang nasa room nila dahil isa itong premium suit room. Sa kabilang kama naman ay doon magkatabi sila Giselle at Ningning na mahimbing na natutulog dahil na din sa pagod nilang lumangoy at mag lakad lakad mula pa kanina. 

Nakaupo na si Winter sa dulong bahagi ng kama at inilapag na nga nya ang kanyang mga paa sa sahig upang tumayo ng may maramdaman syang isang paghawak sa kanyang kanang pulso. Nilingon nya ang nag mamay ari ng malambot na kamay na iyon. At doon nya nakita ang bagong gising na si Karina na nakatingin ng maamo sa kanya.

 

"Where are you going?" Mahinang tanong ng dalaga gamit ang kanyang medyo inaantok pa na boses. 

Ngumiti sa kanya si Winter "I'm going to watch the sunset"


Pagkasabi nya nito agad din namang bumangon si Karina at sinabing sasamahan nya itong manuod ng magandang sunset. 

Lumabas na silang dalawa sa kanilang kwarto at inumpisahan ang paglalakad patungo sa dalampasigan kung saan nila papanuorin ang paglubog ng araw. 


Sa kanilang paglalakad ay kasabay din nila ang ihip ng hangin na syang tumatangay sa mahabang buhok ni Winter. Napansin ni Karina na hawak hawak na nito ang kanyang buhok kaya naman tinanggal nya ang kanyang pamuyod at hinawi ng marahan ang kamay ni Winter.

 

 

"Let me tie your hair" Nakangiting alok nito at pumunta na nga sya sa likuran ng dalaga upang itinali ang kanyang buhok. 

"Teka...Paano ka? "

"I can manage" Tinapik pa nya ang ulo ni Winter bago nya simulan ang pagtali sa buhok nito. 

 


"Thank You!" Sambit ni Winter ng matapos na si Karina. 
Isang ngiti ang binigay nila sa isa't isa at pinagpatuloy na nga nila ang kanilang paglalakad. 

Umupo na sila sa buhangin malapit sa dagat habang hinihintay ang paglubog ng araw. 

 

 

 

"Bakit nga pala gusto mong makita ang sunset ngayon? " Nakatinging tanong ni Karina kay Winter. 

 

"I just love the beauty of it." Matipid nyang sagot habang nakatingin sa kulay asul na dagat. "Ikaw gusto mo ba ang sunset?" 


Tinuon din ni Karina ang tingin nya sa dagat bago sagutin ang dalaga. "No.......I love it...pagnakikita ko ang sunset nagkakaroon ako ng peace of mind...and it reminds me that before the day ends It's okay to take a rest, to take a break." Taos puso nyang sagot habang nakangiti. 


Napalingon naman si Winter dahil sa kanyang mga sinabi at bakas sa mukha nito ang kanyang pagkamangha.

 

"I like your reasons....Actually....hmmm parang narinig ko na sya somewhere " Sabi nya na parang may inaalala then She chuckles "Or maybe imagination  ko lang haha...pero I really like it" Ngiti nya at saka tinapik ang balikat ni Karina. 

 


Pagkatapos ng ilang sandali dumating na ang oras ng paglubog ng araw kaya naman binaling na nila ang kanilang atensyon dito. Nag picture din silang dalawa kasama ang magandang sunset. 

 

 

"Hay ang ganda talaga nya" Masayang sambit ni Winter na pinagmamasdan ang sunset bago nya ipinatong ang kanyang mukha sa mga kamay nya habang nakalagay naman ang dalawa nyang siko sa kanyang mga tuhod. 

 

Tinapik sya ni Karina at napalingon naman sya dito "Baka sumakit ang mga kamay mo....sumandal ka nalang dito sa balikat ko" 

 

"Okay lang ba sayo?" Tanong nya habang nakalagay parin ang kanyang maliit na mukha sa pagitan ng kanyang mga kamay. 
Natawa naman ng bahagya si Karina ng makita ang itsura ni Winter. 

 

"Oh bakit ka tumatawa dyan?"

 

"You're cute...halika na nga dito" Hinawakan nya ang isang wrist ni Winter upang hilahin ito sa kanyang tabi. "Okay lang sa akin na sumandal ka....I won't complain" Dugtong nya at iningatan na nga nyang ipatong ang ulo ni Winter sa kanyang balikat. 

 

"You really are so kind Karina....Thank You" Banggit nya habang nakatingin sa kagandahan ng araw. 

 

                                          ***
"Woohooo!! Mapapanuod uli natin ang sunset!" Masiglang sambit ni Winter at saka niyakap si Karina mula sa kanyang tagiliran at ipinatong ang kanyang ulo sa balikat nito. Inilagay naman ni Karina ang kamay nya sa kabilang bahagi ng balikat ni Winter. 

Pareho lang silang masayang nakatayo sa dalampasigan habang pinapanuod na ang palubog na araw na kanila namang paburitong pagmasdan.

 

"Hinding hindi talaga ako magsasawang abangan at tingnan lagi ang kagandahan ng sunset...lalo na kung ikaw lagi ang makakasama ko" Iniangat nya ang kanyang ulo mula sa pagkakasandal sa balikat ni Karina at saka nya tiningnan ang dalaga habang nakangiti.

 

Ngumiti din naman si Karina at hinalikan ang noo ni Winter "Don't worry sabay natin laging pagmamasdan ang sunset.....para maremind din tayo na it's okay to take a rest,  take a break before the day ends. " Malambing nyang bigkas kasabay ang mahigpit nyang pag yakap kay Winter . 


"You're right...and I want to remember that everyday" Pagsang ayon naman ng isang dalaga habang nakangiting nakatingin sa sunset. 


                                              ***

Masayang nai-celebrate ni Taeyeon ang kanyang kaarawan kasama sila Giselle, Ningning, Karina, ang kapatid nyang si Winter at ang love of her life nya na si Baekhyun. 


Maaga din silang umalis ng beach resort kinaumagahan dahil na din sa haba ng kanilang babyahihin sa daan. At upang makapag pahinga na din sila kaagad dahil kinabukasan ay balik uli sila sa kani kanilang sariling gawain sa buhay. 

 

 

--------
"Alam nyo malapit ko na talagang kalbuhin yung boss ko...Kainis ang dami daming inuutos!!"
Reklamo ni Ningning habang nakaupo sya sa kanilang couch sa sala. 

 

"Bakit kasi hindi ka nalang mag resign dun at maghanap ng ibang company na pwede mong lipatan!?" Giselle. 

 

"Nagpasa na ako ng resume ko sa ibang mga company pero wala pang kumokontak sa akin."

 

"Hintay hintay ka lang....meron din yan."


"Ikaw Giselle Wala ka bang balak na mag resign? Diba sakit din sa ulo yung boss mo? "

 

"Actually pinag iisipan ko narin yun hahaha....Hay buti pa tong si Karina parang relax lang lagi"

 

"Ako na naman ang nakita nyo...tsk..na stress din naman ako sa work noh" Sagot nya habang kumakain ng dinner. 

 

"Stress ka nga pero nawawala naman yun kasi bago ka pumasok nakikita mo si Winter at pagkauwi mo naman nakikita mo uli sya. Nagkakasama pa nga kayo eh." Kantyaw naman ni Giselle. 

 

"Well hindi ko na kasalanan yun" She smirks.

 

"Hayaan na natin yang si Karina... Ganun talaga siguro pag may love life... Tayo kasi wala nun!" Parang naiinggit at naiinis pang sabat ni Ningning. Napairap naman sa kanya si Giselle. 

 

"At dinamay mo pa talaga ako huh... Hindi mo nalang sinarili!" Gigil nyang sabi at binatukan ng mahina si Ningning. 


Maya maya ay huminahon na din silang dalawa ng tabihan na sila ni Karina sa couch at sabay sabay na nanood ng TV.


"Sya nga pala bigla lang akong napaisip ah ano na bang status nyo ni Winter ngayon?" 


Nagkibit balikat naman si Karina sa biglaang tanong na iyon ni Giselle. 

 

"Hala parang sira toh!" Hampas nya sa braso ng dalaga "Sweet na nga kayo sa isa't isa tapos hindi mo parin alam ang status nyo!?"

 

"Wala naman sigurong masama sa ganun diba? " Karina. 

 

"Gaga! Yung mga ganyan dapat nabibigyan na ng linaw hanggat maaga pa!...Ano ka ba naman!  " Ningning. 

 

"Hindi naman sa ayaw kong bigyan ng linaw... Ang akin lang ayoko muna syang madaliin...Masaya na ako na nag eenjoy kaming pareho pagkasama namin ang isa't isa." Pag dadahilan nya.

 

"Girl ilang months narin kayong magkakilala.... Tapos naalala ko pa mas naging sweet pa kayong dalawa nung Birthday celebration ni Ate Taeyeon last month at mas nakikitaan pa namin kayo ng improvements ngayon. Madalas na nga kayong lumabas na dalawa lang kayo. Kaya siguro naman ayos lang kung alamin mo kung ano nang status nyo noh" Pagdidiin naman ni Ningning. 

 

"Agree ako sayo friend....at saka Karina nasubaybayan namin yung araw na nagkakilala kayo simula nung lumipat tayo dito hanggang ngayon. Siguro naman may namumuo naring feelings si Winter for you kahit hindi ka pa umaamin sa kanya." Giselle. 

 

"O kaya mas maganda nyan, umamin ka na talaga   sa kanya. Tutal ang tagal mo ng tinatago kay Winter na gusto mo sya diba. Baka doon maging open din sya sayo." Ningning

 

Sa hinaba haba ng kanilang sinabi Isang tipid lamang na ngiti ang binigay ni Karina sa kanilang dalawa bago sya nagsalita "Tsaka na lang natin pag usapan ang tungkol dyan. Pasok na muna ako sa kwarto" Tapik pa nya sa balikat ng mga ito bago sya tuluyang tumayo at lumakad papunta sa kwarto nya. 

Nagkatinginan naman bigla ang dalawa "Anong nangyare dun?" Takang tanong ni Ningning. 

Nagkibit balikat naman si Giselle "Ewan ko...Mukhang wala namang mali sa mga sinabi natin" At Napabuntong hininga na nga lang silang dalawa dahil doon.

 

 

 


"Sorry kung hindi pa ako handang sabihin sa inyo ang totoo. Hindi pa talaga siguro ito ang tamang oras." Sa isip ni Karina pagkapasok nya sa kanyang kwarto. 

 

 

 

 

---------
"Oh ano na naman yang ngiti na yan aber!? "
Sita ni Taeyeon ng makabalik na sya sa kanilang pwesto ni Winter at inilapag ang inorder nyang coffee drinks para sa kanilang dalawa. 


"Hindi naman ako nakangiti noh" Pigil nito sa kanyang sarili at itinaob muna ang kanyang cellphone sa table nila. Kinuha nya ang kanyang iced coffee and takes a sip from it.

 

"Don't me Winter ah! I know you!!... So ano ngang meron?" Tiningnan nya ang kanyang kapatid ng taas baba pa ang kilay habang nakangisi. 

 

"Si Ate parang ewan...wala nga."


Pagkasagot nya nito agad namang nag vibrate ang kanyang phone. Kinuha nya to at saka inopen ang reply ni Karina sa kanya. 


Hindi na nya napigilan ang kanyang pag ngiti ng makita nya ang picture na sinend sa kanya ng dalaga. Picture yun ni Karina na may hawak na ice cream habang nakatapat ito sa sariling laptop dahil nadin sa kanyang inuwing trabaho. 

Tinanong nya kasi ang dalaga  kung ano ang kanyang ginagawa ngayon kaya ayan nagpasa sya ng kanyang picture. Medyo kanina parin sila magkachat simula pa ng pumila si Taeyeon upang umorder. 

 

"Akin na nga yan!" Mabilis na nahablot ni Taeyeon ang phone ng kanyang kapatid. Natulala naman ang dalaga sa bilis ng pangyayari. 

 

"Ahhhh.......... " Kuskos nya sa kanyang baba ng naka smirk "Si Karina pala ang dahilan kung bakit ka ganyan?" Tumingin sya ng nakakaloko kay Winter. 

 

"Natuwa lang ako kasi ang cute nya dyan." Pag pout pa nito. 

 

"Ganun?....I don't believe you little sis... Hmmm....." Tinuon nya uli ang paningin nya sa hawak nyang phone "What if mag back read ako para malaman ko ang sagot..." Tumingin uli sya sa kapatid nya "Great idea, right?" Kindat pa nya dito habang nakangiti ng malawak.

 

"Oo na oo na Ate tama ka na" Pigil nya sa kanyang boses. Baka kasi marinig ng ibang tao na nasa loob din ng coffee shop. 


"Okay if that so" Binalik na nya ang phone ni Winter ng nakangisi. 

 
Nakahinga naman ng maluwag ang dalaga ng mahawakan na nya uli ang kanyang phone. 

 

"You're cute sis" Mahina nyang tawa.

 

"Ate talaga... Nakakainis ka"


"Haha bakit?  Nagtanong lang naman ako ah"


"Pshh" Irap pa nito at saka uli uminom ng kanyang kape. 


"You like her?"


Halos mabuga ni Winter ang kape na nasa bibig nya ng biglang sabihin iyon ng kanyang Ate, buti nalang at nakaya nya pa itong lunukin. 


"Ano ba namang tanong yan Ate?"

 

"Okay... I'll repeat it again...You like her?"


"Ate naman...."


"Isa pa... You like her?"


"Stop it"


"You like..."


"Fine fine!! Okay?" Huminga sya ng malalim at napangiti naman doon si Taeyeon dahil napasuko nya uli ang kapatid nya.

 

"Honestly I really don't know... But there's this strange feelings na nararamdaman ko pag kasama ko sya....I don't know exactly what feelings it is but it seems familiar to me."


"You like her... I'm telling you"


"You think so?"


"Oo noh... Kitang kita na nga dyan sa mukha mo eh. Hahaha."

 

"Seriously?" Tanong nya sabay tingin sa camera ng kanyang phone. "Do I really like her?" Balik tingin nya sa Ate nya. 


At tumango tango naman ito sa kanya na para pang nang aasar. 

 

"No... You're just kidding me Ate...Stop it" then she throws tissue towards Taeyeon. 

 

*******************************************************

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Foreverwithyou12
Sorry guys ang tagal kong hindi nag paramdam!
Madami lang nangyare and unfortunately I forgot my password. Buti nalang after ilang tries, na open ko na uli.
Sorry sa mga nag hintay ng matagal. At thank you naman sa patuloy na nag susupport sa story na 'to. Susubukan ko ulit mag update. ☺️

Comments

You must be logged in to comment
Maatt_booii #1
Nasa haitus ba to?? Hehehe waiting na lang kay otor lung kailan mag uupdate
HelloMango
#2
Chapter 13: Hi po writernim, sana healthy po kayo will wait sa update mo anytime fighting
jmj1117 #3
Chapter 13: Hello author-nim, wag ka na tampo please. Update ka na ulit hihihi

Kidding aside. Ganda ng story. Patiently waiting for the next update. Fighting!
Miinjeongiee #4
Chapter 13: Hello po authornim, ang ganda po naman ng story nyo! Sana po maka update ulit po kayo! Sobrang ganda kasi! Nakaka kilig pa 🤧
ohyeah12 #5
Chapter 12: Ang cute ng banter ni Giselle and Ningning haha careful baka kayo magkatuluyan yiiieeeee hahahahah
lovebreaks #6
Chapter 12: Ano kaya yung “kasalanan” ni Karina kay Lucas at galit na galit siya?? Hayy

Possessive naman ni boi Lucas, hoy walang sayo Nicole HAHAHAHHA charot salamt sa update 💖
wenrene22
#7
Chapter 12: awwww mabuti naman at naintindihan nila Giselle at Ningning ang sitwasyon ni Karina sa pinagdadaanan nya at tama ang hula ko na dati nang magkarelasyon sila Karina at Winter doon palang sa ice cream na alam na ni Karina kung anong favorite flavor ni Winter and about naman kay Lucas ano naman reason nya bakit ang laki ng galit nya kay Karina? Thank you author-nim na enjoy ko naman ang update mo as always. : )
lovebreaks #8
Chapter 11: Uh oh 😦
Giselle and ningning about to know karina and winter’s past cant wait
lovebreaks #9
Chapter 11: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1471442/11'>Eleven</a></span>
OMG i love this long updates authorrr keep it up chos hhahahha
wenrene22
#10
Chapter 11: oh my, oh my ano na kaya yung nakita nila dun sa box at bakit sa kauna-unahan naging serious ang tono ni Giselle? 😱 acccckkkk gusto ko nang malaman 😭. Thank you author-nim andito lang ako ule mag aabang kung ano na ang mangyayari in the next chapter. mwahhhh~ 😙