Thirteen

The Girl Next Door

 

 

"!" Bulalas ni Karina ng makatanggap sya ng mga chat mula kay Winter. 


Nakalimutan nya kasing i-charge yung phone nya bago sila umalis kanina kaya naman na battery empty sya at ngayong pag uwi nya lang ito na charge.

 

"Woi gagi! Anong problema!?" Alalang lumapit si Ningning sa kanya. 


Napakamot sya sa ulo at sumagot ng "Si Winter kasi kanina pa pala nag chat, ngayon ko lang nabasa. Hindi ba ako tinanong sa inyo?"

 

"Oh ow! Hindi ako naka online"Sagot ni Ningning. 
Bumaling naman si Karina kay Giselle.

 

"Negative sa akin" Presko naman nyang sabi.  "Bakit ano bang Chat sayo?"


Hindi sya sumagot doon at sa halip ay isang mabigat na hininga lang ang kanyang pinakawalan at isang pag aalalang mukha. 


"Hoy! Ano!? Ayos ka lang ba? " Pagtatakang tanong pa ni Giselle na may kasamang tapik sa balikat ni Karina. 


"I need to go... Babalik ako mamaya"
Sabay hugot nya sa kanyang phone na hindi pa nga nachacharge ng maayos. Nasa 5% pa lang ito. 


"Teka!  san ka pupunta!?" Giselle


"Kay Winter!"

 

"Wait!" Sigaw ni Ningning at napalingon naman sa kanya si Karina "Baka ma dead bat ka na naman!.... Dalhin mo na yung power bank ko...just wait a second! " At kumaripas na nga sya sa kanyang room at mabilis nya itong iniabot kay Karina. 

"Thanks! The best ka talaga!" She winks at tuluyan na nga syang lumabas ng kanilang Unit. 

 

"Grabe! " Pailing iling na sambit ni Giselle saka sya umupo sa kanilang couch na naka de kwatro pa. "Iba talaga epekto ni Winter sa isang yun!...Takte! Sana lahat pinupuntahan agad!" 

 

"Oopppsss! Mukhang may pinagdadaanan ka ata ah!" Dinamayan naman sya ni Ningning sa kanyang pagakakaupo "Share naman dyan" Taas babang kilay pa nyang dugtong habang nakangisi. 

 

"Gusto mo?" Simpleng ngiti ni Giselle. Tumango naman doon si Ningning. "Paduguin ko nguso mo!?"Sabay tawa nya ng malakas. Matik tuloy na nakatanggap sya ng malutong na hampas mula kay Ningning. 

 

"Parang tanga to!" Tumayo na sya at saka kinuha yung maliit na unan sa sofa nila "Bahala ka nga dyan!  Nabubswisit ako sayo! " sabay bato nito kay Giselle at walk out

 

"Hoy! Saglit lang! Eto naman hindi mabiro" Tumatawa syang humahabol kay Ningning na papunta sa sariling kwarto.

 

 

 

Samantalang sa kabilang banda naman,  patuloy parin ang mga mata ni Karina sa paghahanap kay winter sa play ground na sinabi nito. 


Pinuntahan nya ang swing kung saan sabi ni Winter dun sya maghihintay, subalit wala sya dun kaya naman nilibot pa nya ang play ground pero bigo sya. 

 

"! Where are you!? I hope you're okay" Bulong nya sa kanyang sarili habang alalang alala kay Winter. 


Muli nya tuloy uling binasa ang mga chat ng dalaga sa kanya. 


6:15pm
*Karina,  where are you?*


6:20pm
*Karina?*


6:30pm
*Karina, reply naman oh"


6:40pm
*Bakit hindi kita makontak?*


6:45pm
*I hope you can read my messages. I'll wait you at the play ground. Yung malapit sa unit natin*


7:05pm
*I'm already here. I'll wait for you*

 

 

Patuloy ang mabilis na pagkabog ng puso nya sa kanyang dibdib ng basahin nya uli ang mga iyon. Naiinis sya sa sarili nya dahil hindi nya kaagad nabasa ang messages ni Winter at hindi nya ito agad napuntahan. Alam nyang isang oras na ang nakakalipas mula ng sabihin ng dalaga na nasa play ground na sya pero, hindi mapakali si Karina na hindi pumunta dito. Iniisip nya na baka may problema si Winter at kailangan nito ng makakausap kaya ganun na lamang ang chat nito sa kanya. 


Binisita muna ni Karina ang unit ni Winter kanina baka kasi nakauwi na ito. Subalit walang nagbukas ng pinto sa kanya kaya minabuti nyang dumeretsyo na ng play ground. 


Tinatawagan pa nya ito habang tumatakbo pa sya kanina papunta dito subalit hindi naman ito sinasagot ni Winter. Kaya mas nag aalala pa sya. 

 

 

 

 


"Sabi na nga ba darating ka!"

Nanlaki ang mga mata ni Karina doon at napakurap din sya ng marinig ang boses na paburito nyang mapakinggan.


Lumingon sya sa pinanggalingan ng tinig na iyon at doon nya nakita si Winter na abot mata ang ngiti.
Kaagad syang tumakbo sa kinatatayuan ng dalaga at mabilis nya itong niyakap ng mahigpit. 

 

"I'm sorry! Hindi agad kita napuntahan. I'm  sorry" Bakas sa boses nya ang kanyang senseridad. Talaga kasing nag aalala sya kay Winter at disappointed sya sa sarili nya dahil hindi nya agad ito napuntahan. 


Habang magkayakap sila, hindi parin makakilos si Winter dahil sa pagkabigla. Napakurap pa sya doon ng dalawang beses at tila parang hinahabol ang kanyang hininga subalit hindi nya ito ipinapahalata kay Karina. 


Parang iba kasi yung impact ng pagkaka yakap sa kanya nito lalo na yung mga sinabi nito sa kanya. Hindi nya maintindihan, pero sa utak nya parang may kakaiba. 


Maya maya ay tinapik na rin ni Winter ang likod ni Karina at saka nya inihiwalay ang sarili nya sa dalaga. 


Nagulat sya ng makita ang itsura ni Karina. Puno ng lungkot ang mga mata nito. 

 

 

"Hey! Anong problema?" Hinawakan nya ang isang pisngi neto at sa isa uling pagkakataon,  muli syang niyakap ni Karina. 


"Nag alala ako sayo. Alam mo ba yun?  Hindi mo sinasagot yung mga tawag ko kanina. Kung ano ano na ang pumasok sa utak ko" magkakasunod nyang sabi.

 

Napahinga nalang ng malalim si Winter habang nakasandal sya sa bandang chest ni Karina. Saka sya simpleng napangiti. 


Pinakalma nya muna ang dalaga at muling iniharap ito sa kanya. 


Ngumiti sya rito "Stop worrying,  okay?....I'm fine...and sorry hindi ko namalayan na tumatawag ka pala kanina. Naka silent ang phone ko at saka bumili ako neto oh.. " pinakita nya ang dala nyang plastic na may laman na dalawang milk tea habang nakangiti parin "ang haba kasi ng pila eh. Tapos yung phone ko nandito sa bag ko kaya...."

 

Hindi na sya natapos ng biglang ngumiti si Karina sa kanya at kaagad syang inakbayan at marahan na ginulo ang kanyang buhok. 


"You don't need to explain." Ngumiti uli sya sa dalaga "Ayos na akong malaman na okay ka"

 


Pagkatapos ng sandaling iyon,  niyaya na ni Karina si Winter na umupo sila sa magkatabing duyan na malapit sa isang malaking puno. 


Maya maya pa ay naisipan na ring itanong ni Karina kung bakit sya chinat ng dalaga. 


Pinaliwang naman ni Winter na nag aalala sya para dito kasi sa mga nakaraang araw nakikita nya sa mga mata ni Karina na parang may mali at ramdam din nya na parang hindi sila okay ng mga kaibigan nyang sila Giselle at Ningning. Kaya naisipan nyang imbitahan ito sa play ground upang kausapin at makapag relax din kahit na papaano. 


Saglit na napangiti si Karina ng marinig nya iyon. 
Maaaring may amnesia nga si Winter subalit naniniwala parin ang dalaga na may puwang parin sya sa mga ala ala nito.

Madalas kasing gawin ni Winter sa kanya ang bagay na yun dati. Pag bad trip sya,  wala sa mood,  naiinis, agad syang inaaya nito sa isang play ground upang makapag unwind. At natutuwa si Karina doon dahil nagawa uli sa kanya ito ng dalaga ngayon. 


Walang ideya si Winter kung anong klaseng kilig ang dumadaloy sa katawan ngayon ni Karina dahil sa ginawa nyang iyon. 

 

Kinuwento narin ni Karina sa kanya na nag kaayos na silang tatlo kanina kaya wala sila sa kanilang unit at napaliwanag narin nya dito na na Battery empty ang phone nya kaya hindi sya makontak ng dalaga. 


Nakahinga naman ng maluwag si Winter doon at walang pag aalinlangan na hinawakan nya ang kamay ni Karina kasabay ang isang maganda at matamis na ngiti mula sa kanyang mga labi. 

 

"I'm glad to know that you're already alright" 
Nakatingin lang si Karina sa kamay ng dalaga. Natutuwa syang maramdaman muli ang paghawak nito sa kanya.


"Basta pag may problema ka or hindi ka okay,  lagi lang akong nandito for you" ngumiti uli si Winter sa kanya bago nya alisin ang kanyang kamay sa kamay ni Karina. 

 

Ngumiti din sa kanya ang dagala at nagpasalamat. Todo pa ang pag pigil nito sa kanyang kilig habang iniinom ang kanyang milk tea na bigay ni Winter kanina.

 

Pag katapos ng pag uusap nila at pag tambay sa play ground,  nag pasya narin silang umuwi. Syempre hinintay muna ni Karina na makapasok si Winter sa sariling unit nito bago sya pumasok sa unit nilang tatlo nila Giselle at Ningning.

 

 

Hindi nya na napigilan ang kanyang sarili sa pag ngiti ng malawak at sinabayan pa nga nya ito ng pag kanta. At maya maya ay agad nyang kinuha yung unan sa may couch at saka ito pinag susuntok suntok. Sobra ata ang kilig nya kaya naging hyper sya.

 

 

"Anak ng! Taena!  Akala ko kung sino na yung umiiyak eh. Kumakanta ka pala! Konting katahimikan lang naman Karina oh! " Pagbasag ni Giselle sa kakiligan ni Karina. 


Kasalukuyan kasing ginagawa ni Giselle ang trabaho na inuwi nya at hindi sya makapag concentrate dahil sa ingay ni Karina. Nakabukas din kasi ng kaunti ang kanyang pinto kaya naman dinig na dinig nya ang boses ng kaibigan nya. 

 

"HAHAHAHAHA ay sorry! Masaya lang!" Nilapitan pa nya si Giselle at saka inakbayan at ginulo gulo ang buhok nito 

 

"Leche!  Ang hyper mo!!!" hinampas nya ang braso ni Karina na nagpatawa naman sa dalaga. 


"hahahahaha bakit parang ang sungit mo huh!?" 


"Pano! Nagtatrabaho ang tao tapos bigla kang iiyak este kakanta dito! Nakabukas pa man din yung pintuan ko! "

"Hahahaha kasalanan ko bang bukas pinto mo!?"


"Ewan ko sayo! "

 

"Hala!  Ang sungit mo talaga! Hahaha"

 

"Broken ata yan eh"

 

Parehong napasigaw si Giselle at Karina ng biglang may lumabas sa CR. Si Ningning pala. 

Halos sugudin na ni Giselle si Ningning dahil sa biglang pagsulpot nito. Buti nalang at mabilis syang nahila ni Karina. Kung hindi, gulo na naman ang masasaksihan nya.

 

 

"Hahahahaha! Ang ganda ng reaction nyong dalawa!  Epic!" Tawang tawa si Ningning ng makita nya ang itsura nila Karina at Giselle. 

 

"Langya!  Hahahaha bakit kasi bigla kang nang gugulat!? Buti nalang good mood ako hahahaha" Karina. 

 

"Sarrehh na!" natatawa parin sya kahit parang namimilipit sya sa sakit ng tyan nya. "Bigla kasing humilab yung tummy ko eh. Nasobrahan ata ako sa coffee kanina. Kaya nandito ako ngayon. Wala lang Share ko lang."

 

"Buti nga sayo!  Sana lalo pang sumakit yang tyan mo! Leche ka! Kung mang gulat ka wagas!"

 

"Hahahaha!  Ang sama mo! Broken ka nga siguro!  Hahahaha" Pang aasar pa nya sa kaibigan nya. Masakit na lahat lahat ang tyan nya nakuha pa talagang mang asar! 

 

"Langya ka Ningning ah!  Hindi mo ko titigilan!!?"

 

"Hahaha hindi na nga eh! Tatahimik na ako!... Karina hawakan mo lang yan ah pasok na ko sa kwarto,  papahinga ko na lang muna to" Hawak parin nya ang tyan nya saka kumaripas ng takbo sa kanyang kwarto. 

 

Tatawa tawa namang binitawan ni Karina si Giselle. 
"Anyare sayo?  Bakit parang iba ata ang mood mo ngayon?" 

 

"Nag tatrabaho nga kasi ako!  Ang kulit ah!"


Hinarap ni Karina si Giselle sa kanya 


"I know you!  Alam kong may mali,  ano yun?"

Natigilan naman doon si Giselle kasi alam nyang seryoso na si Karina. 

 

"Wala nga"


"Isa!  Giselle! "


"Oo na!  Mag sasalita na!  Pero wag tayo dito. Dun nalang tayo sa roof top. Baka mamaya bigla na namang lumabas yung isa,  masapak ko pa yun pag umepal."

 

"HAHAHAHA sira ka talaga!  Tara na sa taas!"

 

Pag karating nila sa roof top agad ng nag salita si Karina. 

"Anong meron huh? Bakit iba ka ata ngayon?"


Umiwas ng tingin sa kanya si Giselle at sa halip ay sa malayo sya tumingin. 


Magkatabi sila sa isang mahabang bench sa rooftop. 


Matiyagang hinihintay ni Karina ang sagot ng kaibigan nya hanggang sa nag pakawala na nga ng malalim na hininga si Giselle. 


Alam ni Karina na may kakaiba sa dalaga, kaya gusto nyang malaman kung ano ba ang gumugulo dito. 

 

 

"Karina..."  Pag uumpisa nya na nakatingin parin sa malayo. Saglit syang pumikit at tumingin sa sahig "He's back"


Halos mahulog si Karina sa kinauupuan nya, kahit kasi hindi banggitin ni Giselle ang pangalan ng taong yun,  kilala nya na agad ito. 

 

"Teka!... Ano!?"


Bumaling na ng tingin sa kanya si Giselle. 

 

"He's back" wala nyang ganang ulit. 
Napakurap doon si Karina. Kaya naman pala iba ang mood ni Giselle dahil sa isang tao. 

 

"Pano mo nalaman?  Kelan pa?" Takang tanong nya. 

 

"Hindi ko alam kung kailan pa sya bumalik dito. But we saw each other yesterday. Nabigla lang din ako. I did not expect na makikita ko pa uli sya." Seryosong tono pa nya. Ibang iba sya ngayon sa Giselle na nakasanayan na nakikita ng ibang tao. 

 

"What the!  Bakit hindi mo sinabi sa amin?" 

 

She smirks "Tangina! Pano ko sasabihin eh diba nag attitude kami ni Ningning sayo!?...." Napatawa tuloy sya ng bahagya ng maalala nya yung pagtatampo nila ni Ningning "saka hindi ko din nasabi kanina dahil ang ganda na ng mood natin,  sisirain ko pa ba? " Huminga sya ng malalim "kaya lang,  ang hirap parin palang itago." Tumawa sya saglit " Leche kasi yun eh! Bumalik balik pa dito!"

Tahimik lang na nakikinig sa kanya si Karina. Naiintindihan nya naman ito. Alam nya rin kasi ang pinag daanan ni Giselle dati. Kaya gets nya kung bakit ganito ang inaasta nya ngayon. 

 

"May balak ka bang ipaalam kay Ningning to?" 

 

"Baliw!... Pag nalaman nyang nandito yun,  magagalit yun." Napatawa uli sya. 

 

Hindi naman sa gusto nyang mag lihim kay Ningning. Ayaw nya lang makita na magalit ito.  Di hamak kasi na mas matagal syang nakasama nito kesa kay Karina at alam din lahat ni Ningning ang kwento ng buhay nya lalo na nga pag dating sa taong yun. 

 

"Pero baka sabihin ko din...hindi pa nga lang sa ngayon." Dugtong pa nya. 

Tinapik sya ni Karina sa balikat at saka niyakap. 

 

"Gusto mo ba patumba ko na lang yung lalaking yun? "
Bulong nya na nagpatawa ng todo kay Giselle. 

 

"HAHAHAHAHA gago!"

"Yan!  Tumatawa ka na ng totoo...langya yun lang pala kailangan eh hahaha"

 

"Hahahaha wag na nga nating pag usapan yung Sungchan na yun!....Tara balik na tayo sa baba...bigla akong ginutom hahaha"

 

"Hahahahaha Tsk tsk!  Yan gusto ko sayo eh!  Tara na!  Nagutom din ako eh"

 

"Lul!  Kinikilig ka lang kamo kaya gusto mong kumain hahahaha daya mo ah hindi ka pa nag kukwento! "

 

"Hahahaha mamaya pag baba natin!"

 

----


Kanina pang ngingiti ngiti si Winter habang nakatingin sa ceiling ng room nya. Hindi parin kasi sya makatulog. Kaya naman naisipan nya nalang tawagan ang Ate Taeyeon nya. 


Wala pang ilang saglit agad na itong sinagot ng mas nakakatanda sa kanya. 

 

"Hi Ate!! " Todo bati nya dito na sagad pa hanggang tenga ang ngiti at kinagulat iyon ni Taeyeon.  Pano ba naman kasi,  12:15am na tapos bigla syang babatiin ng malakas ng kapatid nya. Kakagising nya lang din dahil nga sa tumawag ito. 

 

"What the hell Wins! Bakit ka naman nang gugulat!  Alam mo ba kung anong oras na huh?"

Tumango tango naman ng parang bata si Winter sa kanya habang nakangisi parin. Wala ata syang paki alam na nagising nya ang ate nya.


Napakunot ng noo doon si Taeyeon. 

 

"Hoy!  Okay ka lang!? Ang creepy mo tingnan sis!"

Napa pout tuloy bigla si Winter ng dahil dun. " Ate naman eh!  Basag trip ka naman eh"

Agad naman ng napangiti si Taeyeon sa sinabi nya ,  ramdam nya kasing masaya ang kapatid nya. Kaya naman umupo na sya mula sa pagkakahiga upang makipag kwentuhan sa nakakabata nyang kapatid. 

 

"So anong meron huh?  At ganitong oras napatawag ka tapos todo pa ngisi mo kanina? " pang aasar nito. 


Napangiti muli dun si Winter dahil naalala na naman nya si Karina. 


"Hoy Winter! Kung sinasagot mo kaya yung tanong ko diba?  Hahahaha"


" Ay sorry hahahaha. 
Ano kasi ate eh..."

 

"It's Karina?  Tama? "

 

"Ate naman eh!" hinablot nya yung isang malaking teddy bear na malapit sa kanya at saka ito niyakap habang kinikilig. 

 

"Hahahahaha oh my God Winter! Ang harot ah!!!  Halatang halata ka na talaga hahaha" walang humpay na tawa ni Taeyeon. 

 

"Hindi ko naman na kasi gustong itago sayo eh. Hahaha....ang saya ko lang talaga Ate...magkasama kami kanina"

 

Sobra ang ngiti ni Taeyeon habang nakikinig sa mga kwento ng kanyang kapatid. Natutuwa sya para dito.
Damang dama nya ang kilig nito at wala syang balak na pigilan iyon. 

 

******************************************************

Sorry guys kung ngayon na lang uli ako naka pag update. 

Thank you sa lahat ng nakapag hintay ☺ 

at sa mga new subscribers super thank You. Ang  happy ko! Hahahaha

 

hopefully makabasa parin ako ng mga comments 😅

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Foreverwithyou12
Sorry guys ang tagal kong hindi nag paramdam!
Madami lang nangyare and unfortunately I forgot my password. Buti nalang after ilang tries, na open ko na uli.
Sorry sa mga nag hintay ng matagal. At thank you naman sa patuloy na nag susupport sa story na 'to. Susubukan ko ulit mag update. ☺️

Comments

You must be logged in to comment
Maatt_booii #1
Nasa haitus ba to?? Hehehe waiting na lang kay otor lung kailan mag uupdate
HelloMango
#2
Chapter 13: Hi po writernim, sana healthy po kayo will wait sa update mo anytime fighting
jmj1117 #3
Chapter 13: Hello author-nim, wag ka na tampo please. Update ka na ulit hihihi

Kidding aside. Ganda ng story. Patiently waiting for the next update. Fighting!
Miinjeongiee #4
Chapter 13: Hello po authornim, ang ganda po naman ng story nyo! Sana po maka update ulit po kayo! Sobrang ganda kasi! Nakaka kilig pa 🤧
ohyeah12 #5
Chapter 12: Ang cute ng banter ni Giselle and Ningning haha careful baka kayo magkatuluyan yiiieeeee hahahahah
lovebreaks #6
Chapter 12: Ano kaya yung “kasalanan” ni Karina kay Lucas at galit na galit siya?? Hayy

Possessive naman ni boi Lucas, hoy walang sayo Nicole HAHAHAHHA charot salamt sa update 💖
wenrene22
#7
Chapter 12: awwww mabuti naman at naintindihan nila Giselle at Ningning ang sitwasyon ni Karina sa pinagdadaanan nya at tama ang hula ko na dati nang magkarelasyon sila Karina at Winter doon palang sa ice cream na alam na ni Karina kung anong favorite flavor ni Winter and about naman kay Lucas ano naman reason nya bakit ang laki ng galit nya kay Karina? Thank you author-nim na enjoy ko naman ang update mo as always. : )
lovebreaks #8
Chapter 11: Uh oh 😦
Giselle and ningning about to know karina and winter’s past cant wait
lovebreaks #9
Chapter 11: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1471442/11'>Eleven</a></span>
OMG i love this long updates authorrr keep it up chos hhahahha
wenrene22
#10
Chapter 11: oh my, oh my ano na kaya yung nakita nila dun sa box at bakit sa kauna-unahan naging serious ang tono ni Giselle? 😱 acccckkkk gusto ko nang malaman 😭. Thank you author-nim andito lang ako ule mag aabang kung ano na ang mangyayari in the next chapter. mwahhhh~ 😙