Eleven

The Girl Next Door

                                        ***
"Tara dun naman tayo maglaro sa booth nila Seulgi" Excited na aya ni Winter kay Karina habang hawak hawak nya ang kamay nito. Wala naman na syang nagawa kundi pag bigyan ang dalaga.

Tuwang tuwa si Winter sa pag shoot ng mga ring sa bottle kahit wala pa syang naipapasok dito. Ika-anim na nyang tira ngunit bigo parin sya. Napabuntong hininga na lamang sya at saka humarap kay Karina at pilit na ngumiti. 

"Lipat na lang tayo sa iba?" 


Hihilahin na sana uli nya si Karina ng hindi ito kumilos kaya naman pati sya ay napahinto rin. 

"Gusto mo makuha yung teddy bear diba?" Simpleng Ngiti nya sa dalaga. Tumango naman ito habang nakapout. 

"Okay.....I got you! " Tinapik nya ang ulo nito na may kasama pang pag kindat bago sya nag bayad uli kina Seulgi. 

Unang subok palang nya na i-shoot yung ring sa bote, pumasok na ito kaagad, Ikinatuwa at ikinatalon naman iyon ni Winter. 

 

"Wow!! Ang galing!!!" Malawak nyang ngiti ng nakahawak pa sa magkabilaang balikat ni Karina. 
Binigay naman ni Seulgi ang Teddy bear na napanalunan ng dalaga at binigay naman nya ito kay Winter. 

 

"Thank You..... Sweet mo talaga! " Saglit syang yumakap kay Karina. 

"Nagustuhan mo ba?" Tanong nya ng makaharap na si Winter at magkakasunod na tango naman ang isinagot nito sa kanya.

Patuloy lang sila sa paglibot sa iba pang booth sa kanilang eskwelahan at sinusulit ang kanilang Foundation day. 

 

"Uy Winter, Karina... Paposas naman kayo oh... Wala pa masyadong kita yung booth namin eh... Sige na...Power couple!" Pagmamakaawa at pag papacute naman ng kaklase nilang half Japanese na si Shotaro.

 

"Naku Shotaro kung hindi ka lang cute mag salita pababayaan ka talaga namin nitong si Karina." Pang aasar pa ni Winter. 

 

Tumawa naman ang binata "Yun oh!!! So... Payag na kayo? " Tanong pa nya habang naka thumbs up. Sumama naman na ang dalawa papunta sa kanilang wedding booth ng nakaposas. 

 

Inumpisahan na ng pekeng pari ang seremonyas at dumating na nga ito sa dulo. 


"You may now kiss" 


Isang malakas na hiyawan at kantyawan naman ang binigay ng mga estudyanteng nakapalibot sa booth kung saan sila naroroon. 


Ngumiti sila sa isa't isa hanggang sa hawakan na nga ni Karina ang magkabilang pisngi ni Winter. 

 

"Kiss naaaa"


"Yieeee gooo!!"


"Kiss kiss kiss!!!"


Para namang nahiyang napangiti si Winter ng saglit syang napasulyap sa ibang mga estudyante.


"Kiss na daw" Pang aasar pa nya ng bumalik sya ng tingin kay Karina. 

Ngumiti naman uli ito sa kanya at saka inilapit ang kanyang mukha dito. Napapikit si Winter ng gawin nya iyon. Tanging kabog lang ng puso nya ang naririnig nya. Para bang mas malakas pa iyon sa sigawan ng mga tao. 

Napangiti uli si Karina ng makita nya ang reaksyon nito. Inangat nya ang kanyang ulo at inilapat na ang kanyang mga labi sa noo ng dalaga kasunod ang isang mabilis ngunit mainit na yakap. 

Nang dahil dun sari saring emosyon naman ang sumabog sa Wedding booth. May ilang sigaw parin ng sigaw dahil sa kilig. Ang iba naman halos mamilipit na sa inggit o kaya naman sasabunutan ang katabi nilang friends dahil sa single sila. 

 

"Ang pula mo" Tatawa tawang puna ni Karina kay Winter ng makalabas na sila sa booth nila Shotaro. 

Masama naman syang tumingin dito at inangat ang gilid ng kanyang bibig "Kasi naman----" Bigla syang Natigilan at napabuntong hininga nalang.

 

"Kasi ano? " Pang aasar pa ni Karina. 
Tumagilid sya bago nag salita "Ang hilig mong magpakilig" halos parang bulong na lang na sagot nya.

Napangisi naman doon si Karina at hinatak ang dalaga gamit ang pag akbay nya dito. 
                                           ***

 

 

"Baka naman gusto mong mag share ng coke Ningning. Pwede din yun... Wag ka mahiya" Sarcastic at Irap pa ni Giselle ng halos ubusin na ni Ningning yung isang 1.75 na binili nila. 

 

"Sorry naman... Nandito ka pala hahaha. Oh sayo na!" Sabay abot naman nya nito kay Giselle. 
Natawa at napailing nalang sila Karina at Winter sa kanilang dalawa. 


Weekends at napag desisyunan nilang apat na lumabas ng kani kanilang unit upang makapag bonding at unwind na din. Kaya naman pumunta sila sa isang park kung saan maganda ang tanawin at sariwa ang hangin. 

 

 

"Ohhh!!" Sigaw ni Karina ng makitang matatamaan si Winter ng isang bola na nilalaro ng mga bata malapit sa kanilang pwesto. Buti nalang at kaagad nyang naiiwas ang dalaga gamit ang kanyang mga bisig. 

 

"Sorry po Ate" Pagpapaumanhin ng batang sumipa ng bola. 

Tiningnan naman sya ni Karina at tumango "Just be careful next time, okay?"

 

"Opo...sorry po uli"

 

"Oh sya sige na maglaro na uli kayo,  ito yung bola nyo" Singit naman ni Ningning habang inaabot yung bola sa bata at umalis narin naman ito ng makuha nya iyon. 

 

 

"Okay ka lang?  Walang masakit sayo?" Kalmado ngunit bakas sa boses ni Karina ang pag aalala kay Winter. Nakahawak parin ang isang kamay nya sa ulo nito at ang isang kamay naman ay nasa balikat ng dalaga. 


Tumango si Winter sa kanya na may simpleng ngiti "Thank You sa pag iwas"

 

"Alis ba muna kami?... Sabi lang kayo ah! Hindi yung nang iinggit kayo sa harapan namin ni Ningning"

Napapitlag naman bigla si Karina at saka tinanggal ang pagkakahawak kay Winter. Samantalang nahihiya namang napatawa ang isang dalaga.

 

"Sira ka talaga!" Tumayo sya ng kaunti upang mabatukan ang baliw nyang kaibigan na si Giselle.

 

"Eh kasi naman!!.....Hay naku!!....makakain na nga lang" At sinunggaban na nga nya uli yung fried chicken na baon nila. 

Halatang nag eenjoy at masaya silang apat sa kanilang pagsasama habang nag kukwentuhan at kumakain din ng sabay sabay. 

 

"Pero grabe talaga...ang baho ng utot mo nun Giselle hahaha nakakahiya ka!" 


Halos sabunutan na ni Giselle si Ningning ng ipaalala na naman nito ang pag utot nya dati nung mag kaklase silang dalawa noong Highschool.

 

"Leche ka talaga!.... At least ako napahiya lang ng dahil sa utot... di katulad ng iba dyan!!... Binigay pa yung number dun sa taong gusto nya.. Eh hindi naman pala hinihingi hahahaha. Epic talaga. " Balik asar naman nya kay Ningning.

 

"Urggghhh!! Kainis ka! Wag mo na ngang ipaalala yun! Bwisit kasing Minju yun... Sabi nya hinihingi daw ni Chenle yung number ko...ayan tuloy! Gustong gusto ko pa man din yung lalaki na yun dati."

 

"Hahahaha hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako sayo nun habang nakasilip sa pinto ng classroom natin eh hahaha."

 

"Loko ka!!!... Pero nakakahiya talaga yun hahaha" hindi narin napigilan ni Ningning ang kanyang pagtawa.  "Sarap nalang balikan at tawanan yung mga ganung eksena hayyyyy"

 

 

"Ang saya nilang panuorin noh" Bulong ni Winter habang natatawa dun sa dalawa. 

"Sinabi mo pa...kahit narinig ko na yang kwento nila dati...natatawa parin ako pag naririnig ko uli ngayon."

 

 

"Oy ano!!!? Kanya-kanyang mundo tayo dito? Abay mag share din naman kayo sa amin hindi yung sinosolo nyo ang isa't isa." Panunukso pa ni Giselle at may isang mabilis na kamay nga ang dumapo sa kanyang braso. 

"Masakit yun ah" Himas nya dito 


"Kung ano ano kasing sinasabi mo!"

"Sus!  Gusto mo naman" Pabulong pa nya. 

"May binubulong ka ata... "

"Sabi ko ikaw naman ang mag kwento... Tsk!!"

 

"Oo nga Karina... Abay 2 years at mag tatatlong taon na tayong magkakakilala ni Giselle wala ka pang masyadong nakukwento sa amin." Ningning. 

 

"Wala naman kasi akong ikukwento." Irap pa nya sa mga ito. 

 

"Sige na mag kwento ka na din.....Like kung ano rin yung naging high school life mo" Excited namang suggest ni Winter na kaagad nagpakaba sa kanya. Napalunok at napakurap sya doon. Kahit kasi matagal na nyang nakakasama si Winter hanggat maaari iniiwasan nyang makapag kwento dito tungkol sa buhay estudyante nya dati. 

 

"Naku boring high school life nyan!... Wala kang makukuha dyan Winter...Ang kwento lang nyan sa amin dati bahay school lang sya."- Ningning. 

 

"Oo Winter kaya wag ka ng umasa dyan... Buti pa ikaw nalang ang mag kwento sa amin" Taas baba pang kilay na sabi ni Giselle. 

 

Parang bigla namang nataranta si Winter doon. Pilit nyang hindi ito ipahalata ngunit sadyang naramdaman iyon ni Karina. Sisingit na sana sya sa usapan upang wag nalang pilitin si Winter na mag share subalit nakapag salita na ang dalaga. 

 

 

"Honestly... "Napakamot sya sa kanyang ulo "Masyado na kasing matagal yun eh kaya wala din akong masyadong maalala" Pagdadahilan nya habang pilit na tumatawa. Ang totoo nyan selected memories lang talaga ang naaalala nya. Kaya hindi nya alam kung ano ba ang dapat nyang ikwento sa kanilang tatlo. Konti lang ang memories na nananatili sa utak nya nung sya ay high school. 

 

"Sige na kahit little lang" Ningning. 

 

"Ahmmm....sige na nga" Ngumiti sya at saka huminga ng malalim "Nung first year high school ako...may ginawa kaming pandaraya ni Lucas..." Bigla syang natawa "exam week kasi namin nun....tapos one time hindi ko masyadong nareview yung isang subject namin...before kami mag start nabanggit ko yun kay Lucas then he adviced me na wag ko munang lagyan ng name yung test paper at ganun din sya...sobrang sabaw talaga ako nun kaya wala ako masyadong nasagot...tapos sinenyasas ako ni Lucas to exchange our test papers...grabe kamuntikan na kaming mahuli nun buti nalang magaling sa pagpapalusot si Lucas at naitawid namin ng maayos yung pagpapalitan namin...pagkakita ko nung papel nya nasagutan nya lahat yung sa kanya samantalang yung akin bungi bungi hahaha....and ayun nga ang result, pareho kaming pasado."

 

 

"Potek!! Ang lupet nun!" Manghang sabat ni Ningning. 


Napasulyap naman si Giselle kay Karina at napansin nya itong nakatitig lang kay Winter at may isang malungkot na ngiti. 

 

(Ang swerte ni Lucas... Kasi may puwang sya dyan sa ala ala mo...Samantalang ako...hindi mo parin maalala)  Sa isip ni Karina. 

Agad na inilihis ni Giselle ang topic nila upang maiba din ang mood ni Karina at nagtagumpay naman sya doon. Binalik nya ang usapan kay Ningning at walang humpay na naman ang kanilang pag aasaran. Halos sipain at pagsasapakin na ni Ningning si Giselle dahil sa pag babalik nito sa mga nangyare sa kanya nung high school at college pa sila. 

 

 

"Girls... Bili muna ako ng sitsirya natin paubos na eh at water na din" Nakangiting sabi ni Karina. 

 

"Sama na ako sayo" Singit ni Winter habang nakakapit sa isang braso ng dalaga. 


Hindi naman na tumanggi pa si Karina at isinama na nya si Winter sa malapit na convenient store sa Park. 


Kumuha na sila ng mga gusto nilang kainin na sitsirya at tubig. Pagkatapos ay pumila narin sila upang magbayad. 

 

"Karina, okay lang ba kung mag CR muna ako sa labas... Hindi ko na talaga kaya" Pagpapaalam ni Winter. 


"Gusto mo samahan muna kita at Iwan ko nalang muna to dito?"


"Naku hindi na...malapit lang naman yung CR saka sayang yung pinila natin"


"Hmmm.. Okay sige" Tumango at ngumiti sya dito. 

Lumabas naman na si Winter ng convenient store at kumaripas ng takbo sa katabi nitong Comfort room. 


Maya maya ay nakapagbayad narin si Karina at lumabas narin doon. Nanlaki ang mga mata nya ng makitang parang hinaharass si Winter ng isang lalaki kaya naman nagmadali syang pumunta sa kinatatayuan ng mga to habang bitbit bitbit ang mga pinamili nila. 

Hinawi nya ng marahan si Winter gamit ang isa nyang upang mapunta ito sa kanyang likuran. 

 

"Anong problema dito?" Naiinis na tanong ni Karina sa lalaki. 


Ngumisi naman ito ng nakakaloko sa kanya "Nagpapakilala lang naman ako sa kasama mo Miss." Amoy sa hininga at kita sa kilos ng lalaki na nakainom sya.

 

"Ang kulit kulit nya Karina...tapos pilit pa nyang kinukuha yung number ko" Medyo iritang sabi naman ni Winter. 

Napakunot si Karina ng noo ng marinig nya iyon at kinagat ang kanyang mga ngipin. 


"Wala naman sigurong masama dun..."Tumawa pa ang lalaki "Sige na miss, para number lang naman" Pagpupumilit pa nito at akmang hahatakin si Winter mula sa likuran ni Karina mabuti nalang at agad nyang napigilan ito gamit ang pag tabig ng marahas sa kamay ng lalaki. 

Nagulat doon si Winter at napakapit sa damit ni Karina. Naramdaman naman ng dalaga iyon at napabuntong hininga nalang sya dahil ramdam nyang tensyonado na si Winter. Hanggat maaari pinipigilan nya ang pagkainis nya sa lalaki subalit makulit ito at ayaw talagang paawat. Patuloy ito sa pagkuha kay Winter kaya naman agad na lumading ang kamao ni Karina sa mukha nito na ikinasigaw ni Winter. 

 

"I warned you already...stop bothering her" Gigil ni Karina habang nakadapa na yung lalaki sa semento at nakadagan sya dito habang hawak hawak sa likuran ng lalaki ang mga kamay nito. Walang magawa ang binata kundi ang magsisigaw sa sakit. Ilang sandali pa ay nangialam na ang security guard ng convenient store at inawat na rin si Karina. Pinalayas narin nito ang nanggulo na binata at sinigurado na hindi babalikan ang dalawang dalaga bago ito bumalik sa binabatayan nyang convenient store. 

 

"Sorry kung hindi kita sinamahan kanina...hindi ka sana nabastos ng loko na yun" Concern na sabi nya kay Winter 

 

"Yung... Yung kamay mo Karina" Sagot nya na para bang hindi nya narinig ang sinabi ng dalaga. Nakatingin lang sya sa namumula at parang namamagang kamay ni Karina na naging resulta ng malakas na pagsuntok nya sa lalaki. 

 

"Wag mong alalahanin to... Wala lang to" Pabiro nyang sabi na tatawa tawa pa. "Ang importante... Nalayo kita dun sa bastos na yun at-----"

Napakurap sya at napaatras ng kaunti ng bigla syang yakapin ni Winter. 

 

"Wag mo na uli uulitin yun" Sambit nya ng nakasubsob ang mukha sa kanang dibdib ni Karina. "Tinakot mo ako... Paano kung pinatulan ka nun?"


Nagulat sya sa naging reaksyon nito subalit hindi na nya iyon pinahalata pa. Nilapat nya ang isang kamay nya sa likod ni Winter habang tinatapik tapik pa ito upang maibsan ang kayang pagaalala. 

 

"Sorry kung natakot ka...hindi na mauulit yun" 
Hinarap nya si Winter sa kanya at doon nya napansin ang pangingilid ng luha ng dalaga. 

"Oy wag ka namang ganyan oh...pinrotektahan lang kita kaya ko ginawa yun" Hawak nya sa magkabilang balikat nito. 

"Kahit na.... Hindi parin natin alam ang pwedeng gawin nung lalaki na yun"

Ngumiti na lang si Karina "Sige na hindi na mauulit... Bumalik na tayo kina Giselle." Tapik pa nya sa ulo nito at sinigurado na kalmado muna si Winter bago sila lumakad. 

Nang makabalik na sila sa kanilang pwesto agad na napansin ng dalawa ang panyong nakapulupot sa kamay ng kaibigan nila. Inilagay iyon ni Winter kanina. 

 

"Oh anyare dyan huh!?" Bulyaw ni Giselle.

Natawa naman si Karina dahil bakas sa mukha ni Giselle ang pag aalala. Kahit naman baliw iyon madalas, hindi naman maipagkakaila na sya ang pinaka thoughtful sa kanilang tatlo. 
Ikinuwento na ni Winter ang buong pangyayari doon sa dalawa.

 

 

"Shockssss!! Parang naawa ako bigla dun sa lalaki hahaha" Ningning. 

"Sama mo!" Karina

"Aba bakit? Karina baka akala mo nakakalimutan namin yung sinabi mo dati na black belter ka sa Taekwando?...Girl it's a big NO!...naalala ko pa nga yung sinupalpal mo yung bibig nung lalaki nung nag bar tayo last year kasi bigla nalang hinigit si Ningning... Woohhh Grabe ang astig mo talaga nun...napadugo mo yung nguso nya."

Nagtawanan na sila sa kwento ni Giselle dahil may kasama pa iyon na actions. Pagkatapos ng makulit nilang pag uusap ay bumalik na uli sila sa pagkain. Ngunit hindi pa man nagtatagal bigla nalang napahawak si Winter sa ulo nya ng kumirot ito. Napansin iyon ni Karina kaya agad syang napakapit sa braso ni Winter. 

 

"Uy Winter.... Okay ka lang?"  Pag aalala ni Ningning. 


Tumango naman doon ang dalaga at pinilit na ngumiti subalit mas kumirot pa uli ang kanyang ulo habang may nagpa-flash na naman sa kanyang isipan. Ngunit hindi ito malinaw sa kanyang ala ala kung ano ang pangyayaring iyon. 

 

"Umuwi nalang muna tayo at magpahinga ka na lang din...sige na" Pag kukumbinse pa ni Karina dito at ganun din ang ginawa nila Ningning at Giselle kaya naman napapayag na din nila si Winter. 

 

------
"Sasamahan nalang muna kita dito hanggang sa makapagpahinga ka"
Sambit ni Karina na may halong pag aalala parin kay Winter. 

Ngumiti naman ito sa kanya bago sumagot "Okay lang ako...don't worry... Magpapahinga ako kaagad...sige na pumasok ka na sa unit nyo...ayos na ako dito"


Kahit ayaw ni Karina na iwan ito wala na syang nagawa kundi ang sumunod nalang kay Winter. 
Pagkalabas ni Karina agad na kinuha ng dalaga ang gamot nya at ininom ito. 

 

"Please mawala kana" Pigil nyang sigaw dahil sa pagkakirot parin ng kanyang ulo. Nakahawak na sya dito at nangingilid naman ang mga luha nya sa kanyang mga mata. 

 

"Sino ka ba talaga??.... Gustong gusto na kitang maalala....bakit madalas kitang makita sa isipan at panaginip ko?  Ikaw ba ang dahilan kung bakit pakiramdam ko may kulang sa akin...huh? "
Lumuluhang nakahawak si Winter sa kanyang kaliwang dibdib. Bakas sa kanyang mukha ang pangungulila sa mga ala alang hindi nya matandaan. 

 

 

-----------
Isang linggo na ang nakalipas magmula ng mag bonding silang apat sa Park at muling sumakit ang ulo ni Winter. Buti nalang ngayon ay maayos na uli ang kanyang kalagayan. Pinaalam nya din iyon sa kanyang ate kaya naman napag desisyunan ni Taeyeon na mag stay muna ng ilang araw sa unit nito. Upang mabantayan at makapag bonding uli sila. Samantalang sila Giselle,  Ningning at Karina naman ay pinili na wag na munang istorbuhin ang magkapatid. 

 

 

"Tae naman ang alikabok na dito sa unit natin!" Reklamo ni Ningning habang pinupunasan yung bintana nila. 

"Kaya nga tayo nag Ge-general cleaning ngayon diba? Tsk!" Karina. 

"Oo na oo na" Then she rolled her eyes. 

 

Habang busy silang dalawa sa sala, si Giselle naman ay abala sa paglalabas ng mga gamit mula sa kani-kanilang kwarto at inuuna nga nya ang kwarto ni Karina. 

 

"Grabe din talaga tong babae na to... Minsan ang sipag mag linis ng kwarto, madalas napaka kalat!... " Sumilip sya sa ilalim ng kama nito at pinahid ang kamay nya sa sahig "Lechunggas!! Ang dumi!! Urghhhh!!" pagkatapos nun ay tinanggal na nya ang mga gamit sa ilalim ng kama ni Karina at kasama na nga doon ang kahon na nakita nya dati. Binuhat nya ito papalabas, sakto namang nagmamadaling pumunta si Ningning sa sarili nyang kwarto na katabi lang ng kay Karina kaya ang ending nagkabungguan sila ni Giselle, at nasanggi ni Ningning ang takip ng kahon na dala ng kaibigan nya dahilan ng pagkalaglag nito sa sahig. 

 

"Naman oh!! Di kasi tumitingin sa dinadaanan eh! " Reklamo ni Giselle na nakatingin ng masama kay Ningning. 

 

"Sorry na... May tumatawag kasi sa phone ko" Kamot nya sa kanyang batok at akmang aalis na subalit agad syang pinigilan ni Giselle. 

 

"Kunin mo muna yung takip!"


"Kaya mo na yan! "


"Isa!! Kunin mo na!  Kita mong hirap na nga ako dito oh!"

Kumaripas na si Karina sa pinanggagalingan ng ingay

 

"Ano ba na---" Bigla syang natigilan ng makita nya kung ano ang hawak hawak ni Giselle. Malakas na magkakasunod na kabog sa dibdib ang agad na naramdaman ni Karina at malamig na pawis sa kanyang likod. 

 

"Hoy bakit tulala ka dyan!?" Irita namang tanong ni Giselle. Hindi nakasagot si Karina at patuloy lang itong nakatitig sa kahon. 


Napakunot naman ng noo ang dalawa at sabay na sumilip sa laman ng kahon na kasalukuyan namang nakabukas. 

Napatakip ng bibig si Ningning habang si Giselle naman ay napakurap at napanganga ng makita nya ang ilan sa mga nilalaman nito.Tumingin sya kay Karina na para bang ang dami nyang gustong malaman. 


Nahimasmasan naman na ang dalaga at nakita ang reaksyon ng kanyang mga kaibigan. 

 

"Would you mind telling us something, Karina?" Isang seryosong boses ang lumabas sa mga bibig ni Giselle na mas nagpakaba pa kay Karina dahil iyon palang ang kauna unahang pagkakataon na narinig nya ang ganoong tono ng pananalita ni Giselle.

 

 

*************************************************************

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Foreverwithyou12
Sorry guys ang tagal kong hindi nag paramdam!
Madami lang nangyare and unfortunately I forgot my password. Buti nalang after ilang tries, na open ko na uli.
Sorry sa mga nag hintay ng matagal. At thank you naman sa patuloy na nag susupport sa story na 'to. Susubukan ko ulit mag update. ☺️

Comments

You must be logged in to comment
Maatt_booii #1
Nasa haitus ba to?? Hehehe waiting na lang kay otor lung kailan mag uupdate
HelloMango
#2
Chapter 13: Hi po writernim, sana healthy po kayo will wait sa update mo anytime fighting
jmj1117 #3
Chapter 13: Hello author-nim, wag ka na tampo please. Update ka na ulit hihihi

Kidding aside. Ganda ng story. Patiently waiting for the next update. Fighting!
Miinjeongiee #4
Chapter 13: Hello po authornim, ang ganda po naman ng story nyo! Sana po maka update ulit po kayo! Sobrang ganda kasi! Nakaka kilig pa 🤧
ohyeah12 #5
Chapter 12: Ang cute ng banter ni Giselle and Ningning haha careful baka kayo magkatuluyan yiiieeeee hahahahah
lovebreaks #6
Chapter 12: Ano kaya yung “kasalanan” ni Karina kay Lucas at galit na galit siya?? Hayy

Possessive naman ni boi Lucas, hoy walang sayo Nicole HAHAHAHHA charot salamt sa update 💖
wenrene22
#7
Chapter 12: awwww mabuti naman at naintindihan nila Giselle at Ningning ang sitwasyon ni Karina sa pinagdadaanan nya at tama ang hula ko na dati nang magkarelasyon sila Karina at Winter doon palang sa ice cream na alam na ni Karina kung anong favorite flavor ni Winter and about naman kay Lucas ano naman reason nya bakit ang laki ng galit nya kay Karina? Thank you author-nim na enjoy ko naman ang update mo as always. : )
lovebreaks #8
Chapter 11: Uh oh 😦
Giselle and ningning about to know karina and winter’s past cant wait
lovebreaks #9
Chapter 11: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1471442/11'>Eleven</a></span>
OMG i love this long updates authorrr keep it up chos hhahahha
wenrene22
#10
Chapter 11: oh my, oh my ano na kaya yung nakita nila dun sa box at bakit sa kauna-unahan naging serious ang tono ni Giselle? 😱 acccckkkk gusto ko nang malaman 😭. Thank you author-nim andito lang ako ule mag aabang kung ano na ang mangyayari in the next chapter. mwahhhh~ 😙