Twelve

The Girl Next Door

"Grabe lang talaga!..." Irita na napabuntong hininga si Ningning "Hindi parin ako makapaniwala sa nalaman natin ngayon... Alam mo yun parang ang bigat bigat sa dibdib! It seems like, she doesn't trust us" Dismayadong sabi nya kay Giselle. 


Nakatambay lang silang dalawa ngayon sa roof top ng tinitirahan nila, samantalang si Karina naman ay naiwan sa kanilang unit at pinili na magkulong nalang sa kwarto. Hindi nya din kasi alam kung paano haharapin ng maayos ang dalawa dahil alam na nila ang tungkol sa nakaraan nya.

 

"Kahit ako... I never imagined her na maglilihim sya sa atin...Kasi we treat each other like a real sister...But...." Huminga ng malalim si Giselle "I can't blame her...Ang hirap din ng situation nya......Imagine,  Winter is suffering from traumatic brain injury at hindi nya makilala si Karina until now....Sobrang nakaka frustrate yun for Karina.....Kasi hindi sya maalala ng taong mahal nya... Na sa dinami rami na ala alang pwedeng mawala kay Winter ay yung ala ala pa nito sa kanya yung napili....I mean....may mga hindi parin naman naaalala si Winter na mga events with her family gaya ng kinuwento sa atin kanina ni Karina....Pero ayun...ang sakit lang din kasi parang kahit isang alaala nya sa friend natin, walang naremain sa kanya." Ang mukha ni Giselle na halos araw araw nakikitaan ng masigla at palabirong aura,  ay makikitaan ngayon ng isang malungkot at tila nasasaktan na itsura. 

 

"Hayyyy.... Kahit gustuhin kong magtampo, mainis o magalit sa kanya... Parang hindi ko kaya, kasi mas gusto ko na intindihin sya....bakit kasi hindi nalang yung Lucas na yun yung nakalimutan ni Winter!" Naiinis na pahayag naman ni Ningning "Alam mo yun, bwiset na nga ako kay Lucas dati mas nabwiset pa ako ng malaman natin kanina na magkaibigan pala sila ni Karina dati....silang tatlo...tapos ganun!?...parang tinake advantage nya yung pagkakaroon ng amnesia ni Winter para mas mapalapit ito sa kanya at tuluyang ilayo sya kay Karina!...Naiinis ako kasi ang sama ng ugali nya!"


Tinapik muna ni Giselle ang kaibigan nya sa balikat upang pakalmahin saglit. Gets nya naman si Ningning pero sa tingin nya hindi sya pwedeng mang husga kaagad "Naiintindihan ko yung galit mo kay Lucas at awa mo kay Karina...pero..."

 

"Panig ka kay Lucas?" Taas kilay na tanong ni Ningning. 

Huminga naman ng malalim si Giselle " Hindi naman sa ganun... Ang akin lang, hindi natin alam ang side ni Lucas... Kasi kung titingnan natin kung paano nya alagaan si Winter, hindi ko makitaan na may masama syang balak eh"

 

"God Giselle! Paano kung nag peprentend nga lang sya diba!? Para hindi na maalala ni Winter si Karina!...Nakita rin naman natin kung paano pakitunguhan ng Lucas na yun ang kaibigan natin!...I just really hate him!"


Hinayaan nalang ni Giselle na maglabas ng sama ng loob si Ningning, tutal naman mukhang wala din itong balak makinig sa kanya. At napaisip rin sya sa mga sinabi nito. Paano nga kung sadyang nag kukunwari lang si Lucas na maganda ang intension nya kay Winter upang tuluyan na itong makalimot sa tunay nyang nakaraan. 

 

 

---
Binaling ni Karina ang patingin nya sa kahon na naglalaman ng ala ala nila ni Winter. Kinuha nya ito at muling binuksan. Doon bumungad sa kanya ang mga lumang litrato nilang dalawa, mga panahon na sila ay masaya, walang inisip kundi makasama ang isa't isa, naroon rin ang mga sulat nito sa kanya nung sila ay nag aaral pa. At ang mga litrato din na kasama pa nila si Lucas. 

 

 

 

"Sorry kung hindi ko pa kayang magpakilala sayo" Her voice cracked kasabay ng pagkawala ng mga luha nya sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang hawak nyang litrato kasama si Winter. 

Sobrang sabik na sabik sya na makabalik na silang dalawa sa dati nilang relasyon subalit hindi naman sumasangayon ang panahon. Ayaw nyang biglain si Winter, ayaw nyang pwersahin ito na maalala syang muli dahil alam nyang mahirap ito para sa dalaga. Kaya hanggat kaya nyang mag tiis sa paghihintay na bumalik ang ala ala ni Winter gagawin nya, kahit nasasaktan narin sya. Hindi nya gustong ipakita ang emosyon nya sa ibang tao maging kina Ningning at Giselle, dahil ayaw nyang maging mahina sa harapan ng mga ito. Kaya madalas kinikimkim nya nalang ito sa kanyang sarili at tanging unan nya lang ang nakakaalam at nakakaramdam ng kanyang lungkot at mga luha. 

 

 

 

 

------


"You're Late!" Taas kilay na sabi ni Winter ng umupo sa harapan nya ang taong kanina pa nya hinihintay. 

 


"I'm sorry... Si dad kasi may pinahabol pang documents...sinabi ko naman na magkikita tayo...kaya lang...."


Biglang tumawa si Winter ng makita nyang parang natataranta ito dahil sa sunod sunod nyang pagpapaliwanag. 

 

 

"Hahaha you're cute Lucas!" tumayo sya ng konti upang pisilin ang mga pisngi ng binata. 
Nakahinga naman ng maluwag si Lucas ng marealize nya na binibiro lang sya ni Winter. Bakit nga ba hindi agad pumasok sa utak nya yun? Madalas namang gawin sa kanya ni Winter ang bagay na iyon. 

 

"You! Urghhh" He chuckles "Anyways! Finally nag aya ka din na magkita tayo...ang tagal na nating hindi nag bobonding...so what's up? " Taas baba nyang kilay kay Winter. 

 

"Hahaha sorry na... Busy lang talaga ako saka if I know mas busy ka pa sa akin kaya hindi na din kita ini istorbo"

 

"Sus! Ako pa ang ginawa mong dahilan...Ikaw busy? Busy saan? .....Dun sa tatlo? Kina Giselle, Ningning lalo na dun sa Karina na yun?" he smirks and shakes his head. 


Madalas din kasing ikwento ni Winter yung tatlo sa kanya. Kahit sobrang limit nalang nilang magkita ni Lucas, madalas parin naman silang mag chat or minsan video call pa. Matagal narin naman na nilang kilala ang isa't isa kaya hindi na bago sa kanila ang ganoong bagay. 

 

"Uy grabe ka naman! Bakit ba parang ang init lagi ng dugo mo dun sa tatlo lalo na kay Karina huh?..."Pabiro nyang sabi sabay irap "Gosh Lucas ah...ang tagal ko na silang kilala pero pag ikukwento ko sila sayo parang lagi kang hindi interested...Tell me...hindi mo ba sila gusto para sa akin?" She pouts. 

 

Pumikit saglit si Lucas at huminga ng malalim. "Yah!! Ano ka ba? Anong drama yan huh?" He pinches Winter's cheek

 

"Hindi ako nag dadrama noh! Yun talaga yung napapansin ko sayo.....bakit ba kasi?" She crosses her arms. 

 

"I just don't like them for you. Simple as that" tumawa sya ng mahina pero sa loob loob nya, totoo talaga yung sinabi nya. 


Hindi naman sa ayaw nya din kina Giselle at Ningning, siguro nagkataon lang na konektado ang mga ito sa taong malaki ang galit nya. 

 

"Hey! Wag ka namang ganyan!...Gustong gusto ko talaga silang kasama... Ang saya saya lang lagi... Saka diba sinabi ko din naman sayo dati na inaalagaan nila ako....lalo na si Karina"

 

He greets his teeth pagkarinig nya ng huling sinabi ni Winter. Pero pilit nyang kinalma ang kanyang sarili "Inaalagaan din naman kita ah...remember I'm your bestfriend since elementary...and your ex fiance " Tumawa sya sa huli nyang sinabi. 

 

"Ayan ka na naman!...you're making me feel guilty again Lucas." 

 

"Hahaha that's good to hear!...baka sakaling maging tayo uli diba?" Biro nya habang tumatawa. 

Mukha namang hindi nagustuhan iyon ni Winter kaya tumahimik na lang sya. Basta pag dating sa ganung topic, nagiging uncomfortable sya. Alam naman kasi nya sa sarili nya kung ano lang talaga si Lucas para sa kanya. 

 

"I'm just kidding okay?" He chortles

 

"Kahit na... Lucas alam mo namang---"

 

"Oo na...ayaw mo na kasi talaga" He smiles "And it's fine...as long na wala kang magugustuhan na iba" 

 

"Lucas! Stop it! " Irita ng sabi ni Winter. 


Hindi okay sa kanya yung huling binitawan na salita ni Lucas dahil nararamdaman nya sa kanyang sarili na may nagugustuhan na sya pero hindi pa lang nya maamin. 

 

"Fine! I'm sorry....let's just eat" Tinapik nya ng marahan ang kamay ni Winter na nakapatong sa lamesa bago sya ngumiti.

 

 

----
"So anong plano mo ngayon?"
Pang iintriga ng kaibigan ni Lucas sa kanya. 

 

"For now wala pa...but you know me Kai, I won't let her remember her past na included si Karina." Nag iinit ang mga mata nya habang nakatingin sa malayo sabay inom sa hawak nyang baso na may lamang alak. 

 

Pagkatapos kasi ng pagkikita at pag uusap nila ni Winter kanina sa isang coffee shop, agad nyang kinontak ang dalawang kaibigan nya na sila Kai at Mark. Nakwento nya din sa mga ito ang nangyari kanina. 

 

Wala kasing bukambibig si Winter kundi si Karina, kung gaano na sila kaclose nito, kung gaano kagaan ang pakiramdam nya dito, kung gaano nya kagustong kasama si Karina. Dahil doon kaya naalarma lalo si Lucas. Hindi nya hahayaan na maalala muli ni Winter ang taong kinasusuklaman nya. Malaki ang galit nya kay Karina.

 

 

"Bro...hindi mo parin ba talaga napapatawad si Karina? Ang tagal na nun. And besides, that's not her fault" Singit naman ni Mark. 

 

"Kinakampihan mo ba sya!?" Kinuwelyuhan nya si Mark dahil hindi nya nagustuhan ang sinabi nito. 
Kahit ilang taon na kasi ang nakakalipas, hindi parin maalis alis ang galit nya kay Karina. 

 

"Gago!  Tama na yan Lucas!" Awat ni Kai at tinanggal ang pagkakahawak ni Lucas kay Mark. 

 

"Kahit kailan hinding hindi ko sya mapapatawad! Kasalanan nya ang lahat!"
Inubos nya ang laman ng kanyang baso bago sya tumayo at deretsyong lumabas ng bar. 

 

 

"Tangina talaga ng taong yun oh!..." Kamot sa ulo ni Mark "Sya ang nag aya tapos hindi man lang muna nagbayad bago umalis...!...Hati tayo Kai"

 

"Solohin mo yan!!! Kasalanan mo naman bakit nag walk out yun eh" Batok pa nito sa kaibigan nya bago sya pumunta sa dance floor. 

 

 

-----
Magkatabing nakaupo sina Giselle at Ningning sa couch nila habang panay ang palitan ng tingin sa isa't isa at para bang nag hihintayan kung sino ang mauunang magsalita sa kanila.

Dalawang araw na kasi nilang hindi pinapansin at kinakausap si Karina. Hindi rin naman sila kinikibo nito dahil naiintindihan nito ang nararamdaman nila. Alam naman ni Karina na nagtatampo ang dalawa sa kanya. Humingi sya ng sorry sa mga ito noong gabi din na iyon na sinabi nya ang tungkol sa kanyang nakaraan subalit sadyang hindi lang matanggap ng mga kaibigan nya na nagawa nya iyon. 

 

 

 

"Ikaw na kasi!" Siko at bulong ni Giselle kay Ningning. Ngunit rinig parin iyon ni Karina na kasalukuyan namang nakaupo sa hapagkainan nila na halos malapit lang din sa kanilang pwesto. 

 

"Bakit ako!?...ikaw na kasi!"

 

"Tae ka naman eh!...Ikaw na! Kasalanan mo naman...kung hindi mo kasi sinanggi yung takip hindi mangyayari to!"


Napalunok si Karina ng marinig nya iyon. Parang nakokonsenya na naman sya sa paglilihim nya sa mga ito. 

 

"Buset ka! Kung hindi mo kasi nilabas yung kahon,  hindi ko yun masasanggi...pakielamera ka kasi eh"

 

"Naglilinis nga tayo diba!? Common sense na lang... Kung meron ka nun ah!"

Biglang nag panting ang tainga ni Ningning ng sabihin iyon ni Giselle kaya humarap sya dito na may nanlilisik na mga mata. 

 

"Ano yung sinabi mo!!!?"

 

"Ay! Bingi ka na!?..." Pang aasar na tono pa ni Giselle "Sige ulitin ko ah...." Huminga sya ng malalim at akmang uulitin uli ang kanyang sinabi. 

 

"Urgghh! Talagang uulitin mo pa!" Hampas nya ng malakas sa braso ni Giselle. 

 

"Masakit yun ah!" Hila naman nito sa buhok ni Ningning. 

 

"Hala hoy! Tama na yan!" Awat ni Karina na nakapagitna na sa kanilang dalawa. "Wag naman kayong magsakitan" Pag aalala nya. Hindi nya rin natiis ang mga kaibigan nya. Kanina pa nya gustong awatin ang dalawa ngunit hindi nya magawa dahil nahihiya parin sya sa kanyang ginawang paglilihim sa kanila,  pero para kasing nagkapikunan na ang dalawa kaya pumagitna na sya. 

Tumahimik ang mga kaibigan nya at sadyang nagtitinginan lang ng masama sa isa't isa. 

Huminga ng malalim si Karina "Narinig ko yung usapan nyo. Ako ang dahilan kung bakit kayo nag aaway." Yumuko sya ng makaramdam uli sya ng hiya.

Napansin naman ng dalawa iyon kaya unti unti silang ngumiti. At nag thumbs up ng palihim 

 

"High five!" Sigaw na ni Giselle at itinaas  ang kanang kamay nya sa tapat ni Ningning. 


"Yes! Successful!" Apir ni Ningning. 

Tila naman parang naguguluhan si Karina sa nangyayari. Pinagloloko ba sya ng dalawa nyang kaibigan?

Tumawa sila Ningning at Giselle ng hindi parin nagbabago ang expression ng mukha ni Karina. 

 

"Hayyyy sabi na nga ba at kikilos ka eh...hahahaha" Akbay ni Giselle sa kanya. 


Napakurap naman si Karina doon. "A--anong..."

 

"it's planned!...scripted yun!" Saglit namang hinawakan ni Ningning ang magkabilang pisngi ng kaibigan nya bago sya ngumisi. "Sorry Karina....hindi kasi namin alam kung paano ka kakausapin pagkatapos ng inasta namin ni Giselle nung gabi na yun." dagdag pa nya. 

 

"Trueee! Kaya ito yung naisip namin na way... And effective naman pala" Tumingin sya kay Karina sabay kindat. 

 

"Kayo talaga!! " Mabilis nyang hinampas ang dalawa sa braso dahilan upang mapasigaw sila. "Hali nga kayo dito! " higit nya sa mga ito sabay akbay "I missed you!" Gulo nya sa buhok ni Giselle at Ningning. 

 

Tumawa naman sila at sabay na sinabing "We missed you too!" 

 

"Sorry kung naglihim ako"

 

"Kami nga dapat ang mag sorry kasi hindi namin kaagad inintindi yung situation mo." Ningning

 

"Hoy! Ikaw lang kaya yun!"

 

"Ang kapal ah! Dalawa tayo noh!"

 

"Ayan na naman kayo eh!! Kasama pa ba yan sa plano nyo? "

 

"Hindi!....totoong nabubwisit na talaga ako dyan kay Giselle"

 

"Hahaha pikon!"


At bago pa nga mag sapakan ang dalawa, pinakalma na sila ni Karina.


Nakahinga na sya ng maluwag ngayon dahil maayos na uli silang tatlo. Pinag usapan na nila ang kanilang misunderstandings. Akala kasi ni Karina tuluyan ng masisira ang friendship nilang tatlo ng dahil sa kanya. Buti na lang at iba mag isip sina Giselle at Ningning. 

 

 

----
"Ang ganda talaga dito Karina"
Nakangiting puri ni Ningning. 


Niyaya kasi sila ni Karina sa isang coffee shop pagkatapos ng pag uusap nila kanina. Masaya ito dahil okay na uli sila. 


"Sana ikaw rin, maganda" Pang aasar naman ni Giselle. 


"Badtrip ka talaga! "

 

"Hahaha just kidding! Sarap mo kasing asarin hahaha"


Nag make face na lang si Ningning sa kanya. Habang sa isang tabi naman patuloy lang na tumatawa si Karina. 


Laking pasasalamat talaga nya at kaibigan nya ang dalawang ito.

Makalipas ang saglit na bangayan ng dalawa, bumalik uli silang tatlo sa matinong usapan. At kasama na nga sa topic nila si Winter. 

 

 

"May tiwala kami sa mga plano mo friend! Kaya gooo lang!! " Pag cheer ni Ningning na punong puno ng energy! 

 

"Support ka namin pag dating kay Winter, Don't yah worry! " kindat naman ni Giselle sa kanya. 

 

"Iba talaga kayo!! " Karina chuckles "love you girls!!" 

 

"Love yah too" Ningning and Giselle. 

 

******************************************************

Sorry guys kung hindi ganun kaganda yung update 😅😂 bawi ako next time!

thank You for reading! Lalo na sa mga nag Ko-comment 😄

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Foreverwithyou12
Sorry guys ang tagal kong hindi nag paramdam!
Madami lang nangyare and unfortunately I forgot my password. Buti nalang after ilang tries, na open ko na uli.
Sorry sa mga nag hintay ng matagal. At thank you naman sa patuloy na nag susupport sa story na 'to. Susubukan ko ulit mag update. ☺️

Comments

You must be logged in to comment
Maatt_booii #1
Nasa haitus ba to?? Hehehe waiting na lang kay otor lung kailan mag uupdate
HelloMango
#2
Chapter 13: Hi po writernim, sana healthy po kayo will wait sa update mo anytime fighting
jmj1117 #3
Chapter 13: Hello author-nim, wag ka na tampo please. Update ka na ulit hihihi

Kidding aside. Ganda ng story. Patiently waiting for the next update. Fighting!
Miinjeongiee #4
Chapter 13: Hello po authornim, ang ganda po naman ng story nyo! Sana po maka update ulit po kayo! Sobrang ganda kasi! Nakaka kilig pa 🤧
ohyeah12 #5
Chapter 12: Ang cute ng banter ni Giselle and Ningning haha careful baka kayo magkatuluyan yiiieeeee hahahahah
lovebreaks #6
Chapter 12: Ano kaya yung “kasalanan” ni Karina kay Lucas at galit na galit siya?? Hayy

Possessive naman ni boi Lucas, hoy walang sayo Nicole HAHAHAHHA charot salamt sa update 💖
wenrene22
#7
Chapter 12: awwww mabuti naman at naintindihan nila Giselle at Ningning ang sitwasyon ni Karina sa pinagdadaanan nya at tama ang hula ko na dati nang magkarelasyon sila Karina at Winter doon palang sa ice cream na alam na ni Karina kung anong favorite flavor ni Winter and about naman kay Lucas ano naman reason nya bakit ang laki ng galit nya kay Karina? Thank you author-nim na enjoy ko naman ang update mo as always. : )
lovebreaks #8
Chapter 11: Uh oh 😦
Giselle and ningning about to know karina and winter’s past cant wait
lovebreaks #9
Chapter 11: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1471442/11'>Eleven</a></span>
OMG i love this long updates authorrr keep it up chos hhahahha
wenrene22
#10
Chapter 11: oh my, oh my ano na kaya yung nakita nila dun sa box at bakit sa kauna-unahan naging serious ang tono ni Giselle? 😱 acccckkkk gusto ko nang malaman 😭. Thank you author-nim andito lang ako ule mag aabang kung ano na ang mangyayari in the next chapter. mwahhhh~ 😙