Six

The Girl Next Door


Nahirapan makatulog si Karina dahil sa kakaisip sa sinabi ni Winter na makakasama nya si Lucas sa dinner. Hindi nya alam pero sa tingin nya parang binabawasan ng binata ang oras na pwede nitong ilaan para kay Winter. Ayaw nyang mag assume ngunit feeling nya nananadya na ito minsan. May times kasi na sumabay ito sa kanila na mag jogging sa umaga at wala ng ginawa kundi kausapin at tabihan si Winter. Tapos binibisita parin nya ito minsan sa bahay nya.  May gabi pa nga na naabutan ni Karina si Lucas na hinatid pa si Winter pauwi. Kahit malinaw na sa kanya na mag EX FIANCE na ang dalawa, pakiramdam nya na may kalaban parin sya. Pakiramdam nya talo parin sya. 


----
"Hayyy naku naaawa na ako sa kaibigan natin" 
Napalingon si Giselle ng bulungan sya ni Ningning at Ngumuso ito sa gawi ni Karina na kanina pa tingin ng tingin sa orasan at tila hindi mapakali habang nanunood ng TV. Samantalang sila naman ay kumakain ng meryenda

 

"Paano baliw!...Tsk!" Sermon ni Giselle habang nakatingin din kay Karina ng umiiling "Bobo bobo sa diskarte! Jusme talaga! Ang ganda gandang babae pero parang walang utak! Naku kakainiiiissss!"

"Haha grabe ka manlait" Hampas naman ng malakas ni Ningning sa braso ng kaibigan nya. 

 

"Masakit ah!" nagroll sya ng eyes at saka tinaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Gusto mo ikaw nalang laitin ko?  Tutal kalait lait ka naman. Simulan ko na ba? " then she smirks. 

 

"Tse! Ang sama mo!" Sabay hila nya sa konting buhok ni Giselle. "Dyan ka na nga! " At nag walk out na nga sya habang nakapout.

 

 

"Akin na nga yang remote pakunwari ka lang na nanunood eh" Masungit na hinablot ni Ningning ang hawak hawak na remote ni Karina ng bigla itong tumabi sa kanya.

"teka! Nanunood ako!!! " pagpoprotesta ng naman ng isa "At saka bakit ang sungit mo huh!?"

 

"Itanong mo sa laitera mong kaibigan!  Bwiset sya!" Gigil na nililipat lipat nya ang channel habang kagat kagat pa ang mga ngipin nya. 

Samantalang sa isang tabi naman walang tigil sa pag pigil ng tawa si Giselle sa lamesa habang pinagmamasdan ang dalawa. 

 

"Hoy Giselle ano na namang ginawa mo dito sa bugnutin na to!? " Sigaw ni Karina ng bumaling sya sa gawi ng kaibigan. 

"Excuse me I'm not bugnutin kaya" Pagdadahilan naman ng isa. 

Nilingon uli sya ng dalaga "Oh yes you are! "

Lumapit naman na si Giselle sa pwesto nila at umupo sa gilid ni Karina. 

"Hahaha sige kayo na ang mag bangayan!  Dali manunood ako!! " Excited nyang hirit habang ngiting ngiti. 

 

"Shut up! " sabay na bulyaw ng dalawa. 

Tila parang pareho silang wala sa mood. Kaya minabuti na ni Giselle na kalmahin sila at bumalik naman kaagad ang sigla ni Ningning subalit hindi nagbago ang pagkabalisa ni Karina. 

 

 

"Ayan kasi eh! Ganun na lang ba yun?  Hindi ka talaga gagawa ng paraan para hindi matuloy ang dinner nila mamaya?" Giselle. 

 

"Ano pa bang magagawa ko? Ayoko namang maramdaman nyang nilalayo ko sya kay Lucas. close kaya sila!"

 

"Gaga sinabi ko bang ilayo mo si Lucas? Ang akin lang ilapit mo pa lalo yang sarili mo!...tingnan mo, walang humpay yang pagbabantay mo sa orasan!  Abay ineng kanina parin kami ni Ningning nahihilo sayo kakatingin mo dyan sa orasan"

 

"Eh kasi naman!...Urghhh" Sabunot nya sa kanyang sarili "Hindi ako mapakali. Ayokong isipin na dalawa lang silang magsasama mamaya. Tapos malamang susunduin nya dito si Winter! "

 

"Malamang sa malamang talaga. Kahit mukang epal yun si Lucas,  gentleman sya pag dating kay Winter." Ningning. 

 

"Yun na nga ang kinakatakot ko eh baka magkabalikan sila kung patuloy na ganun ang trato nya kay Winter."

 

"Oh ayan!  Sige mamatay ka nalang kakaisip!  Susmiyo!... Alam mo para hindi ka na mag isip ng mag isip at magmukmok dito,  mag dinner out nalang din tayo nila Ningning mamaya...Ano G?." May pagkapilyang sabi ni Giselle. 

 

Lumingon naman si Karina ng marinig ang suggestion nito "Saan naman tayo kakain? "

 

"Ako ng bahala dun!  May alam ako na masarap talaga kainan." Taas babang kilay nya habang nakangiti. 

Pumayag nalang ang dalaga kesa naman magbugnot sya hanggang matapos ang araw nya ngayon. Dumeretsyo muna sya sa kanyang kwarto upang magpahinga saglit. Kasi sumakit na ang ulo nya kakaisip dun sa dalawang mag ex. 

 

 

"Hoy may plano ka na naman noh? Alam ko na yang mga ngiti mong yan! " Bulong ni Ningning sa kaibigan nyang parang baliw na nakangisi sa kanya 

"Oh yes! You really know me well girl" Akbay nya dito. "Alam mo kasi bago ako bumili ng softdrinks kaninang tanghali nakita ko si Winter sa tapat ng pintuan nya, eh nakatalikod sya sa akin gugulatin ko sana kaya lang may kausap pala sya sa phone nya."

 

"Wait!..."Nanlaki ang mga mata ni Ningning habang nakaharap sa kanya "Si Lucas ang kausap nya at nabanggit ni Winter yung kakainan nilang restaurant for dinner. Tama? "

 

Napanganga naman saglit si Giselle "Dude! Alam mo may utak ka rin pala!?" pagpigil nya sa tawa nya "Oo ganun na nga ang nangyare,  sakto friend ko yung may ari ng restaurant at kakilala ko din yung manager dun kaya yun tinanong ko kung may reservation under sa names nila Lucas at Winter,  hindi ko na nasabi yung surnames kasi you know... Di ko knows hahaha."

 

"Salamat sa saglit na panglalait ah... Oh sya sige! Tuloy mo na!  Wag mo ng bitinin pa!"

 

"Hahaha okay okay... Meron daw,... kaya ang ginawa ko nagpa reserve na din ako dun malapit sa pwesto nilang dalawa"

 

"Shocks!" Takip nya sa kanyang bibig "Hahaha... Ang galing mo dun! " at nag apir pa nga silang dalawa. 

"I know I know" Pagmamayabang naman ng isa. 

 

Ibang klase talaga silang dalawa kung sumuporta sa kanilang kaibigan. Parang lahat ng pwedeng gawin gagawin nila para lang mas mapalapit pa si Karina kay Winter. 

 

 

----
"Kumusta ka naman sa tinitirhan mong unit Winter? Sorry at minsan na lang kitang madalaw dun ah."
May halong guilty na sabi ni Taeyeon habang magkasama sila ng kapatid nya sa isang coffee shop. 

 

"Haha diba sabi ko naman sayo na I'm good, I'm doing well kahit mag isa nalang ako dun. And besides it's almost 3 months na din ate nung umalis ka dun noh. Sobrang naka adjust na ako. Saka binibisita rin naman ako ni Lucas dun." Pagpapaliwanag naman ng nakakabata at sumubo uli ng kanyang strawberry cake.

 

"Ehem....hmmmm Speaking of Lucas,...ano ng balita sa inyo huh? " Tukso nya sa kapatid. 

 

"OMG Ate huh!  ilang beses ko pa bang sasabihin sayo na we're only just friends na lang ngayon?....Oo madaming beses nyang sinubukan makipagbalikan pero wala na talaga eh. Saka...." bigla syang nag alangan, kaya huminga muna sya ng malalim at pumikit saglit ng mariin bago uli sya nagsalita "Alam mo naman yung situation ko diba?" 

 

Agad na nakaramdam ng lungkot si Taeyeon pero hindi nya ito pinahalata kay Winter.  "Okay okay...Gets kita" She smiles and wink para mabago ang atmosphere doon "Change topic na lang.... Kumusta na pala yung na sa katabi mong unit?....Ano okay parin ba?

 

"Easy lang okay? " Bigla na lang napatawa si Winter ng konti. Hindi nya alam pero masaya sya kapag tungkol doon sa tatlo ang kanilang pinag uusapan. Nag kukwento kasi sya sa Ate nya about sa happenings nya simula nung hindi na sila magkasama "Masayang kasama sila Giselle Ningning at Karina.....ganun parin naman, nagjojogging parin kami pero si Karina na ang madalas kong kasama....sobrang gaan ng loob ko sa kanya... Alam mo yun??... Hayyy parang hindi ko rin ma explain hahaha"

 

Umaliwalas naman lalo ang mukha ni Taeyeon ng marinig nya iyon sa kanyang kapatid. Parang ramdam nya kasi na masaya at nag eenjoy ito na kasama yung tatlo lalo na nga si Karina. 

 

Patuloy lang sila sa kanilang pag uusap hanggang sa dumating na din si Baekhyun upang sunduin ang magkapatid. Kailangan na ding makauwi ni Winter dahil may dinner pa sila ni Lucas mamaya. At ayaw nya din itong naghihintay sa kanya. 

 

 

-----
"Ano yan? "
Turo ni Ningning na may disgusting look sa suot ni Karina. Kaya tumingin ito sa kanyang sarili at saka bumaling sa kanya. 

 

"Bakit anong problema sa suot ko? "

 

"Anak ka ng!...Seryoso? Jogging pants, loose shirt at running shoes sa fine dining restaurant? Dude paalala lang uli ah... 5-star restaurant yung kakainan natin. Diba sinabi ko na sayo? At may dress code sila dun." Parang nanay na pag sermon ni Giselle sa kanya. 

 

"tinatamad na kasi akong mag ayos"

 

"Ah so yung restaurant ang mag aadjust sayo?" Giselle

 

"Magpalit kana hanggat may oras pa. Gosh! Sumakit bigla ang ulo ko sayo girl! " Ningning

 

"Kung sa iba na lang kaya tayo kumain?"

 

Biglang nagkatinginan  ang dalawa ng sabihin iyon ni Karina. Pag nagkataon kasi sasablay sila sa kanilang plano. Pinag usapan na nilang mabuti kanina kung ano ang dapat nilang gawin para hindi masolo ni Lucas si Winter. Kaya hindi pwedeng hindi yun matuloy 

 

Walang sabi sabi agad na nilang hinila pabalik ang kanilang kaibigan sa kwarto nito upang ayusan sya kahit na mabilisan lang dahil malapit na yung oras ng dinner nila. 

 

Makalipas ang ilang minuto natapos na silang dalawa at nag apir sa isa't isa habang pinagmamasdan si Karina. Napailing sila ng makita ang kabuuan nito. Parang hindi sila makapaniwala na sa gandang babae ni Karina ay mas may igaganda pa pala ito. 

 

Nakasuot ang dalaga ng isang plain black polo sleeves dress na may ikling 2 inches above the knee. Pinartneran din ito ng  black strapy pointed heels. Light ang kanyang make up at naka big curl raw naman ang kanyang buhok. 

 

"So Perfect!" Puri pa ni Ningning habang naka okay sign sa kanya. 

 

Lumabas na silang tatlo sa kanilang unit at sakto namang nakita din nila sila Winter at Lucas doon. 

Parehong napatingin si Karina at Winter sa isa't isa dala ang tila namamangha nilang mga mukha.

 

"Wow!" Sabay nilang sabi na pareho nilang ikinatawa. 

 

"You look so pretty"

Hindi na napigilan nila Giselle na magtulakan ng pasimple dahil sa kilig. Sabay na naman kasing nagsalita ang dalawa at tila pareho din silang namula. 

 

Lucas clears his throat "Let's go na Winter? It's almost 7 in the evening. We should take our dinner." Pang iinterupt nito. Tumingin ang dalaga sa kanya at tumango habang nakangiti. Nagpaalam na din sya kina Karina at akmang aalis na. Kaya naman siniko na ni Ningning si Giselle para sa plano nila. 

 

 

"If you don't mind...San pala kayo mag didinner tonight?" Nakangiting tanong nito. Pero sa loob nya ngiting demonyo sya. 

Napahinto naman sila Winter "We're going to eat at Aes Restaurant. Kayo ba?" 

 

"Wow! What a coincidence! Haha dun din kami mag didinner eh" Masayang singit naman ni Ningning ngunit ng tumingin sa kanya si Lucas agad nya itong inirapan. 

 

"Really!?? That's nice!" Winter

 

"Yes naman!! Nice talaga! Ang maganda nyan sabay sabay na tayong lima na pumunta dun...Hindi naman siguro mamasamain ni Lucas kung sa car nya tayong lahat sasakay diba?...what do you think Winter?" Suggest ni Giselle while wiggling her eyebrows.

 

"Sounds good!" Humarap sya kay Lucas "Pwede naman yun diba? " Ngiti nya na para syang na eexcite. 

 

"What? " Kunot noong tanong naman ng binata "Pwede naman silang mag  taxi."

 

"Sarap supalpalin ng mukha nito" Simpleng bulong ni Ningning kay Giselle. Pag dating talaga kay Lucas mainit ang ulo nya.


Hinawakan ni Winter ang binata sa kanyang braso at tila ba nagpapaawa sa kanya "Please" 

 

Napalunok doon si Lucas at alam nyang wala na syang kawala dito. Pumikit sya ng mariin at huminga ng malalim bago sya sumagot "Fine."

Patago namang umapir pababa ang dalawang pasimuno. At saka inusod papalapit si Karina kay Winter. 

 

"Ayos!! Let's go na!" Sabay higit ni Giselle kay Lucas at hinatak na nila itong dalawa ni Ningning pababa. Habang ang kaibigan naman nila ay naiwan kay Winter. 

 

"Sira talaga yung dalawang yun! " napatawa sya at tumingin sa dalaga "Pasensya na ah mukhang naistorbo ata namin kayo. Actually hindi ko alam na dun pala kayo kakain at dun din kami kakain. Umoo lang kasi ako dun sa dalawa eh" She looks down habang nahihiyang tumatawa.

 

"Ano ka ba! Hahaha wala yun noh" Hinawakan nya ang kamay ni Karina at sinilip ito. "It's fine. And...i like the idea of Giselle" she giggles

Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga sa biglaang kilos na iyon ni Winter. Napalunok at napaismid sya dahil ang lapit ng mukha nito sa kanya. Kaya naman she takes one step behind at umayos naman ng tayo ang isa sa kanyang tabi at dahan dahang nawala ang ngiti nito. 

 

"Ayaw mo bang magkakasama tayo?"

Nagpanic naman kaagad si Karina ng itanong nya iyon at nakita ang disappointment sa mukha ng dalaga. 

 

"Hi--hindi... Gustong gusto ko nga eh."
Ipinatong pa nya ang isa nyang kamay sa nakahawak na kamay ni Winter sa kanya. 
"Wag ka ng mag iisip ng ganun...okay? " dugtong pa nya. 


Nagpout naman ang dalaga at hindi parin sya tinitingnan at hindi din ngumingiti. 

"Uy! Wag ka ng sumimangot dyan" Taranta nya. Hindi nya kasi kayang tiisin na nakikita nyang ganun si Winter.  "Diba sabi ko gustong gusto ko yung idea ni Giselle? Ngiti na dyan oh"

 

"Talaga ba?" walang gana nyang tanong 

 

"Oo naman! Ngiti na dyan" 


At wala pa ngang ilang segundo agad na ngumisi ito sa kanya "Got yah! Hahaha you're so cute" Kumawala ang kamay nya sa hawak ni Karina at sa halip ay pinisil ang mga pisngi nito na para bang nanggigigil. 

 

Tumagilid saglit ang dalaga upang magpakawala ng hangin dahil hindi sya makapaniwala na nahulog na naman sya sa patibong ni Winter. 

 

"Ikaw talaga! " Pipisilin din sana nya ang mga pisngi nito subalit iisipin palang nya na mahahawakan nya ang mukha ng dalaga, alam nyang anytime pwede nya itong mahalikan. "Tara na nga at hinihintay na nila tayo sa baba" Imbita nya dito at hinawakan ang wrist ni Winter. Napakurap naman ang isang dalaga. At sa hindi malamang dahilan pakiramdam nya may dumaloy na kuryente sa kanyang katawan. Palipat lipat lang ang kanyang tingin kay Karina at sa kamay nito na nakahawak sa wrist nya habang sila ay bumababa ng hagdan. 

 

*********************************************************

Thank you for reading and for your comments. 

this chapter is dedicated to  lovebreaks and
wenrene22 dahil sa walang sawang pag comment ☺

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Foreverwithyou12
Sorry guys ang tagal kong hindi nag paramdam!
Madami lang nangyare and unfortunately I forgot my password. Buti nalang after ilang tries, na open ko na uli.
Sorry sa mga nag hintay ng matagal. At thank you naman sa patuloy na nag susupport sa story na 'to. Susubukan ko ulit mag update. ☺️

Comments

You must be logged in to comment
Maatt_booii #1
Nasa haitus ba to?? Hehehe waiting na lang kay otor lung kailan mag uupdate
HelloMango
#2
Chapter 13: Hi po writernim, sana healthy po kayo will wait sa update mo anytime fighting
jmj1117 #3
Chapter 13: Hello author-nim, wag ka na tampo please. Update ka na ulit hihihi

Kidding aside. Ganda ng story. Patiently waiting for the next update. Fighting!
Miinjeongiee #4
Chapter 13: Hello po authornim, ang ganda po naman ng story nyo! Sana po maka update ulit po kayo! Sobrang ganda kasi! Nakaka kilig pa 🤧
ohyeah12 #5
Chapter 12: Ang cute ng banter ni Giselle and Ningning haha careful baka kayo magkatuluyan yiiieeeee hahahahah
lovebreaks #6
Chapter 12: Ano kaya yung “kasalanan” ni Karina kay Lucas at galit na galit siya?? Hayy

Possessive naman ni boi Lucas, hoy walang sayo Nicole HAHAHAHHA charot salamt sa update 💖
wenrene22
#7
Chapter 12: awwww mabuti naman at naintindihan nila Giselle at Ningning ang sitwasyon ni Karina sa pinagdadaanan nya at tama ang hula ko na dati nang magkarelasyon sila Karina at Winter doon palang sa ice cream na alam na ni Karina kung anong favorite flavor ni Winter and about naman kay Lucas ano naman reason nya bakit ang laki ng galit nya kay Karina? Thank you author-nim na enjoy ko naman ang update mo as always. : )
lovebreaks #8
Chapter 11: Uh oh 😦
Giselle and ningning about to know karina and winter’s past cant wait
lovebreaks #9
Chapter 11: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1471442/11'>Eleven</a></span>
OMG i love this long updates authorrr keep it up chos hhahahha
wenrene22
#10
Chapter 11: oh my, oh my ano na kaya yung nakita nila dun sa box at bakit sa kauna-unahan naging serious ang tono ni Giselle? 😱 acccckkkk gusto ko nang malaman 😭. Thank you author-nim andito lang ako ule mag aabang kung ano na ang mangyayari in the next chapter. mwahhhh~ 😙