Four

The Girl Next Door

 

Walang pagaalinlangang tinupad ni Karina ang sinabi nya kay Winter na sasabayan nila uli syang mag jogging. 


Naisip nya kasi na pwede nya itong gawing step upang mapalapit sa kanya si Winter ng dahan dahan. Hindi nya alam kung saan ito papatungo basta ang nais nya lang ay mapalapit at makasama si Winter. 

 

"Ang sakit na ng mga hita ko" Reklamo ni Giselle ng huminto sya bigla habang hinihimas ang mga legs nya bago sya umupo sa gilid kung saan may Bermuda grass. Ganun din naman ang ginawa ng kanyang kasabay na si Ningnig. Maging sya kasi ay sumakit din ang mga hita dahil hindi naman sila sanay sa ganitong activity. Ginagawa lang nila ito para suportahan si Karina. 

 

"Mas magandang dito muna tayo. Hayaan muna natin silang mag solo" Kahit hinihingal pa si Giselle nagawa parin nyang tumawa na para bang na eexcite sya para doon sa dalawa. 


Sumangayon naman sa kanya si Ningning at nahiga pa nga ito sa bermuda grass upang makapagpahinga saglit. Mabuti na lang at hindi pinagbabawal ang pagtambay doon. 

 

"Bakit?  You okay? " Tanong ni Winter kay Karina habang sabay silang nag jojog. Napansin nya kasi ito na palingon lingon sa likuran nila. 
Napakamot naman ng ulo si Karina at tila nagtataka.

 

"Bigla kasing nawala yung dalawa. Kanina nakasunod lang sila sa atin."

 

"Maybe they're just taking a rest...if I'm not mistaken nakaka 2 kilometers na tayo" then she smiles while taking a look at Karina. 

 

Hindi naman na nagulat ito ng marinig nya na ganun na kalayo ang kanilang narating. Para bang sanay na sya sa ganitong kalayo na pag jogging. 


Patuloy lang sila sa kanilang mabagal na pagtakbo hanggang sa huminto na lang bigla si Winter "Wait! " Aniya kaya naman napahinto na din si Karina at saka ito tumingin sa dalaga.

 

"Pagod ka na?  We can take a rest" Pinagmasdan nya ang mukha ni Winter at napansing halos maligo na din ito sa pawis kagaya nya kaya agad nyang kinuha ang face towel na nakasabit sa balikat ni Winter at akmang pupunasan na ang mga tumutulong pawis nito. Subalit sya ay natigilan ng mapagtanto nya ang kanyang gagawin. 

 

Tumagilid sya ng kaunti upang bumuga ng hangin at bumaling uli kay Winter. Laking gulat na lang nya na nakatingin na rin pala ito sa kanya habang nakangiti na parang nagtataka. 

 

"Bakit?" Tanong nya kay Karina bago sya ngumuso sa kamay nito dahil hawak nya ang kanyang face towel. 

 

Napatawa naman ng awkward ang dalaga "So-sorry...Ano kasi.." Sumenyas sya kay Winter na pinagpapawisan na ito. Kaya ng dahil doon ay tumawa ito ng kaunti at sinabing "Thanks" Kinuha na nya ang face towel sa kamay ni Karina.

Samantalang ang isa naman ay paiwas iwas ng tingin sa kaharap nyang babae habang nagpupunas ito ng sariling pawis sa kanyang magandang mukha. 

Nang matapos ng punasan ni Winter ang mukha nya kinuha nya naman ang nakasabit din na face towel ni Karina sa balikat nito at walang alinlangang ipinunas sa mukha ng dalaga. Tila ba parang nanigas si Karina sa kanyang kinakatayuan ng gawin iyon ni Winter. 

 

"Ayan! Tapos na" Lumayo ng kaunti si Winter sa kanya ng nakangiti na abot sa kanyang mga mata. 

 

"Na-nakakahiya naman sayo. Kaya ko namang gawin yun" Yumuko sya dahil alam nyang namumula na ang kanyang mga pisngi dahil sa hiya. 

 

"It's not a big deal" Sinilip pa nya ang mukha ni Karina mula sa ibaba kaya napaangat uli ito ng ulo at pinaypayan ang kanyang sarili gamit ang sariling kamay. "Woohhh! " Buga pa nya ng hangin na ikinatawa ni Winter.

 

"You're cute!"


Napatigil uli sya sa kanyang ginagawa habang pinagmamasdan si Winter na masayang tumatawa bago sya umiling. (! With that beautiful laugh, I don't think  I am still able to handle my heart beats) Sa kanyang isip. 

 

Tumigil naman na si Winter sa kanyang pagtawa at bumaling uli kay Karina bago nya ituon ang tingin sa isang kamay nito. 

 

"Hmmm anyways kaya huminto ako kasi naisip ko na baka nahihirapan ka nang dalhin yan" Ngumuso sya sa lunch bag na hawak ni Karina magmula ng nag umpisa silang mag jogging kanina. 

Sinabi naman ni Karina na sanay na sya sa pagdala noon dahil nakaugalian na din nya ito dati. 

Tumango na lang sa kanya si Winter at saka uli sila nagpatuloy. Maya maya lang ay nakarating na din sila sa kanilang pinag usapan kung saan ang kanilang end point. 


Nandoon lang sila nakaupo sa isang bench habang hinihintay na makarating sila Giselle at Ningning na kasalukuyan namang halos gumapang na dahil sa pagod.

Sumundal naman pareho si Winter at Karina sa sandalan ng kanilang inuupuan. Rinig nila ang bawat hinga ng isa't isa habang kumukuha ng hangin.

 

"Woah! This is so great! Ang sarap sa feeling! " Sabi ni Winter at inalis ang sarili sa pagkakasandal bago sya uminom sa kanyang tumbler.


Pinagmasdan naman sya ni Karina habang ito ay umiinom. Napalunok na lang sya ng mamalayan nyang nakatitig na pala sya sa mga labi ni Winter habang umiinom ng tubig. 

Umiling sya ng konti dito upang matanggal kung anoman ang nasa utak nya. Hanggang sa mapabalikwas sya ng bigla syang lingunin ni Winter. Kaya naman iniiwas nya ng mabilis ang kanyang mga mata 

 

"Hindi ka ba nauuhaw? " Tanong nya kay Karina. 
Sumagot naman ang dalaga na nauuhaw din sya subalit hawak ni Giselle ang kanyang tumbler kaya wala syang choice kung hindi ang hintayin nalang ito upang makainom narin sya ng tubig. 

 

Ngumiti naman si Winter at saka inabot ang kanyang tumbler. Napakurap naman ang isa at saka uli napalunok dahil sa inakto ng kanyang katabi.

 

"No I'm not taking that. That's yours. Baka maubos ko pa yan" Pagbibiro nya

 

"It's fine. Just take it. Don't worry wala naman akong virus" Saka pa sya tumawa ng mahina.

Tumanggi uli sya subalit paulit ulit syang pinipilit ni Winter na kunin na ang kanyang tumbler upang makainom ng tubig. Wala naman ng nagawa doon si Karina at kinuha narin ito.

Makalipas pa ang ilang minuto, nakarating narin ang dalawa sa kanilang pwesto. Sabay sabay na silang nag pahinga doon at kinain ang dalang pagkain na inihanda ni Karina. 

 

"Parang ang sarap kumain ng ice cream" Sabik na sabi ni Winter ng makita nya ang ang isang ice cream store. 


Niyaya nya ang tatlo subalit si Karina lang ang sumama sa kanya. Pagdadahilan kasi ng dalawa na hindi sila mahilig sa sweets. Kahit naman paburito nilang pareho ang matamis. Gusto lang nila na bigyan ang dalawa ng privacy kaya nagpa iwan na lang sila doon. Nag apir pa nga sila sa isa't isa ng umalis na sila Winter at Karina dahil alam nilang magiging masaya ang kanilang kaibigan.

 

"Ms., strawberry flavor for her" Ngiting sabi ni Karina bago ituro si Winter. 


Humarap naman ang dalaga sa kanya na medyo gulat.  "Wow! You know my favorite flavor?"


Umiwas ng tingin si Karina at napakamot sa ulo nya "No....I just...ahmm that's only my guess" 

Napatingin tuloy sa kanya si Winter ng isang suspicious look. 

 

"Ya!  stop looking at me like that... I'm telling the truth" lumayo sya ng kaunti dito at saka inabot ang strawberry ice cream ni Winter. 


"Okay if you say so" Mapaglaro syang ngumiti dito at kinuha ang ice cream na inaabot sa kanya ni Karina. "Thank you for this again"

Tinapik nya ang balikat ng dalaga dahil sa pag libre nito sa kanya bago nya kinain ang ice cream nya. 

 

-----
Natapos ang araw nila ng nakakapagod subalit masaya naman lalo na nga para kay Karina. Maliban kasi sa pag jogging nila nung umaga, inimbitahan naman sila ni Winter na mag lunch out at dumeretsyo na rin sila sa arcade. 

Kahit na medyo nanahimik si Karina ng mga oras na iyon alam nya namang nag enjoy sya dahil sa kasama nya si Winter at dahil na din sa kaingayan ng dalawa nyang baliw na kaibigan. 

Tila ba mabilis na naging komportable si Winter sa kanyang mga kasama na nagagawa nyang tumawa ng malakas na hindi sya nahihiya at nakakakilos sya ng malaya ng walang kumokontrol sa kanya lalo na nga sa harapan ni Karina. Kahit na may mga oras na naiilang o nahihiya ang dalaga sa kanya. 
Mabilis din na napansin iyon nila Giselle na hindi mahirap pakisamahan si Winter kaya naman mas nagustuhan pa nila ito para sa kaibigan nilang hindi din maintidihan kung minsan. Kasi naman alam nilang gustong gusto nito si Winter ngunit tila ba may lahi itong torpe na bigla nalang tatahimik sa isang tabi. Kaya naman pinayuhan narin nila ang kanilang kaibigan na ipagpatuloy lang nito ang pagiging malapit sa dalaga kasi anong malay nya baka mahulog na din ito sa kanya katulad na lang ng kanyang nararamdaman. 


Pabalikwas balikwas lang si Karina sa kanyang higaan habang iniisip parin ang mga nangyari.  Para syang sira na ngumingiti ngiti at pigil pa nga ang kanyang pagka gigil, kawawa naman tuloy ang teddy bear na yakap nya habang sinasapak sapak pa ito dahil sa kanyang pagkakilig.

 

------
"Huli ka!!!... Sabi na nga ba at kumakain ka na naman eh"
Bungad nya kay Giselle ng magisnan nya itong sumusubo ng noodles. Nagulat naman ang dalaga dahilan ng kanyang pagkasamid. Kaya agad nyang ininom ang tubig sa gilid nya.

 

"Leche flan naman! Dude wag kang ganun!"

Tumawa naman ng mahina ang kaibigan nya at saka naupo sa kabilang sulok ng lamesa upang maging magkatapat sila. 

 

"Hanep ah! Ala una na ng madaling araw kumakain ka parin? "

 

"Paki mo ba!?" Angil nya dito at itinaas ang gilid ng kanyang labi. "If I know iniisip mo parin si Winter kaya gising ka parin ng ganitong oras! " Dugtong pa nya at sumubo uli ng noodles. Hanggang sa mapansin nya ang hawak na cellphone ni Karina at nakangiti pa ito doon. 

 

"What the hell!??" Singhal nya ng hindi mapawi ang ngiti ni Karina. Tila naman hindi sya narinig ng dalaga kaya sinipa nya kang katabing upuan na bumangga naman sa inuupuan ng kaibigan nya.

 

"Ya! Bakit!??"


"Anong bakit ka dyan!??  Ano yan huh!? " Nguso nya sa hawak ni Karina. 


Tinaas naman nya ang kamay nya "Cellphone! Ano bang klaseng tanong yan!? "

"Ay bwiset!  Alam kong cellphone yan hindi naman ako tanga duh! What I mean was, bakit hawak hawak mo parin yan ng ganitong oras!?"

 

Ngumiti naman ng parang baliw ang isa at tumingin sa nakataas parin nyang kamay "Ah eto ba?" ngumiti sya " Wala lang gusto ko lang hawakan"

 

"Gustong hawakan?  Sus sus....Wag nga ako!! Ano magka chat kayo ano?" Mapaglarong tanong nito. 

Hindi naman na sumagot ang kaibigan nya at tumawa na lang ito. 


Nag picture kasi silang apat sa phone ni Winter at pina forward naman ito ni Karina sa messenger nya kaya nagkaroon sila ng contact. Ang totoo nyan sya mismo ang nag suggest na sa phone ni Winter kumuha ng photos dahil yun talaga ang plano nya para makahanap sya ng paraan kung paano sila mag sisimulang mag chat o magkakaroon pa ng ibang communication ni Winter. At nagtagumpay naman sya doon. 

 

 

"Yown oh!! Pabasa nga ako! " Lumapit si Giselle sa kanya upang mang entriga sa pagchachat ng dalawa kahit hindi pa man sinasabi ng kaibigan nya na magkachat nga sila ni Winter. Ngunit paulit ulit lang syang tinataboy nito hanggang sa tumayo na nga sya at mapadpad sila malapit sa may sofa ng biglang itaas ni Karina ang cellphone nya at inabot naman ito ni Giselle pero agad syang nawalan ng balanse sa katawan dahilan upang lumapat ang sarili nya kay Karina at sa hindi inaasahan pareho silang natumba sa sofa. 

 

Nasa ganoon silang sitwasyon ng lumabas naman si Ningning sa kanyang kwarto upang uminom ng tubig. Ngunit agad syang napahinto ng makita nya ang dalawa nyang kaibigan sa hindi magandang position. 

 

"OMG! " Takip nya saglit sa kanyang bibig "Seriously guys!??..." Taas baba nyang tiningnan sila Karina at Giselle "Dito talaga sa sala? Gosh!.... Eewww huh! " Inirapan sila nito at saka dumeretsyo sa refrigerator upang kumuha ng kanyang maiinom. 

 

Agad namang napatingin ang dalawa sa kanilang position at sabay na nanlaki ang mga mata nila. 

 

"Yah!! " Sigaw nila at saka sabay na tumayo. 

 

"Kadiri! " Reklamo ni Karina habang pinapagpag ang kanyang sarili. 

 

Habang si Giselle naman ay walang tigil sa pagsabunot sa sarili nyang buhok dahil sa pangingilabot nya "Yuck yuck!!!"

 

 

*********************************************************

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Foreverwithyou12
Sorry guys ang tagal kong hindi nag paramdam!
Madami lang nangyare and unfortunately I forgot my password. Buti nalang after ilang tries, na open ko na uli.
Sorry sa mga nag hintay ng matagal. At thank you naman sa patuloy na nag susupport sa story na 'to. Susubukan ko ulit mag update. ☺️

Comments

You must be logged in to comment
Maatt_booii #1
Nasa haitus ba to?? Hehehe waiting na lang kay otor lung kailan mag uupdate
HelloMango
#2
Chapter 13: Hi po writernim, sana healthy po kayo will wait sa update mo anytime fighting
jmj1117 #3
Chapter 13: Hello author-nim, wag ka na tampo please. Update ka na ulit hihihi

Kidding aside. Ganda ng story. Patiently waiting for the next update. Fighting!
Miinjeongiee #4
Chapter 13: Hello po authornim, ang ganda po naman ng story nyo! Sana po maka update ulit po kayo! Sobrang ganda kasi! Nakaka kilig pa 🤧
ohyeah12 #5
Chapter 12: Ang cute ng banter ni Giselle and Ningning haha careful baka kayo magkatuluyan yiiieeeee hahahahah
lovebreaks #6
Chapter 12: Ano kaya yung “kasalanan” ni Karina kay Lucas at galit na galit siya?? Hayy

Possessive naman ni boi Lucas, hoy walang sayo Nicole HAHAHAHHA charot salamt sa update 💖
wenrene22
#7
Chapter 12: awwww mabuti naman at naintindihan nila Giselle at Ningning ang sitwasyon ni Karina sa pinagdadaanan nya at tama ang hula ko na dati nang magkarelasyon sila Karina at Winter doon palang sa ice cream na alam na ni Karina kung anong favorite flavor ni Winter and about naman kay Lucas ano naman reason nya bakit ang laki ng galit nya kay Karina? Thank you author-nim na enjoy ko naman ang update mo as always. : )
lovebreaks #8
Chapter 11: Uh oh 😦
Giselle and ningning about to know karina and winter’s past cant wait
lovebreaks #9
Chapter 11: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1471442/11'>Eleven</a></span>
OMG i love this long updates authorrr keep it up chos hhahahha
wenrene22
#10
Chapter 11: oh my, oh my ano na kaya yung nakita nila dun sa box at bakit sa kauna-unahan naging serious ang tono ni Giselle? 😱 acccckkkk gusto ko nang malaman 😭. Thank you author-nim andito lang ako ule mag aabang kung ano na ang mangyayari in the next chapter. mwahhhh~ 😙