Seven

The Girl Next Door

 

"Ya!  That's too much to ask!" Pigil ni Lucas sa kanyang pagkairita ng dumali na naman ng hirit si Giselle pagkarating nila sa Aes Restaurant. 

 

"Eto naman! Masaya kaya yung suggestion ko. Tingnan mo nga yung mukha ni Winter oh nakangiti. Ma guilty ka naman" Feeling close na sabi nya at binunggo pa nga ng kaunti ang braso ni Lucas. 

 

Napatingin naman ang binata kay Winter at kita nya dito ang excitement ng dalaga. Pero sa sarili nya ayaw nya talagang pumayag sa napaka non sense na idea na iyon ni Giselle. 


Gusto kasi nito na lumipat nalang sila sa pang limahan na table since nasa iisang restaurant lang din sila. At nagustuhan ni Winter yung plano ni Giselle subalit umapela si Lucas.

 

 

"Mga pakulo nyo talaga oh! Mapapahamak tayo nito eh! " Patagong bulong ni Karina kay Ningning. 

Siniko naman sya nito bago sumagot "Wag ka ng magulo para sayo na nga to eh. Just watch nalang" Kagat ngipin nyang sabi.

 

"Lucas please? Pumayag kana. Ayaw mo yun madami tayo? Mas masaya kaya pag ganun!" Hawak ni Winter sa braso ni Lucas habang nakangiti sya at sinamahan pa nga ng pakurap kurap nya ng mga mata. 


Wala na tuloy nagawa si Lucas kundi ang pumayag na lang kaya  naman nag celebrate na si Karina sa kanyang isip. Habang ang dalawang may pakana ay ngiting tagumpay dahil sa accomplishment nila. 

 

"Thanks for ruining my night" nakakapangilabot na bulong ni Lucas kay Giselle ng uupo na sila sa kani kanilang upuan. 


Subalit imbes na manindig ang balahibo nya ay nginitian nya lang ang binata at tinapik sa balikat "You're welcome.  Til next time! " Tumango sya kasabay ng isang pag kindat bago tumabi kay Ningning. Napapikit nalamang ng madiin si Lucas sa pagka angas ni Giselle. 

 

Maya maya ay dumating narin ang kanilang mga orders at nag umpisa na nga silang kumain. Pinangunahan nila Giselle at Ningning ang pag sunggab dito at tila nakalimot ata na may mga kasama sila. Napailing nalang si Karina samantalang napangiti naman si Winter ng makitang nag eenjoy ang dalawa. Si Lucas naman napanganga ng mawitness nya kung paano kumain ang mga ito. Aminado sya na maganda ang body shape nila Giselle at Ningning pero hindi nya akalain na ganun pala sila kalakas kumain. 

 

Binaling na ni Karina ang tingin kay Winter at napansin nya na hindi pa ito kumakain. Kaya naman nilagyan na nya ang plate nito ng isa sa mga paburitong pagkain ni Winter. 

 

 

"Oh!" napatakip sya saglit sa kanyang bibig at tumingin kay Karina ng nakangiti "Thanks for this! Alam mo bang isa sa favorites ko ang La Galbi?" Natutuwa pa nyang tanong. 


Napatingin naman bigla sila Giselle at Ningning sa kaibigan nila na parang hangang hanga sila dito. 

 

"Really!?....Hindi ko alam na favorite mo yan." Pagsisinungaling nya habang nakangiti. "Pero naisip ko na baka magustuhan mo din kasi favorite food ko yan."

 

"Ang galing naman same tayo ng favorite!" Ngisi ni Winter at napahawak saglit sa kamay ni Karina. Lihim na ngumiti ang dalaga ng gawin iyon ng taong gusto nya sa kanya. 

 

"Yiee! Nakakakilig!!..." Sinipa ng palihim ni Karina si Ningning ng dahil sa hirit nya "I mean that... That's awesome ha. Ha. Ha" peke pa nyang tawa sabay roll ng eyes. 

 

"Actually..." simpleng kamot naman ni Karina sa likod ng tainga nya habang pinipigilan ang kanyang ngiti "I assumed na favorite food mo yan kaya inilagay ko sa plate mo" saka sya nagpakawala ng mahinang tawa. 

 

"Woah!" pailing iling naman ni Winter "Galing mo sa ganyan... Remember nung nahulaan mo rin yung favorite ice cream flavor ko dati? Yung favorite game ko sa arcade? Pati narin yung ibang bagay na gusto ko nahulaan mo dati"

 

"Tanginis tong kaibigan natin! Mukhang stalker talaga sya ni Winter. Kahiya" Kagat ngipin na bulong ni Giselle kay Ningning. 


"Oo nga! Iba naman pala ma inlove tong isa na to. Kaloka girl" Ningning. 

 

 

"Ah...yun ba? " Unti unting pinagpapawisan si Karina ng mabanggit lahat yun ni Winter "Ano kasi... Ahmm parang ang dali lang malaman ng mga gusto mo. A--ayun lang" tumawa sya pero bakas dito ang kanyang kaba. 

 

"Ow! That't good to hear! " palakpak ni Lucas na tila ba parang ginanahan sya bigla ng mapansin nyang medyo nawawala na sa focus si Karina. "Magaling ka pala mang hula?..." he smirks. Mukhang May binabalak na naman syang gawin na alam nyang hindi magugustuhan ng dalaga "Baka pati sa past ni Winter may alam ka rin?" Tumawa sya ng mahina subalit halata namang nang aasar talaga sya.

 

Akmang sasagutin na sya ni Ningning dahil sa kanyang pagka presko pero mabilis na hinawakan ni Karina ang kanyang kamay.

 

Huminga si Karina ng malalim. At this moment hindi sya dapat magpadala sa mga patibong ni Lucas o mga pang aasar nito sa kanya. Nilingon nya ang binata at saka ito nginitian.

 

"Oo naman may alam ako sa past nya..."


"Ta--talaga?" Tila biglang nabulol si Winter ng marinig nya iyon kay Karina. 


Napansin ng dalaga na parang biglang hindi naging komportable ang katabi nya sa topic nila. Ngunit hindi nalang nya ito ipinahalata. At binaling uli ang attention kay Lucas. 

 

"Kung past lang din ni Winter ang pag uusapan...isa lang ang alam ko" she smirks, at natanaw iyon ng dalawa nyang kaibigan. Kaya naman nagkurutan sila sa ilalim ng lamesa kasi first time nilang nakita na ganun mag react si Karina kay Lucas. Sa isip nila, parang ready na itong makipag compete para kay Winter "At IKAW yun... Diba past ka na lang nya?"
Biglang umusok ang ilong at tila kumulo ang dugo ni Lucas ng sabihin nya yun. 

 

"Burn! " Mahinang banat ni Giselle sabay inom ng red wine ng sumulyap sa kanya si Lucas. 

 

"Just kidding man!" Tumawa si Karina ng makita ang mukha ng binata "Wag mo masyadong seryosohin yung sinabi ko...ang pula na tuloy ng mukha mo"

 

Napabaling naman agad si Winter kay Lucas at kitang kita nya dito ang pagpipigil ng inis ng kanyang ex fiance. Kaya hinawakan nya na ito sa kamay at saka ngumiti ng tipid. "She's just joking okay? Calm down" After nun tumingin sya kay Karina at saka bumulong "Kumain nalang muna tayo" pilit syang ngumiti dito at napansin iyon ni Karina,  para tuloy syang biglang nakaramdam ng pagka guilty dahil sa nagawa nya.

 

 

--
"Grabe! Busog na busog talaga ako!"
Hawak ni Ningning sa tyan nya at saka umupo sa kanilang sofa. 

 

"Ako rin! Hahaha galante talaga ng tukmol na yun eh noh!? Sagot nya lahat" Tawang malakas ni Giselle. Natawa din si Ningning sa pagkakatukoy nito kay Lucas. Samantalang balisa naman sa isang tabi si Karina at para bang walang naririnig. 

 

"Problema nyan?" Ningning. 


"Mukhang alam ko na kung ano" Tumabi si Giselle sa kaibigan nila at sinanggi ang braso nito. Nilingon naman sya ng dalaga. "Iniisip mo yung kanina no?"
Napakunot ng noo si Karina dahil bigla bigla na lamang syang sumusulpot.

 

"Hep!" Tinapat ni Giselle ang kamay nya sa harap ng mukha ni Karina "Easy lang! Mag susungit ka na naman eh." Pag kakalma nya dito. Nasanay na rin kasi sya sa twing bigla nyang gagambalahin ang kaibigan nya, susungitan sya nito.


Huminga ng malalim si Karina at nag okay sign.

 

"Ngayong kalmado ka na....Tama nga yung sinabi ko? ...Iniisip mo yung nangyari kanina? "
Tumango sya dito at sinabing bigla syang nakonsenya sa inasta nya kanina dahil nakita nya ang reaction ni Winter. 

 

"Ayun lang!... Patay tayo dyan! " Lumapit din sa kanila si Ningning "Mukhang ligwak ka na" Sabay gilit sa kanyang leeg gamit ang kamay nya. Binato naman sya kaagad ni Giselle ng maliit nilang unan na nasa sofa. 

 

"Pinapahina mo naman ang loob nito!.. Tsk!..." Tumingin uli sya kay Karina "Pero tingin ko tama sya."

 

Bigla namang sumimangot ang isa at nagpakawala na ng tawa si Giselle "Dude! Biro lang... Ano ka ba! Sa nakikita ko hindi naman ganun ang ugali ni Winter" Paghihimas nya sa balikat nito. "Alam mo i-chat mo na lang sya kung hindi ka na mapakali dyan."

 

Dahil dun parang nabuhayan ng loob si Karina kahit na alam naman nyang hindi talaga agad nagagalit si Winter. Pero anong malay nya sa panahon ngayon, Baka nagbago narin ito.

 

"May silbi ka rin pala paminsan minsan"
Isang mapangasar na ngisi ang binigay nya kay Giselle bago sya pumasok sa kanyang kwarto. 

 

"Ningning... Pigilan mo ako!.. Pigilan mo ako..masasapak ko yung isa na yun" 

 

"Pshh!! Dami mong satsat! Edi sapakin mo" Pagkatapos ay tinulak nya ito mula sa sofa kaya agad na natumba si Giselle. At automatic na nagbangayan na naman sila.

 

Sa kabilang banda naman. Minessage na ni Karina si Winter at sinimulan nya sa pag hingi ng sorry. Pinag explain naman sya ni Winter kung bakit sya nag sosorry at biglang napangiti ng bahagya doon si Karina kahit na medyo kabado sya kasi inexpect na nya na ganun ang isasagot sa kanya ng dalaga. Para bang hindi na sya nagulat pa. Parang sa isip nya hindi parin natatanggal sa ugali ni Winter ang ganun. Yung kahit alam nito ang nagawang kasalanan ng isang tao sa kanya gusto nyang makarinig ng explanation from them para alam nya kung alam din ba ng tao na yun kung para saan at bakit sya nag sosorry. 

Hindi narin nakatiis si Karina at tinawagan na nya ito. 

 

 

"Nagalit ka ba sa akin kanina?" Bakas ang pagkalungkot nito sa kanyang boses at tila naramdaman iyon ni Winter. 

 

"Nope...I wasn't mad at you but I have to admit na nadisappoint ako sa kinilos mo kanina." Deretsyo nyang sagot sa dalaga. Napabuntong hininga naman si Karina dahil nadismaya nya si Winter.

 

"Sorry again"

 

"It's okay...naintindihan ko naman. Siguro talagang hindi ka narin nakapag pigil kay Lucas...dahil pareho naman nating alam na madalas ka talaga nyang inisin. Actually I already talked to him before kung bakit ganun sya sayo..." Bigla syang napahinto dahil hindi nya alam kung dapat ba nyang sabihin ang dahilan na sinabi ni Lucas sa kanya....na unti unti na itong nag seselos kay Karina.

 

"Anong sinagot nya sayo? " Kabado nyang tanong. Natatakot sya na baka sinabi na ni Lucas ang totoo sa kanya. Subalit kahit papaano ay naniniwala syang hindi parin iyon gagawin ni Lucas alang alang kay Winter. 

 

"Nothing... Na--nakalimutan ko na" Then she laughs a little. Pakiramdam nya kasi na ang awkward kung sasabihin nyang nagseselos si Lucas sa kanya.

Hindi naman mapakali si Karina pero hindi na din nya kinulit pa si Winter. Kailangan nyang paniwalaan na lang ang instinct nya na wala pang nababanggit si Lucas dito. 

 

"Forgiven na ba ako? " Isang malamig ngunit malambing na boses ang binitawan ni Karina na syang nag pangiti kay Winter sa kabilang linya. 

 

"Ahmm Oo naman....wag na lang sanang mauulit. "

 

"Promise hindi na mauulit" Isang masayang tono ang kanyang pinakawalan. "So sabay parin tayong mag jogging bukas? "

 

"Sure!...Sige na late narin...let's take a rest na....Goodnight Karina" 

 

"Goodnight!  See you bukas"

 


"See You!"


---------------
"Hahaha pagod ka na noh? "
Pang aasar ni Karina ng mapansin nyang medyo malayo na ang agwat nila ni Winter sa pag jojogging habang tumatakbo sya ng mabagal ng nakaharap sa dalaga

 

"Yah!! Saglit lang!! "
Hindi na napigilan ni Karina ang pagngiti  ng malawak dahil sa kacutan ni Winter. 

 

"Ganung ganun parin ang mga ngiti mo" 

 

"Huh!?? Ano yun? Hindi ko marinig yung sinasabi mo!!"

 

"Hihintayin kong maging okay uli ang lahat kahit gaano pa yun katagal"

 

"Ano!?? My God!! Hindi talaga kita marinig! " Takbo parin nya papalapit kay Karina. 

 

"Sabi ko...magpahinga muna tayo at pagod ka na!" Ngumiti sya kasabay ng kanyang paghinto sa pag takbo.

 

"Okay Got it!" Walang tigil si Winter sa kanyang pag jojogging hanggang sa bigla nalang syang napahawak sa kanyang ulo dahilan upang mawalan sya ng balance. 


Agad namang tumakbo si Karina sa kanya. 

 

"Hey!! Are you okay? " Pag aalala nya dito. Hindi makasagot si Winter dahil sa pagsakit ng kanyang ulo. Kaya naman todo higpit ang hawak nya dito. 

Kinalma muna sya ni Karina bago ito sinakay sa kanyang likod at inupo si Winter sa isang bench. 

 

 

"Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba? " Nakaalalay nyang tanong sa dalaga. Humupa naman na ang sakit ng ulo ni Winter at saka tumingin kay Karina. 

 

"I'm fine...." Pilit syang ngumiti "Sorry kung pinag alala kita....ganito lang talaga ako pag kulang sa pahinga or stressed. " Pagsisinungaling nya. 

 

"Are you sure? "


Tumango sya sa dalaga at ngumiti uli. Subalit tila alam ni Karina ang tunay na dahilan. Kaya naman pasimple nyang inilabas ang cellphone nya at saka minessage ang isang taong importante kay Winter. 

 

 

"I think she needs you here right now. Sinumpong sya"


Agad namang nag alala ang taong pinag sendan ng message na iyon ni Karina at nag reply eto ng "I'll be there in a minute"

 

Inuwi na ni Karina si Winter sa unit nito upang makapagpahinga na rin muna. 


Pagkapasok ni Winter sa kanyang unit agad syang dumeretsyo sa kanyang medicine cabinet at kinuha doon ang kanyang gamot at saka ito ininom. Pagkatapos ay naupo na sya sa kanyang couch.

 

Maya maya ay nakarinig ito ng pag buzzer sa kanyang pinto at agad naman nya itong binuksan. 

Nagulat sya bigla ng bumugat ang mukha ng Ate Taeyeon nya sa kanyang harapan. 

 

 


"A--ate? " 

"Oh bakit parang gulat na gulat ka naman dyan? " Ngumiti sya sa kanyang kapatid at deredertsyo na pumasok sa loob na para bang hindi nya alam ang pinag daanan ng kapatid nya kanina. 

"Nag jogging ka?" Masigla nyang tanong habang nakatingin sa suot ni Winter. 

"Yes! Actually kasama ko si Karina" Ngumiti sya ng malawak. Kahit papano ay nawawala na rin ang pananakit ng ulo nya. "Sya nga pala bakit ka napadalaw?"

 

"Wala lang hahaha..."

 

"Sus! Namiss mo ako noh? "

 

"Asa ka!  Baka ikaw hahaha"

 

"Oo namiss kita" At akmang yayakap sya kay Taeyeon subalit agad naman syang napigilan nito.

 

"Yuck!! Mabaho ka pa noh hahaha" Nahagip naman ng mga mata nya ang lamesa ni Winter at nakita doon ang isang bottle. "Sumakit uli ang ulo mo? "

Natahimik si Winter pero wala na syang kawala kaya napaamin narin sya at sinabi ang totoo. 

 

"But I'm fine na... Don't worry...inalalayan naman ako ni Karina kanina."

 

"Sinabi mo na sa kanya? "

 

Umiling si Winter "Hindi ko alam kung paano... Wag mo nalang din munang sabihin sa kanya. Kahit sila Ningning at Giselle hindi pa alam"

Tumango na lang si Taeyeon. 

 

"Mag take muna ako ng shower ate ah dyan ka muna then coffee tayo after "

 

"Sure!"


Kinuha na ni Taeyeon ang cellphone nya upang makapag send ng message pagkapasok ni Winter sa Shower room. 

 

 

 

 

"Thank You for taking care of her kanina. And for letting me know sa nangyari. Thank You Karina."

 

 

***********************************************************

thank you sa mga nagbabasa ^_^

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Foreverwithyou12
Sorry guys ang tagal kong hindi nag paramdam!
Madami lang nangyare and unfortunately I forgot my password. Buti nalang after ilang tries, na open ko na uli.
Sorry sa mga nag hintay ng matagal. At thank you naman sa patuloy na nag susupport sa story na 'to. Susubukan ko ulit mag update. ☺️

Comments

You must be logged in to comment
Maatt_booii #1
Nasa haitus ba to?? Hehehe waiting na lang kay otor lung kailan mag uupdate
HelloMango
#2
Chapter 13: Hi po writernim, sana healthy po kayo will wait sa update mo anytime fighting
jmj1117 #3
Chapter 13: Hello author-nim, wag ka na tampo please. Update ka na ulit hihihi

Kidding aside. Ganda ng story. Patiently waiting for the next update. Fighting!
Miinjeongiee #4
Chapter 13: Hello po authornim, ang ganda po naman ng story nyo! Sana po maka update ulit po kayo! Sobrang ganda kasi! Nakaka kilig pa 🤧
ohyeah12 #5
Chapter 12: Ang cute ng banter ni Giselle and Ningning haha careful baka kayo magkatuluyan yiiieeeee hahahahah
lovebreaks #6
Chapter 12: Ano kaya yung “kasalanan” ni Karina kay Lucas at galit na galit siya?? Hayy

Possessive naman ni boi Lucas, hoy walang sayo Nicole HAHAHAHHA charot salamt sa update 💖
wenrene22
#7
Chapter 12: awwww mabuti naman at naintindihan nila Giselle at Ningning ang sitwasyon ni Karina sa pinagdadaanan nya at tama ang hula ko na dati nang magkarelasyon sila Karina at Winter doon palang sa ice cream na alam na ni Karina kung anong favorite flavor ni Winter and about naman kay Lucas ano naman reason nya bakit ang laki ng galit nya kay Karina? Thank you author-nim na enjoy ko naman ang update mo as always. : )
lovebreaks #8
Chapter 11: Uh oh 😦
Giselle and ningning about to know karina and winter’s past cant wait
lovebreaks #9
Chapter 11: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1471442/11'>Eleven</a></span>
OMG i love this long updates authorrr keep it up chos hhahahha
wenrene22
#10
Chapter 11: oh my, oh my ano na kaya yung nakita nila dun sa box at bakit sa kauna-unahan naging serious ang tono ni Giselle? 😱 acccckkkk gusto ko nang malaman 😭. Thank you author-nim andito lang ako ule mag aabang kung ano na ang mangyayari in the next chapter. mwahhhh~ 😙