Fourteen

The Girl Next Door

 

 

"Pssst! Anong meron dyan?" Siko ni Ningning kay Giselle habang nakatingin at naka nguso kay Karina na panay ang kembot sa may sala habang sila naman ay nasa kusina.

 

"Ganyan talaga yan pag natatae" saka sya tumawa at agad naman syang nakatanggap ng malakas na hampas mula kay Ningning. "Aray! Charot lang naman kasi!" Reklamo pa nya habang himas himas ang kanyang braso.

 

"Ano nga!?" Nanlalaking mga matang tanong uli nya.

"Tsk! Okay! Eto na! Wag ka kasing atat!, Napaka atat mo eh!"

Inirapan lang sya ni Ningning at sumenyas na sabihin na yung totoo. Huminga naman muna ng malalim si Giselle para habaan pa ang pasensya sa kausap nya.

 

"Ganito kasi yun...mag kausap kami kagabi at nakuwento nya sa akin yung nangyare sa kanila ni Winter. Puchang inamers! Kinilig nga ako eh hahaha. Tapos ayun, sabi nya susubukan na daw nyang unti untiing ipapaalala kay Winter na minsan ay naging part din sya ng past nito. Ayaw nyang biglain si Winter dahil hindi nya alam kung ano ang magiging epekto nito sa kanya." 

Napatakip naman si Ningning ng kanyang bibig ngunit halata sa kanyang mga mata ang kanyang saya ng marinig nya ang mga iyon.

 

"OMG! Seryoso ba talaga!?" 

 

"Ay hindi Ningning, nag bibiruan lang tayo dito. Tumawa ka naman!" Pang aasar pa nya.

 

"Leche ka talaga!"

 

"Hoy!! Nag babangayan na naman kayo dyan! Ang ganda ganda ng umaga oh!" Nakangising singit ni Karina habang nag tatali ng kanyang sapatos at tinuro pa ang sinag ng araw.

 

Nagmadali namang lumapit sa kanya si Ningning, sabay hila ng konti sa kanyang buhok na kaagad namang ininda ni Karina.

 

"Aw Para san yun?" 

Agad nag cross ng arms si Ningning at ngumuso " Ang daya daya mo! Bakit hindi mo sinabi sa akin yung nangyare sa inyo ni Winter kagabi, huh? Tapos may mga plano ka na pala, hindi mo man lang shinare sa akin! May favourite ka na Karina. Nakakatampo!"

 

"Ugok ka! Mag tigil ka nga sa kakadrama mo!" Kurot naman ni Giselle sa tagiliran nya ng makasunod ito sa kanilang puwesto. "Pano nya masasabi, eh diba dahil sa katakawan mo sumakit yang tyan mo kaya maaga kang nag pahinga!? My God!"

 

"Masakit yun Giselle ah!!"

 

"Mga kaartehan mo kasi! Napaka none sense!"

"Fine! Oo na! Mali ko na!" Sagot na lang nya habang iirap irap pa.

"Ay buti naman tinanggap mo rin hahaha"

 

Natatawa nalang sa kanila si Karina. At maya maya ay sinabi narin nito ng buo kay Ningning kung ano nga ba ang mga pinag usapan nilang dalawa ni Giselle tungkol sa mga plano nya para kay Winter.

 

 

"Kakagigil ka Karina!! Kainis!! excited na ako sa mga mangyayari sa inyo ni Winter." Medyo nimimilipit na sabi ni Ningning ng matapos na si Karina sa kanyang kwento.

 

"At naiinggit na naman po sya hahaha" Singit ni Giselle.

"Excuse me! Hindi ako naiinggit no! Baka ikaw! Ako kahit walang lovelife, happy parin. Ewan ko lang sayo." Balik alaska naman nito.

Biglang nagkatinginan si Giselle at Karina ng marinig nila iyon. At iisang tao lang ang pumasok sa isip nila, walang iba kundi si Sungchan.

 

"Oh ow! Labas na ko dyan ah! Tsk!...sige na alis na ako, baka nag hihintay na si Winter." At agad na nga syang tumayo para lumabas na ng kanilang pintuan "Bye! Enjoy here!!" Pang aasar nya pa sa dalawa bago nito sinara ng tuluyan ang pinto.

 

"Oh bat ang sama mo makatingin!?" Tatawa tawang tanong ni Ningning "Nang aasar lang ako. Napikon ka? Hahahaha"

 

"Shut up!" Irap ni Giselle at saka tumalikod sa kanya at nag umpisang lumakad papunta sa kanyang room.

 

"Hala! Hoy!! Nagbibiro lang ako!"

 

"Bahala ka dyan! Maghanap ka ng kausap mo!" At tuluyan na nga syang pumasok sa kwarto.

 

"Hahaha bakit ka ba ganyan ngayon!? Hoy!! Talk to me!!" Bago pa nga nya maabutang bukas ang pinto nito, agad namang sinara iyon ni Giselle, kamuntikan pa ngang maipit ang kanyang kamay mabuti nalang at kaagad nya itong naalis.

"Giselle!! Buksan mo to!!!"

 

"Tubol mo!!! Mag dusa ka dyan!!"

 

 

---------------

"Are you ready?" Nakangiting tanong ni Karina sa napaka gandang si Winter na kanyang kaharap ngayon habang sila ay nasa waiting area ng mga bus.

 

Tumango naman sya ng dalawang beses at bakas sa kanyang mukha ang pagka sabik sa kanilang pupuntahan.

 

"Tara?" Nakangiti parin nyang tanong habang nakalahad ang kanyang kamay at hinihintay na abutin iyon ni Winter.

Kaagad namang namula ang mga pisngi nya ng gawin iyon ni Karina. 

"Okay, Let's go!" Masaya nyang tugon bago abutin ang kamay ng dalaga at saka sila sumakay ng bus.

 

Napalunok naman si Karina ng makita nyang puno na ang loob nito at medyo marami narin ang mga nakatayo dito.

 

"Sorry Winter, gusto mo bumaba nalang muna tayo? Sa susunod na bus nalang tayo sumakay." Nahihiya nyang tanong. Sya kasi ang nag suggest na mag bus sila, kagaya ng ginagawa nila dati pag pupuntahan nila ang lugar na iyon. Subalit sadyang mabilis talagang mag bago ang panahon. Hindi kagaya noon na lagi pa silang may nauupuan sa bus.

 

Nilingon sya nito at nagpakawala ng isang ngiti.

"It's okay Karina. No prob. Tara dun na tayo sa bandang gitna."

Wala na syang nagawa kundi ang sumunod nalang kay Winter.

Magkatabi lang silang nakatayo habang nagkukwentuhan ng mahina. Hanggang sa mapansin ni Karina na nababangga na pala si Winter ng isang lalaki mula sa likod nito. Hindi naman iyon intensyon ng lalaki, sadyang mabilis lang magpatakbo ang bus driver at minsan ay hindi ito nag iingat sa kanyang pag pepreno. Agad din namang humingi ng pasensya ang lalaki sa dalaga.

 

"Are you okay? Hindi ka naman ba nasaktan?" Tanong ni Karina kay Winter. Binigyan sya nito ng isang kalmadong ngiti at saka umiling ng dalawang beses.

Kaya naman para hindi na uli mangyare iyon, agad nyang nilagay ang kanyang kamay sa kabilang balikat nito at inilapit pa sa kanyang tabi si Winter. 

 

"Baka mabangga ka kasi uli." Na iilang nyang sabi sabay kamot sa kanyang ulo na ikinatuwa naman ng bahagya ng isang dalaga.

Maya maya pa huminto uli ang bus na kanilang sinasakyan at may mga sumakay uli dito kaya naman mas dumami pa silang nakatayo ngayon. 

Medyo nasisiksik silang dalawa kaya hindi maiwasan na mas nagkakadikit pa sila. Pero pinipigilan ni Karina na madikit ng husto ang katawan nya kay Winter dahil baka hindi ito maging komportable. Nanatili parin naman ang kanyang kamay sa braso ng dalaga upang hindi ito mawalan ng balanse.

Sa pagkakataong yun, nagsasaya si Winter sa kanyang loob. Pakiramdam nya na palagi syang iniingatan ni Karina. Subalit agad na kumunot ang kanyang noo ng mapansin nya ang ilang babaeng estudyante sa tabi ni Karina. Nag bubulungan ang mga ito at tila ba parang kinikilig at pasimpleng tumitingin kay Karina.

Maya maya pa ay pakunwaring nawalan ng balanse ang katabing estudyante ni Karina upang madikit sya rito.

"Ay sorry po" pag papa cute pa ng estudyante.

"Okay lang, ikaw ayos ka lang ba?" Pag aalala naman agad nya dahil sa ekspresyon ng babae ay mukha syang nasaktan kahit naman iyon ay isang arte lang.

Halatang halata yon ni Winter na isa lamang yong palabas. Ramdam nya talaga na nagpapapansin lang yun kay Karina.

Agad na umirap ang kanyang mga mata at nagpakawala ng malalim na hininga.

 

"I think she's okay, nakangiti pa nga sya oh" sarcastic na singit ni Winter. Hindi na sya nakatiis! At sinabi na nya iyon. Alam nya kasi sa sarili nya na nakakaramdam na sya ng selos, hindi nya lang maamin kay Karina. Kung pupwede nga lang na sabunutan na nya yung babae,ginawa na nya subalit wala yun sa kanyang pag uugali!

 

Napatingin naman si Karina sa kanya at tila nagulat sa kanyang biglaang pagsasalita at sa paraan ng kanyang pananalita. 

 

Samantalang mukhang napahiya naman ang isang estudyante ng marinig nya yun. At saka sya sumiksik sa kanyang mga kaibigan at tila nag bubulungan na naman. Lumingon pa ito kay Winter na para bang naiinis sya sa inasta nito. Ngunit bilang ganti ng dalaga, nag smirk lang sya at agad na nilagay ang kanyang kamay sa bewang ni Karina at marahan nya itong hinila upang mas maging magkatabi pa sila.

Nagulat naman si Karina roon dahilan upang mapatingin sya sa dalaga.

"Baka kasi mag papansin uli--- I mean baka ma out of balance uli sya at masanggi ka uli, mas okay na yung ganito. Ayos lang naman sa akin na magkadikit tayo." Paliwanag nya kahit Hindi naman sya tinatanong ni Karina. Inunahan na nya ito. "Sayo, okay lang ba?" 

 

"O--oo, o--okay lang sa a-akin" uutal utal nalang nyang sagot at pareho nalang silang nanahimik pagkatapos nun.

 

-------

"We're here!" Bungad ni Karina habang nakatingin kay Winter.

Nakababa na sila ng bus at kasalukuyang nasa labas na sila ng isa sa mga paburito nilang puntahan dati.

 

"Tara pasok na tayo sa loob! Excited na ko Karina!" Bakas sa kanyang mukha ang labis na pagkagalak.

 

 

"Wow!! Ang ganda dito!"

Mangha nyang sabi na nanginginang nginang pa ang mga mata pagka pasok nila sa loob.

Masaya syang pinag mamasdan ni Karina sa kanyang tabi. Nasa isip nito na wala paring pinag babago ang babaeng kasama nya. Ganoon din kasi ang reaksyon nito nung dalhin sya ng dalaga dito upang mag date dati noong hindi pa sya na aksidente.

 

Ito rin ang favourite amusement park ni Winter. Bukod sa maganda ito, naging paburito nya rin ito dahil ang daming masasayang memories ang nagawa nila ni Karina sa lugar na ito. 

Hindi pa man nya maalala ang lahat ng yun sa ngayon, dadating din ang tamang panahon para doon.

 

"Grabe napaka ganda talaga dito Karina! Buti nalang at naisipan mo kong dalhin dito." Tuwang tuwang sabi nya habang sila ay naglalakad at umikot ikot pa nga sya ng dahan dahan.

Napailing doon si Karina ng nakangiti. Simula pa dati, hindi na talaga matanggal ni Winter ang ganoon nyang kilos pag sya ay nasasabik o natutuwa ng sobra sa isang lugar.

"Kasing ganda mo" pasimpleng bulong nya.

Huminto naman kaagad si Winter sa kanyang pag ikot.

"Huh? Ano yun?" Taka nya pang tanong na nagsasabing hindi nya naintindihan ang sinabi nito. Hindi nya talaga iyon narinig ng maayos.

 

"Ah eh...wala...wala yun" kamot naman nito sa kanyang ulo.

 

"Ano nga kasi" This time nag pout na sya.

Dahilan ng pag kagat ni Karina sa sarili nyang mga labi. Bakit ba parang natutukso sya na halikan ito? 

Bago pa man nya magawa iyon, iniwas na nya ang kanyang paningin.

 

"Sabi ko, kasing ganda mo" nahihiya pa nyang ulit.

 

Napangiti naman si Winter ng pasimple doon at saka sinabing "AnoAno uli yun?" Pagkukunwari nyang hindi nya uli ito naintindihan. 

 

"Tsk! Pinag titripan mo nalang ako eh. Alam kong narinig mo yun." Pinisil nya saglit mga malalambot na pisngi nito. 

"Hmp!" Nag pout uli sya at naka cross pa nga ang kanyang mga braso na parang batang nag tatampo. "Gusto ko lang naman marinig uli" dugtong nya habang nakatuon ang kanyang tingin sa baba.

Napatawa naman ng mahina si Karina sa kanyang ginawa "Sige na uulitin ko na, tumingin ka muna sa akin."

"Yoko nga!" Pag dadrama pa nito, na mas nagpangiti pa sa dalaga.

 

Hinawakan na ni Karina ang magkabilang pisngi ni Winter at dahan dahan nya itong iniangat.

 

"Sabi ko.....kasing ganda mo" Seryoso nyang ulit. 

Napakurap naman ng dalawang beses doon si Winter. Dahil iba ang dating ng boses ng dalaga ng banggitin nya iyon. Para bang inaakit sya ng tono nito.

 

"Okay na? Naintindihan mo na?" 

Ilang segundo pa ang lumipas bago nya ito sinagot ng dalawang pag tango. Nabigla talaga sya dahil hindi naman nya inaasahan na ganun ang magiging impact ng pagkakasabi sa kanya ni Karina.

 

"Good!Tara na nga, kumain muna tayo ng umagahan." Nakangiti nyang sabi pagkatapos nyang tapikin ng marahan ang ulo ni Winter.

At walang pag aaksayang oras din nyang hinawakan ang kamay nito upang pumunta na sa kanilang kakainan.

Pigil ang ngiti ni Winter habang pinagmamasdan nya ang kamay nila ni Karina na magkahawak. Sa loob loob nya, sana wag na itong bumitaw sa pagkakahawak sa kanya.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Foreverwithyou12
Sorry guys ang tagal kong hindi nag paramdam!
Madami lang nangyare and unfortunately I forgot my password. Buti nalang after ilang tries, na open ko na uli.
Sorry sa mga nag hintay ng matagal. At thank you naman sa patuloy na nag susupport sa story na 'to. Susubukan ko ulit mag update. ☺️

Comments

You must be logged in to comment
Maatt_booii #1
Nasa haitus ba to?? Hehehe waiting na lang kay otor lung kailan mag uupdate
HelloMango
#2
Chapter 13: Hi po writernim, sana healthy po kayo will wait sa update mo anytime fighting
jmj1117 #3
Chapter 13: Hello author-nim, wag ka na tampo please. Update ka na ulit hihihi

Kidding aside. Ganda ng story. Patiently waiting for the next update. Fighting!
Miinjeongiee #4
Chapter 13: Hello po authornim, ang ganda po naman ng story nyo! Sana po maka update ulit po kayo! Sobrang ganda kasi! Nakaka kilig pa 🤧
ohyeah12 #5
Chapter 12: Ang cute ng banter ni Giselle and Ningning haha careful baka kayo magkatuluyan yiiieeeee hahahahah
lovebreaks #6
Chapter 12: Ano kaya yung “kasalanan” ni Karina kay Lucas at galit na galit siya?? Hayy

Possessive naman ni boi Lucas, hoy walang sayo Nicole HAHAHAHHA charot salamt sa update 💖
wenrene22
#7
Chapter 12: awwww mabuti naman at naintindihan nila Giselle at Ningning ang sitwasyon ni Karina sa pinagdadaanan nya at tama ang hula ko na dati nang magkarelasyon sila Karina at Winter doon palang sa ice cream na alam na ni Karina kung anong favorite flavor ni Winter and about naman kay Lucas ano naman reason nya bakit ang laki ng galit nya kay Karina? Thank you author-nim na enjoy ko naman ang update mo as always. : )
lovebreaks #8
Chapter 11: Uh oh 😦
Giselle and ningning about to know karina and winter’s past cant wait
lovebreaks #9
Chapter 11: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1471442/11'>Eleven</a></span>
OMG i love this long updates authorrr keep it up chos hhahahha
wenrene22
#10
Chapter 11: oh my, oh my ano na kaya yung nakita nila dun sa box at bakit sa kauna-unahan naging serious ang tono ni Giselle? 😱 acccckkkk gusto ko nang malaman 😭. Thank you author-nim andito lang ako ule mag aabang kung ano na ang mangyayari in the next chapter. mwahhhh~ 😙