Three

The Girl Next Door

 

"Buhusan ko na kaya ng malamig na tubig yang isa na yan. Ano sa tingin mo? "  Suggest ni Giselle kay Ningning habang pinagmamasdan nila mula sa Kusina ang tulala nilang kaibigan na nakaupo sa sala at tila pangiti ngiti pa.

 

"Ang harsh mo naman" Sumulyap sya kay Giselle at bumaling uli kay Karina "Kung hampasin ko nalang kaya ng frying pan yan baka sakaling matauhan na" Bahagya syang napatawa dahil sa kanyang naisip."Genius ko talaga" dagdag pa nya

 

"Sira!" Nabatukan tuloy sya ni Giselle dahil sa sinabi nyang yun habang pinipigil din ang kanyang pag tawa. 

Mamaya maya pa ay nilapitan nadin nila ang kaibigan nilang si Karina at sabay itong inakbayan na nagpakilos naman sa dalaga. 

 

 

"Yah!! Ano ba!?" Gulat nyang sabi at saka tiningnan ang dalawa. 

"Hahaha dude! Kasi naman para kang tanga na ngingiti ngiti dyan" Giselle. 

"Oo nga!  Naku panigurado iniisip mo na naman yung sinabi ni Winter mo kanina noh?" Taas babang kilay pa ni Ningning kay Karina. 

 

"Hi--hindi noh" Pagsisinungaling pa nya habang pinipigilan ang mga ngiti nya 

 

"Halalalala ang landi!!" Hila ni Giselle sa mahabang buhok ni Karina.

 

 

FLASHBACK


"Lucas is actually my...Fiance"

 

"What!??? " Gulat na tanong ni Giselle at Ningning. 


Pagkatapos ay tumingin si Giselle kay Karina at saka bumulong. "Dude tama ka nga sa sinabi mo kanina"

Tipid lang na ngumiti sa kanya ang kaibigan nya. 

 

"Pero...."


Bumalik ang tingin nila sa dalaga ng magsalita uli ito, maliban kay Karina.

 

Ngumiti si Winter at saka idinugtong ang mga salitang "Dati yun....Mag kaibigan nalang kami ngayon" 

 

Agad na napalingon si Karina sa idinugtong na iyon ni Winter. Hindi sya makapaniwala sa narinig nya dahilan upang magulat sya at naitulak pa nga si Ningning sa hagdan buti nalang ay agad syang nahawakan ni Giselle. 

 

END OF FLASHBACK

 

"Grabe akalain mo yun! Fiance nya dati yung Lucas tapos ngayon magkaibigan na lang sila? Ang sakit din siguro nun? " iiling iling pang sabi ni Ningning

 

"Wag na natin pakialaman yung past nung dalawa na yun. Ang mahalaga malaki ang chance nitong manok natin na makuha si Winter hahaha" Sabay Gulo ni Giselle sa buhok ni Karina at nilingon pa nya ito. 

 

"Wag mo nga akong tingnan" Tinakpan nya kaagad ang mukha nya ng maramdamang umiinit na ito. 


"Hahaha Fine!..." Sumandal na si Giselle sa sofa at saka nagpakawala ng hangin "Laking swerte mo nga din naman dude oh!  Biruin mo yun!....nakasabay mo ng mag jog si Winter tapos nakasama din nating kumain kanina ng mga sandwich na ginawa mo...ayun nga lang hindi mo na nagawa yung pinractice mo kung paano mo sya i-aapproach hahaha" Giselle

 

"Paano epal yung Lucas!  Akala mo kung sinong gwapo! " Ningning

"Bakit hindi nga ba? " Mapaglarong tanong ni Giselle habang silip silip nya si Ningning sa tabi ni Karina. 


"Hmmm let me think... " pag iisip pa kunwari ni Ningning. 

 

"Pshhh wag na...wala naman akong aasahan sayo!  Wala ka naman kasing taste pagdating sa face! "

 

"Hoy hoy hoy meron noh"

 

"Hahaha utot mo! Last time nga yung hinabol habol mong guy mukhang ingrown hahaha"

 

"Yah!!!"

 

"Oh bakit totoo naman ah hahaha"

 

"Tsk! Kung pag umpugin ko na lang kaya kayo! Ang ingay nyo nawawala na ako sa konsentrasyon! " Pag basag naman ni Karina sa kaguluhan ng dalawa nyang kaibigan. 

 

"Aba!!!" Sigaw nilang pareho. 

 

Nanlaki bigla ang mga mata ni Karina bago sya tumayo at dahan dahang lumakad hanggang sa tumakbo na nga sya sa kanyang kwarto. Alam kasi nyang babalyahin na naman sya ng dalawang iyon dahil sa mga sinabi nya. 

 

-------

Nagulat si Giselle ng makita kung sino ang nag buzzer sa pinto nila. Agad nya itong binuksan pagkatapos nyang punasan ang gatas na naiwan sa labi nya dahil sa pag inom ng fresh milk. 

 

"Good morning" Mahinhing bati ni Winter sa kanya. 


"Good Morning din" Ngiti naman ni Giselle "Ahmm halika pasok ka"
Pangungumbita pa nya sa dalaga. Hindi naman na nagdalawang isip pa si Winter at pumasok narin sya sa tinitirahan nila Giselle. 

 

"Maupo ka" Ngiting sabi pa nya sa kanilang bisita. "Ahmmm sya nga pala bakit ka napadalaw?"

 

Tinaas ni Winter ang dala nyang dalawang Tupperware bago sya nagsalita "Ginawan ko kayo ng spaghetti and vegetable salad na din. Pambawi ko man lang dun sa sandwich kahapon" Tipid syang tumawa.  Habang napakamot naman sa ulo si Giselle. 

 

"Nakakahiya naman sayo"

 

"Naku wala yun! "

 

"Urgghh! Yah Giselle!! Kadiri ka hindi ka man lang nag Flash sa---" Naputol ang sasabihin ni Ningning pagkalabas nya sa comfort room ng mapansin nyang nandoon si Winter. "Oh...Winter nandito ka pala" Awkward syang tumawa "Hi!"

 

"Hello Ningning" Ngiti nya sa dalaga 

 

"Ah eh....Ningning paki gising nga muna si Karina sabihin mo nandito si Winter" Utos ni Giselle. 

 

"Wag na, baka gusto pa nyang magpahinga" Winter. 

 

"Naku mas gusto ka pa nyang makita kesa matulog." Bulong naman nya

 

"Huh?  Ano yun? " Winter. 

 

"Wala ha ha ha" Peke nyang tawa at saka bumaling kay Ningning at ngumuso na gisingin na si Karina

 

Tumango naman ito sa kanya at akmang pupunta na sa kwarto ng kaibigan nila ng mapansin nyang kakalabas lang nito sa kwarto dala ang magulo nyang buhok at manipis na pantulog. Palakad lakad lang sya na tila inaantok pa at hindi maimulat ng buo ang mga mata. 

Agad namang nag panic si Ningning at tatakpan na sana si Karina bago pa ito makita nila Giselle at Winter subalit hinawi lang nya ito pagilid upang umalis sa dadaanan nya.


Wala ng nagawa si Ningning kundi sundan nalang si Karina sa lababo. 

Napangaga si Giselle ng makita nya ang itsura ng kaibigan nila habang si Winter naman ay tinakpan ang mukha nya subalit nakasilip naman ang kanyang mga mata.

 

 

"Psstt! Karina! " Hiyang Sigaw sa kanya ni Giselle. Pero hindi sya pinansin nito. 


Kinalabit naman sya ni Ningning pero bigo din ito na pansinin din sya ni Karina. 

 

"Anak ka ng... " Hindi na napigilan ni Ningning ang sarili nya at hinawakan na nya sa magkabilang balikat si Karina at saka ito iniharap kina Winter.  "Karina Nandito si Winter oh" 

 

Agad na napamulat si Karina at bumilis ang tibok ng puso nya ng sabihin iyon ni Ningning. Dahan dahan syang tumingin sa direksyong itinuro ng kaibigan nya at dun nya nasilayan si Winter na tinatakpan ang mukha nya habang nakasilip ang mga mata nito. 

 

"! " Mahina nyang sabi at agad na hinila si Ningning upang ipangtakip ito sa kanyang harapan. Sa kanya kasing manipis na pantulog ay bumabakat dito ang kanyang bra. 

 

"Bakit di mo na lang binulong sa akin" Pasimple syang bumulong kay Ninging habang kagat kagat ang kanyang mga ngipin

 

"Kung yung tawag nga sayo ni Giselle kanina hindi mo narinig, bulong ko pa kaya?...Wag ka ng manisi...kasalanan mo yan bingi ka" Kagat ngipin ding sagot ni Ningning. 

 

"So-sorry Winter ah... Ma-magpapalit muna ako...Ba-Bye bye" Umalis na nga sya habang hila hila parin si Ningning.

 

"Cute" Pasimpleng bulong ni Winter ng tumalikod sya kaunti kay Giselle. 

Napangiti ang katabi nya subalit hindi na lang nya pinahalata na narinig nya ang sinabi ng dalaga. 

 

Nagmadali namang nagpalit si Karina ng kanyang suot at agad ding inayos ang kanyang sarili bago nya puntahan si Winter sa kanilang salas. 

 

"Pasensya na sa kanina ah" Kamot sa ulo ni Karina ng tumabi sya kay Winter. 

 

"Ayos lang" tipid nyang sagot habang nakangiti at nakatingin sa kanya. 


Napakurap naman si Karina ng dalawang beses at saka sinabi sa kanyang isipan na (Hindi parin talaga nag babago ang mga ngiti mo.) 

 

"Ba-bakit ka nga pala naparito? " Hiya syang ngumiti habang paiwas iwas ang kanyang tingin. Masyado kasing malapit ang mukha nila sa isa't isa kaya umisod sya ng kaunti sa gilid nya upang maibsan ang kanyang pagkailang. 


Sinabi naman ni Winter ang kanyang dahilan tulad ng sinagot nya kay Giselle kanina. 

 

"Sabi pa nga ni Winter sa akin nung nag uusap kami,  nag buzzer din daw sya kanina bago mag alas sais para ayain tayo mag jog pero unfortunately walang nagising sa atin sa pag buzz nya" Pag kukwento naman ni Giselle sa dalawa nyang kaibigan. 

Napapikit naman saglit si Karina dahil sa panghihinayang ng marinig nya iyon. 

 

"Pero okay lang yun sa akin. Nasabi naman ni Giselle na rest day nyo muna sa pag jojog ngayon."

Simpleng kinalabit ni Ningning si Karina at saka ito sinenyasas. Agad din namang nakuha ng kaibigan nya ang nais nyang iparating. 

 

"Ganun ba?  Don't worry Bukas sasabayan ka uli namin sa pag jogging" Karina

 

"Talaga!? Sabi mo yan ah" Humarap sa kanya si Winter at saka ngumiti ng abot sa kanyang mga mata. 

"Oo naman" Ngumiti din si Karina subalit agad din itong napalitan ng hiya when she realized that she's patting her head.


Simple namang napatawa sila Giselle at Ningning dahil sa reaction na iyon ng kaibigan nila. 

 


Maya maya pa ay inaya na din nila si Winter na sumabay na sa kanila na mag breakfast. Hindi naman na sya tumanggi pa at sinaluhan na din sila Karina sa lamesa.


 
------
"Hoy wala ng mag pupuyat ngayon ah. Bawasan muna natin ang pag momovie marathon para maaga tayo bukas.  Nakakahiya kay Winter kanina"
Aniya ni Karina ng matapos na silang maghapunan.

 

"Hahaha oo na oo na. Mag aadjust kami for you! " Sabay kindat ni Ningning sa kanya. 

Sumang ayon din naman si Giselle habang nililigpit ang kanilang pinagkainan. 

 

"Pero Maiba ako.." Bigkas ni Giselle kaya napalingon ang dalawa sa kanya " Ang ganda pala talaga ni Winter no... Wooohh! Kasi nakaharap ko sya kanina habang magkausap kami hahaha"

 

Agad naman syang binigyan ng matalim na tingin ni Karina dahil doon. 

 

"Hep!!! Alam ko yang mga tininginan mo na yan... Wala akong gusto dun sa Winter mo ah. Sinasabi ko lang na maganda talaga sya...Masyado ka namang selosa hahaha"

 

 

"Mabuti na yung malinaw noh! " 

 

********************************************************

To be Continued!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Foreverwithyou12
Sorry guys ang tagal kong hindi nag paramdam!
Madami lang nangyare and unfortunately I forgot my password. Buti nalang after ilang tries, na open ko na uli.
Sorry sa mga nag hintay ng matagal. At thank you naman sa patuloy na nag susupport sa story na 'to. Susubukan ko ulit mag update. ☺️

Comments

You must be logged in to comment
Maatt_booii #1
Nasa haitus ba to?? Hehehe waiting na lang kay otor lung kailan mag uupdate
HelloMango
#2
Chapter 13: Hi po writernim, sana healthy po kayo will wait sa update mo anytime fighting
jmj1117 #3
Chapter 13: Hello author-nim, wag ka na tampo please. Update ka na ulit hihihi

Kidding aside. Ganda ng story. Patiently waiting for the next update. Fighting!
Miinjeongiee #4
Chapter 13: Hello po authornim, ang ganda po naman ng story nyo! Sana po maka update ulit po kayo! Sobrang ganda kasi! Nakaka kilig pa 🤧
ohyeah12 #5
Chapter 12: Ang cute ng banter ni Giselle and Ningning haha careful baka kayo magkatuluyan yiiieeeee hahahahah
lovebreaks #6
Chapter 12: Ano kaya yung “kasalanan” ni Karina kay Lucas at galit na galit siya?? Hayy

Possessive naman ni boi Lucas, hoy walang sayo Nicole HAHAHAHHA charot salamt sa update 💖
wenrene22
#7
Chapter 12: awwww mabuti naman at naintindihan nila Giselle at Ningning ang sitwasyon ni Karina sa pinagdadaanan nya at tama ang hula ko na dati nang magkarelasyon sila Karina at Winter doon palang sa ice cream na alam na ni Karina kung anong favorite flavor ni Winter and about naman kay Lucas ano naman reason nya bakit ang laki ng galit nya kay Karina? Thank you author-nim na enjoy ko naman ang update mo as always. : )
lovebreaks #8
Chapter 11: Uh oh 😦
Giselle and ningning about to know karina and winter’s past cant wait
lovebreaks #9
Chapter 11: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1471442/11'>Eleven</a></span>
OMG i love this long updates authorrr keep it up chos hhahahha
wenrene22
#10
Chapter 11: oh my, oh my ano na kaya yung nakita nila dun sa box at bakit sa kauna-unahan naging serious ang tono ni Giselle? 😱 acccckkkk gusto ko nang malaman 😭. Thank you author-nim andito lang ako ule mag aabang kung ano na ang mangyayari in the next chapter. mwahhhh~ 😙