Eight

The Girl Next Door

 

"Hoy!!!...Ano ba!? Kinakausap kita, tulala ka dyan! "
Agad na napabalikwas si Giselle sa kinauupuan nya ng sigawan at sipain ng mahina ni Ningning yung kanyang upuan. Kaya naman nabaling ang atensyon nya rito. 


"Huh!? Kinakausap mo ba ako?"


"Oo girl kanina pa. Pero wala ka paring Kibo!  Ano ba ang iniisip mo huh!?"


"Tsk!" Huminga ng malalim si Giselle bago uli tinanaw ang kwarto ni Karina na makikita kung sisilip ka mula sa kanilang hapagkainan. "Parang may kakaiba kasi kay Karina ngayon."


"Ahhh si Karina pala ang dahilan kung bakit tulala ka? Oh ano namang meron sa kanya aber!?" 


"Mukha kasi syang balisa nung bumalik sya dito after nilang mag jog ni Winter. Tapos tinanong ko kung okay lang ba sya, sagot naman nya Oo"


"Yun naman pala eh! Ano pang winoworry mo?"


"Hay naku! Alam mo minsan hindi ko alam kung may kwenta ka ba talagang friend o saling pusa ka lang dito! Kilala mo naman yung taong yun... Kahit may mali ng nangyayare hindi parin nya sasabihin yung totoo. Alam mo yun....parang ang dami nyang hindi sinasabi sa atin" Malungkot at may halong disappointment na sabi ni Giselle


"Actually medyo na hurt ako dun sa walang kwentang friend ah. Pero sige I'll let it slide....Hmmm pansin ko rin naman kay Karina yung ganung ugali nya pero anong malay natin baka kasi ayaw nya lang din na pati tayo madamay sa mga problema nya"

 

"Sa bagay may point ka naman dun... Kaya lang....Parang may something pa talaga na hindi nya sinasabi sa atin."


"Ano naman yun!?"


"Hayyyyy.....Ang sarap mong kutusan! Kung alam ko yung something na yun edi hindi na sana ako nag iisip isip ngayon!...may sapak ka din talaga eh noh!"

 

"Ang aga aga nang lalait ka na naman! Parang nagtatanong lang!"


"Woohhh.. Inhale exhale Giselle" Bulong nya upang mapakalma ang kanyang sarili at saka sya ngumiti ng pilit kay Ningning "Friend kung mag tatanong ka na lang din....make sure yung may sense huh?"

 

"Grabe ka!!!May sense naman yun ah" She pouts.


"Oo na lang Ningning...Labas nga muna ako at baka maihagis na kita!" 


Agad na tumayo si Giselle at saka lumabas ng unit nila upang magpahangin saglit. Samantalang naiwan namang nagbubugnot sa loob si Ningning. 

 

 

------
@Coffee Shop


Maingat na nag uusap sina Taeyeon at Baekhyun habang hinihintay nilang makabalik si Winter sa pwesto nila mula sa comfort room. 

 

"Nag aalala parin talaga ako sa kanya. Lalo na at hindi na kami magkasama ngayon...kagaya nalang kanina sinumpong na naman sya."

 

"I understand what you are feeling, Pero diba sabi naman ni Doctor Choi dati na normal nya lang talagang ma eexperience ang ganun?"

 

"Oo pero syempre naaawa pa din ako sa kapatid ko....Ang dami pa nyang hindi maalala kahit ilang taon na ang lumipas simula ng mangyari yun"


Bigla namang nag alala ang mukha ni Baekhyun ng makita nyang nalungkot si Taeyeon. Kaya naman agad nya itong niyakap ng bahagya.

 

"She'll be fine" He cups her face and flashes a smile then kiss her forehead bago nya ito pinakawalan. "Ahmmm si Karina ba, kahit papaano naalala na ba sya ni Winter? "

 

"I don't think so....Wala syang nababanggit sa akin. I know na mahirap din ito para kay Karina."

 

"I really can't imagine her pain....Pero hindi din naman kasalanan ng kapatid mo kung hindi pa nya maalala kung ano ba talaga si Karina sa buhay nya. "

 

"Yah!! Mukhang seryosong usapan ata yan ah"
Naputol ang conversation nilang dalawa ng makabalik na si Winter. Agad silang kumilos na parang wala silang tinatago sa dalaga. 

 

"Anong pinag uusapan nyo? " Nakangiti nyang tanong ng makaupo na sya. 

 

"Oh nothing important...Pinaguusapan lang namin kung kailan kami mag bebreak"-Taeyeon

 

"Oo pinag uuspan---" Agad na lumingon si Baekhyun sa kanya "Teka ano!?...Yah!"

 

"Pfffffttt Hahaha joke lang...eto naman oh" Inakbayan nya ang binata at sinadal ang kanyang ulo sa balikat nito. 


"Tss! Nagtatampo parin ako..." He pouts and looks away. Kaya naman umayos uli si Taeyeon ng upo at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ni Baekhyun. 

 

"I Love You" At hinalikan na nga nya ito sa labi na agad namang nagpangiti at nagpakilig sa binata. 

 

"Hindi naman kayo nang iinggit nyan ano? " Sabay irap naman ni Winter. 

 

"Hindi naman" Sagot ni Baekhyun at dinampi nya naman ang lips nya kay Taeyeon bago nya ito yakapin ng mahigpit. 

 

"I hate you both!" Kumuha sya ng tissue at kanya itong nilukot bago ibinato sa dalawang nakakatanda na nasa harapan nya. Tumawa naman sila Taeyeon at Baekhyun sa kanyang kinilos. 

 

"Bakit? Hahaha.... wala parin bang nag papatibok dyan huh!? " Turo ng Ate nya sa kanyang left chest. 
Umiling naman doon si Winter. 


"Seriously? Wala pa talaga? Why? Malay mo naman meron na pero in denial ka pa lang" Pabirong sabi ni Baekhyun sabay hawak nya sa kamay ni Taeyeon. 

 

Biglang napakurap si Winter ng makita nya yun at pasimple syang napahawak sa left chest nya. Naalala nya kasi yung gabi na hinawakan ni Karina yung kamay nya. Hanggang sa mag flash na sa isip nya ang magandang mukha ng dalaga. 

 

 

"Hey stop smiling like an idiot little sis hahaha" Tinapik ni Taeyeon ang isnag kamay ni Winter na nasa lamesa "Ano bang ini -imagine mo huh? At abot tenga yang ngiti mo? "


Agad tuloy syang napahawak sa mukha nya ng marinig nya ang sinabi ng kanyang ate. 


"Hi--hindi kaya abot tenga ang ngiti ko.....Ikaw talaga ate kung ano anong sinasabi mo."

 

"Hindi nga naman talaga....hindi din naman kita sa video... Hindi talaga" Pag memake face pa ni Baekhyun habang pinapanuod yung video na nirecord nya ng palihim kanina habang parang tulala si Winter na nakangiti ng malawak. 

 

"OMG! Kuya delete that!!"


"Why would I do that? Hahaha. Don't worry you're cute." 

 

"Kuya naman eh"


Makalipas ang dalawang oras na pamamalagi nilang tatlo sa Coffee shop, hinatid narin nila Taeyeon si Winter sa unit nito bago sila umuwi. 

Hindi malaman ni Winter kung bakit maya maya ay bigla nalang mag faflash ang mukha ni Karina sa isip nya at mamamalayan nalang nya na nakangiti na naman sya. 

 

 

"My God! Ano bang nangyayari sa akin? Why do I feel like there's something weird in me? "
Bulong nya sa sarili nya at saka humiga sa kanyang kama. 

 

"Hayyyy... De bale na nga lang" Sabi pa nya habang nakatingin sa kanyang ceiling.
Wala pang ilang saglit ay bigla namang tumunog ang kanyang cellphone kaya kinuha nya ito mula sa pocket nya.


Agad nyang inopen ang video na sinend sa kanya ni Baekhyun. At tila ba parang bigla syang nahiya ng mapanuod na nya iyon. Yun kasi yung video na ngiting ngiti sya at parang walang pakialam sa kanyang paligid. 

 

"Have a great Day Winter!  Hahaha" chat pa ni Baekhyun sa kanya. 


"Urggghhh!!!!"

 

------------
"Uy hala ano yun!?"
Gulat na tanong ni Ningning ng tumagos sa dingding nila ang boses ni Winter dahil sa sobrang lakas nito. 


"Shemay!! Anong nangyari kay Winter? " Giselle. 
Wala pa ngang isang minuto ang nakakalipas ay nakalabas na agad si Karina. 

 

"Pag si Winter na talaga ang pinag uusapan ang bilis nyang kumilos." Pailing iling pa si Ningning habang nakatingin sa nakasara nilang pintuan. 

 

"Kaya nga... Alam mo gusto ko na ngang i-record yung boses nun eh tapos ipi-play ko habang nasa banyo si Karina... Para naman bilisan nyang maligo...Abay napakatagal kasi matapos" Pilyang sabi naman ni Giselle. 


"Great Idea yan girl!  Hahahaha"

 

 


Gulat na sinalubong ni Winter ang taong nakatayo ngayon sa kanyang harapan. 

 

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Agad na hinawakan ni Karina ang magkabilang balikat ng dalaga habang nakatingin ito ng deretsyo sa kanyang mga mata. 

Napakurap naman doon si Winter at isinabit ang kanyang buhok sa likod ng isa nyang tenga. 

 

"O-okay lang ako" Napapikit sya saglit at napalunok. Sa sisip nya hindi nya alam kung bakit bigla syang nag stutter sa harapan ni Karina at parang bigla syang nakaramdam ng konting hiya ngunit agad nya naman itong nalabanan. "Sorry napalakas ata yung boses ko kanina. Nanunood kasi ako sa phone ko ng action...ayun nadala ako sa eksena" Tumawa sya habang nakatakip ang isa nyang kamay sa kanyang bibig. 


Nakahinga naman na ng maluwag si Karina ng sabihin nya iyon. At saka tinanggal ang kanyang kamay sa mga balikat ni Winter. 


"Buti naman... Akala ko kung ano na ang nangyari eh." Ngiti nya rito. 


Matapos ang saglit nilang pag uusap naglakad na uli pabalik si Karina sa kanyang unit. Hahawakan na sana nya ang door handle ng mapansin nyang nakabukas ito ng kaunti. 


Huminga sya ng malalim bago umiling at saka nya hinila ng marahan ang pinto dahilan upang bumagsak sa kanyang harapan ang dalawa nyang kaibigan. 


"Hi! " At nagawa pa ngang i-wave ni Giselle ang kamay nya habang nasa sahig sya. 

 

"Anong pakulo na naman yan huh? Tsk!" 
Tumayo na ang dalawa mula sa kanilang pagkakabagsak. 


"Ito naman ang sungit kaagad!....Nililinis lang naman namin ni Ningning itong pintuan natin...Look oh...ang dumi na kaya" Biro nya pero straight face lang si Karina. 

 

"Grabe ah! Galit ka na agad?...Nakinig lang naman kami ng konti eh" Nakaramdam naman ng mabilis na siko si Ningning sa kanyang sikmura mula kay Giselle ng sabihin nya iyon. 

 

"Pshhh... Pasalamat kayo at good mood na ako ngayon kung hindi ipinunas ko na yang pagmumukha nyo dito sa pintuan natin." Idinaan ni Karina ang dalawa nyang daliri sa bahagi ng pintuan nilang may alikabok at mabilis na ipinahid ito sa mukha ng dalawa.

 

"Pasok na ako sa loob" At kumaripas na nga sya ng takbo papunta sa kanyang kwarto habang tumatawa tawa pa. 

 
Samantalang nagsisigaw naman sila Giselle at Ningning sa dumi na pinahid sa mukha nila ng kanilang kaibigan.

 

"They're having fun again....Cute!" Banggit ni Winter habang sya ay nakangiti ng marinig ang kaguluhan ng tatlo mula sa kanilang unit.

 

--------
Lumipas na ang ilang araw simula ng mangyari ang pananakit ng ulo ni Winter na kasama nya si Karina at dahil dun patuloy na mas nag alala ang isang dalaga sa sitwasyon nito. 

Kaya naman hanggat maaari lagi syang nag lalaan ng oras para sa kanya. At Mas dumalas din ang pag message at pag tawag nya dito upang masigurado na nasa mabuti itong kalagayan. 

Pinangako nya rin sa kanyang sarili na hindi sya susuko hanggang sa maalala na sya ng taong minahal nya mula noon at minamahal parin nya hanggang sa ngayon. 

Gusto nyang bumawi sa mga panahong hindi sya nabigyan ng pag kakataon upang alagaan at bantayan si Winter sa mga oras ng pag subok nito simula ng mangyari ang hindi inaasahang malaking aksidente na nagpabago ng takbo ng kanilang mga buhay. 

Hindi nya alam kung ano pa ang maaaring mangyari subalit sisiguraduhin nya na hindi sya susuko hanggang sa huli. 

 

 

********************************************************

Sorry for the late update guys! ^_^

Pwede ko po bang malaman ang thoughts nyo sa chapter na to?  😅

Thank You

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Foreverwithyou12
Sorry guys ang tagal kong hindi nag paramdam!
Madami lang nangyare and unfortunately I forgot my password. Buti nalang after ilang tries, na open ko na uli.
Sorry sa mga nag hintay ng matagal. At thank you naman sa patuloy na nag susupport sa story na 'to. Susubukan ko ulit mag update. ☺️

Comments

You must be logged in to comment
Maatt_booii #1
Nasa haitus ba to?? Hehehe waiting na lang kay otor lung kailan mag uupdate
HelloMango
#2
Chapter 13: Hi po writernim, sana healthy po kayo will wait sa update mo anytime fighting
jmj1117 #3
Chapter 13: Hello author-nim, wag ka na tampo please. Update ka na ulit hihihi

Kidding aside. Ganda ng story. Patiently waiting for the next update. Fighting!
Miinjeongiee #4
Chapter 13: Hello po authornim, ang ganda po naman ng story nyo! Sana po maka update ulit po kayo! Sobrang ganda kasi! Nakaka kilig pa 🤧
ohyeah12 #5
Chapter 12: Ang cute ng banter ni Giselle and Ningning haha careful baka kayo magkatuluyan yiiieeeee hahahahah
lovebreaks #6
Chapter 12: Ano kaya yung “kasalanan” ni Karina kay Lucas at galit na galit siya?? Hayy

Possessive naman ni boi Lucas, hoy walang sayo Nicole HAHAHAHHA charot salamt sa update 💖
wenrene22
#7
Chapter 12: awwww mabuti naman at naintindihan nila Giselle at Ningning ang sitwasyon ni Karina sa pinagdadaanan nya at tama ang hula ko na dati nang magkarelasyon sila Karina at Winter doon palang sa ice cream na alam na ni Karina kung anong favorite flavor ni Winter and about naman kay Lucas ano naman reason nya bakit ang laki ng galit nya kay Karina? Thank you author-nim na enjoy ko naman ang update mo as always. : )
lovebreaks #8
Chapter 11: Uh oh 😦
Giselle and ningning about to know karina and winter’s past cant wait
lovebreaks #9
Chapter 11: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1471442/11'>Eleven</a></span>
OMG i love this long updates authorrr keep it up chos hhahahha
wenrene22
#10
Chapter 11: oh my, oh my ano na kaya yung nakita nila dun sa box at bakit sa kauna-unahan naging serious ang tono ni Giselle? 😱 acccckkkk gusto ko nang malaman 😭. Thank you author-nim andito lang ako ule mag aabang kung ano na ang mangyayari in the next chapter. mwahhhh~ 😙