Five

The Girl Next Door

 

Ngayong nagkaroon na ng contact ang dalawa sa messenger, hindi na iyon pinalampas pa ni Karina. Nasundan ng nasundan ang mga araw ng kanilang pag chachat sa isa't isa,  matapos ang unang pag kakataon na iyon. Hanggang sa naging mas desidido na si Karina na ipursue si Winter. Kaya naman hindi na sya nag aksaya pa ng panahon upang mas mapalapit dito. Minabuti nyang ipagpatuloy ang paglalaan ng kanyang oras para lang sa taong nagugustuhan nya. Pilit nyang sinusubukan na tanggalin ang pagiging awkward nya minsan sa harapan nito. At nakikita naman ng mga kaibigan nya ang mga pagbabago nyang iyon.

 

Dumaan nga ang ilang araw, linggo at buwan na talagang hindi kinakalimutan ni Karina ang pagbibigay ng attention kay Winter upang makuha nya na ng tuluyan ang loob nito. Ang dami nyang adjustments na ginawa sa sarili nya para lang kay Winter. Kasama na nga sa adjustments na iyon ang pag jojogging nila sa umaga. 

 

Kung nung una, lagi pa nilang kasama sila Giselle at Ningning, ngayon natutuwa sya kasi nakakaya nya na dalawa na lang sila ni Winter ang mag kasama ng hindi na sya masyadong nahihiya, syempre dahil narin yun sa tulong ng mga kaibigan nya. Kung dati madalas syang kabahan pag nag uusap o kinakausap sya ni Winter, ngayon alam na nya kung paano kalmahin ang kanyang sarili pag nasa ganun silang situation. Kung dati kulang na lang ipagtulakan sya nila Giselle para lang tabihan si Winter sa tuwing kakain sila sa labas,  ngayon wala ng sabi sabi basta na lang sya tatabi sa dalaga at saka ito unti unting dadaldalin. 

 

At dahil nga sa mga pagbabago nyang iyon kaya mas nagiging komportable pa si Winter sa kanya. Kung dati medyo binabantayan pa nya ang kanyang sarili sa kung anong sasabihin at gagawin nya pagkasama si Karina, ngayon mas napapakita nya sa dalaga kung anong klaseng tao talaga sya. Pag dating kasi kina Ningning at Giselle, madali syang makapagbitaw ng mga jokes or green jokes kasi para sa kanya kayang kayang sakyan ng dalawa ang mga biro nya. Unlike Karina na ang tagal pa bago makapag react. Siguro dahil na din sa hindi sya makapaniwalang nanggagaling iyon sa magandang babae na kagaya ni Winter. Pero hindi naman sya natuturn off dito,  ang totoo nyan mas natutuwa pa sya dahil sa walang filter ang personality nya. 

 

 

 

 

"Woi! 10 Pm na lalabas ka pa? " Saway ni Ningning ng mapansin nyang aalis si Karina.


 
"Nanay ba kita?...Tsk! Nasa labas si Winter hinihintay ako. Bigla daw syang nag crave sa ice cream kaya ayun nag papasama" 

 

"Maiwan kana dito. Ako na lang ang sasama, tutal may bibilhin din ako sa labas" Taas babang kilay pang sabi ni Giselle at saka tumakbo sa tabi ni Karina. 


Tinulak naman sya kaagad nito pabalik sa sofa kung saan sya nakaupo kanina. 

 

"Magtigil ka.....Moment namin to oh" Mahina nyang sabi baka kasi marinig ni Winter iyon dahil nga nasa labas na ito ng pintuan nila. 

 

"Hahaha sige na nga!!! BAKA NAGHIHINTAY NA SI---" 
Kumaripas ng takbo si Karina upang takpan ang bibig nya "Bwiset ka talaga!..kailangang isigaw!?" Bulong nya dito. Mabilis nya namang tinanggal ang kanyang kamay dahil dinilaan ito ni Giselle. 

 

"Urgghhh!!  Kadiri ka!! "

 

"Hahaha.. Arte mo! Swerte mo nga at nalawayan kita eh...I mean yung kamay mo" Sabay kindat pa nya dito habang pinipigilan ang tawa na para bang nang aasar. 

 

""Hoy Giselle kilabutan ka nga! Eeww ah" Singit naman ni Ningning. 

 

"Inggit ka na naman... O sya sige, ako ng lalapit sayo....hahaha" Lumapit sya kay Ningning at pilit na kinukuha ang kamay nito at kunwaring didilaan din. 

 

"Peste ka!! Eeewwww!!" Tulak palayo naman ni Ningning.

 

"Tsk! Bahala na nga kayong dalawa dyan....sibat na ako baka naiinip na yun." Pagpapaalam nya bago sya tuluyang umalis. 

 

Pagkalabas nya sakto namang naabutan nyang may kausap si Winter sa cellphone habang nakatalikod ito sa kanya. 

 

"Okay okay!!...Don't worry about me...what?....ahhhh dinner out tomorrow?........sure no problem!.... Sige na Goodnight din sayo! "
At binaba na nga nya ang phone. 


Humarap na si Winter sa pintuan nila Karina at nakita nya naman ang dalaga doon na nakatingin na sa kanya. 

 

"Ow!  Hahaha....ginulat mo naman ako...kanina ka pa ba dyan? Sorry ah" Nakangiti nyang tanong habang nasa magkabilang bulsa ng jacket nya ang kanyang mga kamay. 

 

"Hindi naman. Actually kakalabas ko lang din...." Pagsisinungaling nya. "Baka nga ikaw ang kanina pa dito."

 

" Ah hindi naman....sakto lang...." nakangiti parin nyang sabi "dapat nga magbubuzz na ako kaya lang bigla namang tumawag si Lucas" 

 

(Anak ka ng!! So si Lucas ang kausap nya kanina at kasama nyang mag dinner bukas!? Hindi to pwede!) sigaw nya sa isip nya. 

 

"Ganun ba? That's good..." hindi nya pinahalata na napilitan nalang syang sabihin iyon kahit sa loob loob nya alam nyang nagseselos sya.  "Tara na!  Bili na tayo ng ice cream mo" Ngiti nya kay Winter. 

 

Umiling naman ito sa kanya " Ice cream nating pareho" at ngumiti uli na abot sa mga mata nya habang nakahawak na sya sa braso ni Karina. 


Napalunok naman ito dahil sa mabilisang galaw ng dalaga. (Wooohh! Tingin ko kailangan ko talaga ng ice cream! Parang biglang uminit) 

 

"Let's go na" Winter.

Hindi naman napigilan ni Karina na mapangiti ng sobrang lawak sa kanya bago sya tumango

 

-------
"Oh bakit ka nakasimangot dyan?
" Natatawang tanong ni Karina ng mapansing nakapout si Winter na parang bata habang nakatingin sa mga Ice cream. 

 

"Wala silang strawberry flavor eh" 
Malungkot nyang sabi sabay hinga ng malalim bago sya nag crossed arms. 

Dahil dun napangiti si Karina then pats her head " It's okay... Try the other flavors"


Umiling naman si Winter sa suggestion nya habang naka pout parin. 


(Tigilan mo na nga yan! Baka hindi ko ma control ang sarili ko, lumanding bigla tong lips ko sa lips mo) Napapikit na lang sya saglit ng maisip nya iyon.

 

"I only like,  strawberry flavor" Sabi pa nga ni Winter habang tinitwist ang katawan nya. Kaya naman tuluyan ng napatawa si Karina dahil ang cute nya lalong tingnan. 

 

"Okay okay!  If that's the case, maghahanap ako sa ibang store.... Ihahatid muna kita pabalik sa atin" 

 

"No!! Sasama ako" 
Pagkukuyabit uli nya sa braso ni Karina. 

 

"Hahaha....hindi pwede....sobrang late na at saka sa kabilang kanto pa yung susunod na ice cream store. Baka mapagod ka lang mag lakad."

 

Napaisip naman bigla si Winter kaya napabitaw sya kay Karina at huminga ng malalim. 

 

"Okay!... I'll try something else na lang" 

 

"Oh kala ko ba strawberry lang ang gusto mo? "

 

"Alangang hayaan kitang maglakad lang na mag isa?  No freaking way!... Baka gyerahin pa ako nila Ningning at Giselle noh" Tumawa sya habang nakatakip ng bahagya ang isa nyang kamay sa kanyang bibig bago uli tumingin sa freezer kung saan nakalagay ang mga ice cream. 

 

"Ah kala ko concern ka" Bulong naman ni Karina. 


Subalit sa hindi inaasahan narinig iyon ni Winter pero hindi nalang sya nagsalita at hindi ipinahalata, sa halip ay simple na lamang syang ngumiti habang naghahanap ng ibang flavor. 


"Tulungan na kitang pumili" Tumabi si Karina sa dalaga at sabay silang naghanap ng masarap na flavor. 

 

Kinuha ni Karina ang gusto nyang flavor na chocolate habang inalok naman nya ang vanilla flavor kay Winter. Pagkatapos ay pumunta na sila sa counter upang magbayad. 

 

 

 


"Okay din pala tong vanilla noh? " Puri nya ng matikman nya ang piniling flavor ni Karina para sa kanya habang sila ay naglalakad. 

 

"Oo naman!  Isa din yan sa gusto ko eh" Ngiti naman nya at dumila uli sa kanyang ice cream. 

 

"Really?" 
Tumango si Karina sa tanong nya. 

 

"Okay!  Kung ganun?... Let's share! " Walang pag aalinlangan nyang sabi at kaagad na inilapit ang ice cream nya sa bibig ni Karina na kanya namang ikinagulat.

 

Alam nyang nakapag share na sila ni Winter dati sa tumbler nito at naulit pa iyon ng ilang beses. Pero ang mag share sa iisang ice cream? Hindi nya alam kung kakayanin nya. Baka matukso lang sya lalo ng sarili nya.

 

"Wag na... Ayos na ako dito" itinaas nya ang ice cream nya at saka bumaling saglit sa kanyang gilid bago sya nagpakawala ng hangin. 

 

"Eto naman! Walang malisya!! Sige na...tapos patry din ako ng chocolate flavor mo" Pilya nya pang sabi. 


Patuloy na tumanggi si Karina hanggang sa napapayag narin sya ng dalaga sa gusto nito. 

 

---
Makalipas ang ilang minuto nilang paglalakad nakarating na din sila sa kanilang tinitirahan at naubos na din nila ang kanilang ice cream kanina sa daan. 

 

 

"Ahmm Winter?" 
Pagpigil ni Karina kaya naman napalingon agad si Winter sa kanya bago pa ito pumasok.

"Yes?"

Parang bigla syang nagdalawang isip ng lingunin sya nito. Hindi na tuloy sya sigurado kung dapat pa ba nyang sabihin ito o hahayaan na lang nya. 

 

"Ano yon? " Lumapit na sa kanya ang dalaga ng hindi sya makasagot kaagad. 

 

"Ah eh... Ano kasi... " 
Ayan at kinakabahan na naman sya!  Ewan ba nya sa sarili nya kung bakit nararamdaman parin nya ang kaba na yun. 

 

"Go ahead...don't be shy" Pag a-eye smile naman ni Winter habang tinatapik ang balikat ni Karina. 

(! Kaya ko ba talaga? Parang umurong ang dila ko! Pero malay ko naman sa akin sya sumama bukas!  At hindi dun kay Lucas) 

Hindi nya kasi sinabi kay Winter na narinig nya yung sinabi nito na may dinner out sya bukas kasama si Lucas. At ayaw nyang mangyare yon. Alam naman nyang magkaibigan nalang ang dalawa at in good terms ang mga ito pero hindi parin talaga nya maiwasan na hindi mag selos kahit hindi pa yun nalalaman ni Winter. 

 

"Dinner out tayo bukas? " Pagaalinlangan nyang alok. 

Huminga naman ng malalim ang isa "Hmmmm sorry ah... Pero niyaya na kasi ako ni Lucas kanina na sabay kaming mag didinner bukas" Matamlay nyang sagot bago sya yumuko. 

 

Para namang biglang nakonsensya si Karina sa ginawa nyang yun kaya hinawakan nya sa balikat si Winter at sinabing " Okay lang...get's ko naman" pagtatapos nya ng nakangiti. 

Agad namang napatingin sa kanya ang dalaga na para bang may naiisip ito na idea " Ganito nalang....sumama ka sa amin bukas ni Lucas" 

Nagulat sya sa biglaang suggestion na iyon ni Winter habang naka ngiti pa ito sa kanya.

 

"Hi--hindi na.....baka makaistorbo pa ako" peke pa syang tumawa. 

 

"Ano ka ba!?? Di ba nga sabi ko sayo dati,  matagal na kaming wala. And wala nadin akong feelings sa kanya"

 

"Yes I know....kaya lang....baka gusto nya na kayo lang muna....okay lang yun.. May next time pa naman" 

 

"Hmmm okay...set natin yan" Ngumiti sya kay Karina "Paano? Goodnight na muna" 

 

Tumango sya dito ng nakangiti rin. "Goodnight"

 

Pagkapasok nya sa bahay nila agad nyang ikinuwento ang nangyare sa dalawa nyang kaibigan. 

 

"What the!?... balak ka pa atang gawing third wheel ni Winter! " Reklamo ni Ningning bago sya uminom ng tubig.

 

"Kaya nga hindi ako pumayag di ba? "

 

"Ay tungeks!... " Batok naman sa kanya ni Giselle kaya sya napalingon dito " Dapat nga pumayag ka eh... Anong malay mo baka mamaya nakikipagbalikan pala yung Lucas na yun sa kanya tapos biglang gumawa ng da moves... Edi wala na!!!?....Boom! Talo ka na?? "

 

"Salamat ah!  Salamat talaga!!...Tsk! Sinabi naman na ni Winter na wala na talaga. At nirerespeto naman daw yun ni Lucas.... Kaya hayaan na lang natin"

 

"Aysus!!!... Bahala ka nga... Matutulog na lang ako"


Tumayo na si Giselle sa sofa pero bago pa sya pumunta sa kwarto nya may pahabol uli syang isang mahinang batok kay Karina. 

 

"Yah nakakadalawa ka na ah"

 

"Gusto mo tatluhin ko pa?" Ngisi nya. Akma namang tatayo din si Karina kaya inunahan na nya ito ng pagtakbo.

 

"Mga baliw talaga" pailing iling na lang na sabi ni Ningning.

 

 

********************************************************

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Foreverwithyou12
Sorry guys ang tagal kong hindi nag paramdam!
Madami lang nangyare and unfortunately I forgot my password. Buti nalang after ilang tries, na open ko na uli.
Sorry sa mga nag hintay ng matagal. At thank you naman sa patuloy na nag susupport sa story na 'to. Susubukan ko ulit mag update. ☺️

Comments

You must be logged in to comment
Maatt_booii #1
Nasa haitus ba to?? Hehehe waiting na lang kay otor lung kailan mag uupdate
HelloMango
#2
Chapter 13: Hi po writernim, sana healthy po kayo will wait sa update mo anytime fighting
jmj1117 #3
Chapter 13: Hello author-nim, wag ka na tampo please. Update ka na ulit hihihi

Kidding aside. Ganda ng story. Patiently waiting for the next update. Fighting!
Miinjeongiee #4
Chapter 13: Hello po authornim, ang ganda po naman ng story nyo! Sana po maka update ulit po kayo! Sobrang ganda kasi! Nakaka kilig pa 🤧
ohyeah12 #5
Chapter 12: Ang cute ng banter ni Giselle and Ningning haha careful baka kayo magkatuluyan yiiieeeee hahahahah
lovebreaks #6
Chapter 12: Ano kaya yung “kasalanan” ni Karina kay Lucas at galit na galit siya?? Hayy

Possessive naman ni boi Lucas, hoy walang sayo Nicole HAHAHAHHA charot salamt sa update 💖
wenrene22
#7
Chapter 12: awwww mabuti naman at naintindihan nila Giselle at Ningning ang sitwasyon ni Karina sa pinagdadaanan nya at tama ang hula ko na dati nang magkarelasyon sila Karina at Winter doon palang sa ice cream na alam na ni Karina kung anong favorite flavor ni Winter and about naman kay Lucas ano naman reason nya bakit ang laki ng galit nya kay Karina? Thank you author-nim na enjoy ko naman ang update mo as always. : )
lovebreaks #8
Chapter 11: Uh oh 😦
Giselle and ningning about to know karina and winter’s past cant wait
lovebreaks #9
Chapter 11: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1471442/11'>Eleven</a></span>
OMG i love this long updates authorrr keep it up chos hhahahha
wenrene22
#10
Chapter 11: oh my, oh my ano na kaya yung nakita nila dun sa box at bakit sa kauna-unahan naging serious ang tono ni Giselle? 😱 acccckkkk gusto ko nang malaman 😭. Thank you author-nim andito lang ako ule mag aabang kung ano na ang mangyayari in the next chapter. mwahhhh~ 😙