WONHYE IV (Chapter 9)

Stories Untold series (WONHYE IV)
Please Subscribe to read the full chapter

Wonyoung's Pov

 

[FLASHBACK]

Lahat kami nasa dorm maliban kay Chaewon, Eunbi-unnie at Yuri, *Makikipag kita daw kasi si Yuri kay tita yung mom ni Yena, baka daw kasama na ni tita si Yena kaya sinama niya yung dalawang kalmahin-ata.* hindi ko alam pero parang ito na yung pagkakataon namin ni Hyewon na umamin, pero may punto din na naiisip kong may mangyayari nanamang masama. *Lalo na at naghihinala na si Yuri na may iba na si Yena.* *Paano kung magkita nga silang dalawa.* napatingin ako kay Hyewon, ngumiti lang naman siya sakin.

"Ang tagal naman ata nila, akala ko ba kakain lang sila." reklamo ni Hitomi.

"Kumain nalang kaya muna tayo?" nakangusong saad ni Nako.

"Maghanda kayo, may bagyong paparating?" sambit ni Felix-oppa. "Text ni Chaewon." tinignan naman namin yung mga cellphone namin, lahat kami nakatanggap ng ganong text.

Halos mapayakap ako kay Minjoo na nasa tabi ko dahil sa sobrang gulat.

"Mapapatay ko talaga siya." inis na sambit ni Yuri.

"Edi sana pinatay mo, hindi yung ngayon ka nagmamaktol samin." si Chaewon.

"Huwag mo nang gatungan." saway ni Eunbi-unnie kay Chaewon.

"Dapat nagwala ka pa yung tipong siya mismo matatakot na lumapit sayo." napa-irap si Chaewon at pumunta sa kusina, nagkatinginan naman kaming magkakaibigan.

"Ahm? Kung pwede sana magkwento kayo, kung pwede lang naman?" si Sian-oppa.

"Si Yena kasi bumalik na at yung pag-aakala nating lahat na nasa ibang bansa siya, nasa Busan lang pala siya." simpleng paliwanag ni Eunbi-unnie.

"Bakit nasa Busan siya?" si Kkura, natawa nalang ako.

"Huwag ka nang magtanong, bigay mo nalang yung pusta mo sakin." si Hyewon.

"Uy, lugi kami! Pusta naming apat nasa ibang bansa si Yena tapos ikaw lang pumusta na nandito lang siya sa Korea, lugi naman kami nun." si Sian-oppa.

"Kasalanan ko ba na nagpapaniwala kayo sa mokong na yun, basta sakin na yung mga pusta niyo." pang-aasar ni Hyewon dun sa apat, nagulat naman kami nang may lumipad na kung anu.

"Talagang nagpustahan pa kayo?" si Yuri. "Hindi niyo man lang sinabi sakin na may posibilidad na nandito lang siya sa Korea?" napayuko naman yung limang lalaki.

"Basta ako naki-pusta lang ako, wala talaga akong alam diyan." binatukan ni Minjoo si Yujin.

"Huwag ka nalang magsalita." napanguso naman si Yujin.

"Baka naman may gusto pang umamin sa inyo nang kahit na anu, umamin na kayo." si Chaewon, napayuko nalang ako.

"Bakit meron pa bang nagtatago sa inyo ng sekreto?" si Eunbi-unnie. "Maawa kayo sakin, hindi ko na alam kung paano pa kayo iha-handle pagkatapos nung nangyari ngayon." napakagat ako sa labi ko.

"Unnie?" napatingin kaming lahat kay Nako. "Pwedeng kumain muna ako, kaninang umaga pa ako walang kain eh." napabuntong hininga nalang kami.

"Unnie, ako talaga yung nakasira nung stove." si Hitomi.

"Alam ko, expected ko na yun." si Eunbi-unnie.

"Magpapahinga nalang muna ako." pumasok na si Yuri sa kwarto namin.

"Kumain nalang muna tayong lahat." si Sian-oppa, halos hindi ko naman maigalaw nang maayos yung kamay ko.

"Ayos ka lang?" si Minjoo.

"Masakit lang yung kamay ko." tumango siya at tinulungan akong kumuha nang pagkain. "Salamat."

"Mamaya nalang ako kakain, sasabayan ko si Yuri." napatingin ako kay Chaewon, ngayon ko lang napansin na may hawak siyang ice pack at nakalagay sa kanang kamao niya.

Pagkatapos naming kumain nag-aya si Yujin sa rooftop.

"May pinupunto si Chaewon kanina, ikaw ba yun?" kumunot yung noo ko.

"Bakit ako nanaman?"

"Kung hindi ikaw? Baka si Hyewon." tinignan ko siya.

"Anu nanaman bang sinasabi mo? Talaga bang tingin mo may relasyon kami?"

"Siguraduhin mo lang." nilagay niya sa dalawang bulsa niya yung mga kamay niya. "Ayos lang naman sakin eh, ang gusto ko lang magsabi ka. Dahil oras na mahuli ko kayo, ako mismo maglalayo sayo sakaniya." napayuko nalang ako. "Hindi ako perpektong kapatid o tao, pero sinasabi ko sayo. Ayoko lang na sinasaksak niyo ako patalikod." naglakad na siya palayo sakin.

"Nakakainis naman." napahilamos ako sa mukha ko.

From: Won 😍
Gusto mo ako nalang magsabi sakaniya?

To: Won 😍
Hindi, tayong dalawa dapat

From: Won 😍
Sige, uuwi na ako
: I love you 😙

Tinago ko na yung cellphone ko, yung nangyari samin pagkatapos sa Daeijakdo nasundan pa yun nang maraming beses sa loob nang mahigit dalawang taon pa naming patuloy na pagtatago. Kaya kahit ayaw ni Kkura at Chaewon na pilitin kaming umamin ginagawa nila, dahil nga baka may kung anu pang mangyari.

Gusto naman ni Hyewon na umamin na kami pero ako 'tong umaayaw kapag hindi namin pinaplano, baka kasi pag-umamin kami may nabuo na pala sa tsyan ko. Pero mas kinakatakot ko yung iisipin nang mga kaibigan ko, *Para kaming si Yena, nagtatago at niloloko sila.* bumaba na ako sa dorm namin.

[END OF FLASHBACK]

 

"Tulala ka nanaman." napatingin ako kay Minjoo.

"May naalala lang ako." nginitian ko siya.

Dalawang taon na mula nung magpakita samin si Yena at ngayon yung araw nang kasal nila, masaya kami dahil hindi naman nila pinatagal yung away nila. *Marupok sila pareho eh.* *Mas marupok nga lang si Yuri.* napatingin ako kay Hyewon, nakikipag-usap siya kay Yunjin yung pinsan ni Yena.

"You may now kiss your wife." nagpalakpakan naman kami.

"Uy kita kits nalang tayo sa resort, walang mawawala sasampalin ko kayo kapag wala kayo dun." banta samin ni Yena.

Nakisakay nalang ako sa sasakyan ni Felix-oppa kasama yung kambal.

"Bakit hindi ka kay Yunjin sumakay?" si Hitomi.

"Nakamotor yun, tsaka wala namang kami bakit ako sasabay sakaniya?" natawa kami sa sagot ni Nako.

"Sagutin mo na, kapag nawala pa yan naku hindi na babalik sayo yan." si Felix-oppa.

"Ikaw nalang kaya, mukhang gusto mo rin naman siya." natawa kami.

"Edi inaamin mong gusto mo rin siya?" saad ko.

"Sinabi ko ba yun?"

"Parang ganun na nga." si Hitomi. "Para kang si Felix, nahuhuli sa sarili niyang bibig."

"Aminado naman ako dun." agad na sagot ni Felix-oppa.

"Malayo pa ba tayo? Ang bagal mo namang magmaneho." si Nako.

"Hoy, ito na kaya yung pinaka mabilis kong pagmamaneho. Nakita mong tatlo kayong kasama ko, malay ko ba kung ilang lalaki papatay sakin kapag-naaksidente tayo." natawa naman kami ni Hitomi.

"Bagong version nang Chaewon." pang-aasar ko kay Nako, mula kasi nung maging si Felix-oppa at si Hitomi silang dalawa na yung madalas na magtalo.

"Tumahimik na nandito na tayo." si Hitomi, nauna nang bumaba si Felix-oppa para ibaba yung mga gamit na dala namin.

"Tulungan na kita." salubong sakin ni Hyewon.

"Salamat."

"Kailan mo pa ba kasi sasagutin, ilang taon nang nanliligaw ata sayo yan." bulong sakin ni Hitomi.

"Hayaan mo siya."

Pagpasok namin sa hotel halos yung mga bisita lang nila Yuri at Yena yung nandito, siguro may mangilan ngilang nauna saamin pero para talagang kami lang yung nandito.

"Oh." inabot sakin ni Yuri yung susi nang magiging kwarto ko.

"Grabe dala mo ba buong bahay mo?" nilapag ni Hyewon yung gamit ko.

"Maleta kasi yan bakit mo binubuhat, may gulong naman." inirapan ko siya.

"Wala ka pala eh." asar sakaniya ni Felix-oppa.

"Tara na, gusto ko nang magpalit." si Nako.

Sabay sabay na kaming lima na umakyat sa iisang palapag lang naman kami pupunta, para naman kaming pinagtripan nila Yena at Yuri dahil nasa magkabilang dulo yung kwarto namin ni Hyewon. Kaniya kaniya kami ng kwarto syempre maliban dun sa bagong kasal, ilang taon na ngang nagkahiwalay pati ba naman ngayon maghihiwalay pa sila nang kwarto.

Pagpasok ko sa kwarto ko naligo na kagad ako,  napahinto naman ako sa pagligo nang marinig kong bumukas yung pinto nang kwarto ko. Nagbanlaw na kagad ako at nagsuot nang bathrobe tsaka naglagay nang tuwalya sa ulo.

"Mom?" tawag ko sakaniya.

"Nasaan si Hyewon?"

"Really mom? Hanggang dito?" hinayaan ko nalang siyang maghanap sa kabuoan nang kwarto ko, pati sa kwartong nasa loob nito kung nasaan yung kama hinalughog niya rin.

"Bakit siya may dala nung gamit mo? Magkasabay ba kayong dalawa na pumunta dito?" napabuntong hininga ako.

"Kay Felix-oppa ako sumabay, at dala niya yung gamit ko para tulungan ako." pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis, hoodie pang-itaas pero short shorts pang-ibaba. *Sasampalin ko siya pag nagreklamo nanaman siya sa suot ko.* *Si Hyewon ah, hindi si mom.*

"Sa lamesa ka namin sasama." tinanguan ko nalang siya, ayoko din naman sumama sa table nang mga kaibigan ko *Panigurado hot seat nanaman ang mga single.* *Kahit hindi naman ako single ayoko paring natatanong.*

Ayon nga kasama ko sila mom, yung parents ni Minjoo, parents nila Chaewon at nila Eunbi-unnie. Halos lahat naman kami hindi na naka-pormal, dahil nga hotel 'to at maski naman sila Yena at Yuri. Nakapolo si Yena na puti na gusto atang magka-ubo at nakabukas yung tatlong botenes sa itaas tapos shorts na itim, si Yuri naman naka short shorts at kulay puti na crop top.

"Una sa lahat, salamat sa paghihintay sakin alam kong hinintay niyo akong lahat para lang maikasal kay Yuri." sambit ni Yena na nasa stage, pabiro naman siyang sinampal ni Yuri. "Salamat sa pagpunta kahit na sobrang busy niyong lahat, moms and dads lalo na kay Madame Jo na busy sa pagluluto baka naiwan niyo pong bukas yung stove sa Busan ah." natawa kaming lahat. "Ganito kasi yan tinawag muna namin ni Yuri sakaniya yung pagpunta namin sa Busan para personal na ibigay yung imbetasyon nang kasal namin, edi iniwan niya yung pagluluto dahil sa tuwa buti nalang at nandun yung tumutulong sakaniya sa business niya kundi wala na kaming babalikan ni Yuri na may masasarap na pagkain." napatingin naman ako sa pwesto nila Madame Jo, kasama niya si Chaewon at yung parents nila Yuri at Yena. *Close silang dalawa ni Madame Jo, bias niya daw kasi si Chaewon.*

"Salamat." inasar naman namin si Yuri nang pumiyok siya dahil naiiyak na siya.

"Pagpasensyahan niyo na, isang taon nang walang concert nakalimutan niya narin magsalita nang maayos." saad ni Yena, hinampas naman siya ni Yuri sa braso.

"Naisip ko lang kasi yung kinukwento ni halmeoni sakin tuwing dadalaw kami ni Yena sa Busan, kahit paulit ulit hindi ko pinagsawaan yun. Paano ko nga naman pagsasawaan, katangahan ni Yena yun ako pa sinisisi sa katangahan niya." natawa kami lalo. "Salamat din sa mga kaibigan namin na talagang pinagbigyan si Yena na dapat siya yung unang ikakasal, hiyang hiya naman sil

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Soneforever2
#1
Chapter 13: Hey! Just wanted to say that if you ever decide to translate this story in english tell me. I would like to read it :)