WONHYE IV (Chapter 2)

Stories Untold series (WONHYE IV)
Please Subscribe to read the full chapter

Wonyoung's Pov

Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas mula nung ihatid namin si Yujin, na siyang pinakahuli sa kanilang na-enlist.

"Dadaanan ka ba nila dito?" napatingin ako kay mom.

"Opo." tumango lang siya at marahang sinara yung pinto.

Nag-aayos na ako ngayon ng mga gamit ko, ngayon na kasi kami lilipat sa dorm na tutuluyan namin. Malapit lang din yun sa University na papasukan namin, si Eunbi-unnie naman mas piniling lumipat nang school para makasama samin. Nakatingin ako sa mga gamit na iniwan sakin ni Hyewon, sa totoo lang hanggang ngayon hindi ko parin nagagalaw yung mga yun, nagdadalawang isip pa nga ako kung dadalhin ko ba yun sa dorm o iiwan nalang dito.

"Baka naman may lupa siyang ipapamana sakin." napakamot ako sa ulo ko at kinuha yung leather wallet niya.

Pagbuklat ko nun may perang laman 100000 ₩ ata, may tatlong card din dun isang debit card at dalawang credit card. *Baka may miliones siyang iniwan sakin.* Una kong kinuha yung debit card, 'Kang Hyewon' yun yung pangalan na nakasulat *Malamang siya yung may-ari.* may papel na naka-ipit dun tapos may anim na numerong nakasulat. Binalik ko na yun at sunod na kinuha yung credit card, 'Kang Hyewon' tulad kanina may papel din na naka-ipit dun at may pin code na nakalagay, pero ito pati yung papel may pangalan niya. Sunod na tinignan ko yung isa pang credit card, *Ang dami naman.* 'Ahn Wonyoung' napakunot yung noo ko, *Wala naman akong maalala na nagbukas ako ng bank account.* may papel na naka-ipit dun, may pangalan ko at pin code na nakasulat. *Ibig sabihin, pinabuksan niya ako nang account?*

"Hinanda na ata yung future ko." binalik ko na yung card sa wallet niya at nilagay yun sa bag ko, pati narin yung cellphone at yung lata nang alak.

"Nandiyan na sila." nginitian ko lang si mom at kinuha yung maleta at bag ko tsaka lumabas na nang kwarto ko.

Pagbaba ko parang timang naman yung mga kaibigan ko, umiiyak kasi sila habang kumakain sa sala.

"Tita mamimiss namin yung luto mo." umiiyak na sambit ni Hitomi.

"Oo nga tita, panigurado sa dorm namin puro kami instant noodles." si Nako.

"Edi padadalhan ko kayo dun tuwing linggo, alam naman nila Felix kung saan yung dorm niyo diba?" si mom, tumabi ako kay Yuri.

"Akala ko aalis na tayo kagad?" tumingin sila sakin.

"Kalma lang, kumakain pa kami eh." si Minjoo.

Lumabas na ako nang bahay namin at sumakay sa mini bus, pumwesto ako dun sa pinakadulo. *Magdadrama lang ako.* Pagka-upo ko kinuha ko yung lata nang alak na iniwan ni Hyewon, inamoy ko yung loob nun wala namang amoy alak amoy Hyewon lang. *Binabad niya ata sa pabango niya 'to.* May mga papel dun, hindi naman ganun karami kaya nilabas ko muna lahat at tinignan yung mga date *Para naman alam ko kung anu yung una kong babasahin.*

Wonyoung,
        Ngayong araw na 'to tayong dalawa ang magkasama sa amusement park, nakakatuwa kasi hindi naman tayo sinita o pinansin nang mga kasama natin lalo na si Yujin. Madalas niya akong kausapin at tinatanong niya kung gusto ba kita, nagsimula siyang magtanong sakin mula nang makalabas siya sa hospital, nagtataka nga ako kung bakit niya ako tinatanong at inisip ko nalang na baka epekto lang yun ng therapy niya. Sinasagot ko naman siya nang totoo, hindi ko itatanggi na pwede kitang magustuhan pero hindi ko rin itatanggi na alam kong hindi ako karapat dapat sayo kaya huwag siyang mag-alala dahil hindi ko naman ipipilit yung sarili ko sayo.

"Pwede mo bang ipilit? Sige na." napangiti ako at binalik na yung papel sa lata.

Wonyoung,
        Hindi ko alam kung dapat ko bang maramdaman 'to, pero ewan gustong gusto kong hawakan yung kamay mo, pakiramdam ko kasi para sakin yun at dapat kong hawakan nang mahigpit. Pero nasasaktan ako, nasasaktan ako sa katotohanan na hindi tayo pwede, kahit anu atang gawin ko hindi talaga tayo pwede. Alam ko kung bakit ayaw sakin nang mga magulang mo, hindi lang yun tungkol sa paglalasing at pakikipag-away ko. Alam ko kung saan at anu yung pinanggagalingan nang pagkatutol nila sakin, sa tingin ko nga pinapayagan nalang nila ako na lumapit sa inyo dahil kaibigan nila yung mga magulang ko.

"Anu namang nagawa niya para ayawan siya nila dad?"

Wonyoung,
        Ilang taon na mula nung una  kitang mahalikan, alam kong mga bata pa tayo nun at aksidente lang yung nangyari pero para sakin totoong totoo yun dahil gusto na kita dati pa. Unang beses palang kitang nakita sa hospital kung saan namin dinalaw yung mommy ni Yujin, talaga nakaramdam na ako nang kakaiba para sayo. Sinubukan kong mag-aral nang lenguahe niyo at pati narin ang ingles dahil nalaman kong magaling ka daw sa lenguaheng yun, nakakahiya mang aminin pero alam mo ba  na ang una kong napansin nang makita ka ay yung mga mata mo at lalong lalo na ang labi mo. Hindi ko alam pero sa tuwing titignan ko ang mga parteng 'yon ng mukha mo, wala akong gustong gawin kundi titigan at hawakan ang mga yun. Kaya pasensya na kung nagawa kong titigan ka sa buong oras na kasama kita, nabibighani lang ako.

"Ang tanga mo naman kasi, kung saan saan ka nakatingin nabangga mo tuloy ako at dahil dun aksidente mo akong nahalikan." napatingin ako sa mga kaibigan kong kakasakay lang.

"Bakit nandiyan ka?" si Eunbi-unnie.

"May binabasa lang, gusto ko ng katahimikan." natawa sila.

"Kung matatahimik ka." si Yuri, napa-irap nalang ako nang buksan na nila yung videoke. *Walang kasawa sawa.* napa-iling nalang ako at tinuloy yung pagbabasa  ko.

Wonyoung,
         Pasensya ka na kung iniiwasan kita kanina, gusto ko lang kasi humugot ng lakas nang loob para sa gagawin kong pag-amin bukas. Nadamay ko pa si Hitomi, pero hindi ko naman pinaalam sakaniya na ikaw yung babaeng pag-aaminan ko ng nararamdaman ko. Alam mo na baka hindi maging maganda yung resulta, at least walang ilangan kapag nasa paligid natin siya. Simple lang naman yung plano ko bukas, ayoko naman kasing gumastos para lang sa pag-amin ko dahil baka ma-pressure ka. Tsaka ang payo lang sakin ni Hitomi maging totoo ako sayo, gawin natin yung mga gusto natin nang magkasama at higit sa lahat maging matapang ako na ipaglaban ka. Kinakabahan na ako ngayon palang.

"Kaya naman pala iniiwasan ako." napatingin ako kay Hitomi, natuwa naman ako sa ginawa ni Hyewon pero hindi ko inaasahan na kay Hitomi galing yung idea na yun. Idagdag pa yung pagkafangirl niya kay Hyewon, na hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip niya yun.

Wonyoung,
        Siguro sa mga oras na binabasa mo 'tong mga sulat ko, hindi mo na ako kasama. Aaminin ko nasaktan ako sa sinabi mo kanina, pero kailangan kong tanggapin yun. Gusto ko sanang magalit at sumigaw pero anu namang karapatan ko, parang gumuho yung mundo ko pero dapat ko paring ilugar yung sarili ko. Siguro nga nag-assume ako masyado sa mga pinapakita mo, sobrang close lang siguro tayo kaya ganun ka kasweet sakin. Alam mo ba nung kuhain mo yung chops

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Soneforever2
#1
Chapter 13: Hey! Just wanted to say that if you ever decide to translate this story in english tell me. I would like to read it :)