WONHYE IV (Chapter 8)

Stories Untold series (WONHYE IV)
Please Subscribe to read the full chapter

Wonyoung's Pov

 

[DAEIJAKDO TRIP]

Tatlong araw bago yung mismong birthday ni Hyewon, nagawa na naming dalawa yung plano naming pagpapaalam sa mga kaibigan namin. Papunta na kaming dalawa ni Hyewon ngayon sa Daeijakdo kung saan makikita yung Buasan bridge.

"Let's just have fun, alright?" nginitian ko siya.

"As long as I'm with you I'm having fun." hinalikan ko siya sa pisngi.

May kaniya kaniya ring plano yung iba pa naming mga kaibigan, si Yuri pupunta sa Busan, si Chaeyeon-unnie at Kkura naman sa Japan kasama yung kambal at si Chaewon, si Minjoo at Yujin baka sa Jeju-do, si Eunbi-unnie naman nagpa-plano palang sila ni Sian-oppa.

"Malapit na tayo." tumingin ako sa labas, at kita ko yung ganda nang isla.

Pagbaba namin agad niya akong sinuotan nang cap at shades.

"Safety first." hinalikan niya ako sa labi, may mga kinausap siya sandali bago ako harapin ulit. "Tara na."

Nang makarating kami sa tutuluyan namin kumain na muna kami.

"Plano natin?" tumingin ako sakaniya, bago ilabas yung cellphone ko.

"Parang hindi masaya yung plano ko, kahit anu nalang gawin natin basta makapunta tayo sa Buasan bridge." natawa siya nang ihagis ko yung cellphone ko sa kama, tinuloy ko na yung pag-kain ko.

"Edi matutulog nalang muna ako, ang sakit talaga nang likod ko." humiga na siya sa kama.

"Kakatapos mo pa lang kumain." tumingin siya sakin.

"Matutunaw din naman yung kinain ko habang tulog ako." inirapan ko siya.

"Bahala ka." naghanap ako nang magandang pwesto para magbasa nang libro, hindi naman ganun karami yung tao sa tinutuluyan namin kaya nakalabas akong walang takip sa mukha. "Freshness." dinama ko yung simoy nang hangin na may kasamang amoy nang tubig dagat. "Calmness." napangiti nalang ako. "Relaxing." umupo ako sa kawayan na upuan pero may unan naman yun kaya paniguradong komportableng upuan, pinatong ko sa lamesang kawayan din na nasa harap ko yung mga paa ko.

'The secret story of the swan.' natawa ako. Ilang taon ko nang binabasa 'to pero hindi ko parin alam kung anong punto ni Hyewon para ibigay sakin 'to, hindi naman siya happy ending *Well hindi naman talaga happy kapag ending.* kasi nga namantay yung babae na siyang sumasagisag sa swan. Tinuloy ko nalang yung pagbabasa ko.

"Hindi ako makatulog." umupo siya sa isa pang bakanteng upuan. "Wala ka kasi sa tabi ko."

"So? Kasalanan ko pa?" natawa siya.

"Ang sungit mo talaga." hinila niya yung upuan niya palapit sakin. "Pwedeng ako nalang muna pagtuonan mo nang pansin?" pinatong niya yung ulo niya sa tsyan ko. "Pumunta nga tayo dito para makapag solo, tapos 'yang libro naman ang kaharap mo." hinawakan ko siya sa ulo.

"Mamaya ka na maglambing, masyado pang maaga." natatawang saad ko. "Inaantok na ako." umayos siya nang upo tapos hinila ako patayo.

"Matulog nalang kasi muna tayo." pumasan ako sakaniya, pagkahiga namin sa kama agad akong yumakap sakaniya.

"Sana ganito nalang tayo lagi." hinaplos niya yung buhok ko nang paulit ulit.

"Magiging maayos din lahat." hinalikan niya ako sa ulo.

"Pero kailan pa?" natawa siya.

"Pipilitin kong maging maayos ang lahat." napabuntong hininga nalang kaming pareho.

"Matulog na tayo, paniguradong napagod ka sa biyahe." pumikit na ako at sinulit nalang yung oras naming makapagpahinga muna.

Nagising naman ako nang makaramdam ako nang bahagyang paggalaw sa tabi ko.

"Argh." napatingin ako kay Hyewon.

"Bakit?" napabangon ako dahil sa itsura niya.

"Wala wala." inunat niya yung kaliwang braso niya na hinihigaan ko kanina.

"Nangalay ba?" tumango siya, binukas sara niya yung kamao niya, tinignan niya yung relo niya na nasa kanang palapulsuhan niya.

"Alas singko na?" bumangon siya. "Gusto mong mag-swimming?" hindi pa ako nakakasagot hinila na niya ako palabas nang tinutuluyan namin papunta sa dagat.

"Sandali." huminto naman siya sa pagtakbo. "Naka t-shirt talaga ako?" tinanguan niya lang ako.

"Ayos na na yan." tumakbo na siya ulit, pag-dampi palang ng tubig sa paa ko halos mapayakap na ako kay Hyewon. "Bakit?" natatawang saad niya.

"Medyo malamig kasi yung tubig." ngumiti siya bago dahan dahang naglakad pa palayo sa dalampasigan.

"Tubig lang yan tao ka." hinampas ko siya sa braso, niyakap niya ako. "Hindi ko alam pero bakit sobrang ganda mo kapag nasisinagan yung mukha mo nang papalubog na araw, hindi ko sinasabing hindi ka maganda ah. Pero kasi sa mga oras na 'to may kamukha ka, sobrang kamukha mo siya." hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi ko.

"Sino naman?" tinaasan ko siya nang kaliwang kilay.

"Yung mapapangasawa ko." ngumiti siya. "Tsaka kamukha mo din yung magiging anak ko." hinalikan niya ako sa labi, dinikit niya yung noo niya sa noo ko. "Pakasal na tayo."

"Ngayon na ba?" natawa kaming pareho.

"I love you." pinalibot ko sa batok niya yung mga braso ko.

"I love you." hinalikan ko siya sa labi. "Until we won, my Won."

"Won? Pera ba yan o yung tawagan natin?" hinampas ko siya sa braso. "Won? Let's fight together, I'm begging you." dagdag niya, tumango ako.

"I will fight with you, for us." naluha nalang ako. *Saan ako kukuha pa nang lakas?*

"Be my strength and I'll be yours." niyakap niya ako nang mahigpit, nagtagal pa kami sa ganong posisyon hanggang sa mag-aya na siyang kumain.

Naligo nalang muna ako at nagpalit ng damit pang-tulog. Siya na yung umorder nang pagkain namin, pumesto kami sa labas kung saan kita yung view nang dagat.

"Sandali, alam ko may switch dito eh." tumayo siya at may kinapa sa bandang itaas nung silong nang kinaroroonan namin. "Won ilawan mo nga." kinuha ko yung cellphone ko at inilawan siya, napansin ko naman yung maliit na square na nasa harap ko.

"Ito ata." pinindot ko yun at sumindi na yung ilaw dun sa silong, tinignan niya ako ng masama. "Hahahahahahaha, kailangan kasi sa taas kagad maghanap?" inis siyang umupo at pinagkrus yung mga braso niya tsaka ngumuso. "Hindi mo kinagwapo yan."

"Ayoko na nga." tinawanan ko lang siya, sakto namang may kumatok sa pintuan nang tinutuluyan naming kwarto. *Bale may dalawang pintuan kasi yung tinutuluyan namin, isa yung papasukan mo mula sa pinaka-lobby tapos yung isa namang pintuan papunta sa dagat.* *Ang pinagkaiba lang nung dalawa yung pintuan papunta sa dagat sliding glass door.* siya na yung nagtulak nung cart na pinaglalagyanan nang pagkain namin palapit sa kinaroroonan ko . "Oh, baka gutom ka lang kaya pumapanget ako sa paningin mo." natawa ako.

"Won kahit hindi naman ako gutom." sinamaan niya ako nang tingin.

"Grabe, kaya ka nga nagkaganiyan sakin eh." ngumiti siya.

"Anong nagkaganiyan?" umiling siya.

"Wala, kumain ka nalang diyan." natawa siya nang kunutan ko siya ng noo. "Chicken?" hinila niya palapit yung cart sakaniya.

"Buti hindi ka omorder ng kanin, kundi sasampalin na kita." tumingin siya sakin.

"Bakit naman?" umiling ako.

"Sinisira mo yung diet ko." natawa siya.

"Alam mo pala yun?" inirapan ko siya. "Ayos lang yan, hindi ka naman tumataba dahil lahat nang kinakain mo napupunta lang sa pisngi mo." kinurot niya ako sa pisngi.

"Aray ko naman." hinampas ko siya sa balikat, tinawanan niya lang ako bago bumalik sa pag-kain niya. Tinitigan ko siya habang kumakain.

"Matunaw naman ako niyan." natawa ako.

"May iniisip lang ako." huminto siya sa pag-kain tapos tumingin sakin. "Nagkagusto ka ba talaga kay Yuri?" natawa siya.

"Hindi noh." uminom siya nang tubig. "Nagandahan siguro, pero nagkagusto?" umiling siya. "Tinutulungan ko lang si Yena, ang hina kasi eh. Naisip ko paano kaya kung parang maulit yung nangyari dati, ayon selos na selos si loko." natawa siya. "Alam mo pakiramdam ko hindi talaga siya pumunta sa ibang bansa."

"Bakit naman?" umayos siya nang upo.

"Bahay nila papuntang school pa nga lang tinatamad na yun, ibang bansa pa kaya? Tsaka kung pumunta man talaga sa ibang bansa yun hindi pag-aaral ang magiging dahilan." natawa siya. "Plano na nga niyang itanan si Yuri, tapos bigla nalang siyang aalis nang walang paalam?" umiling siya. "May katangahan lang na nagawa yun, kaya ganun." tumango ako.

"What do you think about Yujin and Minijoo's relationship?" tumango siya.

"Gusto mo bang malaman kung anong itsura ni Yujin nung puntahan namin siya sa condo niya?" tumango ako. "Para siyang lantang gulay, hindi niya maigalaw pati yung mga daliri niya." napa-iling siya. "Kung hindi lang siguro umeksena si Gaeun hindi naman maghihiwalay yung dalawa, almost perfect na yung relasyon nila pero syempre mas perfect yung relasyon nila Sian."

"Eh yung sa atin?" ngumiti siya.

"Yung problema natin ngayon? Mild palang yun, marami pang darating sa'ting problema." tumango ako.

"Tingin mo sa kambal?"

"Kapatid." agad na sagot niya, natawa naman ako.

"Anong tingin mo sa magiging relasyon nila." tumango siya.

"Honestly girlfriend material si Hitomi, meron siyang something na kapag nakita mo magugustuhan mo siya." tumango lang ako. "Pero wala akong gusto sakaniya, alam ko yung tumatakbo sa utak mo." natawa naman ako.

"Wala naman akong sinasabi, tuloy mo na." tumango siya.

"Ang magiging problema lang talaga sakanila ni Felix kung sakali? Yung katorpehan ni Felix tapos yung pagkakaroon ni Hitomi ng mindset na hangga't walang sinasabi si Felix hindi siya aasa." tumingin siya sakin. "Si Nako naman, sigurado ako darating na yung taong para talaga sakaniya."

"Sigurdong sigurado ka ah."

"Paniguradong nakita na niya yun." ngumiti ako.

"Manghuhula ka noh?" umiling siya.

"Gwapo lang." natawa ako.

"Eh sila Chaeyeon-unnie?"

"Kilala ko si Kkura, dalawang bagay lang naman kinakatakutan niya sa relasyon nila ni Chaeyeon. Una si Chaeyeon

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Soneforever2
#1
Chapter 13: Hey! Just wanted to say that if you ever decide to translate this story in english tell me. I would like to read it :)