WONHYE IV (Chapter 10)

Stories Untold series (WONHYE IV)
Please Subscribe to read the full chapter

Hyewon's Pov

 

Halos limang buwan na ang nakakalipas pero wala parin akong balita sa mga kaibigan ko, nasa Japan ako ngayon tapos mamaya ang balik ko sa Korea. Hindi naman ako nagtatagal dito pinakamatagal na ata yung tatlong araw tapos babalik narin kagad ako sa Korea, nandun yung alaala namin ni Wonyoung kaya mas gusto ko pang manatili dun kesa dito.

"Good afternoon sir, your flight will be 8pm and your mom wants to see you right now." napabuntong hininga ako at tumingin sa relo ko. *4pm palang naman.* bumaba ako para harapin si mom.

"I promise I just back and fort to Korea and didn't have a chance to meet with them." ngumiti siya.

"You know how I play son." napabuntong hininga ako. "Fix this." kinuha ko yung papel na inaabot niya.

"I didn't nor abduct her." tumawa siya.

"That's why you have to fix it, I will never let you to make another decision. Your not a hero so don't act like one, I know you want her to be safe then do it in a right and fair way." tumayo siya. "Use your mind sometimes, you can also use it when it comes to love." iniwan na niya ako.

"Bro, Wonyoung-unnie is p-"

"Minami come with me!!" napabuntong hininga siya at sumunod kay mom.

Nakatanggap naman ako nang message galing kay Kkura.

Kkura-san001: may plano si Yujin para kay Minjoo ngayon, sama ka?
You: gusto ko pero nasa Japan pa ako
Kkura-san001: tungkol nga pala kay Wonyoung

Hinintay ko pa yung kasunod na sasabihin niya, pero wala naman kaya inayos ko nalang yung mga gamit ko. Nang mag-ala sais na nagpahatid na ako sa airport. 

"Sir do you need anything?" umiling lang ako. "Do you want me to leave now, Sir?"

"Could you please buy me some food and drink first?" tumango siya, agad naman siyang naglakad palayo sakin. *Well, food is not a 'need' that's a 'want'*

Pagbalik niya pinayagan ko na siyang umalis baka marami pang ipapagawa sakaniya sila mom, kasalanan ko nanaman kapag nagpasama pa ako dito. Nanuod nalang muna ako nang mga videos nila Wonyoung, from MVs hanggang sa fanmade videos. Nang marinig ko naman yung flight ko tumayo na ako *Gate 5*

"Bro wait." may humila sakin. "Kanina pa kita tinatawag."

"Minju?" sambit ko, inabot niya yung coat ko.

"Naiwan mo, babalik ka na sa Korea?" tumango ako. "Sabay na tayo." 

"Anu nga palang ginagawa mo dito."

"Meetings, tsaka nagpapalamig din nang ulo." natawa ako.

"Ikaw din galit sakin?" umiling siya.

"Sa ginawa niyo, Wonyoung broke one of our rules. Dalawa na nga lang sinaway niya pa yung isa, hindi lang sa kompanya kundi pati narin sa mga kaibigan niyo." tumango ako.

"Sorry na nga diba."

"Yeah yeah, forgiven. By the way I heard Wonyoung is missing, you're with her?" umiling ako. "Saan naman mapupunta yun? Huwag mong sabihing ako nagsabi sayo ah, malalagot ako sakanila."

"So wala silang balak ipaalam sakin?" 

"Parang ganun na nga, galit parin ata si Yujin." nakapasok na kami sa  eroplano. "Oo nga pala totoo bang hinahanap parin ako ni Chaewon?" natawa ako.

"Magpakilala ka na kasi, sabihin mo na yung lalaking nakikita nila dati, yung Hanz at yung CEO nila iisa." umiling siya.

"Nakakahiya kay Chaewon, mamaya isipin nun patay na patay ako sakaniya." natawa ako.

"Totoo naman diba?." naghiwalay na kami, dahil hindi naman magkatabi yung uupuan namin. *So nawawala siya, kaya nila ako kakasuhan?*

Tumingin ako sa bintana, sa totoo lang hindi ko inaasahan na mahuhuli kami ni Wonyoung nung araw na yun.

[FLASHBACK]

Nagising ako dahil sa malalakas na pagtapik sa braso ko, yung para bang galit.

"Won an-" nagulat ako nang makita ko yung mukha ni Yujin.

"Tayo." pabulong lang yun pero halata sa tono niya yung galit, marahan akong bumangon para hindi magising si Wonyoung.

Hinila niya ako palabas nung mismong kwarto na tinutuluyan ko, paglabas namin nakita ko lahat nang kaibigan namin nandun napayuko nalang ako. *Hindi ko nakitang dadating 'to.*

"Anu yun?" inis na sambit ni Yujin habang nakaturo sa kwarto kung nasaan si Wonyoung.

"Yujin magpapaliwa-" sinuntok niya ako.

"Tinatanong ko kung anu yun?!! Bakit magkasama kayo!!" sinuntok niya ako ulit. "Kayo na ba?!!" tumango ako. "Kailan pa!"

"Six-"

"Months?" umiling ako.

"Six years." tinulak niya ako.

"Tarantado ka!" sinugod niya ako at pinaulanan nang suntok at sapak, kahit na nakahiga na ako tuloy parin siya. "Kapatid ko yun!!" napapikit nalang ako. "Ilang taon akong nagtatanong sayo pero wala ang sagot mo." natigil lang siya nang si Minjoo na yung humila sa kaniya, umupo ako at yumuko.

"Hindi ko naman gustong magtago sayo o sa inyo, nasasaktuhan lang na sa tuwing aamin na kami sa inyo ang daming nangyayari kaya hindi na kami dumadagdag pa." namamanhid na yung buong mukha ko.

"Ang dali lang namang sabihin na may relasyon kayo, edi sana kapag tinatanong ko kayo sinasagot niyo nalang, hindi yung tumatanggi kayo na parang walang pag-asa yung isa't isa sa inyo!! Para naman tayong hindi magkakaibigan?!! Tingin niyo sakin-samin, wala lang hangin lang kami pagdating sa relasyon niyo!!"

"Hindi mo kasi naiintin-"

"Pwes ipa-intindi mo!!" nanatili nalang akong nakayuko nang marinig ko yung pag-bangon ni Wonyoung. "Hindi ko lang basta kaibigan yun!! Kapatid ko yun!!" *Bakit kailangan mong gumising kagad?*. "Ilang beses kitang tinanong!! Hindi ko naman ipagdadamot yung kapatid ko sayo kung talagang mahal mo siya, pero tol sagot mo lang hinihingi ko katotohanan lang yung gusto ko. Tapos anim na taon na kayo?! Hindi lang ako, lahat kami niloko niyo!!" lalapit na sana si Wonyoung sakin nang hilain siya ni Yujin, gusto kong tumayo para pigilan siya. *Pero langya wala akong magawa!* *Biglang nang hina yung tuhod ko.*

"Yujin nasasaktan naman si Wonyoung." awat sakaniya ni Chaeyeon.

"Isa ka pa?! Anu?! Nagtiwala ako sayo, handa pa akong ipagtanggol ka kela mom!! Pero pati ako tinarantado niyo?!" gusto kong hawakan sa binti si Wonyoung para pigilan siyang makisali pero hindi talaga ako makagalaw. "Kahit hindi na sana kapatid, pero sana naman nirespeto niyo ako o kami bilang kaibigan niyo!!" gusto ko nang abutin si Wonyoung dahil baka masaktan na siya ni Yujin.

"Yujin kumalma ka muna." nilapitan siya ni Minjoo.

"Paano?!!" halos mapaatras ako nang sugudin niya ako ulit.

"Yujin anu ba!!" sumasalag ako pero pinipigilan kong bumawi sakaniya.

"Wala kang kwentang kaibigan!!" doon ako nasaktan, gusto ko siyang habulin at magmakaawa sakaniya na huwag ilayo si Wonyoung sakin.

"Nakatira tayo sa iisang bahay, pero wala akong kaalam alam. Parang pinamukha mo sakin na wala akong kwentang tao at hindi ako karapatdapat sa tiwala mo." nagulat ako nang sampalin ni Eunbi si Wonyoung.

"Babe naman." awat sakaniya ni Sian.

"Lagi ko pa siyang pinagkakatiwala sayo, tapos ganito pala gagawin niyo?" *Alam ko, sorry!*

"Samahan niyo nalang muna si Wonyoung sa kwarto niya." si Yena.

"Hindi, hindi ako aalis. Hindi ko iiwan si Hyewon." tumayo ako at lumapit sakaniya. "Won?" ngumiti ako.

"Shh, gwapo parin naman ako diba?" niyakap ko siya. "Sumama ka na muna sakanila, mag-lilinis lang ako." 

"Hindi mo ako iiwan diba?" *Pero kailangan ko.* niyakap ko siya nang mahigpit "Sumagot ka." humiwalay siya sakin. "Hindi mo ako iiwan diba? Hindi ka aalis." hinalikan ko siya sa labi. "Pangako mo hindi ka aalis."

"Hindi nga, sige na sumama ka muna sakanila." agad akong umupo sa sofa at pinunasan yung mukha ko gamit yung damit na suot ko.

"Sumabog na yung bomba." si Chaewon.

"Anong plano mo ngayon?" tumingin ako kay Felix.

"Lumayo kay Wonyoung, ilalayo din naman siya sakin ni Yujin edi uunahan ko na." 

"Hindi ka na lalaban?" si Yena.

"Nangako ako kay Yujin, na kapag nahuli niya kami lalayo ako. Pero ipaglalaban ko parin siya, ngayon pa ba ako susuko kung kailan alam niyo nang lahat."

"Aalis ka na?" si Kkura, tumango ako.

"Mas mabuti nang hindi ako magpaalam, baka masira ko nanaman yung pangako ko kay Yujin." tumayo na ako at pumunta sa banyo, nilinis ko lang yung mukha ko at nilagyan nang bandaid yung mga sugat ko. "Bro." inabot ko  kay Yena yung susi nang kwarto ko. "Bumaba na kayo, mas kailangan kayo dun. Pakisabi nalang kela mom na nagkaroon ako nang emergency, kailangan ko nang umalis." tumango lang silang apat at lumabas na.

[END OF FLASHBACK]

Napatingin ako sa mga pasahero nagbababaan na sila, kaya tumayo na rin ako.

"May susundo ba sayo bro?" umiling ako. "Sabay ka na sakin."

"Kanino ka ba talaga may gusto? Kay Chaewon o sakin?" binatukan niya ako.

"Loko ka ah."

"Pahatid nalang ako sa kompanya ko." tumango siya, sa aming magkakaibigan ako yung pinakamalapit kay Minju madalas kasi kaming dalawa yung magkasama.

Habang nasa biyahe may mga kinukwento pa siyang mga plano para kay Chaewon, bilib naman ako sakaniya dahil kahit na may gusto siya kay Chaewon hindi naman niya pinapabayaan yung iba pang artist niya.

"Tungkol nga pala sa bagong grupo ni Chaewon, kamusta?" napabuntong hininga siya.

"Maganda naman yung performances nila pati yung pakikitungo nila sa isa't isa, ang kaso kahinaan talaga ni Solar at Wheein si Moon Byul. Pagdating sa lalaking yun, parang hindi magkaibigan si Solar at Wheein. Kung pwede ko lang sila bigyan nang tig isang lalaki ginawa ko na, ang kaso pareho silang si Moon Byul ang gusto." natawa naman ako. "Kung hindi ko lang kaibigan si Moon Byul ako na magsasabi sa CEO niya na ipatapon siya sa ibang bansa, nang matahimik yung artist ko."

"Buti walang nagre-reveal nang pagkatao mo." natawa siya.

"Subukan nila, hindi na sila sisikatan nang liwanag." natawa ako.

"Sisikatan nang araw at kukuhain na sila nang liwanag." tinitigan niya ako.

"Kinokotra mo na ako ngayon." napa-iling nalang ako. "Bumaba ka na, sipain pa kita." binuksan ko na yung pinto nang sasakyan niya.

"Salamat." pumasok narin kagad ako sa building ko.

"Sir may naghahanap po sa inyo." tinignan ko yung sekretarya kong mukhang inaabangan talaga ako.

"Anong oras na ah." tumango siya.

"Alam ko po sir, kaya nga po nandito pa ako dahil sa bisita niyo. Sinabihan ko na siyang ipagpabukas yung pakikipagkita sa inyo, pero mapilit talaga siya sir." tinanguan ko nalang siya.

"Umuwi ka narin, anong oras na."

"Sige sir, thank you po." nag-bow na siya at tumakbo palabas ng building.

*Sino naman kaya yun?* pumunta na ako sa palapag nang opisina ko, pagbukas nang pinto ng elevator naglakad na ako sa nagiisang silid sa palapag na 'to.

"Tito?" napalunok ako, umupo ako sa upuan ko at nilapag sa gilid ko yung bag ko. "Anu pong ginagawa niyo dito?"

"Sigurado akong natanggap mo na yung sulat galing sa abogado ko?" tumango ako. "Alam kong wala kang kinalaman sa pagkawala niya, kami lang yung dapat sisihin dun dahil sa pagtrato namin sakaniya." nanatili akong nakatingin kay tito, kahit gusto ko nang humagulgol ngayon. *Mahigpit sila kay Wonyoung, pero alam kong mahal na mahal lang talaga nila si Wonyoung.* *Lalo na si tito na minsan nang nawalan ng anak.*

"Anu po bang maitutulong ko."

"Alam kong malaki ang maitutulong mo, may iniwan siyang sulat samin." may inabot siyang maliit na papel sakin. "Hindi ko pinaalam kay Yujin ang tungkol diyan, lalo na at balak na niyang magpakasal kay Minjoo."

"Tito, sa totoo lang po nagdadalawang isip ako na tumulong. Nangako po kasi ako kay Yujin na kapag nahuli niya kami ni Wonyoung, ako na po mismo ang lalayo sakanila." pinilit kong pig

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Soneforever2
#1
Chapter 13: Hey! Just wanted to say that if you ever decide to translate this story in english tell me. I would like to read it :)