WONHYE IV (Chapter 7)

Stories Untold series (WONHYE IV)
Please Subscribe to read the full chapter

Wonyoung's Pov

 

Mahigit dalawang taon na mula nung maghiwalay sila Nako at yung boyfriend niya, ewan ko ba kung bakit sa tuwing gusto na naming magsabi ni Hyewon kay Yujin may kung anong bigla namang mangyayari *Nung nakaraan kasi na aamin na dapat kami, naghiwalay naman sila ni Minjoo.* at sana sa pagkakataong 'to wala na. Nandito kami ngayon sa photo shoot hinihintay ko lang na matapos si Yujin at Minjoo sa photo shoot nilang dalawa para makausap ko na siya, hindi ko naman maiwasang mapatingin kay Hanz. *Pamilyar talaga siya, nakita ko na siya eh!* *Hindi ko lang talaga alam kung saan.*

"Ayos ka lang?" napatingin ako kay Chaewon.

"Oo, iniisip ko lang kung saan ko nakita si Hanz, pamilyar kasi talaga siya." napatango siya, pareho kaming tumingin kay Hanz. *Tama siya nga!!* *Tumangkad lang siya tapos medyo pumayat din.* "Siya yung la-" napahinto ako nang lumapit si Manager Han samin.

"Wonyoung yung mommy mo kanina pa tumatawag." inabot niya sakin yung cellphone ko, hinila naman niya palayo si Chaewon.

"Hello?"
: Nasaan ba kayong dalawa ni Yujin? Kanina pa ako tumatawag wala man lang sumasagot sa inyo!
"Anu po bang nangyari?"
: Naaksidente yung daddy niyo, pumunta na kayo sa hospital ngayon!!

*Bakit parang kasalanan ko?* *Ako lang yung hindi sumasagot sa tawag niya?* tapos na sila Yujin kaya agad ko siyang tinawag. *Anu bang uunahin ko yung may aaminin kami ni Hyewon o Yung kay dad?!*

"Si dad nasa hospital daw." nagulat siya sa sinabi ko.

"Sa-saan?" tinignan ko naman yung cellphone ko walang text si mom kung saan, wala din siyang sinabi nung sagutin ko yung tawag. "Sige tatawagan ko nalang siya, sabihan mo yung iba kukuhain ko lang yung sasakyan ko." tinanguan ko lang siya at pumunta na sa dressing room namin. *Kakasabi ko lang eh!*

Pagkarating namin sa hospital inaasahan ko na yung sasabihin sakin ni mommy.

"Kasama mo nanaman ba si Hyewon?" napayuko ako.

"Mom?" si Yujin.

"Diba sinabi na naming lumayo ka na sakaniya?!" napakagat ako sa labi ko at pilit na pinigilan yung pagtulo ng luha ko.

"Mom galing kami sa photo shoot, kaya hindi namin nasagot yung tawag mo." napabuntong hininga si Yujin. "At si Hyewon, parte siya nang buhay ng mga kaibigan namin ayaw naman naming lumayo siya pati sakanila." tumayo siya sa pagitan naming dalawa ni mom.

"Kapag nalaman ko lang talagang may relasyon kayong dalawa, magsisisi ka." mabilis kong pinahid yung luha ko.

Nung dumating na yung mga kaibigan namin agad akong nilapitan ni Minjoo, ewan pero kahit na sawang sawa na ako sa mukha niya may impact talaga siya sakin. Kayang kaya niya akong mapatahan at mapakalma, habang naghihintay kami sa labas nang emergency room nakatanggap ako nang text mula kay Hyewon.

From: Won 😍
Won, ayos ka lang?
: Nandito ako sa labas ng hospital

Tinago ko yung cellphone ko at agad na nagpaalam sakanila, agad ko naman siyang nakita na nakaupo sa mismong hood nung sasakyan niya.

"Won." tawag ko sakaniya, tumakbo ako palapit sakaniya.

"Shh, I'm here." niyakap niya ako. "Don't cry."

"Won, bakit lagi nalang nangyayari satin 'to? Gusto lang naman nating maging malaya diba? Bakit kailangan laging may nanagyayaring masama." humagulgol na ako sa dibdib niya.

"Shh, baka hindi pa talaga 'to yung oras." tinignan niya ako sa mukha. "We're going to win this fight, okay? Until we won." ngumiti siya bago ako halikan sa labi. "Huwag ka nang umiyak, babalik ka na ba sa loob? Ihahatid kita." umiling ako.

"Mas mabuti sigurong hindi ka muna makita ni mom, pwede na ba tayong umuwi? Pagod na pagod na talaga ako, gusto ko nang matulog." tumango siya, pumasok na kami sa sasakyan niya.

Habang nasa biyahe kami tinawagan ko si Chaewon para magpaalam na uuwi nalang muna ako.

"Gusto mong samahan muna kita sa loob?" nginitian ko siya, nandito na kami sa tapat nang gate ng apartment building namin.

"Ayos na ako, mag-iingat ka sa pag-uwi mo." yumakap ako sakaniya.

"Ayaw mo ata akong paalisin." natawa siya.

"Ayokong humiwalay pa sayo, bakit kasi hindi tayo maging ganito kahit sa harap lang nang mga kaibigan natin." humiwalay siya sakin.

"Huwag kang mag-alala, basta dadating din tayo dun." ngumiti siya. "Pumasok ka na baka hindi ako makapag-pigil iuwi na kita sa condo ko." natawa ako.

"Willing naman ako, basta hindi mo na ako isusuli." mahigpit niyang hinawakan yung kamay ko at idinikit yun sa dibdib niya.

"Until we won." tinanguan ko siya bago halikan sa pisngi at bumaba na nang sasakyan niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Soneforever2
#1
Chapter 13: Hey! Just wanted to say that if you ever decide to translate this story in english tell me. I would like to read it :)