WONHYE IV (Chapter 3)

Stories Untold series (WONHYE IV)
Please Subscribe to read the full chapter

Wonyoung's Pov

[Dance Competition]

Nasa backstage na kami dito sa auditorium nang university, yung kaba ko hindi mawala wala. Paano ba naman kasi nasa harapan ko yung isa sa mga sikat na grupo ng dancers dito sa lugar namin.

"Sila ba yung Cherry Velvet?" tumingin ako kay Yuri na nasa tabi ko.

"Oo ata?" napakagat ako sa labi ko.

"Aces? Ready na kayo, kayo na next." napatango naman kaming walo.

"Good luck!" sabi nung pinaka matangkad sa cherry velvet.

"Ne, Fighting." yung pinakabata sakanila.

"Good luck." yung pinaka-maganda sakanila, *Lahat naman sila maganda, pero kasi yung ganda niya ibang iba.* tumayo na kami at nag-bow sakanila.

Nang tawagin na nung host yung pangalan ng grupo namin pumunta na kami sa stage, tumahimik naman yung mga estudyanteng nanunuod at biglang nagbulong bulungan.

"Sila ba yung freshmen?"
"Parang hindi naman sila magagaling."
"Sila yung pinakabago sa competition, paano kaya nakapasok sa final five yung mga 'yan?"
"Baka dinaan sa ganda."

Napa-irap nalang ako sa kawalan, sampalin ko kaya kayo isa isa. Nagsimula nang tumugtog yung kantang sasayawin namin (Isipin niyo nalang sasayawin nila yung Pick Me ng PD101 S1)

"Ang galing niyo pala, oo nga pala ako si Park Sooyoung pero Joy nalang." nakipag-kamay siya saming lahat, nasa backstage na kami ngayon.

"Ako nga pala si Kim Yeri, ang gaganda niyo." nakipag-kamay din siya samin.

"Irene." simpleng sambit niya pero nakangiti naman siya bago kami kamayan.

"Unnie kamukha mo yung isang member nila oh." si Yeri-unnie, tinuro niya pa si Eunbi-unnie.

"Hahahahahaha, oo nga noh." nagulat kami sa pagtawa niya, *Tumatawa pala siya at ang ganda niya parin!!!*

"Unnie, yung tawa mo. Para namang hindi ka babae." si Joy-unnie.

"Tumahimik ka, hindi ko talaga alam kung bakit pinasali kita sa grupo namin." biro ni Irene-unnie.

"Duh, obvious naman diba? Kaya tinanggap niyo ako para naman magkaroon nang matangkad sa grupo niyo." natawa si Yeri-unnie sa sinabi ni Joy-unnie.

"Pagbibigyan kita ngayon dahil nasa harap tayo ng kabataan, pero asahan mong pag-uwi natin sa dorm mamaya iiyak ka nanaman." inirapan siya ni Irene-uninie.

"Unnie sorry na." humawak pa si Joy-unnie sa braso ni Irene-uninie.

"Ikaw kasi sasagot ka pa." tawa parin nang tawa si Yeri-unnie.

"Cherry velvet? Next na kayo."

"Ne, sige girls maiwan na muna namin kayo. Tara na Yerimese." naglakad na si Irene-unnie kasama si Yeri-unnie. 

"Grabe, iniwan talaga ako." kumaway pa si Joy-unnie samin bago sumunod sa dalawa.

"Omo, nahawakan ko si Irene-unnie." si Yuri, natawa nalng kami sa itsura niya.

Kilala na namin sila high school palang kami, may mga video kasi silang pinopost habang sumasayaw o kumakanta na talagang nagba-viral. Pero hindi namin alam kung bakit hindi nila tinatanggap yung mga offer sakanila na maging trainee o magdebut, siguro dahil narin sa pag-aaral nila, sa pagkakaalam ko kasi ngayong taon palang yung last year nila sa college. *Sana tanggapin na nila yung alok sakanila, kung sakali.*

Nasa stage na kaming limang grupo para sa announcement nang mananalo, panay naman ang kwentuhan ni Irene-unnie at Eunbi-unnie sa bandang likuran na para bang wala silang pake sa nangyayari sa paligid nila.

"For the winners of this competition, please move forward Cherry Velvet, Aces and New girls." naglakad kami. "The 2nd runner up, give them a round of applause, New girls!" pumalakpak naman kami. *Ibig sabihin may chance kaming maging champion.* "And for our champion." napalunok ako at napapikit. "Cherry Velvet!!" naghiyawan naman lahat nang estudyante.

"Congratulations Unnies." bati namin sakanila.

"Congratulations din." sambit nilang tatlo. *Ayos lang kung 1st runner lang kami, unang beses palang naman 'to.*

"May gusto ba kayong sabihin?" tanong nung host kela Irene-unnie, natawa naman kami nang pinasa niya kay Yeri-unnie yung mic tapos si Yeri-unnie pinasa kay Joy-unnie ipapasa niya pa sana sa kasunod niya pero wala siyang nagawa dahil tatlo lang naman sila sa grupo nila.

"Ahh, maraming salamat sa mga patuloy na sumusuporta samin at hindi namin mapapangako kung makakasayaw pa kami ulit sa intabladong ito, dahil ito na yung huling taon namin dito sa university pero salamat parin sa inyong lahat." kinuha sakaniya ni Irene-unnie yung mic.

"At salamat din dahil sa ilang taon na pagsali namin sa kompetisyon na 'to, ngayon palang kami nagkaroon nang kaibigan sa mga nakalaban namin. Congratulations din sa Aces." nagulat naman kami sa sinabi niya, kaya napa-bow nalang kami.

Pagka-uwi namin sa dorm nandun na sila Sian-oppa, Felix-oppa at nagulat kami dahil kasama nila si Kkura.

"Kkura?" agad namang napa-iyak si Chaeyeon-unnie.

"Hahahahaha, grabe namiss mo ba ako nang sobra?" niyakap niya si Chaeyeon-unnie.

"Hindi mo naman sinabi na uuwi ka na." umiiyak parin siya habang nakayakap kay Kkura.

"Nagsabi ako kela dada niyo nung bisitahin nila ako nung nakaraang buwan, pero ang sabi ko huwag na munang ipaalam sayo." hinalikan niya si unnie sa noo. *Yung mga magulang kasi ni Chaeyeon-unnie yung tumayong guardian para kay Kkura.* *Para naman kahit papaano may makadalaw kay Kkura at mapabalitaan yung mga magulang niya na nasa Japan.*

"Pahabain mo na yung buhok mo, hindi talaga ako natutuwa sa itsura mo." napanguso naman si Kkura sa sinabi ni Chaeyeon-unnie.

"Oo na, mabilis lang namang hahaba yan ulit kakapagupit nga lang niyan nung nakaraang buwan dahil humaba kagad." tinulungan na niya sa pag-aayos nang mga pagkain yung dalawang lalaki.

"Oppa, sikat ka na ngayon ah." tukso ni Chaewon kay Felix-oppa.

"Syempre ako pa ba, tsaka pinalitan ko yung pangalan ko baka kasi may makaalam na konektado ako kela mom." nagkibit balikat siya.

"Bakit bawal ba?" tanong ko.

"Hindi naman, wala naman akong balak na itago. Pero syempre hangga't maaari ayokong madikit o maisunod yung pangalan ko sakanila, pinasok ko 'to dapat itaguyod ko." paliwanag niya, napatango naman kami.

"Ayos na yun, hindi rin naman bagay sayo yung Kim kaya ayos na yung Lee." saad ni Chaewon.

"Kala mo naman bagay sayo yung Kim." natawa nalang kami nang magsimula nanaman sila magbangayan, pumwesto na kami sa sala para makakain.

"Oo nga pala, si Yujin kamusta na dun?" panimula ni Minjoo.

"Ayos naman, siya laging pinaka-maaga tuwing assembly namin wala nang ligo ligo eh mas pinipili niya pang matulog ulit nang ilang minuto kesa maligo." natatawang kwento ni Kkura.

"Loko talaga yun." si Minjoo.

"Eh si Yena?" singit ni Yuri.

"Ayon madalas naloloko dahil sa pangalan niya bakit daw pambabae, kaya nilalaban niyang may girlfriend na daw siya." napatingin naman kami kay Yuri.

"Talaga?" kinikilig na sambit niya, magsasalita na sana ako nang maalala ko wala palang nakakaalam nang nararamdaman ko.

"Pero mas nakakatawa si Hyewon, madalas nagrereklamo yun dahil hindi sapat yung nakakain niya bakit daw ginugutom kami nang ganun. Pero ang totoo siya lang naman kinukulang sa nakakain namin." nakatingin sakin si Kkura, *May alam kaya siya?* nginitian ko nalang siya bilang pasalamat.

Pagkatapos naming kumain lumabas muna ako nang dorm namin at pumunta sa rooftop.

"You missed him?" napangiti ako, *May alam nga siya.* tumingin ako sakaniya.

"So much." ngumiti si Kkura bago tumabi sakin, kasunod niyang umakyat si Chaewon.

"Pwede naman na siguro nating pag-usapan yun diba?" si Chaewon.

"Hmm, ayaw ko sanang sabihin sayo pero mapilit si Hyewon. Gusto ko man na siya mismo ang magsabi sayo, pero ayaw ko rin namang makita siyang nakaluhod sa harap ko at nagmamaka-awa." napatingin ako kay Kkura.

"Nagmamaka-awa? Para saan?" yumuko siya.

"Na ipaalam sayo kung bakit kailangan niya munang lumayo sayo pagka-discharge niya, ayaw niyang mag-taka ka kaya gusto niyang sabihin ko na sayo kagad." tumingin siya sakin. "Yung araw na dumating sayo yung sulat niya, yun din yung araw na sapilitan siyang kinausap nang mga magulang mo." napatingin ako kay Chaewon.

"Alam mo yun?" nagulat siya sa tanong ko.

"Sinabi lang sakin ni Kkura habang paakyat kami, grabe naman kailangan lahat alam ko?  Well, parang ganun na nga pero ngayon ko lang nalaman yung pagdalaw nila kay Hyewon." ngumiti siya.

"Anu namang pinag-usapan nila?" tumingin ako kay Kkura.

"Na layuan ka na niya, kahit ikaw lang. Sinabi pa daw ng mga magulang mo na pwedeng pwede ka nilang ilayo kay Hyewon kung hindi siya ang lalayo sayo, mas pinili naman ni Hyewon na siya ang lumayo kesa malayo ka sa mga kaibigan mo." napabuntong hininga siya. "Natatakot narin si Hyewon sa banta ng daddy mo para sa buhay niya, kaya sana daw kung madischarge na siya huwag mo na muna siyang hanapin sandali lang naman daw siyang mawawala." tumingin siya sa kawalan. "At lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka niya, handa siyang itaya yung buhay niya para sayo pero hindi ngayon na malayo ka sakaniya. Kaya sana huwag kang magalit sakaniya, gusto lang niya na pareho kayong maging ligtas at makita  niyo pa ang isa't isa ."

"Bakit ba kasi galit sila daddy sakaniya, anu bang nagawa niya?!" napatayo ako at inis na napahilamos sa mukha ko. "Ganun ba kalaki yung kasalanan niya?!"

"Wala siyang kasalanan, pero yun yung lumalabas. At hindi lang isa, kundi dalawang beses na nadawit yung pangalan niya." naluluha  akong napatingin kay Kkura.

"Anu ba kasi yun?! Pwede bang sabihin mo na kung anu yung nagawa niya!" tumayo si Chaewon at hinawakan ako sa kamay.

"Kumalma ka, baka hindi pa 'to yung oras." tinignan ko siya.

"Alam mo kung anu yun?!" marahan siyang napatango. "At wala kang balak ipaalam sakin!" marahas kong tinanggal yung kamay niya sa kamay ko.

"Siya lang kasi yung may karapatan na sabihin sayo yun." si Kkura.

"So anu?! Ngayon kailangan ko pa siyang hintayin, mga ilang buwan pa?! Sana sinabi mo nalang yan kapag malapit ko na siyang makita,  para hindi na ako maguluhan!" tumakbo ako palabas nang mismong building ng dorm namin at tumakbo sa kung saan.

Wala akong dala na kahit anu, tanging yung cellphone ko lang na nasa bulsa ko. *Kung minamalas ka nga naman!* tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa mapadpad ako sa Han River. *Sa ngayon ito lang yung pag-asa ko.* *Dito lang ako pwedeng manatili muna para makapag-isip isip.*

"Sabi ko na nga ba, ikaw yung nakita ko." napatingin ako dun sa nagsalita. "Oh, pamunas sa mukha mo." kinuha ko yung panyong inaabot niya.

"Anu namang ginagawa mo dito?" natawa siya.

"Grabe walang galang sa nakakatanda." inirapan ko siya.

"Anu naman pong ginagawa mo dito Minhyung-oppa? Happy?" lalo siyang natawa.

"Nakita kasi kitang tumatakbo kaya sinundan kita." umupo siya sa tabi ko.

"Oo nga, pero anong dahilan mo kung bakit nandito ka?"

"Ahh, si Yurika kasi nag-aaway nanaman kami." napatango ako. "Balak niyang ilayo sakin yung magiging anak namin, pero syempre hindi ako pumayag. Hindi pa nga niya naipapa-nganak ilalayo na niya sakin, ayoko naman nang ganun." tumingin siya sakin. "Ikaw? Dahil kay Hyewon noh?" nagulat ako sa sinabi niya.

"Paano mo nalaman?" napangiti siya.

"Sabihin nalang nating may kapatid akong bibe na hindi matigil yung bibig niya sa kakasalita, kaya alam ko." tumawa siya.

"Alam ni Yena?" tumango siya.

"Naalala mo yung gabi nung araw ng graduation niyo?" tumango ako. "Pauwi na daw kasi siya nun galing sa convenience store, tapos nakita niya daw kayong dalawa ni Hyewon sa harap nang bahay niyo. Nataon namang biglang nagsalita si Hyewon kaya napatago siya sa loob nang bakuran nila Chaeyeon dahil ayaw niyang maka-istorbo, sa pagtatago daw niya nandun din si Kkura." natawa siya. "Narinig nilang dalawa yung pag-amin ni Hyewon sayo, pati narin yung pagtanggi mo sa nararamdaman mo para sakaniya."

"Ayoko naman talagang itanggi, kaso ayoko namang magmukha easy to get." napa-iling siya.

"Sabihin na nating hindi mo nga itinanggi, pero hindi ka parin umamin. Hays, gusto mo bang malaman kung anu yung dahilan nang ikinagagalit nila tito kay Hyewon?" tumitig siya sa kawalan.

"May alam ka?" tumango siya.

"Dalawang pangyayari yun, pero siguro yung sasabihin ko lang yung una kasi si Hyewon dapat gumagawa nito eh."

"Kahit alin dun, basta gusto ko lang makahanap ng sagot." ngumiti siya, sa malayo parin siya nakatingin.

"Naalala mo yung panahon na nakidnap ka?" tumango ako. "Nandun si Hyewon nung mangyari yun, pero sa buong maghapon na lumipas nanahimik lang siya siguro nag-iisip nang gagawin niya. Pero madilim na nun nung malaman nila tito na nakidnap ka, hindi ko alam kung paano pero bigla nalang nawala si Hyewon nun kaya kinailangang maghiwa-hiwalay sila tito para mahanap kayong dalawa." napayuko siya. "Naabutan namin si Hyewon na nakahandusay sa kalsada malapit dun sa bodega kung saan ka dinala nung mga dumukot sayo, punong puno siya nang dugo mula sa ulo hanggang sa uniform niya nauna na siyang dinala ng mga magulang niya sa hospital bago pasukin nila tito yung bodega." napabuntong hininga siya. "Nang mailabas ka na dun sa bodega wala kang ibang sinasabi   kundi 'Hyewon tulungan mo ako', kaya nung magising si Hyewon agad siyang kinausap nila tito. Ang sinabi ni Hyewon sinusundan mo daw siya pero hindi ka niya pinapansin, tapos yung huling narinig niya mula sayo ay yung sinasabi mo nung mailabas ka nila tito sa bodega." napayuko ako.

"Pero hindi totoo yun."

"Alam ko, alam din nung tatlong nakakaalam sa nararamdaman mo para kay Hyewon yun. Kaming apat lang ang nakakaalam nang katotohanan at yung mga kaibigan niyo? Wala silang alam sa mga sinabi ni Hyewon sa mga magulang mo, pero ang gusto lang naman ni Hyewon manatili kang kasama siya, makita ka lang niyang ligtas ayos na siya. Maling paraan nga lang, pero para sayo manhid siya, para sayo hindi na  niya ipaglalaban kung anu ang dapat, kasi para yun sayo." tumingin siya sakin. "Ngayong nasabi ko na yun sayo, ihahatid na kita sa dorm niyo." tumayo na siya.

Habang nasa loob nang sasakyan ni Minhyung-oppa, tahimik lang ako. Siya naman nagpatugtog pa nang nakakalungkot.

"Oppa, pwede bang sa bahay nalang namin tayo dumiretsyo?"

"Kokomprontahin mo na sila?" umiling ako.

"Gusto ko lang dun matulog." sinandal ko yung ulo ko sa bintana, pumikit ako at inalala kung anu ba talaga yung nangyari nung araw na yun.

[FLASHBACK]

Nasa 5th grade na ako nun, habang si Hyewon nasa 7th grade na ganun siya katalino nagawa niyang mag-accelerate sa 7th grade. Magkalapit lang yung school namin pero lagi ko siyang nakikita sa harap nang convenience store habang kumakain, pero hindi pa tapos yung klase nila sa mga oras na yun . Lagi niya rin akong sinasabayan sa paglalakad pauwi kahit na dapat nasa loob siya ng school at nag-aaral, pero sa araw na 'to wala akong Hyewon na nakita kaya nilibot ko pa yung paningin ko pero wala talaga si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Soneforever2
#1
Chapter 13: Hey! Just wanted to say that if you ever decide to translate this story in english tell me. I would like to read it :)