WONHYE IV (Chapter 15)

Stories Untold series (WONHYE IV)
Please Subscribe to read the full chapter

Hyewon's Pov 

Limang taon na ang lumipas mula nung maoperahan ako, tinotoo naman ni Wonyoung yung sinabi niyang tapos na talaga kami. Nagpaparamdam ako na nililigawan ko siya pero wala talaga siyang pake sakin, ngayong araw napag-isip isip kong dapat siguro itodo ko na yung panliligaw ko. Napatingin ako sa relo ko bago bumaba nang sasakyan ko, bago pumasok sa gate nila tito inamoy ko muna yung bulaklak na hawak ko.

"Sana naman magka-lakas na ako ng loob, langya kakasama ko kay Minju nahawa na ako sa katorpehan niya." inayos ko yung t-shirt na suot ko, hindi naman nakasarado yung gate nila tito kaya pumasok na ako. "Umayos ka, kundi sasampalin kita." kumatok na ako sa pintuan nang bahay nila, halos mapaatras naman ako nang si Wonyoung yung nagbukas nung pinto. "Good mor-" sinara niya bigla yung pinto. "Yah~, Sabado ngayon kaya pwede akong pumunta." binuksan niya ulit yung pinto at lalong nagalit.

"Anu naman 'yang dala mo?"

"Bulaklak." inirapan niya ako.

"Para nam-"

"Tita!" pumasok na ako nang pintuan. "Tita, binilhan kita ng bulaklak." inabot ko kay tita yung bulaklak.

"Ngayon ka pa talaga natorpe?" bulong niya.

"Kasi naman tita ang taray taray, natatakot ako." bulong ko pabalik, hinarap ko si Wonyoung. "Si Mina nga pala?" umirap lang siya. "Sungit talaga."

"Hindi nga ako masungit!" binato niya ako ng hawak niyang baso, buti nalang nasalo ko yun.

"Magkakalat ka pa." kinuha ni tita yung baso sakin. "Umakyat ka na sa taas, kagabi ka pa hinihintay yung anak mo." tinanguan ko lang si tita bago tumakbo papunta sa kwarto nilang mag-ina.

"Mina-yah~" tumingin siya sakin sabay irap. "Pati ba naman ikaw iirapan mo ako?" tumabi ako sakaniya sa kama. "Bakit ba mainit ang ulo ng mag-ina ko?"

"Sabi mo tatawag ka kagabi?" natawa naman ako.

"Tumawag ako, naka-usap ko pa nga yung mommy mo. Sabi niya maaga ka daw natulog, kaya hindi na kita naka-usap kagabi." ngumuso siya.

"Sabi niya kasi dapat maaga ako matulog para pumunta ka ngayon." tumango ako.

"Nandito naman na ako, bakit ka pa masungit?" tumingin siya sakin.

"Kasi nga hindi ka tumawag nang maaga!" natawa ako.

"Ang baby ko talaga manang mana kay mommy, gusto mong sumama sakin?" niyakap ko siya.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa bahay natin, may mga pusa akong madami sa bahay." nanlaki naman yung mga mata niya.

"Gusto ko din nang pusa, kaso lang diba daddy may sakit ako? Hindi ba ako aatakihin?" umiling ako.

"Anu sama ka?" tumango siya. "Tatawagin ko lang si mommy mo." iniwan ko na muna siya at bumaba, nasa kusina si Wonyoung at inaayos yung mga pagkain nila para sa umaga na 'to.

"Uuwi ka na?" natawa ako.

"Agad agad? Hinahanap ka ni Mina, ako nang bahala diyan." napabuntong hininga siya.

"Anu nanamang inutos mo sa anak mo?" umiling ako.

"Hindi ko naman siya inuutusan ah." inirapan niya lang ako bago lumabas nang kusina, tinuloy ko yung ginagawa niya tsaka inihain yun.

"Dito ka kakain?" si tito.

"Kung pwede po sana." natawa sila.

"Buti pumayag si Wonyoung." saad ni tito.

"Hindi naman po ako nagpa-alam sakaniya, tsaka wala naman pong masama kung makikain po ako diba?" tumango naman sila.

"Anu bang plano niyo ni Kkura? Kayo nalang ang hinihintay naming ikasal." si tita.

"Naghihintay lang naman po ako ng bride, si Kkura naman ewan ko po dun magulo ang utak nun." natawa sila, sasandok narin sana ako ng pagkain nang hilain ni Mina yung laylayan nang damit ko.

"Tawag ka ni mommy sa taas." tumango ako at tumayo.

"Umupo ka na dito, kumain ka na ah." tumango lang siya nang iupo ko siya sa inuupuan ko kanina, napahawak nalang ako sa dibdib ko habang paakyat sa taas.

"Bakit mo naman siya dadalhin sa bahay mo?" kumunot yung noo ko.

"Bahay namin yun, kaya pwede ko siyang isama doon." napabuntong hininga siya.

"Paano kung hindi mo siya mabantayan? Paano kung lumabas siya nang hindi mo nalalaman?" napangiti ako.

"Saglit lang naman kami, tsaka hindi naman siya makakalabas dun basta basta." umiling siya. "Won? Tingin mo ba hindi ko siya kayang alagaan? Siguro noon napabayaan kita, pero pinapangako ko hindi mangyayari sakaniya yung nangyari sayo noon." napabuntong hininga ako. "Wala ka bang tiwala sakin?"

"Ayoko lang na mawala siya sa paningin ko." natawa ako.

"Simple lang naman sagot diyan, edi sumama ka samin." nginitian ko siya, agad naman siyang umiling. "Oksie, basta isasama ko si Mina." tumalikod na ako.

"Sandali." hinintay ko lang yung sasabihin niya. "Ibabalik mo pa siya sakin, diba? Hindi mo naman siya ilalayo sakin?" hinarap ko siya at nilapitan.

"Bakit ko naman gagawin yun?" nginitian ko siya. "Sa ating dalawa ikaw ang mas may karapatan sakaniya, kaya dapat ko lang siyang ibalik sayo." hinalikan ko siya sa noo. "Bumaba na tayo, masamang pinaghihintay yung pagkain." nauna na akong bumaba sakaniya.

Habang kumakain kami panay ang kwento ni Mina tungkol sa school niya, dahil nga minsan ko lang siya nakakasama mas pinili ko nalang makinig sakaniya kesa tanungin siya nang kung anu ano. Pagkatapos naman naming kumain nagpahinga muna ako habang si Mina inayusan ni Wonyoung.

"Saan naman ang lakad niyo?" si tita.

"May plano po kasi kaming magkakaibigan para kay Wonyoung." tumango sila ni tito. "At gusto ko rin po sanang itanong sa inyo kung pwede ko na po bang pakasalan si Wonyoung." natawa si tito.

"Hindi mo na dapat na ipagpaalam yun." saad niya.

"May gagawin ba kami?" si tita, lumapit naman ako sakanila at binulong yung dapat nilang gawin. "Bale pupunta si Yujin dito?" tumango ako.

"Yun na po yung hudyat na magsisimula na po yung plano namin." tumango silang dalawa.

"Daddy tara na." natawa naman ako sa dala ni Wonyoung. 

"Anu yan?"  tanong ko, tumayo ako at lumapit sakanila.

"Maleta." natawa ako.

"Alam ko, pero para saan?" napabuntong hininga siya.

"I will let her to stay with you for a week." napangiti ako bago umiling.

"One day is enough, tsaka promise babalik din kami mamayang gabi." hinalikan ko siya sa noo. "Don't worry too much." tumingin na ako kela tito. "Alis na po kami, Mina say goodbye na."

"Bye po." lumapit siya kela tito at humalik, palabas na kami ni Mina nang magsalita si Wonyoung. 

"Won?" *Finally, tinawag niya ulit ako nang ganun* nilingon ko siya. "Ingat kayo." tumango ako.

"Kiss your mommy muna." utos ko kay Mina, lumapit naman sakaniya yung anak namin at hinalikan siya. "Give me your backpack." saad ko, inabot naman sakin ni Mina yung bag niyang maliit n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Soneforever2
#1
Chapter 13: Hey! Just wanted to say that if you ever decide to translate this story in english tell me. I would like to read it :)