WONHYE IV (Chapter 1)

Stories Untold series (WONHYE IV)
Please Subscribe to read the full chapter

Wonyoung's Pov

*Anu bang pakiramdam nang mahalin? 🤔* *Nakakaasar lang kasi itong lalaking gusto ko may gusto nanamang iba, bakit lagi nalang?!*

"Una yung Gaeun na yun, tapos nakakainis yung parang nagkagusto talaga siya kay Yuri. Well hindi naman ako sigurado kung may gusto talaga siya kay Hitomi, pero nakakainis parin." tumingin ako sa salamin. "Maganda ka naman, bakit hindi ka niya makita bilang babae?" sambit ko sa repleksyon ko. "Kulang pa ba? Edi mag make-up pa!" tumingin ako sa orasan bago dinagdagan yung make up na nasa mukha ko. "Kailangan ko pa bang magmukhang cake sa harap mo para lang magustuhan mo ako?" inis kong nilapag yung mga gamit ko sa pagme-make up. *Naiinis talaga ako sa ginawa niya kagabi!* *Nakakabastos lang na sa tuwing nagsasalita ako at kakausapin siya, hindi niya ako pinapansin!* tumayo na ako at sa bintana nang kwarto ko dumaan. *Lagi ko namang ginagawa 'to sa tuwing mag-aaya akong kumain sa labas kasama siya!* *Siya at siya lang!!*

Maglalakad nalang ako papunta sa school wala akong gana na sumabay kela mom at dad, baka lalo lang akong mawala sa mood. Dama ko naman yung tinginan nang mga taong madadaanan ko, pero sa ngayon wala akong pake sakanila ang gusto ko lang makarating na sa school at makasurvive sa graduation ceremony na wala akong nararamdamang sakit. Para namang nagkasakit yung mga kaibigan ko at panay ang tawag at text nila sakin.

From: Chaewon 💚
           Hoy girl, nasaan ka na daw?! Galit na si papshie Yujin, kasama mo daw ba si Hyewon?

Yung text lang niya yung binasa ko, pero mali ata na binasa ko yung text niya. *Well, sana nga kasama ko siya ngayon!* *Pero nakakainis siya! Sobra!!*

"Saan naman pupunta 'tong mokong na 'to?" bulong ko nang makita siyang tumatakbo. *Sino pa ba? Edi si Hyewon!* napa-irap nalang ako at tumuloy sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa school namin.

Kabilaan naman ang pagkamusta sakin nang mga hindi ko kilaang nilalang, sorry pero wala talaga ako sa mood. Hindi ako mataray pwede ba, wala lang talaga ako sa mood.

Nang makita ko yung mga kaibigan ko naglakad na ako palapit sakanila, at alam kong ginawa kong runway yung field nang school namin papalapit sakanila.

"Hindi ka naman nagsabi na may pa-fashion show pala, edi sana sumali kami." natatawang sabi ni Chaewon.

"Do I look better." nagkatinginan silang lahat dahil sa sinabi ko.

"Girl, may amats ka?" si Nako.

"I just want to look better." naghanap ako nang pwedeng maupuan.

"You always look better." takang sambit ni Hitomi. *Yeah I now, but not for him.*

Nang matapos na yung graduation ceremony namin, may papicture taking si mayor Minhyung. Gusto ko sanang magpapicture kasama siya pero naisip kong huwag nalang, maissue pa namang yung kapatid ko lalong lalo na sila mom. Nagpunta kaming magkakaibigan sa videoke rental room, tulala lang ako at walang gana. Sasagot kung kakausapin pero madalas umiiling o tumatango lang ako.

"I'm just not in the mood, mag-enjoy lang kayo." sambit ko nang lahat sila nakatingin sakin at nag-aalala. "Ayos lang ako promise." bumaik nalang sila sa pagsasaya nila at hindi na ako pinansin.

Nang makauwi naman na kami ni Yujin at nasa hapagkainan na kamin tuloy lang sa pagpapayo at pagpapaalala sila mom nang makatanggap ako nang text mula kay Hyewon.

From: Kwangbae 💘
Yah~ don't eat to much, I prepare something for you. 7pm same place, see you.

"Nakalimutan mo na ba yung rules natin?" napatingin ako kay mom.

"I'm sorry, akala ko po kasi importante galing lang po pala kay Chaewon." tumango siya, tinago ko na yung cellphone ko.

"Bukas na yung enlistment ni Hyewon at Kkura diba?" si mom, nakikinig lang ako sakanila habang nakatingin sa pagkain ko.

"Hmm, hahatid nga namin sila bukas." sagot ni Yujin.

"I hope Hyewon really change after his service, I really like that boy. But things he did before, change my mind a lot." napakagat nalang ako sa labi ko nang sabihin yun ni dad. *Anu ba kasing nagawa ni Hyewon?* *Si Yujin din naman nakikipag-away ah, pati yung dalawa pang lalaki?* *Bakit si Hyewon lang lagi?*

"Wala ka bang balak galawin 'yang pagkain mo?" si mom.

"Busog pa po ako." pinigilan ko yung luha ko, pero wala tumulo parin sila.  *Bakit parang ang unfair ng mundo kay Hyewon!* *Ang unfair sa aming dalawa.*

"Uy ayos ka lang?" si Yujin, agad naman akong umiling.

"Pagod lang ako."  sinubukan kong kumain, *Ganito pala pakiramdam na tutol yung pamilya mo sa lalaking gusto mo.* *Nakakainis!*

"Saan ka ba galing kanina, wala ka daw dito sa bahay? Kasama mo ba si Hyewon." tumingin ako kay Yujin nang sabihin niya yun.

"Naglakad lang ako, panigurado kasing hindi na ako ulit makakalakad sa daan na yun. At si Hyewon, anu bang iniisip mo para sabihin na kasama ko siya? Nakita mo ba kung paano niya ako iwasan kagabi?" hindi ko maiwasan na pumiyok sa pagsasalita dahil sa pag-iyak ko. "Ganun na ba talaga kami ka close para isipin niyo na pati sa pagpunta sa school kasama ko siya? Ang layo nang bahay niya dito sa bahay natin, mas maiisip ko pa ngang si Yuri yung kasama niya." napayuko ako. *Bakit ngayon pa namin pinag-usapan 'to?!* naalala ko nanaman tuloy yung eksena nila sa harap nang bahay nila  Hyewon.

"Nagtatanong lang naman ako, bakit ka umiiyak?" sinamaan ko siya ng tingin.

"Ewan ko sayo." tumayo na ako tsaka tumakbo papunta sa kwarto ko. *Anong oras na ba?* "Buti pa si Kkura ayos na sila ni Chaeyeon-unnie, si Yujin naman sila na ni Minjoo. Tapos si Yena may Yuri na inaasahan, paano naman kami ni Hyewon?!" kinuha ko yung cellphone ko.

To: Kwangbae 💘
        Baka hindi ako makapunta, masakit yung ulo ko.

Pumikit na ako at pinilit na matulog, nang tumunog yung cellphone ko.

From: Kwangbae 💘
Sige, pahinga ka na.
:Kita nalang tayo bukas?
:Sasama ka ba sa paghatid samin?
:Baka hindi, sige matulog ka na.
:Goodnight.
:Inom ka narin ng gamot.
:Text mo nalang ako bukas pagkagising mo.

"'Yan, ganiyan ka sunod sunod kung magtext kapag alam mong makakapunta talaga ako."

To: Kwangbae 💘
Pwede 7:30?
:Isang oras pa naman.

From: Kwangbae 💘
Oo naman, basta hintayin kita 😊

Bumangon ako at pumasok sa banyo, *Anu naman kaya hinanda nito?* tumagal ako nang kalahating oras sa pag-aayos nang sarili ko at syempre sa bintana ang daan ko. Pagkarating ko sa playground kung saan kami nagkikita tuwing ginugutom kami, agad ko naman siyang nakita. Hindi lang siya yung tao dun, pero kilalang kilala ko na yung pustura niya kaya alam kong siya yun.

"Sorry, sumakit talaga yung ulo ko." tumabi ako sakaniya.

"Ayos lang, alam ko namang dadating ka." kita ko sa mga mata niya na naiiyak siya.

"Huwag kang umiyak, iiwan kita dito." natawa siya.

"Kaya mo pa bang maglakad?" nagtaka ako sa tanong niya.

"Oo naman, bakit malayo ba yung pupuntahan natin?" ngimiti siya.

"Medyo." tumayo siya. "Tara na." nilahad niya yung kamay niya, tumingin naman ako sa paligid namin. *Baka kasi may makakilala samin.* "Ayaw mo ba nang kaliwang kamay? Sige ito kanang kamay ko." natatawa akong humawak sa kamay niya at tumayo. "Nilalamig ka?" umiling naman ako. "Okay." nagulat ako nang ilagay niya sa leeg ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Soneforever2
#1
Chapter 13: Hey! Just wanted to say that if you ever decide to translate this story in english tell me. I would like to read it :)