WONHYE IV (Chapter 16)

Stories Untold series (WONHYE IV)
Please Subscribe to read the full chapter

Hyewon's Pov

 

[Three Years Later]

Nagpakasal kami ni Wonyoung bago pa mag anim na taong gulang si Mina at ngayong araw na 'to hindi ko alam na ganito pala yung pakiramdam, ganito pala yung pakiramdam kapag yung asawa mo manganganak na. Yung puso ko halos malaglag na sa kaba tapos yung pawis ko hindi lang basta pawis.

"Malapit na tayo." yun yung pauli-ulit na sinasabi ko kay Wonyoung.

"Tol, kakasabi mo niyan mamaya ako masisi nang asawa mo." si Sian na nasa driver's seat.

"Sabihin mo nalang kung nasaang lugar tayo para alam niya rin kung malayo pa ba tayo o malapit na." si Chaewon na nasa passenger's seat.

"Pwede ba! Kinakabahan na nga ako dito kung anu ano pang sinasabi niyo."

"Pinapakalma ka lang eh." si Chaewon.

"Malayo pa ba? Ayokong sa pangalawang pagkakataon sa sasakyan nanaman ako manganganak." hirap na hirap na si Wonyoung.

"Humawak ka nalang sakin." sambit ko, napatingin naman sakin si Chaewon. "Ganiyan talaga kahigpit?" natawa lang yung dalawang nasa unahan.

"Nandito na tayo." tinulungan ko naman na makababa si Wonyoung hanggang sa makahiga siya sa stretcher.

Habang naghihintay kami sa tapat nang delivery room may kiniwento si Chaewon, na nung manganak daw si Wonyoung kay Mina hindi daw siya sa delivery room dinala dahil nataong may pasyente sa ICU.

"Siya palang nakaranas nun." si Sian.

"Oo nga noh, lahat nang buntis na nasamahan ko sa delivery room dinala." si Chaewon.

"Yung ama nung bata?" agad akong lumapit dun sa doktor. "Healthy naman yung bata walang naging problema sakaniya, hihintayin nalang ninyo yung results para sa new born test niya tapos makakauwi na kayo."

"Eh yung asawa ko po?" ngumiti siya

"Nasa loob pa, maghintay nalang kayo nang ilang minuto dadalhin narin siya sa sarili niyang kwarto." tumango nalang ako at nag-pasalamat sakaniya.

"Papunta na raw yung iba, yung mga lalaki nalang daw ang maiiwan para sa mga bata." sambit ni Sian.

"Buti naman at hindi ka nawala, matutuwa yun." si Chaewon.

"Huwag mo na ngang ipaalala, may iniwan na ngang lamat sa katawan ko ipapaalala mo pa." natawa silang dalawa.

Sakto namang pagdating ng mga kaibigan namin nailipat na si Wonyoung ng kwarto, sila Minjoo, Yuri, Chaeyeon at yung kambal naka upo sa sofa, habang si Eunbi naka-upo sa upuang nasa gilid nang kama ni Wonyoung tapos si Chaewon naka-upo din sa sahig katabi namin ni Sian.

"Anu ba 'yang hawak mo? Test paper?" si Sian.

"Pinafifill-upan." tumango silang dalawa.

"Bakit hindi mo pa sulatan nang mabigay mo na yan sa nurse station." saad ni Chaewon.

"Wala pa kasi akong naiisip na pangalan nung bata." napakamot ako sa ulo ko.

"Hayaan mo na si Wonyoung diyan." tinignan ko si Chaewon.

"Ayoko nga, tapos Ahn nanaman ipapangalan niya sa anak ko." natawa siya.

"Kesa naman mag-isip ka pa, malay mo naman meron na siyang pangalan para sa anak niyo." saad ni Sian, tumayo ako at lumapit sa mga kaibigan naming babae na nasa sofa.

"May alam ba kayong pwedeng ipangalan sa bata? Yung pang-center sana na posisyon." natawa sila.

"Hindi niyo pa ba pinag-uusapan yan?" si Hitomi, umiling ako.

"Somi." sambit ni Eunbi. "Kang Somi."

"Tsk, ang talino talaga ng babe ko." si Sian, inirapan siya ni Eunbi.

"Yun yung sabi ni Wonyoung, kung sakali daw mawala kayong tatlong kasama niya sa katinuan. Nagmamakaawa siyang yun yung ipangalan sa anak niyo, lalo na dahil sa katangahan daw ni Chaewon nung kay Mina." paliwanag niya.

"Akala ko ba si Wonyoung nagsabi sayo nun?" natawa si Chaewon.

"Syempre kapag sinabi kong si Wonyoung hindi ka magagalit, oh diba tumagal pa ng walong taon yung buhay ko." nakipag-apir pa siya kay Sian.

"Hindi mo ba alam kung gaano kahirap mapapalitan ng Kang yung Ahn sa birth certificate niya?" napakamot siya sa ulo niya.

"Pasensya na nga, wala lang ako sa sarili ko nun tapos badtrip pa ako sayo." natatawang saad niya, sinulat ko nalang dun sa pangalan nung bata yung 'Kang Somi'

"Dadalhin ko lang 'to sa nurse station." tumango lang sila.

Pagkabigay ko nun sa nurse station naisipan ko narin na bumili nang makakain namin, nakakahiya naman kasi sa mga kaibigan namin baka hindi pa sila nanananghalian. Sakto namang papalabas na ko nang restaurant na pinagbilihan ko nang pagkain, nakasalubong ko si Gaeun kasama yung anak niya ata. Hindi ko nalang siya pinansin kita ko namang kasunod niya yung asawa niya na siyang pumalo sa batok ko nang baseball bat, napa-iling nalang ako.

"Bro sandali." hinawakan niya ako sa braso. "May problema ka ba sakin? Ang sama mong makatingin ah." kinunutan ko siya ng noo.

"Ako?" natawa siya.

"Bro kung naghahanap ka nang gulo huwag dito sa restaurant ko." napatingin ako dun sa lalaking humawak sa braso nung asawa ni Gaeun. "Tumuloy nalang kayo kung kakain kayo." dagdag ni Hanz, binitawan ako nung asawa ni Gaeun.

"Akala ko kasi may problema ka."

"Hindi nga kita kilala." naglakad na ako, sumunod naman sakin si Hanz. "Anong ginagawa mo dito?"

"Namiss ko lang kayo, tsaka dinalaw ko din 'tong restaurant ko." tumango ako.

"Gusto mong sumama? Nasa loob din si Chaewon." natawa siya.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Soneforever2
#1
Chapter 13: Hey! Just wanted to say that if you ever decide to translate this story in english tell me. I would like to read it :)